Chapter 19

3059 Words
Malalim na ang gabi. Tahimik na ang kapaligiran. Manaka-naka nalamang ang gising sa mansion ng mga Ardiente, tanging mga nag rorobing na mga tauhan nalamang nito ang mga mulat at pabalik-balik sa mga pwesto nito. Sa di kalayuan naman ay ilang pares ng mga mata ang naka subaybay sa mga kilos ng mga ito. Ilang minute din itong nag antabay na lumipat ng ibang pwesto ang bantay bago ito sumenyas sa kasamahan na “Clear” maya-maya lamang ay may dalawa pang naka itim ang sing bilis ang mga kilos na tumakbo pa kabilang panig ng pader. “yong hagdan, ihanda nyo na! nasa kabilang pader na si ma’am Aniah.” Pabulong na saad ni Belen sakabilang linya. “Ok, copy! Naka handa na ang hagdan. Make sure na di maka halata ang bantay. Clear na din ang sa may check-point” pagbabalita nito. “Good, yong sasakyan paandarin na agad.” Dugtong utos ni Belen. Ng marinig ang sagot ng kabila ay agad sumenyas si Belen sa dalawa na umakyat na ng mabilis. Habang naka tuon ang pansinin nito sa paligid na nag mamanman. Tangan nito ang baril na nakatutok sa lugar kung saan naka tingen si Belen. Nang makita ang mabilisang pag-akyat at pagtawid ng dalawa sa kabilang pader aya agad namang sumunod si Belen, mas mabilis at mas maagap ito. nang pasampa na sya sa hagdan ay bigla: "Hoooyyy! ano yan? anong ginagawa mo dyan? taas mong mga kamay mo" aning tauhan ng mansion na itinutok ang baril sa likuran ni Belen. mabilis naman naitaas ni Belen ang mga kamay. mabilis ding gumana ang isip nya sa pagkakataon iyong, bago pa man naitaas ang mga kamay ay nahagip na nito ang survival knife, bago pa man sya nito maipaharap ay inunahan nya na ito, mabilis na nagilitan ni Belen ang leeg ng tauhan ng mansion. habang hawak nito ang buong katawan na bumabagsak ay palinga-linga muli si Belen, sinusuri kung may kasunod itong kasamahan. hinila nya ito sa may madilim na parte at inundayan pa ng isa pang saksak sa critical spot, ng masigurong wala na nga itong buhay aya agad namang ibinalik ang ginamit na patalim sa may boots na suot nito. agad namang inakyat nito ang hagdan. sing bilis din nang kidlat ang mga kilos nito, baka makita uli sya ng tauhan ng mansion. tinalon na nito ang pader. di na ito dumaan sa hagdan. animo bihisa na si Belen sa ganong lakaran. Nang makababa na ay mabilis na ikinubli ni Belen si Aniah ng may mamataan ang Liwanag na patungo sa kinukublihan nila. Naka umang agad ang baril nito. Malago ang halamang napagkublihan nila kaya di ito napansin ng dumaraang sasakyan. Agad din namang naitago ng isa pang kasama ang hagdan na ginamit. “Need Assistance, pakilapit na dito ang sasakyan, bilisan mo!” dagling utos ni Belen."Bilisan nyo, baka maka halata na ang mga tauhan ng mansion na nawala ang isa nilang kasamahan." dugtong turan ni Belen. Ilang Segundo lang ay andyan na agad ang sasakyan hinihiling ni Belen. Dagli nyang pinatayo si Aniah kinoberan nya ito at ipinasok sa sasakyan. Ng tuloyang makapasok si Aniah ay umikot naman ito para sumakay sa kabilang upoan. Papabukas pa lamang sya sa sasakyan ng may kung anong matigas na bagay ang tumama sa likurang ulo ni Belen na sanhi ng kanyang pagkawalang malay. “Baba! Bumaba ka dyan!” Aning naka itim na balot-na balot na lalaki habang binubuksan ang pintoan sa driver set. “Bilisan mo, at dumapa ka dyan sa tabi! Bilis!” dugtong utos nito. Agad namang tumalima ang driver. Bubunot sana ito ng baril sa tagiliran ng pinigilan din sya ng kasama ng taong naka itim, dinunggol nya ito ng baril sa ulo ang driver upang ipaalam ditong patay ito pag kumilos ng di maganda. Napatiim bagang nalamang ang drive at sumunod na sa utos ng mga intruders. dumapa ito sa may damuhan at isinumsob ang muka dito ayon sa utos ng mga ito. napabaling ang tingen ng driver sa kaliwa nya, Nakita nya si Belen nakahandusay sa may gilid ng sasakyan. Dadalohan sana nya ito ng sinipa sya ng isa pang naka itim na lalaki. Pinadapa syang muli nito paharap sa lupa na nakatutok na ang baril nito sa kanyang ulo. napatiim bagang uli ito dahil wala na syang magagawa sa pagkakataong iyon. aalma pa sana itong muli ng makita nitong pumasok sa kotse ang isa na kung saan nakaupo si Aniah. kung makita nyang sasaktan nito si Aniah ay mapipilitan syang labanan ang mga ito, mabilis na nag isip ang driver ng posibling gagawin ng makita nyang umupo lang ito sa tabi ng nakatulalang si Aniah. mabilis nitong isinara ang pintuan ng kotse. Gustong tumili ni Aniah sa takot, nagulat sya sa mabilis na pangyayare. tudo ang kaba ng dibdib nyang tumingen sa katabi ng magsalita ang isa sa naka talukbong na lalaki. “Wag ka na pong mag-ingay ma’am Aniah kung ayaw nyo pong mahuli tayo ng mga Ardiente. Sumunod nalamang po kayo sa pinaguutos naming sa inyo. wala pong masamang mangyayare sa inyo. magtiwala po kayo ma'am.” Aning naka talukbong na lalaki. Napamaang si Aniah sa tinuran ng lalaki, napakunot din ang nuo nya at nakilala sya ng mga ito. Imposibleng sa mga Ardiente ito at kasasabi lang kanina nab aka marinig ng tauhan ng mga Ardiente kung magpipilit syang sumigaw. Sumakay na ang ibang kasama nito ng biglang may isa pang itim na kotse ang dumating, hinirang ang mga ito ng pinaandar na ang sasakyan kung saan naka lulan si Aniah. “Drive backward! Wag mong hayaang makuha nila si ma’am Aniah” mariing sabi ng lalaking nakatabi ni Aniah. Agad namang pinaharurot ng driver ang kotse patalikod. Sakto namang naka baba na lahat ang naka lulan sa itim na kotse. Ng makitang umandar patalikod ang sasakyan ay pinaulanan na ito ng bala. Mabilis namang naka lihay ang driver ng kotse at paharurot itong muling nag maniobra. “Balik sa Kotse! Bilisan nyo! Wag nyo hayaang makatakas ang mga ito!” sigaw ng pinuno ng mga ito. sumenyas pa ito sa isang sasakyang nakaparada ng madaanan nila. agad ding nag paharurot ito at hinahabol ang kotseng itinuro ng kasama. Sing bilis ng kidlat ang mga kilos ng mga ito na bumalik agad sa sasakyan. Habang nakalulan na ito ay tumatawag na ito. “Boss, naunahan po tayo! May kumuha po kay ma’am Aniah!” pagbabalita nito. "May ibang grupo pa po pala ang naka abang maliban sa atin!" dugtong nito. “Ano? Putttaaa…..annng….habulin nyo! Wag nyo hayaang mawala sa paningen nyo! wag na wag kayong uuwi ng di dala si ma'am Aniah.....habuliiin nyooo!” galit at pabulyaw na saad ng nasa kabilang linya. Agad namang pinatay nito ang telepono. Napamura ng matinde ang lalaki ng marinig ang balita. Napahilamos si Ricardo sa gigil. Hinde kasi sya pwedeng lumapit sa mansion ng mga Ardiente at tyak makikilala sya ng mga naroon. Sinipa nya ang gulong ng kotseng nasa tabi nya. “shiiit!....Shhhiiitt!......Shiiiiiitttt!.....” gigil na bulalas nito. Hinampas ng ilang ulit ang hood ng kotse sa subrang disappointment. Nagising naman ang buong subdibisyon sa kumosyong nangyari sa labas. Nagsibukasan ang mga ilaw ng mga tahanang naka paligid. Napalingon naman si Ricardo at agad na sumakay sa kanyang kotse at agad nilisan ang lugar. Sa mansion ng mga Ardiente, naka bukas na lahat ng ilaw. Agad na nagsilabasan ang mga andoon. “Anong kagulohan yan?” Aning Don na naka roba pa at tangan ang 45 calibre. “Boss, may nag putokan sa labas ng kabilang pader natin! Sinuri na ng mga tauhan natin ang pasilyo at likuran nang mansion.” Pagbabalita ng isang tauhan. “Wag kayong patanga-tanga dyan, mag bantay kayong maigi baka kung ano na yan! Halughogin ang buong subdibisyon kung kinakailangan, lalo na nag kalapit bahay ng mansion.” Galit na turan ni Don Alfonso “Alamin nyo ang pangyayaring ito. Bilisan nyo!” dugtong utos nito. “Dad! Ano yon? Bat may putokan akong narinig? Sa atin ba yon?” ani Maureen na napalabas din sa kwarto at hapit-hapit ang robang naka balot din sa katawan nito. “Hinde ko pa alam anak! Pinapaalam ko pa sa mga tauhan natin ang nangyare.” Sagot naman ng Don. “Goooshhhh! Alfonso ang lapit lang ng putokang iyon sa atin, sinong nag lalakas luob na pasukin ang subdibisyong ito?” nangatog pa sa takot na ika ng ginang. “Hinde ko pa alam, pag mahuli ko lang ang hinayupak na yan, may kalalagyan syang tunay!” gigil na sabi ng Don. “Anong nangyare bro?” ani Zandrick na akay pa ang nobyang si Danielle, namutla ito sa takot. “Intruders ata bro. kaya nagka barilan sa kabilang pader.” Ani Raziel na nakapamulsa. “Ok ka lang ba Danielle?” nag aalang ika ni Raziel na nilapitan agad si Danielle. “Yah! I’m ok kuya! Dangan lang eh ngayon lang ako nakarinig kasi ng barilan. Nakakatakot naman kasi yong lakas ng tunog!” ani Danielle na mas hinigpitan ang kapit sa nobyo. Narinig naman ng Don ang usapan ng mga ito. “Hija! Pagpasensyahan mo na yong nangyayare, ngayon lang din yan nagkaroon nang kagulohan dito. And wag kang mag-alala hija, safe ka dito.” Aning Don Alfonso sa dalaga. Ngumiti naman si Danielle at tumango. Napataas naman ang kilay ni Maureen nang makitang mas kinokomport pa ito ni Raziel kaysa kanya. Kaya naman nilapitan nya ito at kumapit sa braso nito, inihilig ang ulo sa may balikat nito. “Babe! Nakakahiya sayo at nangyare pa nga ito! Nakaka inis talaga!” ani Maureen na tumingalang naka sukbit ang kamay sa lalaki. Tiningnan lang sya ni Raziel na animo wala lang! magsasalita pa sana ang Don nang humahingal na dumating ang isang tauhan. “Boss, may masamang balita.” Anito. “Ano yon?” tiim ang tingen ng Don sa tauhan. “Nakita po namin sa may madilim na bahagi pader si Kadyo! Patay na! laslas po ang leeg” anito. Gulat na gulat ang Don sa narinig. “Ano? So ibig sabihen ang mansion ang punterya ng mga yon?” dumadagundong ang boses ng Don. “Baka po boss, at may Nakita po kaming dalawang hagdan na pwedeng ginamit nila para umakyat sa bakod ng mansion. At ito siguro ang dahilan ng barilan ng makita sila ni Kadyo!” Ulat naman nitong muli. Nagsitingenan ang mga naroon maging ang mga katulong ang nanghilakbot sa binalita ng tauhan. Lalo namang napakapit si Danielle sa nobyong si Zandrick at nagkatitigan naman ang magkaibigan. “E secure nyo ang paligid, magdag-dag ng tauhan kung kinakailangan. May mga bisita ako, ayukong may mangyayare sa mga ito. At sa susunod wag kayong patanga-tanga!” gigil na saad ng Don. “Ipatawag mo sila Aldo at Badong, gusto ko silang makausap sa opisina ngayon din!” dugtong turan nito. Yumuko naman ang tauhan at tumalima na sa inuutos ng Don. Hinarap naman ng Don ang mga naroon. “Pagpasensyahan nyo na ang kagulohang ito, pinapangako kong hinde na ito mauulit.” May pagsamong saad ng Don sa mga ito.” Sige na bumalik na kayo sa inyong mga silid at magpahinga na!” dugtong pa nito. habang nakapaikot ang mga tingen nito sa mga naroroon. na tila binibilang ang mga nasasakupan at kinikilala. Agad naman nagsitalima ang lahat. Bumalik na ang mga ito sa kani-kanilang silid. “Bebang!” tawag ng Don sa mayordoma. “Nasaan ang pamangkin mo?” ani Don na nakunot ang nuo. “Ah, si Tasya po? Kaninang hapon po ay pinaluwas ko muna ng maynila upang mag pa check-up po sa doctor.” Ani Aling Bebang na tumingen ng deretso sa Don. “Bakit sa manila pa? wala bang doctor ang isla?” dudang tanong uli ng Don. “Meron naman po Don Alfonso, dangan lamang eh don na nagpatingen si Tasya sa dati nyang doctor, dati na kasing may epileptic history ito at kailangan nyang e konsulta sa dating doctor nya at tila po bumabalik ang sakit ng pamangkin ko!” paliwanag ni Aling Bebang. Napatango naman si Don Alfonso, tila nakumbensi ito ni Aling Bebang. “Sige, sabihan no na lamang na magpahinga na muna sya sa manila. Bumalik nalang kamo pag ok na kalagayan nya!” aning Don na mariin pa din ang tingen kay Aling Bebang. “Sige po Don Alfonso. Salamat po!” ani Aling Bebang na yumukod pa dito. Tumalikod na uli ang Don at tinungo n anito ang silid na kung saan ay kikitain nito ang mga tauhan. Matiim namang tinitigan ni Aling Bebang si Don Alfonso na nakatalikod. “Umpisa pa lang ito Don Alfonso! Nagsisimula palamang maningil sayo ang mga pinagkautangan mo ng buhay!” ani Aling Bebang sa sarile. na napapangite ng lihim. Tumalikod na din si Aling Bebang at tinungo na ang kwarto nito, bago pa man nyan ay tinungo na muna nya ang silid ni Tasya. Kailangan nyang maiimis at ma tsek ang kwarto ng dalaga para iwas sa hinala at huli. Sa opisina ni Don Alfonso: “Gago! Tanga!” gigil na saad ni Don Alfonso habang sinasampal ang isang tauhan.”Sinasabe ko sa inyong bantayan nyo ng maiige ang mansion. Anong nangyare at si Kadyo lang ang naalarma? At ito pa ang nadali? Mga honghang!” dugtong pa nitong galit na galit. “Boss, kakarelyebo lang ni Kadyo kay Batlang! Tahimik lang po ang mabilis ang pangyayare!” ani Aldo. “Mga grupo kayo ng mga inutil! Nasa paligid na ang kalaban ay kampanti pa din kayo! Mga Bobo!” dumadagondong na saad ng Don. “Badong, alamin mo ang may pakana ng kagulohang ito, alamin mo kung sino ang malakas ang luob na lumusob sa mansion ko! Gusto kong hulihin nyo ang nagtangkang pumasok sa balwarte ko!” dugtong pa nito. Tumango ang inuutos ng Don. “Kung sino man ang nasa likod ng pagpasok sa balwarte kong ito ay pagsisihan nito ito ng matinde!” gigil na saad nang don na itinuon ang dalawang kamay sa mesa. “At kayo, wag kayong papatay-patay, magsikilos kayo! Pakilosin nyo lahat ng tauhan. Doblehin ang lahat ng bantay.” Dagdag utos nito. “Yes, boss!” sabay turan ng mga ito. “Badong, tawagan mo si Marcus. Kailangan kong makausap ito sa lalong madaling panahon! Duda akong anak ni Mariano ang may pakana ng paglusob na ito” aning Don na mariin ang pagkatitig sa labas ng bintana. Tanaw nito ang malawak na karagatan ng Isla Pueblo. “Si Marcus lang din ang makakilala sa anak ni Mariano.” Dugtong pa nito. Sa labas naman ng opisina ni Don Alfonso ay isang pares ng mga mata ang nakatuon dito. Tila nag mamanman ito sa pinag-uusapan sa luob. Ng marinig na papalabas na ang mga nasa luob ay dali-dali itong Nawala sa karimlan ng parte ng mansion. Di nga naglaon ay bumukas ang pintoan ng silid tanggapan ng Don at iniluwa dito ang mga kanina pang nag uusap na mga tauhan at mismong si Don Alfonso. Sa labas ng mansion: “Sgt. Escalon! Ok ka lang ba?” aning kasamahan ni Belen. “Aagghhh!...anong nangyare?” ani Belen na napaupo habang sapu-sapo ang likurang bahagi ng ulo nito kung saan sya nadali kanina. “Si Aniah? Asan si Aniah!” dugtong nitong palinga-linga na may hinahanap. “Nakuha nila si ma’am Aniah!” anitong nakailing. “Ano? Anak ngg….!” Napamurang turan ni Belen na hawak na ang ulo nito na tila naliliyo pa nga. “Mga Ardiente ba?” balik tanong nito. “Hinde! Alam kong hinde tauhan ng mga Ardiente ang nakasagupa natin kanina. Ibang grupo ito!” anito. “Oo! Tyak ko yon, ang nakakapagtataka pa, kilala nila si ma’am Aniah. Di kaya may nakakaalam pa maliban sa atin ang pagtakas ngayon ni ma’am Aniah?” balik tanong nito na nagugulomihan pa. “kung ganon sino ang mga ito? Anong kailangan nila kay ma’am Aniah? Tanging mga Ardiente lang ang alam kong may galit sa pamilya nito? Sino ang mga taong nakasagupa natin kanina?” ani Belen na mataimtim na nag iisip. “Tawagan mo si Coronel at ipaalam mo lahat ng ito!" Dugtong turan ni Belen. “Natawagan ko na kanina pa! inilipat lang kita at Nakita kong nagkagulo na kanina, naglabasan na ang mga tauhan ng mga Ardiente. Kaya itinakas na kita mula don. Mahirap nang maabutan tayo don mabulilyaso pang lalo ang plano!” pagbabalita pa nito. “Ganon! Ba? Salamat Comrade!” ani Belen na nag iisip pa din. “Maya-maya lang ay andito na ang sundo natin. Pinapabalik ka muna sa headquarter. Nahanapan naman ng rason ang pagkawala mo don sa mansion” dugtong pa nito. “At kailangang ma first aid yang ulo mo, mukang malakas pagka sapok sayo nong gagong yon eh!” anitong nakanguso don sa likurang ulo ni Belen. “Pagmakita ko lang uli yon sapol din sakin ang hinayupak na yon! Na isahan ako ng piste!” gigil na saad ni Belen. “Ganon talaga, di natin alam na aambusin pala tayo don! Masyado tayong naging kampante na mga Ardiente lang ang binabantayan natin di naman nating akalaing may iba pang kalaban.” Paliwanag naman nito. Napailing-iling si Belen sa nangyare. Nag iisip sya kung pano nya matunton si Aniah. Nag aalala sya sa kalagayan nito. Naipangako nya dito ang kaligtasan nito na proprotektahan nya ito. Pero heto sya ngayon walang nagawa naisahan pa nga! “Aniah! Nasaan ka?” may halong pag-aalalang turan ni Belen."sino kaya ang mga iyon? anong pakay nila kay Aniah?" litong iisip pa din ni Belen. Maya-maya lamang ay dumating na ang sundo ng dalawa. Tinulongan nitong maka tayo si Belen at inilulan na nito ito sa kotse. Ng mapagtantong maayos na itong naka upo sa luob ay umikot naman ito para don na sumakay, di na nya pinausod pa ang kasama at alam nyang medyo nahihilo pa ito at iniinda ang sakit ng ulo. Agad namang umalis ang sasakyan nang makitang nakalulan na ang dalawang sinusundo. Mariing ipinikit ni Belen ang mga mata habang naka sandal as upoan. Nais nyang makapagpahinga ng saglit at paplanuhin ang sunod na hakbang na gagawin, ang paghahanap kay Aniah na hinde nya alam kung saan at pano sisimulan. Napalatak nalamang sya sa walang kasiguradohang mahanap ito. saan sya mag uumpisang hanapin ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD