“Bakit ngayon mo lang sinabe ito? Di ba’t kabilin-bilinan ko sa inyong sabihen nyo sa akin agad-agad ang mga nangyayare sa mansion ng mg Ardiente? Lalo na sa kalagayan ng anak ko?” nanggagalit na wika ni Don Mariano.
“Sorry boss, may pinasundan lang po akong nag mamanman sa kilos at galaw ng mga tauhan natin. Kaya nalingat po ang mga tauhang mabantayan si ma’am Celestine.” Aning tauhan na yukong-yuko ang ulo dahil sa pumalpak ito sa pagkakataong iyon.
"Agad naman pong dumaluhong ang mga tauhan natin boss para alalayan si ma'am Amelie" dugtong pa nitong saad.
“Dammmnnn iiitttt!...... Ricardo! I want you to handle Celestine personally. Ayukong isa-alangalang ang kalagayan ng anak ko ngayon. Kunin mo na sya at dalhin mo na sa akin, oras na para magkita kaming muli.” Mariing ika ng Don. Nag pupuyos ang kaluoban nya ng mabalitaang nawalan ng malay ang pinakamamahal nyang anak. Mahigpit ang pagkakapit nito sa likuran ng upoan na tila dito ibinubuhos ang galit na nararamdaman.
“Copy boss. Ipapahanda ko na ang ating tauhan sa mas madaling panahon para ma rescue na natin si ma’am Celestine.” Walang gatol na sagot ng personal bodyguard ng Don.
Nagpatango-tango ang Don sa pagsang-ayon nito sa sinasabe ng personal bodyguard nito. Lumapit uli ito sa bintana na kung saan natatanaw nyang muli ang malawak na karagatan ng Isla Pueblo.
“Hold on anak, kukunin na kita, At magkikita na tayong muli!” bulong na turan nang Don. Tiim bagang ito habang tinatanaw ang dagat na nag uugnay sa kinaruroonan ng Don at ng anak nitong si Aniah.
Nasa ganong posisyon at pagmumuni si Don Mariano ng pumasok ang isang tauhan. pawisan pa nga ito, at tila hinahabol pa ang hininga.
“Boss, ok na po ang kalagayan ni ma’am Amelie. Wala pa pong balita kung anong dahilan ng pagkawala nya ng malay. Ayon sa tauhan natin ay nagpasya itong umalis pansamantala sa balwarte ng mga Ardiente.” Pagbabalita nito.
Napalingon si Don Mariano ng marinig ang binabalita ng tauhan.
“Alam na ba kung kilan ang pag-alis ni Celestine?” balik tanong ng Don.
“Sa lalong madaling panahon po Boss, pero ang utos po ng anak nyo ay ihanap sya ng mas ligtas na lugar na dito lang din sa luob ng Isla Pueblo.” Aning tauhan.
“Ganon ba? Ricardo, tamang-tama lang ang pagbabalak na pag-alis ni Celestine don, kunin mo at dalhin mo sa akin ang anak ko ng ligtas at walang makakaalam, lalong-lalo na ang mga tauhan ni Alfonso. Pakaingatan nyo ang mga kilos nyo na matunton ang lugar na ito.” Utos nang Don Mariano.
“Areglado boss.” Maiksing sagot ni Ricardo.
“Boss may isa pa po palang hinihinge si ma’am Amelie.” Dugtong saad na ika ng tauhan.
Napalingong muli ang Don sa tauhan nito.
“Ano yon?” nakakunot ang nuong tanong nito.
“Nagpapakuha po ng private doctor si ma’am Amelie.” Sagot nitong muli.
“Doctor? Para saan ang doctor?” tila na gulohang tanong muli ng Don. "May iba bang sakit ang anak ko na hinde nyo nalaman?" dugtong tanong ng Don sa mga ito.
“Hinde ko po alam boss, wala pong sinabe ang informante natin. pero ang sabi kailangan daw nong Ogegyne ba yon!” ani tauhan.
“Ogegyne? Anong Ogegyne? Anong klaseng doctor ang Ogegyne?” kunot ang nuong nakatingen si Don Mariano sa mga tauhan na umaasang may makapagsabi dito kung ano ang ibig sabihen ng sinasabe nito."Para saan ang Ogegyne na doctor?" litong tanong uli ng Don.
“Eh, boss tinanong ko din po yon, ang sabi lang sa akin eh yon daw pong para sa mga babae pag nagka baby!” aning tauhan na nakamatang nakatingen sa Don.
Napahawak ng batok nya ang Don ng marinig ang sinasabe nito. Napakagat labi naman si Ricardo iniiwasang matawa sa sinasabe ng kasamahan. Tumalikod nalamang ang Don, ayaw nyang manakit ng tauhan sa pagkakataong ito. dahil masyado syang naeestress don sa nangyayare sa kanyang anak. Pero mukhang mas ma stress pa ata sya dito sa tauhan nyang ito.
Isang kasamahan nila ang hinde nakatiis, nilapitan nito ang kasama at hinampas ng dalang sombrero.
“Patal ka man! Inuurag-uragan ka sang salita mong Ogegyne, eh Obejayne yon! Ay ano ka naman!” anito sa salitang bicol.
Lumapit na din si Ricardo at hinampas naman sa ulo ng unang nang hampas ang dyaryong hawak nito.
“Ohhmmm...Isa ka pa! Ob-gyne hinde Obejayne. Nangungureksyon ka eh mali ka din naman!” ani Ricardo na iiling-iling. "Don ka na nga!" dugtong na ika ni Ricardo.
Napahilamos nalang ang Don sa mukha, di nya alam kung matatawa o magtitiikin nya ang mga tauhan.
“Bakit kailangan ni Celestine ng gynecologist?” takang tanong ng Don.
Kumibit balikat lamang ang tauhan habang kakamot-kamot sa batok nito. Tumikhim si Ricardo ng bahagya.
“Don Mariano, sanay mali ang sapantaha ko sa pagkuha ni ma’am Amelie ng doctor, pero ang pagkakaalam ko ay para sa mga babaing buntis po ang pinapatawag ng anak mo! Hinde po kayaaaa…” ani Ricardo na hinde matuloy-tuloy ang sasabihen.
Napatanga ang Don sa sinasabe ni Ricardo. Possible nga, ganon nga naman ang ginawa nila ng namayapang asawa nong mag buntis ito sa panganay nilang si Aurello. Di ba ngat nagugulohan pa sya non kung anong doctor ang hahanapin para makumpirma ang pagdadalantao ng esposa. Nanlaki ang mata ng Don, muling humarap sa bintana napahawak sa bibig nan aka-awang.
Di nya alam kung ikatuwa o sasama ang luob nya sa nangyare sa anak nya. kung buntis man ito ay sino ang ama? ang pagkaalam nya ay walang naging nobyo ang anak, maliban doon sa lalaking nabalitaan nyang namamanhikan ng biglaan. Pero paano? Bat tila wala syang alam na nalaman din ito ng mga tauhan.
“Don Mariano, siguro si ma’am Amelie na ang makakasagot sa katanongang lumulukob sainyong isipan. Di naman pwedeng saklawan ng mga tauhan natin ang pribadong buhay ni ma’am Amelie dahil ito’y inuutos nyo din po sa lahat.” Paalala ni Ricardo sa amo nito.
Naka pameywang na si Don Mariano habang tinatanaw muli ang malawak na karagatan na animo nag hahanap ng kasagutan don kung sakali. Bumuntong hininga na lamang ang Don at muli nitong hinarap ang mga tauhan.
“Ricardo, take more extra care sa anak ko at sa magiging apo ko!” Pag-uutos ng muli ng Don.
“Makakaasa ka po Don Mariano!” ani Ricardo
“Gawin mo na sa mas madaling panahon! At ikaw na din ang tumawag ng doctor na maaring tumingen sa anak ko pagdating nya dito.” Dugtong utos ng Don
Tumango naman si Ricardo at tuloyan nang nagpaalam sa don upang gawin na ang inuutos nito sa mas madaling panahon.
Tinawag naman ni Don Mariano ang katiwala nya upang ipaayos ang silid na kung saan pananatilihan ng kanyang anak. Tumalima naman ang mga ito matapos makuha lahat ng pag-uutos nito.
Muling hinarap ni Don Mariano ang malawak na karagatan. Napapikit ito at sinasamyo ang preskong hangin na dulot nito, amoy na amoy ng Don ang dagat. Napabuntonghinga ito ng malalim.
“Kung totoong nagdadalantao ka man anak ko, tatanggapin ko ng buong puso ang bata dinadala mo. Hinde na tayo dalawa lang na lalaban, tatlo na tayong magbibigay hustisya sa pamilya natin anak ko! Amelie Celestine!” aning Don sa isip habang naka pikit at ninanamnam pa din ang kaiyahang dulot ng dagat.
Sa kabilang dako naman:
“Sgt. Escalon, naka handa na lahat para sa paglisan ni Aniah mamayang madaling araw. Naka-abang na ang mga tauhang sasalubong kay Aniah sa labasan. At handa na din ang lugar na kung saan mananatili ito.” Aning kabilang linya.
“Ok sir. Na timbrehan ko na din po ang mga tauhan natin at naka handa na din ang mga ito anumang oras.” Pagbabalita ni Belen dito.
“Good! Mag-iingat kayo Sgt. Escalano. At pag ma clear na at safe na si Aniah ay gawin mo na ang nararpat gawin.” Utos na saad ng nasa kabilang linya.
“Pero sir, mahihirapan pa po akong e pursue ang plano natin, andito pa ang kapatid ni ma’am Aniah. Kabilin-bilinan nyang pakaingatan ang kapatid nitong si Danielle. Mukang malakas ang kutob kong pinaghihinalaan nito na si Danielle ang posibling nawawalang anak ni Don Mariano.” Pagbabalita ni Belen dito.
“Ganon ba? Sige magtalaga ka pa nang dagdag na mag mamanman at magbabantay kay Danielle, unahin nyo ang kaligtasan nito. Pwede din nating magamit si Danielle upang maiwasang mapunta kay Aniah ang tuon ni Don Alfonso.” Sagot naman ng nasa kabilang linya.
“Ok sir, copy!” ani Belen sabay baba ng telepono.
Saktong pagkababa ng kanyang telepono ay lumitaw sa kanyang likuran si Raziel. Matiim ang titig nito sa kanya. Kaya naman agad syang kunambyo ang emosyon at nag aacent Bisaya ito.
“Ay Sir! Na andyan po pala kayo! May kailangan po ba kayo sir?” ani Belen.
“Wala, ikaw anong ginagawa mo dito?” matiim na tanong ni Raziel.
“Ay naku sir, ito po inililipat ko tong mga paso at tanim na isinintabi nong may party po dito sa mansion sir. Eh ngayon ko na ginawa at baka akoy masabon na ni senyorita Maureen. Alam nyo naman po yong piance nyo sir. Kamaldita gid ah!” tuloy-tuloy na saad ni Belen. Habang inililipat ang mga paso sa dating kinalalagyan.
Tumango-tango naman si Raziel ng makitang naibalik na nga nito karamihan ang mga dating naka tabing mga pananim.
“Kung may ipag-uutos po kayo sir, sabihan nyo lang po ako. Kasi medyo namamahinga na po yong iba kong kasama! Pero pwede ko din pong sabihan si Aling Bebang kung gugustohin nyo!” aning Belen.
“Ah, pwede mo ba kaming ipagluto ng pagkain na pwede naming pagsalohan ng mga kaibigan ko?” ani Raziel dito.
“Aiii….Oo sir pwede na pwede gid ah!” nakangiting saad ni Belen.
“Yong light lang ha?” ani Raziel uli.
“Ok sir! Areglado!” ani Belen na sumaludo pa.
“Pakidala mo nalang don sa kwarto ko andon kasi kami nag lalaro ng cards.” Ani Raziel na aakmang tatalikod na ng. “Ay, sya nga pala, anong pangalan nong isa mong kasama?” balik tanong nito.
“Sino po don sir?” kunayaring litong tanong ni Belen, kahit may alam na sya kung sino ang tinutukoy nito.
“Yong medyo kakulay mo din” ani Raziel.
“Sir, madami po ako kakulay. Kahit si Aling Bebang ho kakulay ko!” ani Belen na tumatawa na.
“Hinde kilala ko naman si Mana Bebang, yong medyo bata-bata pa!” ika ni Raziel.
“Ahhhh.. si Linda sir?” Si Belen.
“No, hinde yon. Kilala ko na din si Linda” iiling-iling na ika ni Raziel.
“Eh, sino don sir?” kunyaring nagulohang tanong ni Belen.
“Yong kasama mo nag linis ng kwarto” naka paningkit pa ang mga matang turan ni Raziel.
“Ahh, si Anita po ba sir?” ani Belen na nais ng matawa, naniningkit na kasi ang mga mata nito sa kakahinde.
“Hinde yon, yong kasama mo nong nag dala ng mga language nang mga kaibigan ko! Yong laging naka taas ang puyod na animo babahayan na ng ibon ang buhok. At parang Christmas tree ang kulay ng mga damit nito at laging naka medyas.” Sa wakas at na describe din ni Raziel ang hinahanap.
“Ayyy… si Tasya Sir?” ani Belen na nag dadalawang isip kunyari.
“Ahhh…so Tasya pala name non?” napatango-tango naman si Raziel.
“Bakit nyo po natanong pangalan ni Tasya sir? may kailangan po ba kayo kay Tasya? o may ipapagawa kayo?” pa simpleng tanong ni Belen.
“Wala naman, wala pa sa ngayon, tinatanong ko lang at baka mautosan ko ay di ko alam ang pangalan ang sama naman non di ba?” misteryosong saad ni Raziel.
Tumango-tango naman si Belen. Na kunyaring naiintindihan nya ito.
“Sya Belen, paki dala mo nalang yong food sa room ko ha?” balik utos nito dito.
“Ok sir, no problem!” ani Belen na nag thumbs up pa nga dito.
Tumango-tango naman si Raziel, at tumalikod na din ito kay Belen.
“Sige umasa kang mahuhuli mo si ma’am Aniah! Yon ay kung mahuhuli mo nga sya! Hudas barabas na ito. Eengage sa iba, samantalang andito yong babaing binuntis ng kupal na ito! kuplat ka! hinde mo na makikila anak mo kay ma'am Aniah akala mo!” ingos na ika ni Belen sa sarile sabay kunyaring hahampasin nito ang lalaki sa likuran.
Napalingon naman bigla si Raziel, dali namang ngumiti ng napaka lawak na ngiti si Belen. Kumaway-kaway pa nyang sinenyasan ito. Hanggang sa tuloyan na itong mawala sa pananaw ni Belen.
Umingos muli ito at uundayan ng suntok paitaas. Nasa ganon syang ayos ng makita ni Aling Bebang.
“Hoyyy…anong ginagawa mo dyan Belen! Bat parang may gusto kang gulpohin dyan sa inaasta mo!” aning Aling Bebang na palinga-linga pa na animo may hinahanap na nakaaway ni Belen.
“Ayyy…palakang nabuntis ng matandang kabayo na alaga ni kalbo!” gulat na pahiyaw ni Belen. “Nakuuu naman Aling Bebang, nang gugulat naman kayo ai!” dugtong pa nito.
“Eh mano kasi, para kang nasisiraan ng bait dyan sa ikinikilos mo! Oh sya natapos mo na ba yong pinapagawa sayo ni senyorita Maureen?” ani Aling Bebang na humahawak sa balakang.
“Patapos na nga ho din ako eh” sagot naman ni Belen. “Ay syanga ka pala Aling Bebang, nag papautos po pala si sir Raziel na kung pwede daw malutoan ng light snacks, andon daw po sila sa kwarto at naglalaro po ng cards.” Dugtong ika nito.
“Ganon ba? Ay sya sige, tapusin mo na yan dyan, at tulongan mo ko mag handa don, alam mo namang nagpapahinga na yong iba nating kasamahan.” Ika naman ni Aling Bebang at paika-ika nang bumalik sa kusina. Habang hinahampas-hampas sa hangin ang mga kamay. " Bilisan mo na dyan!" dugtong ika ng matandang babae.
“Sige po! Tatapusin ko na ito, at susunod na din po ako sa inyo Aling Bebang!” pasigaw na saad ni Belen. Sabay balik sa ginagawa nitong paglilipat ng mga paso.
Na humihimig pa nang kanta.