Isang malakas na sampal ang kumawala sa kamay ni Don Mariano na ikinatulig naman ng tauhan nito. Tinanggap lang nito ng buong pagpapakumbaba ang mga sampal at suntok ng Don, dahil inaamin nitong kasalanan nila at naging pabaya sila lalo na nong matakasan sila ng kanilang hinahabol na kung saan naka lulan si Amelie Celestine o si Aniah. Nakayuko naman ang lahat ng andon kasama na si Ricardo. Lahat sila ay walang imik, tinatanggap nila ang galit ng Don.
“Di ba sinasabe ko sa inyong huwag nyong iwala sa paningen nyo si Celestine? Papaanong nalusotan kayo ng dumukot sa kanya?” Galit na galit na ika ng Don. Ilang beses na nyang nahampas ng kamao ang mesa nito dahil sa subrang galit. “at bakit di nyo namalayan ang pagpasok ng grupong yon? Bat walang iisa man sa inyo ang nakakapansin o nakakabalita na may isa pang grupo ang nag mamanman kay Celestine? Di ba sinabe ko sa inyong lahat na alamin ang lahat-lahat ng umaaligid sa mansion ng mga Ardiente? At lalong wag mag pakampante sa mga nakakasalamuha? Masyado kayong naging pabaya!” dugtong saad nito na gigil na gigil sag alit.
Nakayuko lang ang lahat, napatiim bagang naman si Ricardo dahil sa pagkakataong ito napapahiya sya sa kanyang amo, pinaka unang pagkabigo ito ngayon. Kaya naman naisumpa nyang hahanapin nya ang dumukot na yon sa anak ng amo nya. kahit saang sukol pa ito nag tatago ay hahanapin nya ito at kukunin nya si ma’am Celestine, handing nyang ibuwis ang buhay nya maibalik nya lang ito sa ama nito.
“Ricardo, I am so disappointed on you! pero gusto kong alamin mo lahat, lalo na sa dumukot ng anak ko. Hanapin mo at ibalik mo sa akin si Celestine!” tiim bagang na ika ng Don na mariin ang tinging ipinukal kay Ricardo.
Yumuko naman si Ricardo bilang pagpaumanhin sa nagawang kamalian.
“Humihingi po uli ako ng pasensya at patawad, sa paging pabaya ko sa aking tungkulin. Bigyan mo pa po ako ng isa pang pagkakataong, sisiguradohin ko na pong makuha sa pagkakataong ito si ma’am Celestine.” Ani Ricardo.
Bumuntunghinga si Don Mariano, kalauna’y tumango ito.
“Sige, pagbibigyan kita, huwag mo na akong bibiguin ngayon Ricardo, dahil sa lahat ng tauhan ko, sayo ako lubos na nagtitiwala! Alam mo kung gaano kasakit sa akin ito, at alam mong pwedeng ikapahamak ni Celestine ang pagkadukot nyang ito ngayon, lalo’t wala tayong alam o lead sa kung nasaan man sya ngayon, Gusto kong mahanap mo sya sa mas Madali at maagap.” Dugtong na saad ng Don.
Tumango si Ricardo bilang pag-sangayon at pag-intinde sa sinasabi ng matandang Don. Alam nya ang nararamdaman nito. Kya lalo syang nagui-guilty dahil naging pabaya at kampanti sya ngayon. Napakuyom sa mga palad nya si Ricardo.
“Maasahan mo po boss! Salamat!” aning Ricardo. “Maraming salamat po sa pagtitiwalang muli. Gagawin ko pong lahat ngayon!” dugtong nyang sabi.
Tumalikod nang muli ang matandang Don, muling tinanaw ang kalawakan ng dagat ng Isla Pueblo, kay amo ng dagat ngayon, kalmante lang ito habang kumikinang sa twing nasisinagan ng araw. Napapikit ang mata ng Don, napasinghap ng sariwang hangin dala mula sa kalmanteng karagatan.
“Celestine anak, magparamdam ka kung nasaan ka man ngayon. Hahanapin ka naming anak, kukunin kita! Kapit ka lang anak, andyan na ako!” bulong na ani ng Don habang naka pikit.
“Pag may lead ka na kung nasaan ang anak ko! Ipag bigay alam mo agad sa akin, gusto kong ako mismo ang kakaun sa anak ko! At makilala ang dumukot sa anak ko! Papatikim ko sa kanya ang ganting di nya makakalimutan, sa kapangahasang ginawa nito sa akin!” dugtong saad ng Don na napatiim bagang muli.
“Masusunod po Boss!” ani Ricardo. “Ipagpaumanhin mo po, papaalam na po sana ako upang gawin na ang nararapat kong gawin!” dugtong paalam nito sa matanda.
“Sige na! humayo ka’t gawin na ang inuutos ko!” aning matandang Don.
“Sige po!” tipid na sagot ni Ricardo yumukod na ito at dagling nilisan ang silid. Marahan nitong isinira ang pintuan pagkalabas.
“Berting! Tawagan mo si Coronel Topacio! Ngayon ko na kailanganin ang tulong nya. sabihen mong makikipag appointment ako sa kanya.” Utos ng Don sa katiwalang driver.
“Sige po Don Mariano. Tatawagan ko si Estella ngayon din at ipaalam ang gusto mo!” aning driver.
Humayo agad ito at nilisan ang silid. Nang marinig na ng Don na naisara na ang pintuan ay humarap na ito at nais nang maupo sa upoan nya ng mapansing andon pa din ang ibang tauhan na naka yukod pa din. Napabuntunghinga uli ang Don.
“Sige na humayo na kayo, at tulongan nyo si Ricardong Mangalam ng impormasyon tungkol sa anak ko. Sana this time ay umaayos ang mga kilos at gawa nyo.” Seryosong saad ng Don.
“Salamat po boss! Makakaasa po kayo!” sabay-sabay na saad ng mga tauhan.
“Sige! Pagkalabas nyo ay isara nyo na ang pintuan, at paki sabi munang walang papasok at gusto ko munang mapag-isa” aning Don na sumandal sa swivel chair nitong nakapikit na ang mga mata.
Dali namang tumalima ang mga tauhan ng Don, marahan ang mga itong humayo at maingat ang pagpinid ng pinto, ayaw nilag magambala ang pagpahinga ng amo nila. Dala-dala sa mga puso ng mga ito na bumawi sa kapalpakang nagawa. Sisikapin nilang matunton ang kinaroroonan ng anak ng boss nila, kahit mahirap at mangangapa sila, sisiguradohin nila magkakaroon sila ng lead.
Nasa telepono si Ricardo ng makalabas ang ibang tauhan. May kausap ito.
“Buddy! Kamusta?” aniyang nakangiti habang kausap ang nasa kabilang linya.
“Oi! Buddy! Ito Mabuti naman, tambak Gawin sa opisina as usual, alam mo naman!” sagot ng nasa kabilang linya. “Napatawag ka buddy? May kailangan ka ba? Need mo ba tulong ko?” Dugtong saad nito.
“ha.ha.ha. hinde naman bud, kaw naman….baka inaakala mo Malala lang kita pag may kailangan ako!” tila nahihiya pang saad ni Ricardo.
“Buddy! Nahiya ka pa, eh alam ko namang may kailangan ka!” aning kabilang linya na tumawa pa nga.
“Ha.ha.ha talas pa din talaga pang-amoy mo buddy! Di talaga ako maka wala sa pang-amoy mo!” birong saad ni Ricardo dito.
“Ako pa ba buddy? Eh ikaw lang eh, ayaw mo kong tawagan pag di ka pa medyo kumikiling sa kung ano yang pinaggagawa mo!” anito na sinukol na nga si Ricardo.
“Oo na buds! Panalo ka na! ha.ha.ha.!” tawang saad ni Ricardo na napakamot pa nga.
“See….sya ano yon buds? Spell it out!” aning kabilang linya na sumeryoso na sa pagkakataong ito.
“Hawak mo ba ang cctv sa may avenue?” tanong agad ni Ricardo.
