“Confirm! Kailangan munang umalis ni Aniah sa balwarte ng kaaway! Baka mabulilyaso pa ang mga plano. Anytime ay pwede syang kilalanin ng kanyang kapatid. At ikapahamak nilang dalawa. Kaya abort nyo muna si Aniah.” Aning boses sa kabilang linya.
“Sir, alam naman nating hinde papayag si ma’am Aniah nyan, lalo pa’t andito ang kapatid nya. alam nyo din ang katigasan ng ulo nyan. Kaya mahirap po para sa akin ang minumungkahi nyo. Baka gumawa pa yan ng hakbang na mag isa lang.” Ani Belen sa mahinang boses, kanina pa ito nasa telepono at nakipag ugnayan sa nakakataas dito.
“Dammnnn….sige kausapin mong Mabuti si AniahSgt. Esacalon, ipaintindi mong Mabuti sa kanya, dahil mawalang saysay ang lahat kung mahuhuli sya na wala sa panahon at pwede pang ikapahamak ng lahat.” Aning kabilang liny ana napamura na din. “we’re still monitoring your location at mga galaw nyo. Still stick to the plan and bring Miss Aniah to a safer place as of the moment. Understood?” dugtong utos nito.
“Yes sir! Copy that!” ani Belen sabay baba ng telepono. Napabuntonghininga ito at napahagod ng buhok. Alam nyang aalma si Aniah sa sasabihen nya. but she had to kung gusto nitong matuloy at Makuha ang hustisyang ninanais nitong makamtan. napatingen sa itaas ng kisame si Belen na tila humugot ng lakas dito.
Daling sinukbit ni Belen ang telepono sa secret pocket nya. inayos ang sarile at agad nang bumalik sa kusina.
Di naman magkandatuto ang mga tauhan ng mansion sa pagaasikaso sa mga kailangan ng bisita. Napakalas ng sound system na nag papaindak sa mga bisita sa gitna ng bulwagan. Kay gagara ng mga suot nito, halatang puro may kaya at kilala sa Lipunan ang mga bisita ng mga Ardiente.
Mamataan naman si Don Alfonso na tudo ang pagkangiti nito. Habang nasa tabi ang anak na dalaga nito na katabi din ang Binatang mula sa angkan ng mga del Vijo Bernardo, mabanaag naman sa mukha ng binata ang tila walang ka ekspre-ekspresyon. Animo bugnot na nga ito sa kinalalagakan. Ilang ulit din nitong pinipiksi ang braso na hinahawakan o di kaya kakabitan ni Maureen ng bisig nito. Kahit ganon pa man ay di nito magawang umalis sa kinatatayuan at andon din ang ama nitong si Don Fernando. Maya-maya pa ay may ibinulong na ang ginang ni Don Alfonso dito. Tumango ito at ngumiti. Nag paumanhin sa mga kasama sa umpokan at bulong naman ito kay Don Fernando. Napangiti din ang huli sa sinasabi at tumatango nan ga ito. Kumaway si Don Alfonso sa organizer at may ibinulong dito, tumango ito at dagling lumisan, pagbalik ay tangan na nito ang isang mikropono. Kinuha naman ito ng Don at kinuha ang attention ng mga bisita.
“Good evening, everyone! I want to extend a warm welcome to each and everyone of you! it’s truly a pleasure to have you here tonight, joining us for this special occasion. Whether you’re a friend, a family member or a new acquaintance, we are thrilled to have you as our guest tonight!” tudong ngiting turan ni Don Alfonso. “Ladies and gentlemen, friends and family who gathered here tonight, I am absolutely thrilled to share some incredibly exciting news with all of you today. I want to announce the engagement of the two very special person in our family, Raziel del Vijo Bernardo to my daughter Maureen Trinidad Ardiente” aning Don Alfonso na tumingin sa gawi ni Raziel at Maureen. "A toast to soon to be husband and wife in the near future!" dugtong ng Don na itinaas ang kopitang may lamang alak.
"Chhhheeeerrrrrsssss!" sabay-sabay na saad ng mga bisita.
Napanganga naman si Raziel sa narinig, napatiim bagang ang binata, gusto nitong umalma.
“Just go with the flow Raziel or you’re going to regret it! Kung gusto mong tanggapin ko ang babae mo ay sundin mo ang nais ko!” mariing bulong ni Don Fernando sa anak.
“Dad! This is insane! and this is too much! Kahit anong gawin mo, ayukong pakasalan ang babaing pinipilit nyo. E anunsyo mo man yan kahit sa buong pilipinas ay hinding-hinde ako papakasal dyan! Mark my word DAD!” tiim bagang na sambit ni Raziel na piniksi pa ang kamay ni Maureen na tudo ang ngiti sa narinig na anunsyo.
Bulag nalang ang di nakakita sa pagpigsi nang kamay na nais sanang isukbit ni Maureen sa bisig ni Raziel. Medyo napahiya saglit ang dalaga pero hinaklit nya ang bisig ni Raziel at matalim na tinitigan ang lalaki. Napatiim bagang namang nakatingen si Raziel dito. Ngiting demonyo naman ang ganti nya dito.
“Magpakasaya ka! Kung sa inaakala mong pakakasalan kita?hmmm…hopeless case ka! Never in your wild imaginations Maureen. You can’t have me EVER! Mahal ko si ANIAH, sya lang ang PAKAKASALAN KO! Remind yourself na hinding-hinde mangyayare ang kagustohan mo.” madiing bulong ni Raziel na matalim ang titig dito. Sabay tungga sa alak sa kopita nito. At papiksing binawing muli ang braso.
Nang gagalaiti naman ang kaluoban ni Maureen sa narinig, nagpupuyos ang dibdib na nakatingen sa binata na tila demonyo naman ang ngiti nito. Napabaling ang tingen nya sa isang kaibigang lumapit kay Maureen.
“OMG! Mauuee, congratulation! At long last maitatali mo na talaga ang nobyo mo!” aning kaibigan ni Maureen na di magkandairit sa sinasabe.
“Oh, Thank you! alam mo yan! Kilala mo ko!” pagmamayabang turan ni Maureen dito.
“Mau, when ba nag propose sayo si Raziel? Di mo ata naibalita sa amin yan! And how about don sa girl na unang pinoproposan ng nobyo mo?” aning Ellaine. Di mo alam kung natutuwa o na iinggit sa nalaman at nang iintriga pa.
“Ellaine, mukhan late ka na naman ata sa balita? Ginamit lang ni Raziel yon to make me jealous, medyo di ko na kasi sya napapansin lately, nagkaroon kami ng unting mis-understanding kaya nagawa nya yon.” Pagsisinungaling ni Maureen na nakataas ang kilay. “and look our engagement has been announce, so what kind of proof pa ba ang kailangan mo Ellaine?” dugtong pa niyang pagyayabang.
“Willlll….nakakapagtataka naman kasing pati mother nya ay gagamitin nya just to kuha your pansin?” dugtong pa ding patutsada ni Ellaine.
“Will, di ka naman siguro bulag Ellaine? Andito ang mother nya, si I guess it tells the tale?” pasarkastikong sabi ni Maureen na inimuestra pa ang kurbang katawan para sabiheng “SHE WINS”
Kumibit balikat na lamang si Ellaine ng mapansin nitong napipikon na si Maureen.
“Anyway! Congratulations na din! And hope it will last long!” ani Ellaine na may laman pa din ang sinasabe. "Mahirap mangarap lalo na kung ikaw lang ang nangarap!" dugtong pa nito.
Matalas naman ang tingeng ipinukol ni Maureen dito. Tumawa lamang si Ellaine. Kagaya din kasi nya itong bratonila. Eversince ay lagi na itong katunggali ni Maureen sa lahat ng bagay. Di mo nga alam kung paano naging mag kaibigan ang dalawa gayong puro pataasan ng ihi at yabang naman ang mga ginagawa ng dalawa. animo ito may silent war lagi, lalo na pagdating sa mga makarelasyon ng mga ito. minsan pa nga may sulotan pang nangyayare sa dalawa, pero heto pa din at magkaibigan pa din ang turingan.
Napatingen si Maureen sa gawi ni Raziel na kasama sina Danielle at Zandrick tila nag papaliwanag ito sa dalaga na tila walang emosyon ang pagmumukha. Nakita nya sa mukha ni Raziel ang pagkabahala. May kirot syang nakikita sa anyo nito. Mapait na ngiti ang pinakawalan ng dalaga saka bino bottoms up ang alak na hawak nito.
“Raziel, kung alam ko lang na ito pala ang malalaman ko sa pagsama ko dito kay Zandrick sana lang di na ako sumama pa!” may pamait sa boses na pinakawalang sabi ni Danielle.
“Danielle, I swear, sila lang ang may gusto nito! Trust me, walang kasalanang mangyayare samin ni Maureen. Una na akong namanhikan sa ate mo at kahit kilan man ay di ko tatalikuran yan! Kahit iniwan ako ng ate mo sa eri ay walang mangyayareng hiwalayan sa amin!” Pagsusumamong saad ni Raziel sa dalaga.
“Babe, I guess let’s trust Raziel on this. Kilala ko itong kaibigan kong to! Noon pa man gang ngayon ay hinde nya talaga gusto ang Maureen na yan. Its just because of tito Fernando, pero alam ko at kilatis ko na si Raziel when it comes sa ayaw nito.” Pagpapaliwanag ding sabi ni Zandrick sa nobya.
Yumuko lang si Danielle. Iniisip nito ang mga sinasabe ng kaharap.
“Nasa sayo yan kuya Raziel, pagtitiwalaan kita. Sana lang ay di mauwi sa wala ang lahat. lalo na't till now ay di pa natin alam if nasaan na si ate Aniah.!” tila nagdadalawang isip na turan ni Danielle.
Tumango naman si Raziel. At marahang nagpapasalamat sa pagtitiwala ni Danielle dito.
Sa kabilang dako naman, malakas na tunog ng pagkabasag ng pinggang tangan at mabitawan ito ni Tasya, nag lilipat sya ng pinaghugasang plato ng marinig nito ang malakas na anunsyo mula sa bulawagan. Tila isang malakas na pagsabog ang dating nito sa dalaga. Gulat naman ang katabi nitong si Belen ng makitang tila natulala ang dalaga at di makahuma.
“Aniah! Are you ok?” Pabulong na saad ni Belen dito.
Tila walang nadinig si Tasya. May kung anong kirot syang naramdaman sa kaluob-luoban nya. bat parang naninikip ang dib-dib nya? anong Karapatan nyang makaramdam ng ganon? Di bat iniwan nyang walang pasabi ang binata? Kumbaga tinalikuran nya ito? Bat umaarte syang nasasaktan ngayon? bat sya naapektohan sa narinig? sino nga ba sya sa buhay ni Raziel para umaktong nasasaktan? ipinilig ni Tasya ang ulo na nag umpisa nang kumirot ng bahagya.
“Aniah!” mariing bulong ni Belen, sabay ugoy nito sa dalaga.
Tila nagising naman sa pagmumuni si Tasya.
“Haaaa?...huh?” ani Tasya na bahagya napalingon kay Belen.
“I guess kailangan mo munang magpahinga Aniah, nawawala ka sa konsentrasyon at sa sarile mo. hamigin mo muna ang sarile mo!” pabulong pa ding wika ni Belen, habang iniimis ang basag na mga pinggan.
“Anong nangyayare dito?” ani Aling Bebang na kakapasok lang ng marinig ang malakas na tunog na animo may nabasag na mga gamit.
“haaa? Aaahhmmmm…nadulas po tyang sa kamay ko! Pasensya na po! di ko po sinasadya, medyo sumama po pakiramdam ko.” balik ulirat na ika ni Tasya.
“Nakuuuu…bata ka! Mag-iingat ka sa ginagagawa mo!” Panermong ika naman ng matanda. “sya imisin mo ng maigi yan Belen, bilisan mo at baka biglang makita pa ng mga amo natin nyan ay ikaltas pa yan sa ating lahat.” Dugtong wika pa nito.
Bumaling muli ito kay Tasya, Nakita nya na tila namumutla ito. at tila nahihilo pa nga.
Tila babaliktad naman ang sikmura ni Tasya, naramdaman nya ang pagsama ng kanyang pakiramdam bigla. Tila nahihilo sya. Pilit nyang kumapit kay Belen pero masyado itong mababa gawa ng pagiimis nito sa nababasag na mga pinggan.
“Tasya? Ok ka lang ba anak? Namumut….” Aning Aling Bebang na di natuloy ang sinasabe.
Bigla nalang ang pagkatumba ni Tasya sa gilid ni Belen. Huli na upang masalo ito. Buti nalamang at mabilis si Benjo na nasa may likuran ni Aling Bebang. Nasalo nito ang ulo ni Tasya na babagsak sana sa may bubogan. Dangan lamang ay kamay ni Benjo ang nasugatan sa mga bubog.
“Aaayyyyy....Taaaasssyyyaa!” tiling sigaw ni Aling Bebang.
Agad namang sinapo ni Belen si Tasya. Tinapik-tapik nito ang mukha ng dalaga. Maingat lamang at baka mahulas ang nakalagay sa mukha nito. hinihipan nya ang mukha ng dalaga [para magkaroon ng hangin ito.
Nasa ganon silang ayos ng madatnan ng ginang ng mga Ardiente.
“Anong nangyayare dito?” anin ginang. "Anong nangyare dyan kay Tasya?" dugtong nitong sinusuri ng tingen ang nakahandusay na katulong.
“Nawalan po ng malay si Tasya ma’am!” ani Aling Bebang. “Napagod lang po siguro ito ma’am kagabi pa po kasi walang ayos na tulog at medyo masama na pakiramdam ng pamangkin ko simula kaninang umaga.” Pagsisinungaling na ika ni Aling Bebang.
“ganon ba? Hala Benjo, buhatin mo na si Tasya at dalhin mo don sa kwarto nya. bilisan nyo at baka makita pa ng mga bisita yan! Samahan mo na din Belen. pagpahingahin nyo na yan.” Aning ginang. “Nana Bebang, paki padala nang ibang pagkain don sa mga tray ay medyo na uubos na yong ibang pagkain.” Dugtong utos naman nito.
Tumango naman si Aling Bebang, pero sinuri muna nya ang pamangkin kung ok lang kalagayan nito, nang makitang humihinga naman ay kumalma na din ang matanda at sinunod na ang pinaguutos dito.
Agad namang tumalima si Benjo at Belen, sa kabila sila dumaan para di makita ng mga bisita ang karga-karga nitong si Tasya. Di naman mapakali si Belen sa kakahilot ng kamay ni Tasya. Kinakabahan ito sa kalagayan ng amo.
Kanina pa palakad-lakad si Belen, pasulyap-sulyap sa wala paring malay na si Tasya. Naroong maupo sya sa upuan at nakatingen sa dalaga. Naroong e check nyang muli ang pulso nito. Naka ilang iling sya at napatingen sa walang malay na dalaga. Napabuntonghinga ito sabay iling ng ilang ulit.
Maya-maya lang ay gumalaw si Tasya. Tila kay bigat ng kanyang pakiramdam at ramdam pa din nya ang pagkahilo. Napahawak ito sa ulo ng bigla na naman nyang naramdaman ang kirot at pag-ikot ng paningen.
“Oh, dahan-dahan lang.” ani Belen na inalalayan ang dalaga.
“Anong nangyayare?” wala sa luob nyang tanong dito. "Bat naandito na ako sa kwarto?" hilo pa ding usal ni Tasya.
“Nawalan ka ng malay. At muntikan nang Madali yang ulo mo. Kung hinde dahil kay Benjo malamang punit na yang nuo mo sa basag na nagkalat don.” Paliwanag na wika ni Belen.
“Ganon ba? Kamusta naman si Benjo?” ika ni Tasya. Na medyo may pag-aalala sa kasamaan.
Ayon ok naman na yong sugat na gawa ng bobog sa kamay nya. buti’t di ganon ka lalim ang pagbaon nong bubog sa mga kamay nito.” Paliwanag ni Belen dito. “Huwag mong alalahanin si Benjo yang sarile mo ang alalaanin mo!” dugtong nitong mariin ang pagkatitig sa dalaga.
Napatingen naman dito si Tasya na animo nagulomihan sa sinasabe ng kaharap.
“Aniah! Sabihen mo nga sa akin ang totoo!” seryosong saad ni Belen.
“Aaa…annng alin?” balik tanong ni Tasya na ramdam padin ang masamang pakiramdam.
“May nangyare na ba sa inyo ni Raziel?” mariing tanong nya sa dalaga. Matiim din ang mga titig nya dito.
Napalunok naman si Tasya sa tanong ni Belen.
“May nangyare na sa inyo, tam aba ako?” pang konpirmang tanong ni Belen.
Umiiwas naman ng tingen si Tasya.
“Baa..baat naman napunta ang tanong mo dyan!” napangiwi pang saad ni Tasya.“Beside wala ka na don! At wala na akong pakialam don.” Dugtong wika ni Tasya na biglang nagbago ang mukha ng maalala kaninang anunsyo.
Marahang tinitigan ni Belen ang dalaga na nagpumilit bumangon. Napabuntunghinga ito.
“if I was mistaken, Buntis ka Aniah!” matamtamang saad ni Belen na nakatitig kay sa dalaga.
Napamaang naman si Tasya sa narinig, sing bilis ng kidlat ang pagbaling nito kay Belen. Napalunok sya ng bahagya. Naalala nya mag dalawang buwan na pala mulang ng mangnangyare sa kanila ni Raziel, at dalawang buwan na din syang di dinadatnan. Napahamak si Aniah sa kanyang dib-dib. Umiiling-iling nang ilang ulit.
“di ako sigurado, pero ang abnormal na pintig ng pulso po ay nag sasabing may posibilidad.” Tiim ang tinging sabi ni Belen. “Mas lalo na ngayong naging komplikado ang lahat Aniah. This time wag nang matigas ang ulo mo! Kung di ako nagkakamali sa kalagayan mo ay di kita pipigilan, pero kung tama ako, this time ako na muna ang masusunod.!” Determinadong saad ni Belen dito.
“Kung ganon, kailangan ko munang magpatingen!” tila gumaralgal ang boses na turan ni Aniah.
Gustong maiyak ni Aniah, kung totoo man ang sinabe ni Belen, malamang kailangan nyang magbago ng plano. Kung totoong dinadala nya ang anak nya kay Raziel, ay kailangan nyang pag-ingatan at pangalagaan ito. Wala man sa kanyang hinagap na mangyayare ito ay kailangan nyang isa alang-alang ang kalagayan ng maging anak nya. patagilid na humiga si Aniah. Pinikit ang mga mata na animo kumukuha ng kasagutan dito. Umaasam na sana mali ang inaakala nila. Pero pag meron may ay walang kasalanan ang bata. Kailangan nyang magbago ng mga plano.
“Belen, wag mo na munang ipaalam kahit kanino kung sakaling totoo ang sapantaha mo!” ani Aniah habang nakapikit ang mga mata. “find me a safer place, pero gusto ko dito lang din si Isla Pueblo. Ayukong mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan kong inumpishan. gusto ko pa din ang tuloy tuloy na update kung ano na ang mga mangyayare.” Dugtong nyang sabi.
Tumango naman si Belen sa sinabe ng dalaga.
“Sige, tatawagan ko si Coronel para ipahanda ko na ang lugar na paglalagakan mo pansamantala!” ani Belen sabay tayo at linisan na ang kwarto nang dalaga.
Hahayaan na muna nya itong mapag-isa, alam ni Belen na kailangan muna nitong mag sink in ang lahat ng nangyayare sa buhay nito. Napailing pa din ng ilang ulit si Belen, yong amo nyang babae andito sa kwarto nag-iisip sa batang dinadala, samantalang ang ama ayon sa labas inaanunsyo ang pag-iisa dib-dib nito sa kaaway ng babaing naging ina ng maging anak nito.
“Haiiissttt….buhay nga naman! Pag bibiruin ka sagad sa buto ang tama sayo!” bulong na wika ni Belen na iiling-iling na tinungong muli ang kusina.
Isang pares ng mga mata ang nakasubaybay mula pa kanina sa mga nangyayare sa kusina. Dali-daling tinungo nito ang lugar na pinanggalingan ni Belen. Tila hunyango itong nag blend sa madilim na kapaligiran. Marahang minamanmanan ang nasa luob ng kwarto. Sinipat nito ang naka uwang na bintana at inaninag ang nasa luob ng kwarto.
Kung buntis nga si Aniah, paano na ang mga plano nya? ipapaalam nya kaya ito kay Raziel? Anong mga hakbang nyang gayong may isa nang hadlang sa mga mapanganib nyang mga plano?