Kanina pa paruo’t parito si Aniah sa kanyang silid. Nag iisip, naruong uupo sya sa may side table nya na kung san naka lagak ang laptop na nakabukas, binabas nya uli ang mga pinadala nong attorney nya na mga replica ng mga titulo na pinagawa nya dito. Nasa kanya ang totoong document, at tinago nya ito sa isang lugar na walang nakakaalam. Kailangan nya ang replica ng documento, yong tipong di mag hihinala si Don Alfonso Ardiente na totoo ito, magagamit nya ito sa tamang panahon, panahon na kung saan mag tutuos na sila ng mga Ardiente.
Pero ang nag papagulo sa kanyang isipan ngayon ay si Raziel, anong hakbang ba ang gagawin nya para mapalapit ang lalaki sa kanya na di maghihinala? Pag naging Mabuti ang pakikitungo nya ngayon sa lalaki ay agad itong mag iisip at maaring mabuko pa sya, si Raziel ang tipo ng taong di mo mapaglihiman. Sa talino at listo nito sa pag-iisip malamang walang makakapangluko dito.
“Gooossshhh! Ano ba! Utak gumana ka naman ngayon!” napapikit ang matang ika ni Aniah, habang pabalik-balik na sa kakalakad. “Aniah, you must think…..thinkkkk…hinde pwedeng wala kang maiisip na paraan! you need to fucos girl!” aning dalaga sa sarile.
She’s too determined and grieving to avenge her family, at masyado nang matagal ang panahon para pahabain pa nya ang hustisyang kinakailangan ng kanyang pamilya, walang gabing di nya napapanaginipan ang kanyang kuya Aurello, ang malungkot nitong pagmumukhang may luha sa mga matang naka tunghay sa kanya. Yon ang nag papahirap ng subra sa kaluoban nya, na dalawampung taon na nyang dinadala. Ang pagluha ni Adelle, ang huling mga ngiti ni Axiel habang nakatingen sa kanya na tila inaabot ang mga kamay nya, na kahit anong pilit nyang abutin ay tila palayo ito ng palayo sa kanya.
Napaupo sa kama nya si Aniah, sinubsob ang mukha sa mga palad nito, at marahang humikbi. Subrang na miss na nya ang mga ito ng subra. Kaya mabigat sa dibdib nyang di man lang ito madalaw sa mga puntod nila. Sa ganon syang posisyon ng tumunog ang telepono ni Aniah. Suminghot-singhot sya ng marahan para alisin ang bumabara sa kanyang ilong. Kinuha ang telepono at sinino ang tumawag, nakarehistro sa screen nya ang pangalan ni Geselle. Agad nyang sinagot ito.
“Hello!” Ani Aniah
“Ok ka lang ba Aniah? Umiiyak ka na naman ba?” tila nahulaan ni Geselle ang nangyari sa kaibigan. "Aniah, you must be strong, lalo na ngayon, palapit ng palapit na ang mga taong dapat na magbayad sa pamilya nyo. Don't cloud your self with too much emotions, focus ka lang!" dugtong turan nito.
Tila natahimik ng bahagya si Aniah. Kahit kilan talaga ang lakas ng intuition ng kaibigan nyang ito. Ni hinde nya ito kayang paglihiman. Naikwento na nya lahat dito at pagkakilala nila Raziel, kung pano sila nagkatagpo. Wala syang inilihim dito. Kasi ito lang ang tanging nakaka alam ng lahat lahat, kaya naman if possible ayaw nya talaga magsinungaling dito. dahil tanging ito lamang ang karamay nya sa lahat sa ngayon. ayaw nyang isabak ang pamilya na pwedeng ikakapahamak ng mga ito.
“Geselle, I’ve been thinking. I need to get closer to him. I need to find a way to make him trust me, so I can uncover the truth about everything that happened to my family, using him.” Determinadong saad ni Aniah
“Sure ka ba dito Aniah? It could be too dangerous, lalo na kung malaman ng mga Ardiente at malaman ni Raziel na ginagamit mo sya” puno ng pag-alala ang boses ni Geselle para sa kaibigan. tila napaisip naman ito sa sinabe ng kaibigan.
“I know! But I can’t just sit here and wait more year’s para maisakatuparan ko ang lahat, andito na Geselle, mas Madali na kung gagamitin ko si Raziel. I need to end this and maibalik ko ang Nawala sa pamilya ko lalo na ang hustisya. Wala nang ibang paraan. at pa mas mapadali kong maisakatuparan ang lahat Geselle, ito na talaga yon.” Paliwanag ni Aniah sa kaibigan.
Napabuntonghininga si Geselle sa kabilang linya. At maya lang nagsalitang muli si Aniah.
“mula nang malaman ko ang ugnayan ni Raziel sa mg Ardiente, I’ve started researching his interests and hobbies. It turns out his a big fun of investing properties, so I decided to sale a little part of Isla Pueblo, ng sa ganoon ay mas mapadali ang pagkuha ko ng attention nya at mas mapalapit pa ako sa mga Ardiente at muling maka apak sa isla ng di mamalayan ng mga Ardiente dahil makakasama ko nyan tyak si Raziel kung sakaling bibilhin nya ang property na iyon, pero ang part na ibibigay ko ay yong part na nabili ko sa nayon na kung saan ay di pa pag-aari ng pamilya namin na kinamkam ng mga Ardiente.” Paliwanag ni Aniah sa kaibigan.
“That’s a bold move Aniah! But I understand your determination,di ba masyadong risky yon? but I can't hold you for what you think is the best way para makuha mo si Raziel. just promise me you’ll be careful. take extra precaution lalo na kung nasa Isla Pueblo ka na.” Ani Geselle.
“I Promise, I won’t take unnecessary risks if it isn’t needed. I’ll be cautious every step of the way.” Ani Aniah na naka ngiting pilit. “Maybe I can strike up a conversation and get to know him better. I’ll also reach out to some mutual acquaintances to see if they can help me to get closer to him.” Dugtong na sabi ni Aniah.
“Pwede, Magandang plano din yan. Remember Aniah, don’t let your emotions cloud your judgement, focused on your goal. And if your heart would betray you at mahuhulog kang talaga sa kanya ay wag mo namang sikilin bff, malay mo sya yong maging dahilan ng pagbabago ng tingen mo sa mundo!” sagot naman ni Geselle.
“I won’t forget that, Geselle. But falling for him? Ewan….di siguro….depende? di ako pwedeng mahulog not now! not until I avenge them.” gulong sagot ni Aniah.
“Basta Aniah, I’m here for you, every step of the way. You’re not alone in this, basta tawagan mo agad ako ha?” ani Geselle.
“Thank you bff, your support means the world to me!” taos sa pusong saad ni Aniah sa kaibigan. "And thank you for being there since I needed someone to be with. I owe you a lot" dugtong na ika nya.
“No Worries bff! basta pag need mo ko, I'll be always be there and a call away para damayan at samahan ka! Oh sya, malalim na ang gabi, magpahinga ka na! at tyak kailanganin mo ang lakas at ganda para mabitag mo si Raziel!” suhestyon ni Geselle. “Tama na yang iyak mo dyan ha? Pahinga ka na!” pagtatapos na ika ni Geselle sa kaibigan.
Tumango na tila nakikita ng kaibigan ang sinagot ni Aniah. Ibinaba na nya ang telepono ng tumahimik na ang nasa kabilang linya. Inilapag nya ito sa tabi ng laptop nya, muli nyang ginalaw ang mouse ng laptop at lumabas ang natitirang picture nang kanyang pamilya. may pait ang mga ngiti ni Aniah habang hinahaplos ang screen ng laptop.
"Malapit na Mama, Papa, kuya, Axiel at Adelle! Malapit nyo nang makuha ang hustisya. malapit ko na din kayong madadalaw. magkikita tayong muli....mahal na mahal ko kayo, at lagi ko kayong kasama dito sa puso ko!” Bulong na saad ni Aniah. at ramdam na ramdam nya ang pangungulila sa mga ito. subrang hirap pa din sa kanya ang pagkawala ng mga ito. pero sinusumpa nyang ibibigay sa mga ito ang hustisya at ang pangalang ninakaw ng mga Ardiente.
Napabuntong hininga sya nang malalim at pinagpasya nang patayin ang laptop. Mga ilang minuto lang nang ma off ang laptop nya ay kinuha nya ito at dinala sa may dingding na may naka frame na picture nya. inangat nya ang frame at may pinindot dito, isang sekretong taguan ng safe pala ang andon. Pinasok nya ang laptop doon at sinarang pabalik ng ma secure na nakalagay sa luob na ang laptop nya. muling binalik ang frame sa pagkasabit. Ng maayos na ay tinungo naman nya ang dresser nya at inilabas ang isa pang laptop at inilagay ito sa side table nya.
Tinungo nya ang shower room balak nyang magshower muna bago matulog. Ng makuha ang kailanganin ay tinungo na nya ang bathroom at magshower.
Sa kabilang ibayo naman ay naka upo paharap ng dagat ang isang lalaki. Tinanaw nito ang tahimik at tila malungkot na gabing bumabalot sa karagatan. Ng biglang bumukas ang pintuan ng silid. Lumuwa dito ang isang matangkad na bodyguard na naka kulay itim na uniporme.
“Sir, na kumpirma ko na po ang ibinalita ng imporpante sa atin. Totoo nga pong sinugod ni Maureen ang opisina nila Ma’am Celestine.” Pag rereport nito sa amo nya.
“Nakita ba nya si Amelie Celestine? Nagkaharap ba ng tuloyan ang dalawa? may masama bang ginawa ang Maureen na yan sa anak ko?” sunod-sunod na tanong nito.
“Hinde po sir, mukang mailap po si Ma’am Celestine, yong kaibigan nya pong si Geselle ang nag font muli, gaya po nong una nating attempt na makita sana si Ma’am. Ganong-ganon po uli ang ipinakita nila.pero sabi ng impormante natin na nakita nyang naka park sa mas malayo sa opisina nila si ma'am Amelie.” Sagot nitong muli.
“Mabuti kung ganon, masyado pang maaga para lumantad ang anak ko.! Di pa napapanahong magtagpo ang landas ng mga ito. Sige, basta iutos mo pa din sa kanilang subaybayan at bantayan nilang maigi ang anak ko, wag nilang hayaang makalapit muli ang mga Ardiente sa kanya at baka gawan nila uli ito ng di Maganda!” utos nito sa tauhan.
“Yes, sir, masusunod po. Papadoblehen ko na din ang bantay kay mam Celestine.” Paniniguradong saad nito.
Tumango na ang boss na sinasabe nito, agad namang umalis ito at ipininid ang pinto ng silid. Ihinalukipkip naman nito ang sarile sa robang suot, nang maramdaman ang malamig na ihip ng hangin na nagmumula sa labas. Bahagya kasing nakabukas ang isang bintana nito. Tinungo nito ang bintana at pinihit ang hawakan nito at inilapat nang pasara. Marahan na din nitong isinara ang makapal na kurtinang pantabing sa bintana. Sinunod naman nitong tinungo ang malambot na higaan upang mamahinga na. ng mapabaling ang paningen sa tabi ng side table nya ang larawan ng pamilya nito, kay sarap ng mga ngiti ng mga ito, na tila ba buhay na buhay sa larawang iyon. Marahan nya itong kinuha at inilapat sa dibdib nito. Mariing napapikit ang lalaki at di maiwasang tumulo ang luha nito ng di nya mapigilan. Muling umalingaw-ngaw sa kanya ang tili at ang masasayang boses ng kanyan mga anak at esposa.
“Papa! Halika na bilisan mo naman, ang bagal mo! nag aantay na silang lahat sa atin.” tawag ni Aurello sa ama na pilit inaayos ang kurbata nito.
“Oo, sandali lang! huwag nyo kong tinataranta! di ako maka pagpukos sa pagkukurbata ko.” sagot naman ni Don Mariano. na di magkanda ugaga sa kanyang kurbata.
“Haaaayyyy….Nakuuuuu… itong papa nyo talaga, hanggang ngayon eh di parin maperfect ang pagkabit ng kurbata nya. Paano nalang pag wala ako papa? huh?” aning Ginang Amelia na sinalubong na ang asawa at inaayos na nito ang tila nahihirapang don sa pagkukurbata.
“Mama naman! Pinapahiya mo na naman ako sa harap ng mga anak natin eh! Alam mo namang mga bully yang mga yan” paglalambing na wika ng don sa esposa na nakangisi sa esposo. habang inaayos ng ginang ang kurbata ng esposo.
“Kooooowwww….eh ikaw din naman ang nagturo sa mga yan…..si pasimuno ka naman kasi! at leader ka pa sa pang bubully.” panunudyo ng ginang.
“Mama, dapat ako kinakampihan mo at ako ang kawawa sa mga yan.” Ang ayaw paawat na ika ng don.
“Haaaayyy, naku papa! Yaan mo Ako ang kakampi mo dyan kay kuya! ipaglalaban kita papa, kahit maiiyak na ako sa asar ni kuya!” si Amelie Celestine na nakalapit na pala at ipinulopot ang mga kamay sa bewang ng ama.
Napatingen likod naman ang don at inikap ang mga braso nito palikod para maabot ang anak.
“Buti pa tong prinsesa ko, at lagi nalang dinadamayan si Papa nya, di gaya ng nanay nya na kumakampi pa sa anak nyang lalaki.” Pabirong lambing ng don at sabay naka pout na tila batang naka ingos sa esposa.
“Aaaahhh soooosss…. Nagtatampo na naman ang matanda! Makipag kumpetensya ba naman sa mga anak nya!” pagbibiro na sabi ng ginang. Akmang aakapin ang esposo ng matapos na nito ang kurbatang kanina pa nya naayos.
“Aba, teka lang sama ako dyan1” sigaw na ika ni Axiel.
“Ayyyy ako din!” pumapangalawang hiyaw naman ni Adelle na tumatakbo sa kinaroroonan ng ama, ina at mga kapatid, akay-akay pa nito ang stufftoys na paborito nito.
“Teeeekaaa langgg! Off ko lang tong camera, ang daya eh…!” hiyaw naman ni Aurello nang makitang nagyayaposan na ang pamilya nito. Kaya ng mapatay ang kamera ay agad namang dinaluhong nito ang pamilya, patalon pa itong umakap sa mga ito. Napuno ng tawanan ang buong mansion sa pagkakataong iyon.
Ito ang tanging ala-ala bago pa nangyare ang trahedya. Di nya akalain na ang iyon na pala ang kahuli-hulihang pagpipicture ng buong pamilya. kung alam lamang nya ay mangyayare ang kalagimang iyon ay di sana mas napaghandaan nya ang pagdating nito. Alam nyang noon pa man ay kinutoban na sya, pero di parin Nawala ang pag-asa nya na di magagawa ng natatangi nitong kaibigan ang masamang balak nito. Ngunit masyado na itong naging sakim, bulag sa kagahaman. Kaya nagawa nito ang krimen.
Napatiimbagang at napahigpit ang pagkahawak nito sa litrato ng pamilya nya, hilam sa luha ang mga matang napatitig sa kisame.
“Pagbabayaran ni Alfonso ang ginagawa nya sa inyo! Amelia, asawa ko! Ipinapangoko ko sayong aalagaan at poprotektahan ko ang anak nating si Amelie Celestine. Ipinapangako kong makakamtan nyo ang hustisya sa tamang panahon!” bulong nito sa kawalan. “Subra ko na kayong namiss mga mahal ko!” dugtong nito na dumadaloy pang lalo ang luha sa nakapikit nitong mga mata.
Tama. Ang lalaking nag mamatyag ng palihim at nagpoprotekta kay Aniah ay walang iba kundi ang ama nitong si Don Mariano Castillo. Buong akala ni don Alfonso ay napatay na nyang tuloyan ang kaibigan. naka full bullet gear pala ang don, may dugo na nasa dextrose bag na nakapaluob dito, kaya pag binaril man ito ay mabubutas at lalabas ang kunyaring dugo mula dito. Naisip itong taktika ng bodyguard ng don. Kaya ng binaril sya ng kaibigan ay nagkunyari syang natamaan ng malubha at namatay. Sa pagkakataong iyon ay naka tago lang ang body guard ng don, naka antabay na mawala na ang mga intruders. Gustong gusto mang lumaban ng body guard ay nagpipigil ito dahil ito lang ang inaasahan ng don na mag alalay dito.
Umaasa naman ang don na makalusot ang pamilya nya sa kalagiman na yon. Ngunit laking pagkadismaya at pighati ang naramdaman ng don ng makita ang esposa at mga anak nya na wala nang buhay. Halos ikamatay ng don ang nangyayare. Nagkaroon lamang ito ng pag-asa ng iulat sa kanya na buhay ay pangalawa nyang anak na si Amelie Celestine na may nakakuha dito at itinago. Kaya naman nilisan din ni Don Mariano ang Isla Pueblo para magpagaling at mag plano para sa pagbabalik nila ng anak nyang si Amelie Celestine o mas kilala na sa pangalang Aniah!
Isinusumpa nyang wala nang Ardiente pa ang makakakanti sa anak nya, uubosin nya ang lahi ng mga ito pag napahamak pang muli ang anak nyang si Amelie Celestine. Kunting panahon na lamang at muli silang magkikitang mag-ama. sa tamang panahon at lugar na kung saan nawasak ang kanilang pamilya.