Isang malakas na tunog ng celphone ang nag papukaw ng mahimbing na tulog ni Danielle. pupungas-pungas syang kinakapa ang celphone sa may side table nila. ng mahagilap ay agad nyang pinindot ang button na di man lang binigyang pansin ang numerong tumatawag o sinohin ito. "Hello?" ani Danielle na nakapikit pa din ang mga mata at tila lamyang sinagot nasa kabilang linya. "Danielle!" ani kabilang linya boses babae ito. biglang napamulagat si Danielle ng marinig ang pamilyar na boses, boses na nami-miss nyang marinig. "Ate Aniah?" ani Danielle na napabangon na ngayon mula sa pagkahiga. napalingon pa sya sa katabi na si Zandrick, hininaan nya ang boses nya at baka magising ito. "Ate? my goodness! saan ka ba? saan ka nag susuot? pinakaba mo kami!" sunod-sunod na turan ni Danielle habang bum

