Chapter 22

3084 Words
Masakit ang ulo at tila nahihilo pa si Aniah ng magising na iniinda ang patuloy na pag-ikot pa din ng paningen. “Arrrraaayyy!.....aaahhhh….” ani Aniah na napahawak sa ulong namimintig at umiikot na naman ang paningen nya. tila nag aalburoto din ang kaluob-luoban nya. na tila nais nyang maduwal. Kaya marahan syang bumangon sa pagkahiga. Nang mapansing iba ang silid na kinasasadlakan. Inilibot nya ang paningen sa luob ng apat na sulok ng silid. Kulay puti ang pintura ng silid na may small décor na kulay gold, hinde masakit sa mata ang silid na ito, sa harapan nya ay may malawak na glass door, hinde ito masisinagan ng araw na diderekta sa kinalalagyan nya. makapal ang kurtain na nakasabit nito kulay ash gray at white ang linen nito. Sa kanang bahagi nya ay Nakita nya ang isang portrait na 1188mm by 841mm ang laki, Maganda ang kulay nang frame nito na may touch of gold and black, tila napakahalaga nito kaya ganon ka ganda ang pagka frame dito. kilalang kilala nya ang mga naandoon sa frame, napakunot ang nuo nya habang tinitigan ito. Pinilit nyang humayo at nilapitan ang malaking frame, Di nga sya nagkakamali, picture ito ng pamilya nya ang masasayang ngiti na nakapagkit sa mga labi nila ay tila ba walang sakunang nangyayare. Napaka tamis ng ngiti ng kanya Mama nyang naka upo sa pang-isahang upuan na akap-akap si Adelle na nakakalong sa ina, at ang cute naman ng pagka ngiti din nito, dala-dala pa din ang teddy bear na hanggang sa pinakahuling hininga nito ay akap-akap pa din, napaluha si Aniah ng ma-alala ang pangitaing iyon. Na andon si Axiel na kay lawak ng pagkangiti habang katabi nito si kuya Aurello nya, nakaupo ito sa may paanan ng kanilang mama, andon din sya, katabi nya ang kanyang papa, na nakaabay naman sa kanya at nasa kabilang balikat naman ng esposa nito ang isa pang kamay. Kay ganda ng ngiti ng kanyang ama tila nawawala na ang mata nito sa pagka ngiti. Habang sya naman ay abot hanggang mata din ang mga ngiti. Napahagulhol si Aniah sa pangitaing iyon. Ang pamilya nyang binawi sa kanya ng mga walang awa at gahaman sa kayamanan. Muling nag igting ang mga ugat sa nuo ni Aniah na muling nagpasakit at lalong nagpaliyo sa kanya, nang maalala ang mga kasalanang ginawa sa kanila ng pamilyang Ardiente. Kahit kilan ay di nya kayang patawarin ang mga ito. Dahil hinde na nito maibalik ang buhay ng kanyang mahal sa buhay. Napakapit sya sa side table na nasa tabi nya, doon sya kumukuha ng lakas upang makatayo pa nang mas matagal. Napahawak sya sa ulo at mariing pumikit upang ma at ease muna ang pakiramdam. Nasa ganong posisyon si Aniah ng bumukas ang pintoan ng kanyang kwarto. Iniluwa dito si Kath, napalingon si Aniah upang sinohin ang pumasok. Nakita nya ang isang Magandang dalaga, balingkinitan ang pangangatawan, maamo ang mukha nito at may matamis na ngiti sa mga labing nakapagkit. “Hi! Buti naman at gising ka na!” anitong kay tamis ng mga ngiti. “H…hhii…!” may pagaatubili sa sagot ni Aniah. Papalapit naman si Kath dito, inalalayan nya itong bumalik sa higaan. “Kamusta na ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa din ba?” may pag-alalang tanong nito kay Aniah. “M…mmeedyo!” tipid nyang sagot sa babae. “Dito ka muna sa higaan mo, tatawagin ko si Doc ng matingnan kang muli ha?” aniton nginitian uli si Aniah. Tumango na lamang si Aniah, agad namang tumalikod ang babae upang kaunin ang doctor na sinasabe nito. Magaan ang luob ni Aniah sa babae, hinde sa dahil mabait ito sa kanya, ramdam nya ang kabaitang taglay nito. Genuine din ang pinakita