Chapter 11
“Whaaaat?” Gulat na gulat na bulalas ni Geselle na napatayo sa kanyang desk table. “Sino naman ang may sabi sayong papayag dyan sa gusto mong gawin? Aniah, naman! Oo sinusoportahan kita sa mga gusto mong gawin. But ang pagpunta don mag-isa at manirahan pa, that’s too much! At isa pa gusto mong patayin sa kaba at takot mga magulang mo? At gusto mo pa talagang gawin akong sinungaling sa kanila para itago lang yang gusto mo! Bff naman, masyadong napakadelikado nyang gusto mong mangyare.” Mahabang litanya ng kaibigan na kampanting naka upo sa mahabang sof ng opisina nya.
“Geselle, that’s the only thing na pwede kong gawin, mahirap kung malayo ako at di ko nakikita ang galaw nila. I have to do this bff or ako ang mauunahan nila. Mabulilyaso pa ang mga plano ko, sapat na ang nalikom kong ebedensya para maisakatuparan ko na ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Aniah.
“Pero bff, ok lang sana ang ganon pero ang plano mong mamasukan pa sa mga Ardiente is beyond and un-acceptable way para makapasok lang sa balwarte nila, Pwede mong ikapahamak yon bff, pano kung Mabasa nila mga kinikilos mo? Pano kung malaman nila na may masama kang binabalak sa kanila? Oh di ba nakakawindand ng utak yon, lalo na sa aming malayo sayo pag nagkataon.” Puno pa din ng pag-alalang saad ni Geselle. “And besides, paano kung malaman ni Raziel yang binabalak mo at mabunyag pag-katao mo? Pano na? bakit di nalang yong plano mong pang gamit kay Raziel nalang ang gawin mo? Its much better kisa dyan sa pinaplano mo ngayon!” dugtong nito.
“Oo maganda nga yon bff, pero di ko kayang mang gamit ng tao. At di ko kayang isa alang-alang ang buhay nito pagnagkabukingan na tyak madadamay sya. At ayukong may madadamay na ibang tao lalo na kung wala naman talaga itong alam sa mga binabalak ko. Don’t worry bff, pinaghandaan ko na ang lahat, at kakayanin ko ito hanggang sa huli. And andyan naman sila attorney and yong kapatid nitong general nakausap na naming at handa kaming tulongan.” Pag-aasurance na wika ni Aniah.
“Ah..basta di pa din ako kumpormi at di ako kampanti dyan. Pano kung mahuli sila ng dating? Pano kung malingat sila? Paano kungggg…” ang nag aalala pa ding si Geselle.
“SSSshhhh… bff, alam kong nag-aalala ka sa kapakanan ko, alam ko ding ikakagalit nila mama at papa pag nalaman nila, pero iisa lang ang ipinangako ko sa inyo, buhay akong aalis at buhay na buhay akong babalik. Hinde ko hahayaang maubos ang lahi ko! Ano ka baa ko nalang ang pag-asang magpadami ng lahi ko, hahayaan ko pa bang mawala na sa mapa at sa mundo ang mga Castillo?” birong turan ni Aniah na tumayo na at hinawakan ang kamay ng kaibigang subra ang pag-alala sa pag-babago ng plano nya.
Puno ng takot at pangamba ang mga titig ni Geselle habang tinuon ang tingen sa kaibigan.
“So, kilan ang balak mong bumalik sa isla pueblo?” pilit ang ngiting iginawad ni Geselle sa kaibigan.
“Sa makalawa, at sa madaling araw ang byahe ko.” Walang gatol na sagot ni Aniah.
“Basta, Aniah ipangako mo sa akin at sa mga magulang mo na mag-iingat kang lagi, at kung anu-ano man ang mangyayari ay ipaalam mo sa amin ito. At wag na wag kang magpapatay ng cellphone mo naiintindihan mo ba?” pirmadong paalala ni Geselle sa kaibigan.
Tumango si Aniah dito at ngumiti para maibsan naman nito ang subrang pag-alala sa kanya. Inaakap nya ito at mahigpit naman ang tugon ng kaibigan at maya-maya lang ay ramdam nya ang pag ugoy ng balikat nito, alam nyang lihim na umiyak ito, subra ang takot nito sa pwedeng mangyari sa kanya sa balwarte ng mga Ardiente. Kahit sya ay di nya hawak ang maging kapalaran don. Pero sisiguradohin nyang hinde sya ang huling hihinga sa pagkakataong ito.
Dala nya sa puso ang pag-asa at determinasyon para sa pamilyang nasawi at sa pamilyang umaasa ng muli nyang pagbabalik, at tyak nyak lubhang pag-alala at takot ang idudulot nya sa mga ito. Pero bago pa man mangyare iyon ay sisiguradohin nyang makakauwi syang buhay at buo para sa mga mahal nya sa buhay.
“Mamimiss kita Aniah!” pahikbing saad ni Geselle.
“Mamimiss din kita at kayong lahat! I just need your prayers and your blessings para maisakatuparan ko ito ng maayos! At makabalik sa inyo ng buo!” madamdaming saad din ni Aniah na lalo pang humigpit ang akap sa kaibigan. sa puso nya ay umuusal ng taimtim na panalangin at humihinge ng gabay sa itaas at sa mga anghel delaguardia.
Alas 7 na ng gabi ng makauwi si Aniah sa bahay ng mapuna nyang may iilang kotse ang andon, nakakunot ang nuo nyang napatingen sa bahay nila tila may mga bisita atang dumating. Ipinarke nya ng maayos ang sasakyan at marahang bumaba sa kanyang sasakyan. Tinalunton nya ang pintuan nila ng makita nyang bukas na bukas ito. At dinig nya ang tawanan at kwento na nagmumula sa sala nila. Tinatalonton na nya ang sala ng makasalubong nya si aling belen ang kanilang kusinera. Ng makita sya ay laki ng ngiti nito at tila ba siyang-siya ng makita sya.
“Abay andyan ka na pala! Kanina ka pa inaantay nila!” Aning Aling Belen na kay tamis ng mga ngiti.
“Po? Bakit? Ano pong meron?” takang balik tanong ni Aniah dito.
“Huh? Hinde moa lam? Abay ang batang to sariling pamamanhikan ay hinde mo alam? Kaluka ka anak!” tila gulat ding turan ni Aling Belen.
“Hoo? Pamamanhikan? Nino? I mean Sino?” gulantang na sagot ni Aniah.
“Abay kanino pa ba eh di sayo! Kita mong katatapos lang kay Danielle, alangan namang uulit sila ng pamamanhikan hane? Kowwwwww….kayo talagang mga bata kayo, sa subra nyong gugol dyan sa trabaho nyo eh sarile nyong mahahalagang araw ay kinakalimutan nyo na. kung sa akin yan ay nakuuuu pooo baka buong araw kong pinaghahandaan ang oras na makadaupang palad ko ang aking maging byenan. Dangan nga lamang ay tumanda na lamang ako ay wala pang nag babalak na itali ako” Mahabang litanya ni Aling Belen. At tatawa itong naikumpara ang sarile sa kapanahonan nya at sa nangyare ngayon.
Napamaang naman si Aniah sa sinabe ng kanilang matandang kusinera. Pamamanhikan? Sa kanya? Paano naman nangyare yon eh wala naman syang alam na may ganon. At imposible namang magkaroon eh wala naman silang maayos na usapan ni Raziel pagnagkaganon. Nang di naglaon ay biglang dumating si Ginang Dunila ang kanyang ina, napangiti din ito ng makita si Aniah.
“Oh, anak kanina ka pa ba?” magiliw na tanong ng ginang.
“Hi ma!” Ani Aniah na sinalubong ng halik sa pisnge ang ina. “Nope, kakadating ko lang din po! Anong meron ma?” dugtong nya at nagbabakasaling iba ang isasagot ng ina sa tanong nya.
“Halika, at kanina pa nag aantay sila Raziel! Masyado kang napagabi sa trabaho mo anak. Madami ka bang tinapos sa opisina mo nak?” malamyos ang tinig ng inang nagtatanong kay Aniah.
Napanganga sya sa narinig.
“My Gosh! Anong ginagawa ni Raziel? Bat di nya sinabe sa aking may pasabog syang ganto? Bweset! Mapupurnada talaga mga plano ko pag gantong umeeksena ang lalaking to. Kaya kailangan ko na talagang makalayo sa lalong madaling panahon” bulong na saad ni Aniah sa sarile.
“May sinasabe ka ba anak?” tanong puna ng ina sa anak na tila bumubulong ito.
“Ha? Ahhhh… wala ho ma!” pilit ang ngiting sabi ni Aniah.
Kung ganon, tara na. at kanina pa nag aantay ang mga bisita, nakakahiya naman sa byanan mong babae pag matagal pang mag aantay sayo yon!” aning ginang na inaakay na ang anak sa sala.
Tila mabigat ang mga paang sumunod si Aniah habang akay-akay ng ina. Ng marating nila ang sala ay nagsilingunan naman ang mga naroon ng makita sya. Tumayo naman ang ama ni Aniah ganon din si Raziel ng makita ang dalaga.
Marahang lumapit si Aniah sa ama at hinalikan ito sa pisnge.
“Medyo ginabi ka ata anak!” aning ama nya na kay tamis ngiti sa mga labi nito.
“Sorry pa, may tinapos lang po ako!” maikling paliwanag ni Aniah.
Sya namang paglapit ni Raziel sa dalaga.
“Hi Sweetheart! Kung alam ko lang na mali-late ka di sana sinundo nalang kita sa opisina mo!” Ani Raziel na kinintilan ng halik sa pisnge ang dalaga sabay kabig ng bewang nito.
Ramdam ni Aniah ang pamumula ng kanyang mga pisnge sa ginawa ni Raziel. Napatingen sya sa paligid at nahagip ng tingen nya si Danielle na ubod tangi ang mga ngiti nito. Kita nya sa mga ngiti nitong ito ang may pakana ng lahat. Lalo na nong Nakita nyang nag thumbs up pa ito. Pinanlakihan nya ng matai to, at tila ikinatuwa pa ng huli ang ginawa nya.
“Mom, I’d like you to meet Aniah, your soon to be daughter in-law!” anunsyo at pagpakilala ni Raziel kay Aniah sa kanyang ina. Na marahan namang tumayo at matamis ang mga ngiting nakatuon kay Aniah!
“Finally! Nagkita din tayo!” aning ginang delVijo Bernardo. Nasa late 69 na ito, yet so glamour and so elegant, sa tindig at kahit simple lang tignan ang pananamit ay kakitaan mo ito ng ka aristokrithan. Lalong nag papaganda at nag papaamo sa mukha nito ang matamis na ngiting naka pagkit sa mga labi nito. Alam ng lahat na di piki ang mga ngiti nito, sapagkat abot hanggang mata ang mga ngiti nito. Bahagya itong lumapit sa dalaga upang e beso-beso.
Tila di alam ang gagawing tinanggap ni Aniah ang pakikipag beso-beso ng ginang. Napatikom bibig na kinagat ni Aniah ang mga labi para di maka pinta ng ngiting pilit lang.
“Mom, she’s the one that I’m telling you about! And I guess the way you look at her seems to be good and fine impressions I guess!” ani Raziel na kinindatan pa ang ina.
“Ohhh! She’s gorgeous, sino ba naman ang tatanging maging byanan ng isang Mayumi at Magandang dilag na ito? I know she could be a prefect mother and a material wife hijo! Kaya wala kang dapat alalahanin!” may saya sa bawat binigkasang salita na wika ng ginang. Kompirmado at tanggap nya si Aniah ng buong puso.
Siniko namang bahagya ni Raziel si Aniah para magsalita. Napatingen dito si Aniah na nakamaang. Tila di alam ang sasabihen.
“Come on Sweetheart, say something! Moms wanna hear something from you!” Pabulong na ika ni Raziel.
Tila sunod-sunoran si Aniah sa pagkakataong iyon, gustohin man nyang tumotol ay wala syang magagawa. Pano ba nya ma hindian ang mga naroon, tila napakasaya at kay tatamis ng mga ngiti ng mga ito na nakatuon ang tingen sa kanya. Tila kinikilig pa nga ang ibang na andon. Bumuntonghinga sya ng marahan at ngumiti. pero sa luob-luob nya ay gusto na nyang tadyakan si Raziel sa pambibigla nito sa kanya.
“Good evening po! Lubos po akong natutuwa na makilala ko kayo! And taos puso po ang pasasalamat ko sa buo nyo pong pagtanggap sa akin. at naway magampanan ko ang mga expectations nyo po sa amin.” Taos sa puso naman ang sinabe ni Aniah para sa ina Raziel Nakita nyang napakabait at madaling makapalagayang luob ang ginang. Bahagya pa syang yumokod ng sabihen nya ang mga katagang yon.
Nang biglang mahagip ng kanyang paningen ang mga ngiti ni Danielle, wala itong halong ka plastikan o ano, bagkos Nakita nyang teary eyed pa itong nakatingen sa kanya at sa mother ni Raziel. Napa isip tuloy syang ganon na ba ka desperado ang pamilya nyang magkanobyo o magka-asawa na sya kaya ganong ang saya ng mga ito sa pamamanhikang ito? Dalawang pakiramdam ang nag lalaban sa kaluob-luoban ni Aniah, ang pakiramdam na gusto nyang sakyan nalang ang gusto ng karamihan at damhin ang saya na lumukob sa mga ito, at ang pakiramdam na nasasakal at nahihirapang takasan ang sandaling iyon dahil sa plano nyang paghihiganti para sa pamilyang nasawi.
Kinabig sya ni Raziel kaya naman napatingen sya sa binata, Nakita nyang nangingislap ang mga mata nito, tama ba talaga ang nakikita nya? bakit tila kakaiba ang nakikita nya sa mga mat anito? Wala yong pang aalaska o pang aasar sa pagkakataong ito. Ikiniling nya ang ulo upang alisin sa isipan nya ang nakikita. Gusto nyang panatilihing mali ang kanyang hinala na magugustohan sya at totoo ang mga ipinakita nito. Dahil alam nyang gusto lang syang asarin at sisirain nito ang mga plano nya. at yon ang hinding-hinde nya pahihintulotan. Kailangan nya taposin ang lahat bago pa mahuli ito.
“Napakaganda mo Hija! And thank you for loving my son, Raziel! Thank you for making him so happy, ngayon ko lang nakikitang masaya at kuntento na ang anak ko Aniah, alam kong Mabuti kang babae, maging mabuting may bahay at ina ng magiging apo namin” mainit na pahayag ng ginang kay Aniah.
Napangiti naman si Aniah sa isinasaad ng ginang at ramdam din nya ang pamumula ng kanyang pisnge ng marinig ang salitang apo! Bakit tila may kiliti itong dulot sa kanya? Tila nagugustohan nya ang sinasaad ng ginang. Ngunit sinusupil ito ni Aniah at paulit-ulit na isiniksik sa utang ang mga plano na dapat hinde masisira.
“Mom, thank you so much sa pagtanggap mo kay Aniah, napakahalaga po sa akin ang pagtanggap mong ito, ang iyong ipinion at suporta para sa amin ni Aniah!” Puno ng galak na saad ni Raziel na hinawakan ang mga kamay nito at kinintilan ng pinong halik.
“Son, I know that you’ll be happy with her, I see it in your eyes. And I know na maging masaya at maging tagumpay kayo ni Aniah sa pagbuo ng inyong pamilya. lagi lang kayong magmahalan at magtulongan, mag uunawaan. At higit sa lahat maging matatag sa ano mang pagsubok na inyong makakasalamuha.” Taos pusong saad at pag-paalala ng ginang sa dalawa. At sabay akap sa mga ito.
“Papa, hinihinge ko din po ang inyong basbas ni Mama para sa amin ni Aniah!” Ani Raziel na humarap din sa ama ni Aniah na kanina pa nakikinig at nanunuod sa kanila, ramdam nito ang tunay na hangarin ng lalaki at ay mainit na pagtanggap ng pamilya nito sa kanyang dalaga.
Mamasa-masa ang mga matang pinunasan ng ginoo ang mga luhang nag pipilit na lumabas sa tindi ng emosyong lumukob sa kanya habang pinapanuob ang mainit na pagtanggap ng kabilang parte ang kanyang dalaga. Tumikhim ito ng bahagya at kinabig ang sarile na di maiyak sa sasabihen. Hinimas naman ni ginang Dunila ang braso ng asawa bilang pag suporta sa sasabihen nito.
“Raziel, nakikita kong mahal mo nga ang anak ko, at nagpapasalamat ako sa inyo balae na mainit mong tinatanggap ang aking anak. Mawalang magulang ang hinde nag hahangad ng ganto ka gandang tanawin para sa ikakabuti ng pagsasama ng kanilang mga anak, kaya naman ibinibigay ko sa inyo ng taos sa puso ang basbas at pagpapaubaya na sayo si Aniah, dangan lamang na kung may mga pagsubok man na dumating ay naway inyong pag-uusapan at marahang harapin na magkasama. Gaya ng sinabe ng iyong ina, magmahalan, magtulongan at mag-uunawaan kayo. At isa lang din ang hihilingin ko sayo Raziel, wag mo lang pagbubuhatan ng kamay ang aking Aniah. Kung ayaw mo na sa kanya ay ibalik mo nalang ng buo ng walang bahid na mantsa at latay ang mukha at katawan, dahil buong puso pa din naming tatanggapin yan dahil yan ay aming anak at mahal namin!” mahabang saad ng ginoo na napasinghot pa ng sinabe ang huling habilin.
Napaiyak naman si Danielle sa narinig, nanariwa din dito ang mga sinasabe nang ama, gaya ng sinabe nito kay Raziel ay ganon din ang sinabe nito kay Zandrieck, ngayon nya napagtanto kung gaano sila ka swerte ng ate Aniah nya na magkaroon ng amang kagaya nito. Nagpupunas ito ng luha ng kabigin ito ng nobyong si Zandrieck, marahan nitong hinalikan sa nuo ang fiancé.
Marahang yumokod at nagbigay galang naman si Raziel sa ama ng dalaga ng marinig ang mga habilin at kahilingan nito.
“Makakaasa ka po Papa, ipinapangako ko pong hinding hindi ko sasaktan si Aniah. Gagawin ko po ang lahat upang mapanatili namin ang pamilyang bubuoin naming. Ipinapangako ko ding hinde iiyak sa mga kamay ko ang anak nyo!” taos sa pusong pangako ni Raziel sa matandang byanan.
“Kung sakaling magkakamali o magkasala sayo ang anak ko, gabayan mo sya at ituro ang nararapat ng walang halong panunumbat o pananakit. Alam kong maging masaya kayo, at maging mabuting magulang sa magiging apo naming kaya tanggapin nyo ang basbas mula sa aming inyong mga magulang!” madamdaming saad ng ginoo sa dalawa.
Inakap ng mag-asawa ang dalawa, si Raziel at Aniah napayakap na din ang ina ni Raziel, they share a warm and heartfelt moment together. As a sign and sealed the union of Raziel and Aniah, trough the solid support and love of there family alam ni Raziel na maging Maganda ang pagsasama nila.
Puno ng samut-saring emosyon si Aniah. Napaiyak din say sa mga binitiwang salita ng ama. tagos sa kanyang puso ang pagmamahal at pag-alala ng mga ito sa kanya. Pano nya malulusotan ito ngayon? Mas lalong nagugulohan at nalilito si Aniah sa tama at hinde. Ayaw nyang madawit si Raziel, nangyon pang nakikita nya kung gaano ito kamahal ng ina, mas lalo nag susumidhi ang hangarin nyang protektahan ang mga ito.
Ang buong akala ng lahat na kasiyahan ang nagpaluha kay Aniah, ang di nila alam ay subrang kagulohan ng utak at paglalaban ng kaluoban ang nararamdaman nito sa ngayon.
Alam nyang walang sukatan ang sakit na maari nyang maibigay sa pamilya ni Raziel sa gagawin nya, at subrang kahihiyan sa pamilya nya naman at ang mas masakit ang mararamdaman ng mga magulang nya pag nalaman ng mga ito ang katotohan.
Litong lito man ay nanaig pa din kay Aniah ang pagsakatuparan ng mga plano nya. gusto man nyang sundin nalang ang ikakasiya ng pamilya nya ay hinde naman nya pwedeng isaalang-alang ang kaligtasan ng mga ito oras na malaman ng mga Ardiente ang totoong pagkatao nya, lalo na kung malalaman ng mga ito na buhay pa ang taga pagmana ng mga Castillo.
Nauwi sa tawanan at hagalpakan ang kanina lang na emotional na pamamanhikan. Pinagsaluhan ng bawat kampo ang inihanda at dinala ng mga itong pagkain sa hapagkainan. Masayang nag huhuntahan at nagbibiro ang mga naroon. Maliban kay Raziel na kanina pa naka masid kay Aniah na tila kay lalim ang iniisip. Nakikita nya ang pabago-bagong emosyon na lumukob dito. Naroong may galit, naroong naiiyak habang nakatitig sa pamilya nito. Naroong natutulala ito at higit sa lahat ang pananahimik nito sa luob ng pamamanhikang iyon.
Napatiimbagang si Raziel na isiping baka may ibang nagugustohan si Aniah na di lang sinasabe sa pamilya nito. Sa pagiimbestiga at pag uusisa nya ay alam nyang wala pa nga itong naging nobyo oh nabalitaang may nanliligaw dito.
Kaya naman madiin ang tingen nya kay Aniah, gulong gulo sya sa ipinakita nito.
“What’s in your mind Aniah? Anong pinaplano mo at ganyan ka kaaligaga?” bulong ni Raziel sa sarile.
Nakita nyang nagpaalam bahagya ang dalaga sa mga magulang ng tumunog ang telepono nito. Napakunot naman ang nuo ng binata at nagtatanong kung sino ang tumawag sa oras na iyon at kailangan pang lumayo ng dalaga sa umpokan. Andon na ang kaingayan pero pwede naman nitong e txt o message nalang kung talagang hinde ito mahalaga para dito.
Sinondan ni Raziel ang dalaga, Nakita nyang nagtago ito sa may gazebo. Gustohin man nyang sundan ito at nais marinig ang pag-uusap ng mga ito ay wala syang magawa dahil nakaharap si Aniah sa lugar na kung saan makikita ang sino mang parating. Nakikita nya ang pagbabago ng ekspresyon ng pagmumukha nito, ganon din ang kilos at galaw nito. Naroong napahawak ito sa nuo na tila namomroblema ng matindi. Nahihiwagaan si Raziel sa dalaga.
“Ano ang tinatago mo Aniah? Anong kinakabalisa mo?” kunot nuong tanong ni Raziel sa sarile.
Habang nagkasiyahan ang karamihan sa luob ng tahanan ng mga Moralde, ay tila naglalaro ng tagu-taguan naman ang dalawa. Naroong uurong dile si Raziel upang mapakinggan ang paguusap nila Aniah. Naroong hahalukipkip ito sa may taniman para di makita ng dalaga. Samantalang paroon-parito naman si Aniah at tila nakikipag tuligsaan pa sa kauusap.
“Tuloy ang plano, by hook or by crook! Hinding-hinde na ako pwede umurong! Ihanda mo nang lahat, magkikita tayo sa pinaguusapang lugar!” pinal na may diing saad ni Aniah sa kausap at dagli nitong pinindot ang buton para matapos ang usapan.
Iyon ang tanging narinig ni Raziel habang pilit syang lumalapit sa kinaroroonan ni Aniah. Dagli naman syang dumapa ng makita nyang papunta sa kinaroonan nya si Aniah. Mabuti nalamang at malago ang halamang na andon at di makikita kung di mo iilawan ang parting iyon. Nakita nyang nag pupunas ng luha si Aniah, bago ito dumeretso sa bulwagan kung nasaan andon ang kanilang pamilya.
Ng makumpirmang malayo na ang agwat ng dalaga sa kanya ay saka naman syang humayo at matiim ang tinging ipinukol nya sa dalaga.
“Anong meron sayo Aniah? Ano ang itinatago mo? Soon malalaman ko din ang lahat, at di kita hahayaang sirain ang naka plano na para sa atin. You can’t get out that easy sweetheart! Mark my word!” tiimbagang na pabulong na sambit ni Raziel habang naka tanaw sa papalayong dalaga.
Alas dose na nang nagpaalaman ang mga bisita kasama na ng ang mama at relatives ni Raziel, ganon na din ang binata. kaya sa bandang 2 a.m ay tahimik na ang kapaligiran, isang pigura ang lumabas sa may sliding door na pintuan sa may beranda, iniluwa dito ang isang nakaitim na balot na balot na pigura. naka talukbong din ito, marahan itinapon palabas ang isang bag, ipininid din nito ang sliding door ng dahan-dahan. at sumunod na din itong bumaba gamit ang isang hagdan. sa baba ay andon ang isang babae at lalaki na kanina pa nag aantay sa naka itim na pigura. hawak na ng lalaki ang kaninang tinatapon na bag, ng tuloyang maka baba ang maitim na pigura ay agad nitong tinanggal ang hagdan na ginagamit kanina. at sabay-sabay na ang mga itong tinungo ang madilim na parte at umakyat muli sa pader gamit ang hagdan. sa baba naman ay may ilan pang nagaantabay sa mga ito. marahang binuhat ng mga andon ang ginamit na hagdan at ipinasok sa van. agad namang sumakay sa get-away car ang tatlo na kasama ang isang maitim na pigura. maya-maya lamang ay tuloyan na itong nawala sa karimlan.