“Hmmm…sang avenue?” balik tanong ng nasa kabilang linya.
“Sa may intersection banda” sagot naman ni Ricardo.
“Ahhh…don ba? Hinde ko hawak yon buddy, pero kilala ko nakatalagang cctv operator don!” aning kabilang linya.
“Pwede kayang makahinge nang pabor don na makita ang record nong nakaraang araw?” tanong naman ni Ricardo.
“Hmmm…pwede naman buds. Kakausapin ko si Moreno sya yong head don!” aning kabilang linya.
“Ganon ba buddy? Sana mapa Oo mo buddy! Need ko lang malaman yong plate number nong kotseng hinahabol naming.” Anin naman ni Ricardo.
“Oo buddy, di maka hinde sa akin yon!” paniniguro namang saad ng nasa kabilang linya.
“Salamat kung ganon Buds. Tatanawin ko yong malaking utang na luob ko sayo yon pag nagkataon!” tuwang saad naman ni Ricardo.
“Wala yon, mas Malaki utang na luob ko sayo buds alam mo yan! Kaya wala tong hinihingi mong pabor! Chiklit lang to!” aning kabilang linya na nakatawa pa.
“Sooossss wala yon buds. Pero itong gagawin mo sa akin di ko makakalimutan promise ko yan buddy!” taos sa pusong saad naman ni Ricardo.
“Ha.ha.ha…..walang problema yan Buddy! Tatawagan agad kita para ipaalam ko sayo if kilan natin pweding puntahan si Moreno!” pag-aasure nito sa kay Ricardo.
“Sige Buddy aantayin ko yang tawag mo kung kilan pwede.” Ani naman ni Ricardo.
“Okey buddy, sige na tatawagan ko na sya ngayon after nating mag-usap.” Ani naman nito.
“Ok! Sige buddy, maraming salamat!” ani naman ni Ricardo na nakangiti na ngayon. Pinatay na nya ang telepono, Alam nyang makukuha nya ang impormasyong hinihinge dito. Umaasa syang malalaman nya agad ang resulta sa mag madaling panahon.
“Sir Ricardo, papalakarin ko na din yong mga assets natin, baka sakaling may makalap din silang mga balita patungkol don sa sagupaan natin.” Ani naman nang isa nyang kasamahan.
“Sige, palakarin mo na sila, bigyan mo ng pang allowance nila ng ganahang gumalaw at gumawa. Wag kamo silang tumantan sa pagkalap ng impormasyon, mas Maganda kung palawigin pa nila ang mga makakasama nila sa pangangalap ng impormasyon” dugtong saad ni Ricardo.
“Areglado sir! Sige po aalis na po kami!” anito sabay paalam na din.
Tumango lamang si Ricardo bilang pagsang-ayon. Nang mawala na sa paningen nya ang mga ito ay may dinayal na muli si Ricardo. Isa pang kasamahan nyang alam nyang makakatulong din sa kanya.
Gagamitin nya ngayon ang paging isang marine’s para makalap ang mga impormasyong kinakailangan nya. ayaw nyang mapahiyang muli sa matandang Don, ayaw nyang makitang nalulungkot ito sa nangyayare. Alam nya kung gaano kinasabikan nito ang makasama ang anak na kay tagal na nawalay. Sa pagkakataong ito ayaw na nya itong biguin. Kaya kung kinakailangang lahat ng parte ng pilipinas na may maging koneksyon sya ay gagawin nya. kung makuha lang nya ang impormasyon ng kotseng ginagamit ng dumukot sa amo nyang babae ay di na sya gaanong mahirapang e trace ito.
Di na sila mangangapa kung saan mag sisimula at saan mag hahagilap. Maging ang pagiisip kung saan sila dadayo at uumpisahan ang paghahanap. Kaya mahalaga sa kanyang makuha ang record ng cctv na iyon.
Maya-maya lang ay tumunog na ang teleponong kanina pa dinadial.
"Helllo!" Aning kabilang linya.
"Edison?" Tanong ni Ricardo.
"Yes! sino to? paano mo nalaman yong number kong ito?" takang saad ng nasa kabilang linya.
"Si Ricardo to!" ani Ricardong seryoso ang boses.
"Oyy! pare...ikaw pala yan! kamusta na?" ani Edison.
"Ito, medyo tagilid sa lakad ko!" aning Ricardo.
"Bakit pare? anyare?" tanong nito.
"Pumalpak yong pag rescue namin kay ma'am Aniah!" sumbong nya dito. kasamahan din nya si Edison nong nag-aaral pa sya ng marines. isa din ito sa mga pinagkakatiwalaan nya at malapit na kaibigan. ito din ang naging impormante nya sa luob at nag bibigay sa kanya ng impormasyon patungkol sa mga kailanganin nyang ipahanap o ipasubaybay.
"Ganon ba pre?" anitong napa pitik pa nga. "May maitutulong ba ako sayo pre?" dugtong nitong saad.
"Oo pare, baka pwede mong alamin bala na nakuha ko sa kotse ng kasamahan ko. mukang high powered weapon din gamit nila. alam kong di pangkaraniwan yong nakasagupaan naming yon! ani Ricardo na tinitignan ang shell ng balang hawak.
"Asan ang balang yan pare? nasa sayo ba?" dagling tanong ni Edison dito.
"Oo pare, hawak ko nga! gusto kong pasuri sayo ng ballistic report! baka makilala mo din kung saan nanggagaling yong bala nang sa ganon malalaman ko kung may kinalaman ba ang kapwa nating naka uniporme din!" walang gatol na saad na ika ni Ricardo.
"Duda ka pareng may kinalaman ang nasa taas sa pagdukot nong anak ng boss mo?" balik tanong ni Edison.
"Posible pare! at ang nakakapagtaka pa don, mukang bihasa sa car racing yong driver nang nakasagupa namin. pihong lisensyado sa larangan ng pagmamaneho ng ganon, kung makita mo lang pare kung paano kami natakasan magugulat ka" pagkukwento pa ni Ricardo na hanggang ngayon ay nakikinita pa nya ang habulang nangyayare. di nya akalaing mga hustler yong makakalaban nila at ang kumidnap ng amo nyang babae. kaya masakit para sa kanya ang pagka palya ng mission nyang ito. feeling nya tinatapakan ang galing nya sa pag bantay at pag rescue na kung saan don sya bihasa. kayang-kaya sana nya kung di lang magaling yong driver ng mga dumukot sa amo nyang babae. napapailing na lamang sya sa twing mag flash back yong muntikan na nyang makorner ito pero kay bilis ng pagmaniobra ng driver animo nag didrifting pa nga ito makatakas lang sa kanya.
"Sige pare, magmaman-man ako, at magpapakilos na din ng tauhan para malaman natin ang lahat, maganda sana kung makuha mo yong cctv record ng pinangyarihang habulan nyo pare." ani Edison.
"May kinausap na ako tungkol don pre, sana nga lang as soon as possible eh makuha ko na yong impormasyong hinihinge ko!" ani naman ni Ricardo.
"Ok! goods yan pre, sabihan mo nalang ako tungkol don at nang mas mapadali natin ang paghahanap." Aning Edison.
"Ok Pare! babalitaan agad kita. salamat!" Ani naman ni Ricardo.
"Wala yon pare! sige ingat ka lagi dyan" si Edison na tuloyan nang nagpaalam dito.
Ibinaba na ni Ricardo ang telepono. napaupo sya sa upoan, habang tinitigan ang shell nang balang tangan nya. naalala nyang gantong-ganto yong ginagamit nyang bala nong nasabak sya sa gyera bago pa man sya naging personal bodyguard. kaya alam nyang nasa serbisyo din ang gumagamit ng mga balang yon.
"Mahuhuli at malalaman ko din kong sino ang nagmamay-ari sayo! sinisiguro ko yan!" ani Ricardo na sumandal na sa sofa, na tiim ang bagang at dala-dala ang pag-asang mahuhuli at makukuha din nya si Aniah o Amelie Celestine.