nitong pag-aalala. Makikita mo naman sa mata at kilos ng tao kung pinaplastik ka lang. Muling nag bukas ang pintuan ni Aniah, iniluwa dito ang isang nakaputing coat at alam nyang ito na nga ang doctor, kasunod nito ang dalawang nurse na may mga dalang tray. Nakangiti ang mga ito habang papalapit sa kinaroroonan nya. “Kamusta nang pakiramdam mo Aniah?” nakangiting tanong ng doctor kay Aniah. “Medyo nahihilo pa po! Paano nyo po nalaman pangalan ko? Magkakilala po ba tayo?” ani Aniah na may pagtataka sa kaharap. Umiiiling ang doctor at tumingin ito sa katabing si Kath. Isang saglit na pikit sa mata bilang senyales na wala pang alam si Aniah. Muli itong bumaling kay at ngumiti. Napatango naman ang doctor ng makuha ang nais nitong iparating. “kukunan ka muna naming ng BP Aniah, at may ipapainom sayo ang nurse dito para mabawasan ang pangingirot ng ulo at pagkaliyo mo. Ito nga pala si Beth, maging private nurse mo mula ngayon. Sya ang makakasama mo dito sa kwarto para Samahan at mabantayan ka na din.” Mahabang paliwanag ng doctor. “Ahhmmm…pwede ba akong magtanong?” ani Aniah na seryoso ang pagmumukha. “Saan ako? At bat ako naandito? Sinong may pakana ng pagdukot sa akin?” sunod-sunod na tanong ni Aniah na mariin ang mga titig sa kaharap. “Soon, Aniah makikila mo din sya. Sa ngayon may inaasikaso lang sya kaya wala sya dito sa ngayon. Pero matagal ka na nyang gustong makausap at makita, infact sabik na syang makita kang muli!” nakangiti paring saad ng babae. Nakakunot ang nuo ni Aniah, sino kaya ang taong ito? At bat nananabik na itong makita sya? Dati na ba nya itong kakilala? Pero bakit ngayon lang ito nagpaparamdam? Kung nais syang makita at na miss sya bat ngayon lang ito lumabas? Ano bang meron? Muling napalingon si Aniah sa portrait na nasa may dingding. Nanlumo syang muli nang masulyapan ang larawan ng kanyang pamilya, muling nanunungaw ang mga luha sa mat ani Aniah. Nang makita ito ng mga nasa paligid ni Aniah ay sumenyas si Kath na iwanan na muna nila ang dalaga, tanging si Beth lang ang pinaiwan nito upang bantayan at Samahan si Aniah. Marahang ipininid ng mga ito ang pinto, ayaw nilang magambala si Aniah sa pag-alala nito sa kanyang mahal na pamilya, alam nila ang nararamdaman ng dalaga kaya hinahayaan na muna nila ito. Si Beth naman ay umupo sa sofa at iniayos ang mga gamot na iinumin ni Aniah after nitong kumain. Sa kabilang dako naman: “Sgt. Esacalon, wala tayong lead kung saan mahahanap si Aniah! Paanong gagawin mo?” aning kaharap ni Belen na syang naging driver nya. “Castro, kung gugustohin madaming paraan. At kung hinde wala ka talagang mahahanap na paraan.” Ani Belen na matamang nakatingen sa cctv na kuha nya sa mga Ardiente. Nakunan nito ang sasakyang humarang sa kanila, maging ang pagbaba ng mga tauhan at pag tutok sa mga kasamahan nya at ang paghambalos ng baril sa likod ng ulo nya. napatiim bagang sya sa Nakita. Di sya naging mailap sa pagkakataong iyon dahil naging kampanti sya. Nakita nyang paalis na sana ang sasakyang kumidnap kay Aniah nang isang kotse uli ang humarang sa dinaraanan nito. Mabilis ang pagbaba ng nakaharang na sasakyan tinutokan nito ang kumidnap kay Aniah, imbes na bumaba ay nagpapaputok ang mga ito na ikinaupo upang magkubli naman ang mga humarang, sing bilis naman ang pag kambyo ng nag mamaniho ng sasakyan animo nag drifting ito upang iwasan ang humarang na sasakyan, nakaiwas at nakalusot ito sa humaharang pero mabilis din ang mga kilos nito at sing bilis ng kidlat na humarorot ang sasakyan upang sundan ang umiskapo. Hanggang naging blanko na ang monitor di na maabot pa ng cctv. Napatanga si Belen, may isa pang grupo maliban sa kumidnap kay Aniah? Sino ang mga ito? At ano ang pakay nito kay Aniah? Tila nag aagawan ito sa babae. May kinalaman kaya dito ang Ardiente? Di kaya pakana ng mga Ardiente ang lahat ng ito? Pero imposible, kasi si Aling Bebang mismo ang nag sabing galit na galit si Don Alfonso dahil napatayan ito nang isang tauhan, at alam nyang sya ang may kagagawan nito. Pero hinde nga daw mga tauhan ng Don ang naka engkwentro nila at ang isa pang grupong lumantad. Palaisipan ngayon kay Belen kung sino ang mga ito. Maliban sa kanila ay wala nang iba pang alam na grupo si Belen na inarkilahan ni Aniah. Sumakit ang ulo ng dalaga sa kakaisip. Pini-play back nya ang eksena, nang masagip sa kanyang mga mata ang tila blurd na plate number ng plaka. Napalatak si Belen na ikinagulat naman ng kasamahan nya. “Castro, bilis kunin mo itong parting ito, e pa zoom in mo ito sa opisina, kay Dante. Ibigay mo ang copy na ito at kunin ang plate number na ito, mula dito ay malalaman na natin ang dumukot kay Aniah, dito tayo mag uumpisa.” Ani Belen na kakitaan na ngayon ng pag-asa. Napadaluhong naman ang tinawag at sinilip ang nakapause na parte ng cctv. Napalatak din ito. “Ang talino mo talaga Escalano napansin mo pa yan? Nakita mo agad? Samantalang ako eh nakailang ulit nay di ko napansin yan.” Aning Castro na napalatak muli habang inilapit ng maigi ang mukha sa monitor. Tumaas ang kilay ni Belen sa kasamahan di nya alam kung credit o pang aasar ginagawa nito. Kaya naman kinuha nya ang isang magazine sa tabi inilukot nya itong pabilog at marahang hinampas sa kasamang itinutok ang mukha sa monitor. Napahawak ito sa ulo ng maramdaman ang pagpalo ni Belen, lumingon naman ito sa katabi. “luko kang talaga! Paano momakikita eh sinubsob mo yang pagmumukha mo dyan sa monitor, halos halikan mo na yang sa subrang lapit!” Ani Belen na umiiling-iling pa nga. Kakamot-kamot pa nga ang huli ng Madali ito ni Belen. “Sige gawin mo na A.S.A.P yang pinapagawa ko sayo kailangan kong malaman ang plate number nyan as soon as possible.” Utos na saad ni Belen. Tumango naman ang initusan agad na umupo pabalik sa harap ng monitor upang e save ang clips na sinasabe ni Belen. “Sya ng apala, kung maari wag mong sabihen sa kahit na kung sino. Ramdam kong nag leak ang mission natin dahil may ibang mat ana naka masid sa atin. Kaya magiingat ka sa mga galaw mo. Iwasan mong maging marites! Naiintindihan mo?” dugtong na saad ni Belen dito. Napakamot naman uli ng ulo si Castro medyo nasapol sya sa paging marites nito. Tumayo naman si Belen at lumabas ng silid. Alas 5:38 p.m na ayon sa orasang nasa dingding, napasarap ata ang tulog nya at hinapon na syang bumangon, siguro ipekto din ito ng gamot na ipinainom sa kanya ng nurse. Himalang medyo kumalma ang pagkaliyo ni Aniah. Medyo ok na ang pakiramdam nya, kahit ang tila nais nyang pagsuka ay tila humupa din. Marahan syang bumangon, inilinga nya ang paningin upang hanapin si Beth, tila wala ata ang nurse nya, siguro may kiinuha o ginawa ito kaya wala ngayon don. Marahang tumayo si Aniah. Napatingen sya sa sahig hinagilap ng mga paa nya ang tsinelas na isinuot nya kanina. Nasa may gilid pala ito ng side table, siguro inaayos ito ni Beth kaya akala nya eh nasa babaan parin nya ito nakalagak. Isinuot nya ito at lumapit sa Bintang naka harap sa dagat. Kalmante pa din ang karagatan, tila wala ito sa mood na mag aalburoto. Napangiti si Aniah ng maramdaman ang medyo malamig nang hangin na nagmumula