Chapter12

3187 Words
“Anong ibig sabihen nito Danielle?” kunot ang nuong tanong niRaziel kay Danielle na nakayuko ang ulo at puno ng luha ang mga mata. “gaya ng nararamdaman mo ngayon Raziel ay mas matindi pa ang nararamdaman namin. Lalo na ang mga magulang namin. Labis ang pag-aalala namin kay Ate Aniah. Hinde namin alam kung anong dahilan ng kanyang pag-alis” pahikbing saad Danielle. “nagi-guilty din ako, siguro na pressure sya sa ginawa ko. Wala naman akong masamang intention eh, mahal ko ang Ate Aniah ko, at alam kong maging masaya sya kung sayo sya mapunta. Hinde ko lang na tantya na maaring ma pressure sya sa nagawa ko. And I thought….I thought that there’s something behind this, kaya…..kaya umalis ang ate ng walang paalam kanino man.” Napaiyak na ng tuloyan si Danielle. Inaalo naman sya ng nobyo na sinamahan syang ibigay kay Raziel ang sulat na iniwan ni Aniah. “Kuya Raziel, huwag mo sanang kamuhian ang ate Aniah, alam ko, ramdam kong may paliwanag sya lahat ng ito. Baka….baka…na..natatakot lang sya kuya o di kaya, hinde pa sya handa?” dugtong na ika ni Danielle. Tiim bagang na napatingen si Raziel sa labas ng opisina. Tanaw nito ang asul na kalangitan at ang nagtatayogang makabago at lumang establesyemento. Ikinuyom nya sa mga palad ang sulat na ginawa ni Aniah. Nag iisip at medyo natuliro sa ginawa ng dalaga sa kanya. Mapait na napangiti ito ng bahagya at tikom ang bibig na nanggagalait ng di maarok ang naging dahilan ng dalaga. “Raziel, Una sa lahat, nais kong malaman mo na ang sulat na ito ay nagmula sa puso ko. At humihingi na din ako ng tawad sa gagawin ko. Hinde ko inaasahang darating ang araw na ito. Alam ko namang labag sa kaluoban mo ang ginagawa mo. Kung ang dahilan ng pag-aaya mo sa akin ng kasal ay ang pananagutan mo dahil sa nangyare lang sa atin ay wag mo nang alalahanin. Hinde kita pipilitin sa mga desisyon na alam kong pagsisihan mo din balang araw. Hinde naman lingid sa ating dalawa na wala naman talaga tayong nararamdaman para sa isa’t-isa. Kaya kagaguhan lang kung pati sagradong kasal ay paglalaruan pa natin. Sa kabila ng aking pag-aalinlangan at hinde nakapaghanda sa nangyayare, nagpasya akong sulatan ka, upang ipahayag ang mga saloobin at damdamin ko sayo at sa plano mo. Nagpapasalamat ako sa pagtanggap ng buo ng iyong pamilya sa akin, totoong nagugustohan ko ang iyong mama, napakaswerte ng babaing maging byanan sya. Ngunit di ko kayang lokohin ang napakabait mong ina, ganon din ang aking pamilya. alam kong nais lang nilang mapapaayos ang buhay ko, pero hinde sa gantong paraan. Ayaw kitang igapos sa responsibilidad na pwede mong pagsisihan balang araw. Masyado ding maaga para itali mo ang buhay mo sa akin, di mo pa ako lubosang kilala, kaya may panahon ka pang magisip ng tama. Sa paglisan kong, alam kong maghihirap at pagdudusahan ko ang lahat ng sama ng luob na ibinigay ko sa pamilya ko at sa pamilya mo. Hinde ko alam kung paanong paalam ang gagawin sa kanila ng harapan, di ko alam kung paano ipaabot sa kanila na wala naman talagang pagmamahalan na namamagitan sa atin, baka mas masasaktan lamang sila kung malaman nilang pike ang lahat ng nararamdaman natin. kaya napagpasyahan kong lumisan na lang muna, balang araw pasasalamatan mo pa ako sa ginawa kong paglisan. Ayuko mag obliga ng taong alam ko namang may naka laan na para sayo. Soon mahaharap at maihingi ko din ng tawad ang ginawa kong pagkakamali sa mga magulang ko. Naway sa paraang ito ay mapalaya mo ang isipan mong may obligasyon ka para sa akin. Ito lang ang nararapat na lang ang nararapat kong gawin para sa ating dalawa. Sana naiintindihan mo ang aking desisyon at malaman mo na ito ay para rin sa iyong kaligayahan. Hinde ko alam kung saan ako pupunta mula dito. Ngunit alam kong kailangan kong magpatuloy sa aking buhay. Balikan mo ang babaing nararapat para sayo. Nag papasalamat din ako sayo na kahit wala kang pagmamahal ay handa kang panagutan ako. Pero hinde iyon ang tama. Malaya kang pakasalan ang babaing iyong hiling. Hanggang sa muli nating pagkikita, sana maging maligaya ka sa iyong buhay kasama ng iyong maging pamilya. ihingi mo na lamang ako ng paumanhin sa iyong butihing ina. Aniah. Halo-halong emosyon ang lumukob sa pagkatao ni Raziel matapos Mabasa ang mahabang mensahe ng dalaga. Sino ito para pangunahan sya sa mangyayare? Kahit kilan ay wala pang babae ang gumawa sa kanya nito. Lubos na nayanig ang p*********i ni Raziel sa ginawa ng dalaga. Hinde nya ito mapapatawad. Tiim bagang na nilakumos nya sa mga palad ang sulat na ginawa ng dalaga. Naipangako nyang hahanapin ito at iparanas dito ang walang humpay na parusa. Walang Karapatan ang dalaga para gawin sa kanya ang mga bagay na di nito hawak. At kahit kilan ay wala pang gumawa sa kanya ng ganon, ay AYAWAN sya ng babae. Tahimik ang lumukob sa buong opisina, alam ni Danielle na nag iisip ng malalim ang lalaki, dahil kahit ilang ulit na itong tawagin ni Zandrick upang mag paalam ay tila binge ito at walang naririnig. Kaya naman iginiya na lamang ni Zandrick ang nobya palabas ng opisina. Gustohin mang humingi ng paulit-ulit ng tawad si Danielle sa nagawa ng ate nya ay alam niyang kulang ito, kita nya kung paano ito magalit ng palihim. Buong akala ni Danielle mahal subra ni Raziel ang ate nya kaya ganon ang naging reaksyon ng lalaki sa pagkawala nito. Malungkot na nilisan nila ang opisina, mas lalong mabigat sa luob nya ang katotohanang saan nag punta ang ate Aniah nya. kahit ang pamilya ang lubos na nag-alala sa paglisan ng dalaga. Sa ibang dako naman, sa Isla Pueblo. Tila aligaga sa Gawain ang isang dalaga, Morena ang balat nito, may malaking balat sa may pisnge ang dalaga, mapupungay ang tsinita nitong mga mata na tila ba nangungusap ngunit kakitaan ng matinding kalungkotan, tanging mapagmasid na tao lamang ang maka aninag nito. Badoy ang pananamit nito, isang tshirt na Maluwang na kulay berde ang kulay katambal nito ang isang fitted na pantalon na kulay pula, naka rubber tsinelas ito na may tatak na “Bierkens” halatang pike, at naka pinarisan ito ng kulay asul na medyas. Naka puyod pa pataas ang buhok nito na may nakalagay pang malalaking bulak-lak na ipit, in short para itong isang naglalakad na Christmas tree. Kahit sino makakita dito ay tyak mabu-bully sa itsura nito. May malalaki pang tigyawat sa magkabilang pisnge nito na animo puputok na anytime. Pero in fairness Maganda ang mga ipin nito, at kahit Morena ay makinis naman ito, pero ayon nga walang may lakas luob na ligawan ang dalaga dahil sa itsura nito. Masayahin, mapagbiro ang dalaga. Taliwas sa itsura nya ang pag-uugali nito. Masyado itong positibo sa buhay at nakakadala ang kakikayan nito. “Hooooyyyyyy, Tasyaaaaa!” Sigaw ni Aling Bebang sa dalaga na wiling-wili sa kakadilig sa mga halaman. Napalingon naman ang dalaga ng marinig itong tinatawag ang pangalan nya. Nakita nyang kumakaway ang tyahing si Aling Bebang. Tudo ang ngiti na kumaway sya pabalik dito., ngunit mas kumaway ito at tila pinapalapit sya dito. Kaya naman tinanggal nya ng tuloyan ang headset na nakasukbit sa isang tenga nya, pinatay nya muna ang gripo para di na umagos sa hose na ginagamit nya. tela bata naman itong lumapit sa tyahin. “Tyang, bakit po?” aning dalaga na nakangiti pa din. "what can I do for my beautipol and wonderpol Tyang Bebang?" sagad ang ngiting dugtong ng dalaga na tila kay saya. “e hinto mo muna yang pagdidilig mo dyan. Unahin mo na muna yong kwarto ni Senyorita Maureen, baka biglang dumating yon eh kagagalitan tayo. Ayaw na ayaw nong madatnang maalikabok at madumi ang kwarto nito. Kaya kahit walang nakakaalam na uuwi ito anytime ay kailangang malinis ito at laging napapalitan ang kubre kama nito.” Mahabang paliwanag ni Aling Bebang sa pamangkin. "Koooowwww, na batang to, ang lakas mo talaga mang uto...hala sige na humayo ka na ng maaga kang makatapos. at madami pa tayong tatapusin din." dugtong naman ng tyahin. “Sige po tyang, uunahin ko na po muna yong silid ng senyorita, baka kagalitan pa nga ako pag mauwian nyang madumi yong silid nya.” walang atubiling sagot ni Tasya sa tyahin. “Sya sige, pumaroon ka na” patango-tango pang ika ng tyahin ni Tasya. “At pag matapos ka naman doon eh ikaw pomarine na din sa kusina at magtatanghalian na muna, bago mo taposin ang mga ibang Gawain hane?” Dugtong namang wika ni Aling Bebang. “Opo Tyang!” maikling sagot ni Tasya sa tyahin habang isinukbit muli ang headset sa tenga. Agad naman itong tumungo sa itaas kung nasaan naandon ang kwarto ng senyorita Maureen nya. humihimig pa ito ng kantang naririnig sa kanyang cellphone, kahit wala sa tuno ay tila wiling-wili ito at umeindayog pa sa tugtog na nagmumula dito sinabayan pa nya ito ng kanta kahit sentunado. Dala-dala nya ang gamit pang linis at umiindayog pa din ito sa togtuging nag mumula sa kanyang telepono. Ng makasalubong nito ang isa pang katulong na babae na nag mula din sa isang silid na kung saan doon naman ito nag lilinis, isang kindat ang iginawad nito kay Tasya. Tila ba nag uusap ang mga mata nila, at sumenyas ito ng thumbs up. Marahang ngumiti si Tasya dito At pasimpleng tumango. Nalagpasan na sya nito. Ng unang apak sa may hagdanan ay mailap at alerto na ang tingen ni Tasya, pero kung susuriin mo tila umiindayog lang ito sa tugtog na pinapakinggan mula sa telepono nito. Pinasok nya ang isang kwarto sa may kanan, kung saan naka pwesto ang kwarto ng kanyang senyorito. Sya lang ang pwedeng mag linis dito, ayaw kasi ng senyorita nila na kung sinu-sino nalang ang mag lilinis at papasok sa silid nito kaya nagpatalaga ito ng sariling taga linis. Si Tasya bilang pamangkin ni Aling Bebang na isang mayordoma sa mansion ng mga Ardiente ang nagtalaga dito sa dalaga. Sumang-ayon naman yong among babae nila gawa ng pinagkakatiwalaan nila si Aling Bebang. Kaya sya lang ang lumabas masok sa silid nito. Marahang pinihit ni Tasya ang pintuan ng kwarto ng kanyang senyorita na umiindayog pa ang ulo na sumasabay sa totuging pinapakinggan nito. Ng tuloyan ng makapasok ay agad na isinara ang pintuan at tila ibang Tasya na ito ng mapag solo sa luob ng silid. Naging matalas ang mga mata nito. Tumingin ito sa pwesto ng cctv, ng mapagtantong di na nakaikot ito at tila sa iisang posisyon lang ito naka tutok ay napangiti ng bahagya ang dalaga. Magaling at nagawa ng maayos ng kasama nya ang tungkol sa cctv sa buong kabahayan. Agad nyang tinungo ang isang pader, at sinusuri ito, kinakatok na tila may hinahanap na hallow sa dingding. Naka ilang ikot na sya ay tila wala syang nakikitang indikasyon ng hinahanap. Kaya naman ay ang ilalim nang kama naman ang sinusunod nitong usisain. Halos mag isang oras na sya sa ginagawa ng wala pa ding nangyayare. Napaupo si Tasya sa kama at malalim ang iniisip. Inilibot ang mga mata at mapanuri itong minamasdan at inaalisa ang bawat sulok ng kwarto. “I know there’s something behind this wall! Di ko lang alam kung saang parte ka nakalagak.” Usal ni Tasya sa sarile. Medyo nagulantang pa sya ng may nagsalita sa kanyang headset. “Keep going, S1 is approaching your destined position.” Paalala ng nasa kabilang linya. "Oh, s**t!" mahinang bulalas ni Tasya. Napalingon naman agad si Tasya sa may pintuan at pinakiramdaman ito. Ng mapagtantong sa kanya nga ang tungo ng mga yabag ay agad nyang kinuha ang gamit panglinis at diniretsong nilinis ang banyo ng silid na yaon. Binuksan nya agad ang gripo na andon at pakanta-kanta pa habang nag lilinis. Pero matalas ang pandinig ng marinig nya ang pagpihit ng seradora ng kwarto. Pumasok sa silid ang matandang don, tila nag mamasid ito ng masinsinan ng maulinigan nito ang boses na animo pinilipit na kambing na bumibirit. Napatakim ang matanda sa tenga na tila naririndi pa nga. Tinungo nya ang banyo na nakasara, binuksan nya ito at Nakita nya nga si Tasya na animo may konsyerto sa luob ng banyo, napangiwi ang don sa Nakita. Feel na feel pa nito ang pagsasayaw habang nag ngungod sa sahig. Hinde sya napansin ng dalaga, di kasi nito narinig ang pagpasok nya, napailing ito at bahagya pang napangiwi uli. Hinayaan na lamang ito ng matanda at isinara na uli ang pintuan at medyo na ririndi sya sa boses nito. Ng mapagtanto nitong wala namang naiiba sa luob ng kwarto ng anak ay agad na nitong nilisan ang silid. Siguro nagkaroon lang ng glitch yong cctv nila. Bumalik na ito sa sariling silid ng mapagtantong walang kakaibang nang yayare sa sinisilip nyang kwarto. Pinakinggan naman ni Tasya ang paglisan ng among lalaki. Ng marinig nya ang muling pagsalita ng nasa kabilang linya. “All Cleared! you can go back on searching” anito. Napabuntonghininga naman si Tasya ng marinig ang sinasabe ng kabila. dahan-dahang lumabas muli sya sa banyo at itinuloy ang ginagawang pagsaliksik. halos na katok at nasuri na niya ang luob ng kwarto, pero di pa ang kabuoan nito. malalim ang iniisip at mabilis ang mga matang iginalugad muli Tasya ang silid. wala talaga syang nakuhang magandang indikasyon. pero di sya susuko, soon makikita ata mahuhuli din nya ito. hinde man sa ngayon pero soon at yon ang pag-iigihan pa nyang mabuti. kaya naman napagpasyahan na nyang imisin na ng tuloyan ang silid at ang banyong naiwang basa at mabula pa. mga ilang minuto lang ay tapos na nyang linisin ang buong silid, naka pag palit na din sya ng kubre kama at kumot. kaya pababa syang hakot ang labahing galing sa luob ng silid ng kanyang senyorita. Tamang naka paghain na din ang Tyahin nyang si Aling Bebang ng tanghalian nila. ng makita sya ay inaya na sya nito. "Sige Tyang, ilalagay ko lang itong pinagpalitan ko sa labahan nang malabhan ni Ponyang. baka mag dadak-dak na naman yon pag nakalimutan ko na namang ilagay don itong labahin nya." Ani Tasya na di magka undagaga sa dinadalang mabibigat na kubre kama at kumot. "Oh, sya bilisan mo na at lalamig na aring sabaw na iniinit ko. at gutom na din ako" Sagot naman ni Aling Bebang. Tumango si Tasya at dinaluhong na ang labahan kung saan nya ilalagak ang dala-dalahin. Maya-maya lang ay nasa hapag na din ito at sinabayan na ang Tyahin at iba pa nilang kasamahan na nananghalian na din. masayang nagkwentohan ang mga ito sa hapagkainan. as usual si Tasya na naman ang taya sa usapan at sa kalokohan. tawanan naman ang mga ito ng ma sentro sa biro ni Tasya ang tiyahing matandang dalaga. "Abay naman Tyang, sa ganda kong to? maging katulad ako sayo? aba-aba parang sinabe mo namang isinumpa na nang tuloyan ang pamilya natin nyan" Saad ni Tasya na animo nag isip at napatingen pa nga sa itaas. "Abay sira ulong batang to! bat mo pa namang sinabeng isinumpa eh sa itsura mo palang talaga anak eh sinumpa ka na nga" balik biro ni Aling Bebang sa pamangkin. hagalpakan naman ang mga kasamahan nila ng marinig ang ganti ng mayordoma nila. "Araaaayyy! Tyang ha? totohanan na yan, masakit yeeeerrrnnn...!" kunyaring nasasaktan pa si Tasya sa sinabe ng Tyahin, hawak pa nito ang dibdib na animo nasasaktan. "Kahit ganon pa man, may busilak ka namang puso anak!" Bawi naman ni Aling Bebang. "Busilak na ginto ba Tyang?" bulalas na wika ni Tasya. "Taaannnsssoooo!" sabay na sagot ng mga naroon. na mas lalong naghagalpakan pa nga sa tinuran. "Hala sila, Kuryo? may sabayang bigkas? abay dapat sumali kayo sa That's your voice, sabay na sabay eh, pwede nang panangkalan!" birong balik naman ni Tasya sa mga ito na lalo lang nag tawanan. "Oh, sya tama na yan, kung tapos ka na Tasya, tapusin mo na yong dapat mong tapusin nang maka pagpahinga ka na din. ako'y mauna na sa inyo, ako'y inaantok pa at nahihilo na nga din ako" Paliwanag ni Aling Bebang. "Ohhh myyyy....Wag mong sabihing Buntis ka Tyang? Ohhh... noooo..." eksaheradong sambit ni Tasya na kunyari pang nagulat. "Tyang, sabihen mo, sabihen mo sa akin kung sino naka buntis sayo Tyang, at pilitin nating panagutan ka Tyang. tutulongan kitang papanagutan ka ng naka buntis sayo Tyanggggg...." dugtong pa nito. "Tseeee....susmeo ka Tasya! sa dami-dami ng maiisip mo yang buntis-buntisan pa talaga?" Ani Aling Bebang na natawa sa itsura ng pamangkin na animo may pa-abot abot pa ng kamay at animo nagugulat sa reaksyon. "Tyaaannnngggg....si Mang Isko ba? si Mang Isko ba ang ama ng dinadala moooooooo?" tuloy pa ding biro ni Tasya. "Ooooohhhh hindeeeeee.....dyosssskkkkoooo lowwrrddd! huwag mo na dagdagan ang lahi naming puno ng kagandahan....pleeewwwwssss lowwwrrddd!" dugtong nito na sinubsob na ang sarile sa hapag kainan at tila hirap-hirap sa dinadalang problema. isang malakas na hampas ang ibinigay ni Aling Bebang sa siraulong pamangkin. lalo namang napahagalpak ang mga kasamahan nila sa naging itsura ni Tasya ng masapok ni Aling Bebang. "Sira ulong batang to.....idinadamay mo pa yong bweset na taong yon! aba'y kung yon lang din ang maka buntis sa akin eh di parang sinabe mo na ding magbigti ako? haaayyy nakuuuu Tasya, di baling maging matandang Ulay ako habang buhay wag lang sa lalaking ulikbang yooonnn!" Ani Aling Bebang, tila may galit ito sa lalaking nabanggit ni Tasya. hagalpak naman sa kakatawa si Tasya at na asintado nya ang kinaasaran ng Tiyahin. "Ayoooooonnnn... Choosy pa nga si Tyang Bebang! abay ayaw mo don? negrita at ulikba? kapre ang maging anak nyo tyak, ay mali Tyanak pala Tyang!" ani Tasya na kunyaring seryoso. Hahambalosin na naman sana sya uli ng Tiyahin ng marinig nila ang boses nang don, asa likuran na pala nila ito. "Mukang nagka siyahan pa ata kayo!" anito na medyo seryoso. natahimnik naman ang lahat at napatingen sa kanilang amo. "Nagkatuwaan lang po Don Alfonso! pero tapos na din po kami.!" si Aling Bebang sabay senyas sa mga andon na kumilos na. Tumango naman ang Don at tumalikod na. "Bebang , yong inutos ko pala sayo, yong mga silid. palinisan mo na din. baka magkakaroon tayo ng mga bisita sa susunod na mga linggo." Aning Dong Alfonso na humarap uli para kausapin si Aling Bebang. "Ok po Don Alfonso! ako nalang po ang mangungunang mag iimis don, para makasiguro na malilinis po itong mabuti" aning Aling Bebang na yumukod pa sa among lalaki. tumango lang ang Don at tumalikod nang muli. sa pagtalikod nito ay mataman namang naka tingen si Tasya dito. lingid sa lahat tanging ito lang ang animo maaninagan ng galit sa bawat tingen na ipupukol nito sa Don. nang gagalaiti ang mga bagang na sinusundan ng papaalis na tingen ang don hanggang sa umakyat na nga ito sa hagdan. "Balang araw yuyuko ka din, at pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo! ipinapangako ko yan Don Alfonso Ardiente" Bulong ni Tasya na kay talim at puno nang galit ang mga matang naka sunod sa papalayong Don.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD