“Bakit hinayaan mo si Celestine sa mga plano nya? alam mo ba ang pwedeng mangyayare pag mahuli ito ni Alfonso Ha?” gigil na gigil na saad ng lalaking umaalingaw-ngaw ang boses sa buong silid. Habang kwenelyohan ang isang tauhan na syang pinapabantay nito kay Aniah.
“Bosss…..sinubokan ko nang pigilan si Maam Amelie! Pero malakas po talaga sya boss, tinalo nya ang mga tauhan ko ng inaambangan naming sya para di matuloy don sa pinaplano nya.” paliwanag nyaring tauhan na iniinda na ang sakit ng masuntok ng amo nya.
“Kulang pa din ang ginawa mo, iisang babae lang nalulusotan pa kayo? Paano mo pa mahabol yon ha? Kung andoon na ito sa balwarte ng mga kaaway? Panong pag iingat pa ang magagawa nyong mga walang silbe!” galit na galit nitong saad, gigil na binalibag nito ang tauhan sa katabing upoan. Napatalikod ito at humiyaw ng malakas habang hawak-hawak ang tila sasabog ang ulo sa kadismayahan.
Sa lakas ng pagbalya ng boss nito ay napasadsad ito sa may upoan. Sapo-sapo nito ang bibig na tinamaan kanina ng suntok. Alam nyang nagagalit ito dahil di nila nagampanan ng maayos ang inuutos nito. Naiintindihan nya ang galit ng boss nila. Kaya naman tanggap nito ang suntok na ibinigay sa kanya.
“Boss, di ko naman pinabayaan si maam Amelie, may tauhan na din akong pinapasok don lingid sa kaalaman ni ma’am Amelie. At tyak ako boss hinding-hinde nito pababayaan si ma’am Amelie.” Paliwanag na saad ng tauhan.
Napalingong bigla naman ang boss ng marinig nito ang sinabe ng tauhan.
“Anong sinabe mo?” Anito na tila nakarinig ng pag-asa. Ngunit andon pa din ang subrang pag-aalala.
“May nakapasok na pong tauhan natin sa lungga ng mga Ardiente. Alam kong di ito papalpak sa mga gagawin nila boss. Mismong mga CIA at under ng task forces ang mga itinalaga naming don.” Aning tauhan na tumayo na.
“Ha? Paano mo nagawa yan? Alam mong may tauhan ang mga Ardiente sa taas. Baka natunogan na nila si Amelie at mas lalo pang mapapahamak ito.” Tila nalilitong urirat ng boss.
“Hinde boss, kilala ko ito at maasahan natin ng lubosan ang nakapasok don. Magtiwala kayo!” anito na kinukumbinse ang amo.
“My goodness….paano moa ko mapaniwala nyan? Eh alam mo ang koneksyon sa ngayon ng mga Ardiente lalong-lalo na sa itaas. Hanggat di pa natin nalalaman ang taong kinakapitan nyan ay dapat di tayo nag titiwala sa kanila.” Anito.
“Alam ko boss, pero itataya ko ang buhay ko dito.” Determinadong saad ng tauhan.
“Paano ka naka sisiguro? At bakit subra ang tiwala mo dyan? Baka yan pa ang magpapahamak sa iyo, sa akin at lalong lalo na kay Amelie.” Aning di parin mawala sa paghihinalang ika ng boss.
“Sigurado ako boss, dahil kapatid ko mismo ang andon! Sya mismo ang isinalang ko at ang pinsang kong nag tatrabaho sa CIA, pagtiwalaan mo ko sa pagkakataong ito. Ipinapangako kong mauuna ang pamilya ko bago pa nila makanti si ma’am Amelie.” Paniniguradong saad ng tauhan.
Tila nagulat ito ng bahagya at nagdadalawang isip kung paniniwalaan ba ito sa ngayon. Pero napagtanto nya, kung nakuha nitong isalang ang mahal sa buhay nito ay malamang na pagiingatan ng mga ito si Amelie dahil pagnagkataon kasama ang mga ito sa maaring makatikim ng galit ni Alfonso. Napatango nalamang ang big boss at tinapik ang balikat ng tauhan.
Marahan itong umupo sa shivel chair nito paharap sa malawak na mangasul-ngasol na karagatan. Napapikit ito at taimtim na umusal ng dalangin sa itaas na sanay gabayan at pagkaingatan nito si Amelie. Nasa ganong posisyon sya ng bumukas ang pintuan ng silid tanggapan nya. iniluwa dito ang kanyang dakilang body guard.
“Boss, nakompirma ko na ang taga masid sa balwarte ng mga Ardiente. May iilan na din akong pinapwesto sa vicinity nito. Nakipag ugnay na din ako sa mga dati nyong tauhan at maagap naman silang natuwa at umaasang maibalik sa dati ang Isla Pueblo.” Pagrereport nito dito.
“Alam na ba nila na buhay si Amelie?” balik tanong nito.
“Opo, mas lalo nilang ikinatuwa ito. At nangangakong gagabayan at pag-iingatan nila ang tagapagmana ng Isla Pueblo, lalo na si Mang Nastor na asawa ni Aling Bebang ay tudo ang suporta at pangangalaga ng maigi kang Ma’am Amelie. Sa ngayon po ay tanging si Aling Bebang lang ang pinakmalapit na kasama ni ma’am Amelie.” Dugtong nitong pagbabalita.
Tumango-tango naman ito at medyo nasiyahan sa sinasabe ng bodyguard nya. ngunit di parin mawala sa puso at isip nya ang kaligtasan ni Amelie at ng mga taong nakabantay dito. Lalong nalalapit na ang panahon ng muli nilang pagkikita ni Don Alfonso. Nag liliyab lalo sa galit ang damdamin at kaluoban ni Don Mariano lalo na ngayong nasa balwarte nito ang nag iisang anak na naiwan. Hinding-hinde na sya makakapayag na pati ito ay mawala sa kamay mismo ni Don Alfonso Ardiente. Kaya by hook or by crook sasamahan nya ang anak sa laban nila.
Nalalapit na din ang pagkikita nilang muli ng anak. Lalo na’t kay lapit n anito sa kanya ngayon. Hinding hinde na sya makakapayag na sasarilinin ng anak nya ang laban na ito.
“Just Hold Amelie Celestine! Andito lang si Papa mo, hinding hinde ka na mag iisa sa labang ito anak! Ipinapangako ko sayo yan! Sabay nating aabutin ang hustisya para sa pamilya natin anak ko!” usal ni Don Mariano na patuloy sa pag tanaw sa karagatan na animo andon si Amelie Celestine. “Antayin mo lang ako anak! Lalabanan natin ito ng sabay!” dugtong usal nito sa hangin.
Sa kabilang dako naman sa mansion ng mga del Vijo Bernardo.
“Maureen Hija! I’m glad you’re here! Kamusta ka na? it’s been a while na hinde tayo nagkikita hija!” Ani Don Fernando ang ama ni Raziel. Na sinalubong ang dalaga sa may pintuan.
“Hello Tito! I just drop by to say hello at ang makita ko din po kayo!” ani Maureen na kay tamis ng mga ngiti nito.
“How sweet of you then hija! Come dito tayo sa sala ng makapagpahing ka man lang saglit.” Paanyaya ng Don Fernando dito.
Magkasabayan pa ang mga ito sa pag-upo. Ng maya-maya lang ay tinawag ng Don ang kasambahay para tawagin si Raziel, kamo’t may bisita itong dapat harapin. Humayo naman agad ang katiwala upang ipaalam sa Binatang amo ang pinag-uutos ng ama nito.
Di nga naglaon ay makikitang bumaba ito mula sa itaas at naka kunot nuong simangot ang pagmumukha nito. Ni di nga ito nag abalang mag ayos sa sarile ng humarap ito sa dalaga.
“Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito Maureen?” kunot nuong sambit ni Raziel habang pasalampak itong umupo sa single sofa.
Tila napapahiya naman si Maureen sa ibinungad ng binata sa kanya. Tipid ang ngiti nitong napatingen kay Don Fernando, na tila ba nag hahanap ng kakampi.
Napa tiim namang tinigan ng Don ang binatilyo.
“Ano ba yan Raziel, ni hinde ka man lang nag abalang mag-ayos? May bisita ka hijo, you should take proper appearance here.” Aning don Fernando.
“What? Proper? Tzzzzz….its your visitor Dad, it’s not mine! Ika may gustong makausap yan di ba? So I guess kayo nalang ho ang mag proper appearance.” Ani Raziel na ngumising nakakasuya, habang naka tingen kay Maureen.
“RAZIEEL! Your manners young man!” Buo ang boses na bulalas ng Don. At tiim itong nakatingen kay Raziel.
Natahimik naman ang binata, alam nyang malapit na sa point nakukulo ang Ama nya sa galit. Hinde sya natatakot sa ama, iniiwas lang nyang magkabangayan sila nito. At ayaw lang nyang makita sila ng ina na nag ka-clash muli dahil sa iisang bagay na pinipilit ng ama nyang gawin nya.
“I just want you to settle on the right girl Raziel, alam mo yan. And there’s no rightful thing than marrying Maureen.” Diin na wika ng Don.
“I know that you’ve been concerned about me, and I appreciate that, pero uulitin ko ng sabihen sayo Dad, na hinding hinde mangyayare ang gusto mo!” Mariing turan ni Raziel sa ama. paulit-ulit na lamang ang paliwanag na ibinibigay nya sa ama. and here again, uulit na naman sila sa paliwanagan.
“Are you sure about that Raziel? Ano pa ba ang inaayawan mo? Maureen comes from a respectable family, and I do believe na maging better half mo ito.” Giit na ika ng Don.
“I understand your perspective Dad, and I appreciate your intentions. But when it comes sa heart matter? Mas mahalaga pa din ang sundin ko ang gusto ko at ang sinasabe ng puso ko. I don’t want to enter not tied up in a relationship where there’s isn’t a genuine connection! Between me and Maureen? Walang wala, sorry to disappoint you ng paulit-ulit Dad!” seryosong saad ni Raziel na matiim na nakatingen kay Maureen.
“Have you given it enough thought Raziel? Sometimes, feelings can be develop overtime.” Ani Don Fernando na ayaw pa ding mawalan ng pag-asa.
“Dad! I’ve spent a lot of time reflecting on this. I better be honest with you and myself, and to the person I would potentially be in a relationship with. It wouldn’t be fair to either of us if I were pursuing it na wala talaga akong nararamdaman para sa kanya.” Giit na wika ni Raziel na nakatitig pa din kay Maureen. Habang ang huli ay naka yuko naman habang nakikinig sa usapan ng mag-ama.
Ng di na maka pagpigil ay sumabad ito sa usapan.
“You’re not trying enough Raziel! Kasi if you do, baka sakaling kahit unti man lang ay magkaroon ako ng puwang dyan!” ani Maureen na itinuro pa ang bandang puso ni Raziel.
“Maureen, nirerespeto kita, sana man lang wag mong ubusin ang natitirang respeto ko sayo. I can’t pretend to have feelings that aren’t there. At lalong Ayukong mahalin ka dahil lang sa obligasyon. O obligado ako” tiim bagang na ika ni Raziel na kay talim na ang tinging ipinukol nito sa dalaga.
“Ohhh…Yaaahhh! You can’t love me nor give me chance to prove it on you kasi may Aniah ka na! am I right Raziel?” mapait na sabi ni Maureen habang tipid ang ngiting ipinukol sa ama ng binata.
Napamulagat naman ang Don sa narinig.
“Who is Aniah?” Tiim na tanong ni Don Fernando na nakatingin sa anak.
“She’s out of this dad! At alam mo yan Maureen!” Mariing sabi Raziel na may diin na sa bawat salita nito.
Napangiwi at sumandal si Maureen sa inuupuang sofa. Sa likod ng utak nya ay medyo nakahagilap sya ng munting pag-asa. Hinde alam ng ama nito ang tungkol kay Aniah. Ibig sabihen ang mama lang nito ang nakakaalam. Napangiti sya ng lihim. May ilalaban pa sya sa babaing salot na yon. Kaya ng tumingen si Don Fernando sa kanyang bahagi ay nagpakakawa effect sya. Kunyaring nasasaktan sya sa sinasabe ng binata, in which may katotohanan naman talaga. Lalong nasaling ang pride nya ng makaharap nya ang palabang babaeng yon. Lalong nag ngingit-ngit ang isipan nya sa twing maalala nya ang paghaharap nilang dalawa. Kaya hahanap sya nang paraan ngayon ayaw nyang magpatalo dito. Kung si Raziel at ang ina lang nito ang panlaban ng babaing yon pwes dito sya sa padre de pamilya, tyak syang sa kanya ito kakampi.
“Hinde sa hinuhusgahan ko ang judgement mo sa babaing yan, o sa makakatuloyan mo Raziel, gusto lang kitang makitang nasa ayos na, kung si Maureen lang naman ay kilala na natin ang pamilya nya, good family, well established and most respetado! Unlike sa babaing binabanggit ni Maureen, ni hinde nga nag ring a bell ang pangalan nyan, who was it again? Alliah?” litanya ng Don, sabay harap kay Maureen ng magtanong tungkol kay Aniah.
“Si Aniah po tito, and He ask her for marriage na!” May pait sa tinig na wika ni Maureen. Mas lalo pa nyang pinakitang kakaawa ang mukha sa mga mata ng Don.
“Whaaaaatttt?.....are you insane? Kilan mo lang ba nakilala ang babaing ito Raziel?” Gulat na saad ni Don Fernando, humarap ito kay Raziel at nag aantay ng paliwanag dito.
“it’s not on how long you’ve meet o makilala mo ang isang tao Dad, its what’s with in sa pagkatao nya, at sa puso nito.” Madiing sabi ni Raziel na matalas na ang tingen nito kay Maureen.
Tila baliwala naman dito ang matalas na tingen ng binata. Mas nanaig dito ngayon na may pag-asa pa syang makuha dito. Hanggat di magbabago ang pagpapasya ng padre de pamilya at di mababali ang sinasabe nito ay mas malakas ang pag-asa nyang mapasakanya ang binata.
“If that is so? Then bakit di mo din bigyan ng pagkakataon si Maureen? I guess Maureen deserve it too kung yang babaing nakilala mo lang ata ng kilan lang ay binigyan mo ng pagkakataon, si Maureen pa ba? Maureen is kind, intelligent and most we share many common interest lalong lalo na sa Negosyo!” Bulas ng Don na binoboost pa ang dalaga kay Raziel.
“Dad, I’ve seen how she behaves around you, she’s manipulative and so nagger! Alam mong ayaw na ayaw ko ang ganon.” May diin na uli ang bawat katagang binitiwan ni Raziel.
“You’re being unfair Raziel! You don’t know her like I do. She’s shown me genuine care and affection as your old man.” Galit na sita ng Don sa anak.
“Because She want to get what she want! and thats bullshit!” Gigil na sagot ni Raziel. "Well, maybe you don't really know what's best for me, now your controlling me!" dugtong na saad ni Raziel na naningkit ng bahagya ang bilogangn mata.
“RAAZZZIIEELL! ENOUGH!, if nakuha mong pagbigyan ang babaing yan, then gawin mo kay Maureen, at kung hinde talaga at wala ka talagang mapapala din bahala ka na sa maging buhay mo! Yan ang huli kung saad sayo, Take it or break it, your choice or mine! or else di mo pamatuntong ang babaing yan sa pamamahay ko.” Tila kulog na dumadagondong na wika nang don.
Napatiim bagang naman si Raziel sa tinuran na ama. at isang matalim na tingen naman ang ipinukol nya kay Maureen na ngumiti ng tila nang aasar sa pagkakataong ito. Tila masaya ito at tudo pa din ang suporta ng ama nito dito. Tiim bagang at kuyom ang mga palad na marahang naisuntok nya sa armrest ng sofa nila habang tuloy ang titig na tila nanunuot sa buong katauhan ni Maureen.
Lumaban naman ng titigan ang dalaga dito. Hinde sya nag padaig sa matalas at matalim na titig nito. Medyo she feels a chilling effect nang makita nyang He gritted his teeth with so much annoyance and disappointed. Pero pinaranas ng huli na kunyaring di sya apektado sa reaksyon nito.
This was her only chance na maipakita nya sa lalaking mas nararapat sya kisa babaing nakilala nito. Na mas higit sya dito. Kaya isinusumpa nyang gagawin nya ang lahat mapa sa kanya lang ang lalaking minamahal at ang tangin lalaking umaayaw sa kanya.
Matalim nyang tinitigan si Maureen na mariin din ang pagkatitig sa kanya, tila naghahamon ito nang labang alam naman nitong ikakatalo nito ng malubha. Parang demonyo ang ngising binitawan ni Raziel habang nakikipaglantugian ng titigan sa dalaga.
“Your game? My Win!” walang boses na sambit ni Raziel. Tila nabawa naman ni Maureen ang pinarating ng binata. Isang pagtataas ng kilay at misteryosong ngiti naman ang isinagot nito.
"Your Loss, I win" ito naman ang bulalas ni Maureen sa isip.
alam ni Raziel na maging isang roller coaster ang sagupaang ito. na kailangang nyang paghahandaan. Maureen won't accept defeat kaya alam nyang may mas malalim pa itong binabalak na gawin. but He won't and would never be trick on her pit! sisiguradohin nya yan. God Forbid pero alam nya sa sarile nyang hinde magugustohan ng babae pag pinikot sya nito. napabungtong hininga na lamang sya, di pa nga natapos ang problema nya tungkol kay Aniah na hanggang ngayon ay wala pang nakuhang balita mula sa private detective na hina hire nya. wala parin itong lead na inulat patungkol sa dalaga. kaya naman buryong at aburido na ang utak nya. tapos hito pa si Maureen na nag uumpisa na ng gyera sa pagitan nya. ang malala pa naggagatong na ito sa pamamagitan ng ama nya. kaya lalong nag pupuyos ang damdamin nito sa sunod-sunod na dagok na dumagsa sa buhay nya. pero kakayanin nyang lahat ng ito. lalo na ang paghahanap sa babaing tumalikod sa kanya ng walang pasabi.
"Damnnn you Aniah! di sana tapos na ang problema ko sa babaing ito!" bulong ni Raziel na lalong nag papaalab sa galit nito.
Raziel is too damn raging with so many emotions kaya naman sa isip nya ay gusto nya nang pilipitin ang mga taong nag bibigay stress sa buhay nya. gigil na napasandal sya sa upuan. sabay mura ng palihim.