dito nang binuksan nya ang sliding door na pintuan, sinilip nya ang labas may terrace pala ang kwarto nya. kaya napagpasyahan nyang lumabas sa terrace. Mula doon ay makikita nya ang malawak na karagatan, ang malalagong kabundokan sa tabi nito na lalong nag papaganda ng tanawin dahil sa tingkad nang kulay nitong berde. Napapikit si Aniah at dinama ang sariwang hangin at ang marahang paghampas nito sa kanyang pisnge. Nasa ganon syang posisyon nang sa ibaba ni Aniah ay dalawang pares nang mga mata ang nakatingala sa kanya. May pananabik sa mga mata nitong nakatingala sa dalaga, naroong namumuo na ang luha nito ng makitang ok na si Aniah. Naramdaman nang dalaga na tila may nag mamasid sa kanya, kaya naman napatingen sya sa baba, nagkataong nakatingala pa din ito sa kanya, nag tama ang mga tingen nila. Nakikita ni Aniah ang tila malungkot na tingen nito sa kanya, pero may nasilayan din syang kasiyahan dito habang nakatingin sa kanya. Sinuri ni Aniah ang pagmumukha ng tao sa baba, di nya masyadong maaninanag ito, medyo may kalayuan ito sa kanyang kinaroroonan. Pero ang mga mat anito, parang may naalala syang di nya maalala. Nakitang nyang ngumiti ito sa kanya, medyo na alarma si Aniah sa ngiting iyon. Mga ngiting parang nakikinita na nya noon. Nakakunot ang nuong nakatingen sya dito. Ng sumenyas ito ng isang senyales na iisang tao lang ang may alam nang ganon. Itinaas nito ang kamay sabay lagay sa nuo, sa ilong at sa labi sabay hagis ng halik sa kanya. Napamulagat si Aniah, kinilabutan syang bigla, papaanong? Iisa lang ang may alam sa ganong batian nila. Napatutop sa bibig niya si Aniah. Umiiling-iling sya habang nakatingen dito. “Noooo! Imposible ito! Hin….hinddeee naman siguro…” Ani Aniah na umiiling-iling umaatras sya palayo sa terrace. Napaluha syang di nya maiintindihan. Sa baba naman Nakita ni Aurello na tila di makapaniwala ang kapatid sa iniisip nito ng gawin nya ang ginagawa nila sa twing gigising ito at tutunghay sa kanila na mga nauuna nang magising, lagi kasi sila sa harden namamalagi kaya lagi natatanaw ito ni Aniah sa twing magising at ganong aksyon ang ginagawa nila bilang pagbati ng Magandang umaga sa kapatid. Alam nyang di makakapaniwala si Aniah pero heto sya buhay na buhay. Dali nyang nilisan ang kinalulugaran nya at tinungo na ang luob patungo sa silid ng kapatid nya na alam nyang nalilito na sa pagkakataong ito o maaring di makapaniwala o hinde pa din naniniwala. “Ku….kuu…kuya Aurello?” bulong ni Aniah habang sapo-sapo pa din ang bibig. Umiiling-iling sya sa pagkakataong ito. “Hi….hii…hiinn…hinnddeee…imposible yon! Nakita ko mismo ang puntod ni kuya!” dugtong nyang ika. Nasa ganon syang kalagayan nang bumukas ang pintuan iniluwa nito ang lalaking nasa baba kanina, kung kanina ay di nya maaninag ito, ngayon ay malapitan na ito. Nakatuon ang tingen ng dumating kay Aniah. Naroong ang tinging nanabik sa kanya ng napakahabang panahon. Yong pagmamahal sa mata nitong tila ilang taon ding tinikis. Nasa harapan na ni Aniah ang kanina lang ay nasa baba na lalaking nag papaalala sa kanya ng kanyang kuya Aurello, mariing pinasadahan ni Aniah ng tingen ang kaharap. Nakangiti na ito sa kanyan, mga ngiting halos mawala na rin ang mga mata nito. Inulit nito ang ginawa don sa baba kanina sabay: “Gising na pala ang Maganda naming Prinsesa! Mahal ka naming tunay Amelie Celestine, andito na ang kuya Aurello mo hinding hinde ka na mag-iisa pa!” aning binata na may luha na ang mga mata. Napaawang ang bibig ni Aniah sa narinig, totoo nga? Totoo nga bang talaga? Ang kuya Aurello nga ba nya ito? Nakakunot ang nuo na tumitig sa kaharap, aga na tumayong bigla si Aniah, dali nyang itinaas ang damit nito, naibalita sa kanyan tadtad daw ng bala ang katawan ng kuya Aurello nya na syang sanhi ng pagkamatay nito. Sinuri nya ang buong katawan nito, Nakita nya ang piklat na mga nababaong bala noon. Nakita nya sa balikat nito ang isa pang piklat, muling napatingin si Aniah sa mukha ng kaharap ngayon nya naaninagan ang mukha ng kuya Aurello nyang kahit tumanda na ng ilang taon ay andon ang biloy na lagi nyang tinutusok sa twing nakikita nyang lumalabas ito sa pagkangiti ng kuya nya. Inilagay ni Aniah ang dalire sa biloy ng kaharap, napangiti naman ito sa ginawa ni Aniah. “Ku…kuuu…kuya? Ii…iii…iikkaww nga ba yan?” paniniguro ni Aniah. “Oo Celestine, ako ito ang kuya Aurello mo!” aning Aurello na gumaralgal na ang boses, tuloyan nang kumawala ang luha sa mga matang kanina pa nag pipigil. “Kuuu…kuuyaa? Kuya ko?” ani Aniah na napahagulhol na ng tuloyan. Inakap ito ni Aniah ng mahigpit. “Celestine! Kapatid ko! Ang Maganda kong kapatid!” Ani Aurello na bumuhos na ang matinding emosyon sa pagkakataong iyon. “Kuyaaaaa kooooo!.....” Palahaw na sa pag-iyak si Aniah. “A…aa…ka.aaalla ko wala ka na din, aakala ko iniwanan nyo na talaga akong mag-isa…..aka…akala ko wala na akong pamilya pa….” pahikbing sumbong ni Aniah sa kuya nya. “Shhh….andito na ang kuya, hinding hindi ka na nila masasaktan pa, hinding-hindi ka na mag-iisang lalaban para sa hustisya ng pamilya natin. Andito na ako bunso! Sasamahan kita, dalawa tayong lalaban para sa kanila! Andito na ang kuya Aurello!” pang-aalo ni Aurello sa kapatid na humahagolhol nan gang tuloyan. Nag-akapan ng mahigpit ang magkapatid na tila pinapawi ang pangungulila nila sa isat-isa. Ngayon alam na ni Aniah na di na sya mag-iisang lalaban, kasama na nya ang kuya Aurello nya sa laban. Tila batang humalukipkip si Aniah sa kuya Aurello nya na patuloy pa din sap ag-iiyak. Inaalo at binibaby naman ito ng kuya nya. matagal nang panahong inaasam nyang gawin ito kay Celestine, dangan lamang ay hinde pa napapanahon. Ngayong andito na sya pro-protektahan nya ang kapatid by all means. Wala nang makakapanakit at magbabalak manakit pa dito dahil andito na sya handa nyang gawin lahat para sa bunsong kapatid nya. masaya syang makakasama na ng walang pag-aalinlangan ang kapatid nyang Nawala nang pagkahabang panahon. Maluha-luha naman ang mga nakapaligid sa magkapatid, piping saksi ang mga ito sa pagkikitang muli ng dalawa. Kahit ang mga katulong ay naiiyak na nakangiting tinunghayan ang magkapatid na animo mga bata sa muling pagkikita. Ngayong na andito na ang kuya Aurello nya ay may maging kakampi na sya sa lahat, laking pasasalamat ni Aniah ang muling pag-bigay ng nasa itaas ng muling pagkakataon na magkasama silang muli. Masaya sana kung lahat ng mahal nya sa buhay ay andito at nakaligtas din, alam nyang subra-subra na iyon kung hihilinginin pa nya, alam naman nyang kahit ang kuya Aurello lang nya ang andito ay subrang laking pasasalamat at tuwa na nya. Mahal pa din sya ng nasa itaas at muli nitong ipinagkaluoob sa kanya ang kanyang kuya Aurello. Buong puso syang nagpapasalamat at nagagalak sa Magandang pangyayaring ito sa buhay niya. Alam nyang masaya na ang mga magulang nya na nakikita silang magkasama nang muli ng kuya Aurello nya. “Mama, Papa, andito na ang kuya Aurello! May kasama na ako, hinde na ako malulungkot pa ng labis! Mahal na mahal ko kayo!” bulong na usal ni Aniah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD