Jelna’s POV I was awakened by a knock on the door. Saglit pa akong natigilan at tiningnan ang paligid ko. Wala nga pala ako sa bahay ni Nate. Pagbukas ko ng pinto, isang lalaking nakangiti ang nabungaran ko. Pansin ko agad ang pagkakahawig namin. Marahil ito ay si JB. “Ate, ito pala yung pandagdag sa igo-igrocery mo mamaya,” saad niya at iniabot ang isang libong piso. I looked at the money with a creased forehead. Ano namang mabibili ng isang libo? “Pasensya ka na ate, ha. Binigyan ko kasi sila kuya Bert ng limang daan dahil wala na daw silang maisasaing. Binigyan ko rin si Nanay ng isang libo. Halos isang libo na nga lang ang naiwan sa akin.” Paliwanag niya na mas lalong nakapagkunot sa akin. Ang alam ko nagtatrabaho siya sa isang candy factory. I started calculating on my mind. Kun

