Chapter 20

2210 Words
Animo mahihilo na si Aniah sa tila serkos na takbo ng kotse. Naroong mag maniobra ito ng pakanan o pakaliwa, naroong mag preno ito ng biglaan at pa talikod na naman sa pagmamaneho. Tila maduduwal na sya sa bilis at paliko-likong takbo ng sinasakyan nya. Tuloy pa din kasi ang habulang nangyayare. Kahit halos di maiintindihan ni Aniah ang nararamdaman ay nagugulohan sya sa nangyayare, sino ang mga ito ang dumukot sa kanya at lalo na ang humahabol? Alam nyang hinde mga tauhan ng Ardiente ang mga ito. Alam nyang di mga kalaban ang mga ito pero bat tila pinag-aagawan sya ng mga humahabol at dumudukot sa kaniya? Sino ba ang mga to? Alam din nyang hinde mga kasamahan ni Belen ang mga ito. Gustong gusto na nyang tanungin ang katabi pero aligaga ang mga ito na malusotan ang mga humahabol. Ang isa pang pinag takhan nya ay di man lang ito bumabaril don sa humahabol at ang mga humahabol ay ganon din. Di na maiintindihan ni Aniah ang nararamdaman ng biglang nag dilim ang kanyang paningen at tuloyan na syang nawalang ng ulirat, bago pa man syang tuloyang mawalan ng ulirat at hinubad ng lalaking katabi ang suot nitong takip at buong pag-alalang hinaplos ang mukha nya at tinatawag sya: “Amelie, Amelie Celestine!” aning estranghero na buong pusong nag alala sa pagkawala ng malay ng dalaga. “Joey, bilisan mo na kailangang maka layo na tayo ng tuloyan. Kailangan ng matingnan ng doctor si Amelie!” hiyaw nito sa kasamang driver. “Roger and OUT!” anito. Pagkasabi nito ay animo ito isang car racer na pino full blast ang sasakyan upang makalayo na ng tuloyan. Tila bihasa ito sa pagmamaniobra ng sasakyan. Kung napanuod nyo kung pano lusutan ng bida ng The Fast and The Furious ay ganon ang mga kilos nito. Hinubad pa nito ang suot na takip sa mukha. Tumambad dito ang gwapong pagmumukha nito. Naka ngiti pa itong nag thumbs up sa kasamahan sa likuran. Tuloyan na ngang nalusutan ng mga ito ang humahabol! Tinalonton nito ang makipot na daan na tila ba wala pa atang nakakaalam na may daang ganon. Hanggang sa dumating ito sa isang isolated area. Ilang kilometro pa ang tinakbo nito bago matanaw ang isang mahabang gate na di maaninag ang nasa luob nito. Tila naka camouflage pa nga ang gate na ito sa kapaligiran, kung sa unang tingen ay mapapagkamalan mo lang ito na mga puno at bushes. Automatiko itong nag bukas nang bomusina ang sasakyan kinalulanan ni Aniah. Agad naman pumasok ito ng tuloyang nakabukas ang gate at agaran ring nag sara ng makapasok na ito. Napaka aliwalas ng nakapaluob nito. Malawak na harden sa kabilang bahagi na may pamilyar na swing naka tirik sa gitna nang harden. Sa paselyong papunta sa pintoan ng entrada ay puno ng mga kulay berdeng pananim na may mga samot-saring bulaklak. Naka parada na nang tuloyan ang sasakyan ng sumalubong naman dito ay isang sketcher na kasabay ang doctor at nurse na andon. Sa unahan nito ay isang Magandang babae, matangkad ito nasa late 30 na ata ang babae, kay amo ng mukha nito at sopistikada din ang tindig at dating. Nakangiti itong sinalubong ang mga bagong dating. “Thanks God your all here so safe and sound!” anitong kay tamis ng mga ngiti ngunit puno ng pag-aalala ang mga matang nakatunghay sa lalaking lumabas sa kotse na kung saan katabi nito si Aniah. Humalik naman ang lalaki dito at mahigpit na yinapos ang babae. “Thank you for your prayers and believing in me! And most sa suporta mo!” aning lalaki na puno ng pagmamahal ang mga mata nitong nakatuon sa dalaga. “Hi Kath!” aning Joey na driver ng kotse. “Hi Joey! Thank you for bringing them back safe and sound!” aning babae na nakaakap na sa lalaking katabi. “No problem! Alam mo namang malakas sa akin yang jowa mo eh, di ba bro!” anitong naka kindat pa sa lalaking kasama nito kanina. Napathumbs up naman ito at ngumiti dito. Dagli naman nitong sinundan ng tingen ang mga doctor at nurse na nag lagay kay Aniah sa Stretcher. “Doc, Alvin please take good care of her! You know how she means to me!” aning lalaking kakitaan ng matinding kalungkotan nang mapatingen kay Aniah. “She suffered too much kaya Ayuko nang dagdagan pa ang paghihirap nya. She don't have to endure the pain alone! He have me to be with all those pain" dugtong pang saad nito na kakakitaan ngvkalungkotan ang tinig. “She will be ok hijo! And don’t worry I’ll take good care of her at ng baby sa sinapupunan nya!” aning doctor na naka ngiti sa lalaki."well take good care of them I promise you that." dugtong pa ng doctor. Tumangotango naman ito na sumang-ayon sa sinabe ng doctor. “Come, you both need an warm and tasty food, after that long rage you both have been.” Aning babae na inaakay na ang lalaki sa luob. “Joey, come along, I know you want a good food too!” dugtong pa nitong naka ngiti. Kumibit balikat lang ang tinatawag na Joey at sumunod na din ito sa mga ito. Sininyasan muna ang ibang kasama na sumunod na din. Tumango na din ang mga ito at nakabuntot na din sa kanila. Nagpabaling-baling sa higaan ang lalaking animo nanaginip ng masamang panaginip, pinag pawisan ito ng matinde at habol ang hininga ito nang: “Huwwwaaaggg! Amelieeeeeee……..Taaaakkkkbbbooooo!” hiyaw ng lalaki na napabalikwas ng bangon. Hinihingal itong napabangon mula sa pagkatulog. Tila inalimpungatan naman ang katabi nito, napabangon din ito ng makita nyang hinihingal at pawisan ang katabi kahit naka full blast na ang aircon ng kanilang kwarto. “You’re dreaming again?” may pag-aalalang turan ng katabi. Napalingon naman ito sa katabi. Kabakasan ng pagod ang itsura nito. At tila pagal sa naging panaginip nito. “She’s here with us now babe! Bakit napapanaginipan mo pa din yang masamang panaginip mo?” tanong ng babae na kinuha ang tubig na nasa side table nila. Bumuntong hininga lang ito, kinuha nito ang tubig na inabot ng nobya at ininom. Muli itong napatingin sa may bintana na kung saan tanaw ang karagatan ng Isla Pueblo. Maliwanag ang buwan sa pagkakataong iyon. Bumangon ang binate at tinungo ang bintana. Hinawi nya ang makapal na kurtinang nakatabing ng kalahati sa bintana. Tinukod ang kamay sa may bintana habang naka tuon ang nuo nito sa mga bisig. Bumuntonghininga ito ng malalim. “Hanggat di namin nakakamit ang hustisya ay di matatahimik ang kaluoban ko Kath, hanggat hinde napagbayaran ng mga Ardiente ang ginawa nila sa pamilya ko ay di mawawala ang masamang panaginip kong ito.” Aning lalaking matiim ang titig sa tila kristal na dagat ng Pueblo. Humayo ang dalaga at nilapitan ang nobyo. Inakap nya ito sa likod. Ramdam niya ang pighati at kalungkotang lumukob dito mula ng maging mag nobyo sila nito. Iniharap nya ito sa kanya. Hinimas nito ang maamong mukha nito, ang balikat na may piklat pa ng nakaraan, kahit ang tyan nito at tagiliran ay tadtad ng piklat ng nakalipas. Kahit nag hilom na ang mga ito ay di parin hilom ang sugat na ginawa ng kahapong kay saklap. Inaakap ng dalaga ng tuloyan ang binata. “I know makakamtan mo din ito Babe! Time will tell. And now kasama mo na si Amelie nababawasan na din ang pag-alala mo sa kanya. Mapagbayaran din ng mga Ardiente ang lahat ng kasalanang ginawa nila sa iyo at sa pamilya mo!” aning babae na hinagod ang likod ng kasintahan to pacify him. Tiim bagang lang ang sinagot ng lalaki sa minutawi ng nobya. Ngayong nasa ligtas na lugar na ang kapatid nya ay sisimulan na nya ang pinaplano ng kay tagal na panahon Tama ang lalaking dumukot kay Aniah ay walang iba kundi ang inaakalang patay nang kuya Aurello niya. Himalang nakaligtas si Aurello mula sa mga balang tumatagos sa mura nyang katawan, patakbo na ang binate upang balikan ang mga kapatid ng makitang nakahandusay na ang ina at ama sa kwarto ng mga ito. Sya namang bungad ng isang tauhan ng mga Ardiente at pinaputokan nito si Aurello. Tinamaan sa may balikat ang binate, ngunit nakuha pa nitong makatakbo at makalayo sa bumabaril nito. Sa bilis at liksi ng kilos nya ay naiwala nya ito para sya masundan. Nasa may lagusan na sya ng makita nya ang paghahabol ng mga kalaban sa kapatid nyang si Amelie at Adelle. Nakita nya ang pagbagsak ng katawan ng kapatid nyang si Axiel labis ang pigahati nyang naramdaman sa pagkawala nito. Kaya naman sumigaw sya ng makitang hinahabol ng mga ito si Amelie at Adelle. Dahilan para bumaling din sa kanya ang mga humahabol, may tama na ang balikat nya ng lumihis at tinalunton nya ang matalahib na daan upang mahirapan at mailayo ang mga humahabol sa kanya. Ginapang ni Aurello ang masukal na talahib upang maabutan ang mga kapatid nya. palabas na sya ng makita nya ang pagsalpok ng katawan ni Amelie at ang pagtilapon ni Adelle sa itaas. Napasigaw si Aurello sa nasaksihan. Di nya namalayang nasa likuran na pala nya ang humahabol sa kanya. Paglingon nya ay agad syang pinaputokan ng mga ito na ang buong akala nya ay ikakamatay na nyang tuloyan. Ng makitang bumagsak na ang binatilyo ay uundayan pa sana ito ng pag-ulan ng bala ng sa di kalayuan ay pinapaputokan sila ng grupo ng mga ranger na bumababa sa pagkakataong iyon. Kaya naman ay hulagpusan ang mga ito sa pag-iwas sa mga ito. Tuloy naman ang paghabol at pagpalitan ng mga baril mula sa mga ranger at tauhan ni Don Alfonso. “Sir, humihinga pa po ang binatilyo!” aning ranger. “Bilisan nyo buhatin nyo agad baka may makakita pa” Utos ng pinuno ng mga ito. Dagling binuhat at inilayo ng mga ito ang katawan ng binatilyo upang mabigyang agad ng lunas sa natamong pinsala nito sa katawan. Mahabang panahon na ang nakalipas mula ng mailigtas sya ng mga ranger mula sa kamay ng tauhan ni Don Alfonso. Ng marinig ang estorya ng buhay ni Aurello ay tuloyan na syang kinupkop ng pinuno ng mga ranger na nagligtas sa kanya. Dinala sya sa US upang iiwas sa mga mata kapalaluan ng mga Ardiente. Dahil tyak nitong hinde nila tatantanan si Aurello, ipinalabas nitong patay na si Aurello kumuha pa nga ito ng kawangis na katawan ng binata at sapalitang tinadtad ng bala ang mukha upang mapagkamalang si Aurello ito. Gaya ng umampon kay Amelie ay tuloyan ding inilayo nito si Aurello upang mabuhay at magawa nito ang nararapat para sa taong sumira at pumatay sa pamilya nito. Isa nang Navy Marines si Aurello sa US nang magpaalam at mag bakasyon upang maisakatuparan ang mga balak nitong paghihiganti. Mula nang minanmanan nya ang mga Ardiente ay napag-alaman nyang buhay pa pala ang kapatid nyang si Amelie sa katauhan ni Aniah. Laking tuwa nya ng malaman iyon. Napaluha pa sya sa galak ng ibalita ito sa kanya ng kanyang impormante. Kaya naman mula noon ay binabantayan na nya ang bawat galaw ng kapatid. Alam nyang gagalaw at nagpapaplano ito ng paghihiganti laban sa mga Ardiente. Di nga sya nagkakamali ng sapantaha. Kaya naman nag patalaga din ito ng tauhan na ipinasok sa balwarte ng mga Ardiente ng malaman nitong ito mismo ang nangunang pumasok sa balwarte ng mga kaaway ay agad syang nag papasok ng mga tauhan upang gabayan at ilayo ito sa kapahamakang maaring masagupa nito sa balwarte ng mga Ardiente. Kaya naman nalaman niya ang kalagayan nito at ang pagpaplano nitong pagtakas pansamantala sa balwarte ng kalaban. Kaya naman ito na ang panahong inaantay na, ang makuha ang kapatid ng walang makakaalam. Ngunit laking gulat nya ng may makasagupa silang ibang grupo. Hanggang ngayon ay isa pading palaisipan kay Aurello ang nakasagupaang grupo. Wala din syang nalalamang ibang grupo na nag nanais kuhanin ang kapatid nya maliban sa grupong kinuha ni Aniah o Amelie Celestine. Isang tawag sa telepono ang nag papukaw ng pagmumuni ni Aurello. Kinuha nya ang telepono at tiningnan ang naka rehistrong numero. Galing ibang bansa. “Hello?” ani Aurello. “Hello, anak?” aning kabilang linya. “Dad?” tila gulat na turan ni Aurello. “Yes, ako nga, tsinetsik ko lang kalagayan mo dyan. Balita ko nakuha mo na si Amelie? Kamusta na kapatid mo?” aning kabilang linya. “She’s ok dad! Pero di ko pa sya nakausap o di pa kami nagkaharap, till now di parin nya alam na buhay ako!” ani Aurello. “Ganon ba? Sige pag nagkaharap na kayo ay ipakilala mo na sakin din si Amelie.” Ani naman nito. “Yes dad! I will.” Pagsisigurong tugon ni Aurello. Naputol na ang linya ay nakatulala pa din si Aurello, hinde nya alam kung paano nya makaharap ang kapatid. Di nya mawari kung ikatuwa o ikalungkot nito ang muli nilang pagkikita. Pero alam nyang matutuwa ito dahil ang inaakala nitong nag iisa nalang ay may kasama pa pala syang magtatanggol at dadamay para makamtan ang hustisyang ninanais nila sa kanilang pamilya. nasasabik na itong makita at mayakap na muli ang nakakabatang kapatid. “Amelie!” usal ni Aurello!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD