Ala 7:00 a.m pa lang ang malakas na ang sound system sa buong mansion pumapaindayog na ang maka bagong musika na nakaka idayog ang togtog. Kahit nga ang mga kasambahay na nag iimis sa paligid eh napapaindak ng sayaw. Aligaga ang mga tauhan at kasambahay maging ang mga taga pamahala ng party at caterer ay ganon din. Animo ikakasal na ang nag iisang prinsesa ng mga Ardiente sa okasyong iyon, kaya naman sa bawat mapadaan dito ay napapalingon at napapatingen sa gawi ng mansion, magagandang dekorasyon mula sa gate hanggang sa may harden. May mga mangilan-ngilan namang dalaga ay nangangarap na sana maranasan man lang ang ganon ka garbing kasiyahan, sasawayin naman ng magulang at sasabihing makuntento nalang sa kung ano ang meron sila. O di kaya mangarap nalamang ayon sa kakayanin at wag subrahan at baka daw pag lumagapak eh kay saklap. Kaya naman napapabuntunghininga na lamang ang mga ito pag napagsasabihan.
“Mana Bebang! Si Tasya po asan?” ani Anita na di magkandatoto sa pag bitbit ng mga tinuping kubre kama.
“Ay bakit?” napalingong tanong ni Aling Bebang. Habang inilipat sa tray ang minatamis na ginagawa. Maya-maya lamang kasi ay mag aalmusal na ang mga amo, magsisibangon na ang mga ito tyak.
“Ay aba, iniwanan ba naman ako don!” ani Anita na ngumuso sa lugar na kanyang pinagmulan. Kahit nagkandahaba na ang leeg sa paghahanap kay Tasya ay di pa din nito nabibitawan ang dinadala.
“Abay sinong di mang-iiwan sayo don? Eh gusto mo laging nag papacute don sa mga waiter, aba naman Anita daig mo pang nagpapa FOR SALE sa sarile mo babaita ka!” ani Tasyang nagkandahaba-haba ang nguso sa pagsusumbong.
“Ayyy…palakang nakatihaya! Langya naman Tasya andyan ka lang pala sa likuran ko, iniwan mo na nga akong bigla doon eh may balak ka pang patayin ako sa Gulat!” gulat na turan ni Anita na nabitawan pa ang ibang dalahin ng biglan nag salita si Tasya sa may likuran nito.
Natawa naman ang mga kasamahan nila sa pagkagulat ni Anita.
“Iba ka din Anita eh, no? yong kalabog ng tugtog don na malapit sa tenga mo eh di ka nagugulat pero nagsalita si Tasya gulat na gulat ka” Kantyaw ni Benjo dito.
“Hooooooyyyy! Benjong agta wag mo kong umpisahan ha? At malilintikan ka na talaga sa akin. Namumuro ka nang agta ka! huwag ngayon please lang!” gigil na turan ni Anita na pinupulot ang mga nahuhulog na dalahin habang ibinaba sa may upuan naman ang iba.
“Kowwww Anita, sa kakakape mo yan ening! Iiwas-iwasan mo na yan bago ka ma praning lalo!” Birong kantyaw naman ni Belen habang inaayos yong mga kubyertos at kutsara sa lagayan.
“Aling Beeebbaaannggg! Pinag kaisahan na naman nila ako!” tawag saklolo na wika ni Anita na kunyari pang nasasaktan na.
“Ha.ha.ha…..Oiiissssttt… kayo tama na nga yan at baka mamaya nyan eh manghinge pa iyan ng gatas eh makabili pa kayo ng dede nyan….sige kayo!” saling biro na wika ni Aling Bebang.
“Alingggg Beebbaanggg naman eh!” nagmamaktol na ika ni Anita, nagpapadyak na ito ngayon. Dahil pati ito ay nakisali na din sa panloloko sa kanya.
“Kita nyo yan Aling Bebang? Sino kayang matinong lalaki ang magseseryoso dyan sa ulikbang yan? Pag ganyan talaga eh peperahan na nga lang ang maging papel nyan !” tatawa-tawang ika ni Benjo na medyo naging personal na ang banat.
Napalingon naman ang iba kay Benjo, si Belen ay iminuwestra ang bibig na itikom nito ang bibig at wag na mag salita. Si Tasya naman ay naka ilang senyas sa tsinitang mata, pinalaki pa niya itong hudyat na huminto ito sa sinasabe. Si Aling Bebang naman ay nakapameywang naman ang iba naman ay nakangangang naka tingen kay Benjo. Mukang wala pa ata itong alam sa nangyare kay Anita kaya ganon ito mag bitaw ng biro dito.
Matalim namang naka tingen si Anita dito. Maluha-luhang mat ana tinitigan ng masama si Benjo.
“Oo na, Tama ka na! ikaw na ang laging may punto! Ano masaya ka na? masaya ka nang kutyain ako sa katangahan ko? Sige pagsigawan mo pang lalo, gusto mo don ka pa oh!” gigil na wika ni Anita na itinuro ang labasan kung saan naka pwesto ang nag mamaniobra ng musika aparato. “hiramin mo yong mic nila don, tas pagsigawan mo ng buong subdibisyon makaalam. Sabihen mo, Si Anitang tanga, naluko, pinerahan, pinaglaruan at kailan man maging isang Sugar mama na hinuhothotan dahil sa katangahan! Dali pagsigawan mo don, Hayop ka!” nagpupuyos na saad ni Anita pinagtulakan pa nito si Benjo. Maaninag sa mata ni Anita ang sakit at hapdi na anytime ay iiyak na ito ng tuloyan. Kaya naman tumakbo na ito palayo sa mg ana andon.
Naiwang nakatulala naman si Benjo napatingen sa mga kasamahan na iiling-iling ang iba. Iba naman ay sinenyasan pa sya ng lagot ka habang tinuturo sya.
“Anyare don? Bat tila tinablan? Tasya, anyare?” gulat na saad ni Benjo.
“Bakit Benjo di mo baa lam?” balik tanong ni Belen sa kanya.
“Ang alin? Alin ang di ko alam?” gulong sagot ni Benjo na napakamot na sa likod ng ulo.
“Ayan kasi kuya Benjo, late ka na naman sa balita. Si Ate Anita nahuli si Kuya Nestor na katwetum yong isang kasambahay don sa kabilang kanto. Ang kwento eh yon pala talaga ang tunay na nobya nito. Sinugod ni Ate Anita nong makita sila, ayon nalaman ni Ate Anita ang lahat, tas mas pinaboran pa ni Nestor yong nobya nya at inaming pineperahan lang si Ate Anita, masakit pa non nilait pa yong itsura ni Ate Anita ng babae.” Mahabang kwento ni Linda na nasa baba pa ang hawakan ng mop ng magkwento ito.
Napamaang si Benjo sa narinig. Tila nasapol nga nya sa birong iyon si Anita. Naawa naman sya sa dalaga. Napatingen sya kay Aling Bebang.
“Ohhhh… ayan na kasi sinasabe ko sa mga biro mo Benjo….hala sige humayo ka at huminge ng tawad don sa nasabe mo kay Anita. Broken hearted yon baka sakaling magka pwesto ka na don.” Ani Aling Bebang na tinutudyo pa si Benjo.
Kakamot-kamot naman itong yumuyuko.
“Sige na Benjo, puntahan mo na tyak ako nag iiyak na naman iyon! Don sa likod ang punta non, don ko kasi Nakita yon kanina na nagiiyak at nag sesenti. Kaya sinamahan ko, ang siste eh pampawala daw sa kanya ang mag sight seeing nalang ng mga poging waiter daw. Susmeo si Anita!” ani Tasya na umupo sa upoan na iiling -iling.
Nagtatawanan naman ang mga naroon sa narinig. Dali-dali na ding sinundan ni Benjo si Anita, tinungo ang lugar na tinuro ni Tasya.
“Iba din talaga to si Anita minsan nakaka-awa pero mas nakarami ang gusto mong pagbabatukan ito ng madala, kung naging kapatid ko ito ay tamo nakakailang gulpi ako dyan.” birong turan naman ni Belen.
Na puno naman ng tawanan ang kusina.
"Nakakatakot ka palang maging ate, Ate Belen" ani Linda na naka ngiwi. "buti nalang di ikaw naging ate ko, kundi malamang sa alamang ilang bogbog na siguro ang aabutin ko sayo!" birong dugtong naman nito.
"Oo linda, segu-segundo ang kunyat mo sa akin pag inuumpisahan mo kong pagtripan ngayon" Ani Belen na pinanlakihan ng mata ang teen-ager na si linda. kakamot-kamot naman ito ng mapansing di mabiro si Belen.
“Sya sige na, balik na sa Gawain at baka makita pa tayo dito ay sabay-sabay pa tayong masabon.” Paalalang wika ni Aling Bebang sa mga kasamahan.
Agad namang tumalima ang lahat at masaya na uling nagsibalikan sa kanya-kanyang ginagawa.
12:35 p.m ng dumating ang mahahalagang bisita ng mga Ardiente. Malakas at sunod-sunod na busina ang naririnig mula sa pathway ng mansion. Agad na nagsitakbohan ang mga katulong upang salubongin ang Don at ang mga bisita nito.
“Taaaasssyyyaaa! Halika na! tulongan mo muna kami dito, tyak madami ang mga dapat dahil na gamit sa Guest room!” ani Aling Bebang na nag lalagay ng alcohol sa mga kamay. Habang tinatawag ang pamangkin.
Nagsilagay na din ang iba at ng walang amoy na kung ano ang mga kamay ng mga ito at baka maamoy pa ng mga bisita. Naplingon naman si Tasya ng tinawag ng Tiyahin.
“Sige ho Tyang!” Sagot ni Tasya at pumila na din sa ibang kasamahan na nag aalcohol ng kamay, sabay hubad ng empron na suot.
Tama lang ang dating ng mga kasambahay naka hilera ang mga ito na sinalubong ang Don at ang mga bisita ng mga ito laki ang mga ngiting iginawad ng mga kasambahay bilang pag we-welcome ng mga ito sa mga dumarating.
Marahang lumabas una ang Don Alfonso, kasunod nito ang isang sopistikadang ginang, nasa late 60 na ata ito. Halatang galing sa mga prominenting pamilya ang mga bisita. Maamo ang mukha ng ginang ngumiti din ito sa mga kasambahay kay aya ng ngiti nito di kagaya ng ibang mga bisita na animo mga walang nakikita.
6 na magagarang kotse ang dumating, kasama ang mga ito sa mga mahahalagang bisita ng Don, ng maya-maya lang ay nasa likuran na pala ni Tasya si Raziel at Maureen. Tumikhim ang dalaga upang ipaalam na tumabi si Tasya. Unang napansin ito ni Belen kaya agad nyang hinila si Tasya upang makadaan ang among babae at ang fiancé nito. Napalingon naman si Tasya sa likuran at muli nag tagpo nang tingen sina Tasya at Raziel, animo tumagos sa kaibuturan ni Tasya ang bawat titig ng binata. Kaya naman binaling nalang nya paharap ang sarile ng maiwasan ito. Ng sa may di kalayuan naman ay Nakita Tasya ang pinakahuling sasakyan ng bisita, pamilyar sa kanya ito, isang kulay gray na sedan. Nagsimulang tumambol ang dibdib ng dalaga, lalo na ng makita ang bumaba mula dito. Si Zandrick at si Danielle! Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang kapatid sa balwarte ng mga Ardiente. Kinabahan sya ng tudo ngayon.
“Shiiiittt! Anong ginagawa ni Danielle dito?” bulong ni Tasya sa sarile. "Bakit sya naandito? dammmnnnn....Danieelllleee!" dugtong bulong nito.
Nakita nyang lumapit sina Maureen at Raziel sa dalawa.
“Danielle! Its nice to see you here! Buti naman at nakasama ka kay Zandrick!” Ani Maureen na ikinabit pa ang mga braso sa braso ni Raziel. Halos umabot sa tenga ang mga ngiti nito. "Hello, Zandrick! you look so great!" malambing na bati ni Maureen sa lalaki.
kumaway lang si Zandrick bilang pagsagot kay Maureen.
“Oh well, pinilit lang ako ni Zandrick na sumama, and napagisip-isip ko ding Samahan nalang yong FIANCE ko at baka may ahas dito sa lugar nyo, mukang ENDAGERED yong place nyo pweding pamahayaan ng ligaw na ahas.” Patudtsada ni Danielle.
Napataas naman ang kilay ni Maureen sa tinuran ni Danielle. Napanganga si Tasya sa narinig maging ang mga andon ay napayuko ang iba naman ay tumaas ang kilay kasi di naiintindihan ang sinasabe ng dalaga.
“Don’t worry Daniellle, hinde nanunuklaw ang mga AHAS ng Isla Pueblo, kaya safe kayo ni Zandrick! Right Honey?” pabalang ding sagot ni Maureen habang binalingan si Raziel. Hinawi naman ng binata ang pagkahawak ni Maureen sa braso nya upang batiin ang matalik na kaibigan at si Danielle.
“Buti at nakasama ka Daniele, at least may kasama na ako sa boring na lugar na ito!” nakangiti si Raziel sabay halik sa pisnge ni Danielle. “Any news about Aniah?” bulong nitong dugtong.
“It’s my Pleasure na makasama ka dito KUYA RAZIEL, alam mo namang hinde kita mahihindian.” Nakangiting saad ni Danielle na tinanggap ang beso ng binata. “Negative pa din kuya! Pagnagkaroon na ng balita sasabihen ko agad sayo!” bulong ganti naman nito sa binata.
Nakataas naman ang nguso ni Maureen nang mapansing nag bubulongan ang dalawa. Alam nyang tinatanong na naman ni Raziel ang kapatid ng impaktang ito. Ayaw man nyang andito ang kapatid ng karibal ay mas ok na din para malaman nito at masabi sa kapatid nito ang namimintog na pag-aanunsyo mamaya sa kanilang paging mag fiancé. Ngiting nakaka asar at tinaas ang kilay ang ginawa ni Maureen ng mapabaling sa kanya ang tingen ni Danielle. Isang tinging mula ulo gang paa naman ang ibinalik ng dalaga dito. Nag umpisang magpupuyos ang luob ni Maureen sa ginawa ng dalaga. Magpamilya nga ang mga ito, mga maldita. Tinarayan nya ito at sabay kapit muli sa bisig ni Raziel.
“Bro, its so nice to see you here! Samahan mo kong libutin ang Isla Pueblo, at suriin nating yong inaalok sa Akin nong agent!” ani Raziel na inakap ang kaibigan.
“No problem, bro! kaya nga sinama ko na din si Danielle. Nabalitaan ko kasing dating nakatira sila Danielle dito, but she wasn’t born at that time, right baby?” ani Zandrick na hinapit sa bewang ang nobya.
“Really? San kayo dito sa Isla Pueblo hija?” Aning Don Alfonso na nakisali na sa usapan nila.
“Sa pagkakasabi mo nila eh sa may Putol na Cross daw po banda! But I am not so Sure about it po!” nakangiting sagot ni Danielle.
“Hmmm…malapit lang pala dito yan hija, good thing na malamang taga dito din pala ang pamilya mo. Isla Pueblo is much enchanting and more promising than you ever hear from your elders.! Ano nga ba ang family name nyo hija?” balik tanong ng Don sa dalaga.
Kinabahan na ng tuloyan si Tasya ng marinig na nitong pag-uusisa kay Danielle. Kailangan nyang gumawa ng paraan. Tila naramdaman ni Belen ang pagka-aligaga ni Tasya. Pa simple nya itong siniko, napatingen naman dito si Tasya, pinagpapawisan na ito. Naka kunot ang nuong napatingen si Belen sa gawi ng tinitingnan ni Tasya. Sumenyas si Tasya na gumawa ng paraan na mahinto ang usapan. Nakuha naman agad ng huli ang nais nito ipabatid.
“Don Alfonso mawalang galang na ho, baka lumamig po ang pagkain, kanina pa po kayo inaantay!” kabadong saad ni Belen sa Don.
Napalingon naman ang Don sa nagsalita naka kunot ang nuo at marahan ang titig nito sa bisita na tila sumang-ayon naman sa sinabe ng kasambahay.
“Well, ladies and gentlemen lets proceed to the dining room…. doon natin ipagpatuloy ang ating kwentohan at pagkakilanlan sa ibang bisita na naandito. Nang after sa lunch ay magpahinga na muna kayo and freshen up dahil mamaya lamang ay may inihanda akong welcome party sa inyo at sa mahalagang balita para mamaya.” Aning Don na ngumiti at iginiya ang mga bisita sa dining area.
Agad namang tumalima ang mga bisita. Marahang binulongan ni Don Alfonso si Aling Bebang para sa mga bagahe ng mga bisita. Tumango ito at agad na sumenyas sa mga kasama na ibaba at dalhin na ang mga bagahe sa guest room na nakatalaga sa mga ito. Tumalima naman agad ang lahat, si Tasya ay dinaluhong ang mga bagahe nila Danielle at Zandrick. Nais nyang makasigurong nasa malapit lang nya itong matanaw ng mabantayan ang kapatid. Sumenyas si Tasya kay Belen, agad namang tumango ito.
Sa second floor, sa kaliwang bahagi na kung saan direktang matanaw ito sa kwartong inuukopa ni Tasya, katabi lang din nito ang kwartong inuukopa ni Raziel. Kaya mas Madali sa kanyang mabantayan ang mga galaw nito.
Nang inilapag na nya ang mga gamit ng kapatid at ng nobyo nito ay agad na sumulat ng maikling sulat si Tasya nakasulat dito ang:
“Be careful, wag kang magtiwala sa iyong nakikita. Wag mong sabihen ang totoon g katauhan mo o nang pamilya mo, para sa iyong kaligtasan at kaligtasan ng angkan mo!”
Inilagay ito ni Tasya sa bag na kung saan tyak nyang bubuksan ni Danielle pagkatulog nito.
“Kilala mo ba ang mga ito Aniah?” bulong na ika ni Belen na sinuri ang kapaligiran ng kwarto.
“Oo, kapatid ko si Danielle.” Walang gatol na saad ng dalaga dito.
Napalingong bigla naman si Belen.
“Whaat?” gulat na saad ni Belen.
Tumango si Tasya at bumuntonghininga.
“Kaya I need you to take a good look on her! Narinig mo namang inusisa ni Don Alfonso ito ng marinig na dating taga Isla Pueblo ang pamilya nito. Tiktikan mo ng maigi at pakiramdaman ang galaw ng Don, e alerto mo na din ang mga tauhan natin na magdagdag ng sekuridad para sa kapatid ko!” ani Tasya.
Napailing nalamang si Belen. At tumango.
“Mag iingat ka sa pagbabalatkayo mo, baka mismong kapatid mo pa ang maglagay sa alanganin sa atin.” Paalalang saad ni Belen.
Tumango si Tasya. Ng mapahinto sya saglit, di nya alam kung kailangan pa ba nyang sabihen kay Belen ang tungkol kay Raziel o hayaan na lamang ito. Napansin ni Belen ang pananahimik nito. Napakunot ang nuo ito habang nakatitig sa tila aligagang si Tasya.
“May gusto ka pa bang ipaalam Tasya? Dapat malaman ko na habang maaga pa, bago mabulilyaso ang lakad nating ito. Di lang ako o ikaw ang nakataya sa missiong ito. Maging ang ating mga kasamahan.” Paalalang saad ni Belen.
Napatingen naman sya sa kasama. Napalunok na muna sya ng bahagya. Nakita nyang matamang nakatuon ang tingen sa kanya ni Belen tila nag aantay ng kanyang sasabihen.
“Meron, si Raziel! Di ko alam kung paano ko sasabihen sayo.” Ani Tasya na umupo sa ibabaw ng kama.
“Whaat? Ang fiancé ni mam Maureen?” nagulat na namang saad ni Belen. “Pano? I mean ano ang koneksyon mo sa kanya?” dugtong tanong nito.
“Ako ang tunay na fiancé ni Raziel, sya din ang dahilan kung bat napaaga ang punta ko dito sa Isla Pueblo. Dahil ayukong maging sagabal ito sa mga plano ko. Kaya naman pinasya kong pamarito na ng mas maaga.” Pagkukwento ni Tasya dito. “A..aaa..aat mukhang nakikilala ako ni Raziel, kaya ganon nalang ang pagsuri nito sa akin sat wing magkakasalubong o magkikita kami.” Dugtong nito.
Napahawak sa ulo naman si Belen ng marinig ang katotohanan mula kay Tasya.
“Shiiit! Maging mas kumplekado ang lahat ngayon. Pano nga kung nakilala ka ni Raziel, walang imposible sa taong mas nakakilala sayo Aniah!” pabulong na saad ni Belen. “We need to take precautions dito. Kailangan kongi report ito. Ng mahanapan natin ng paraan. Alam din ba ito ni Aling Belen?” dugtong muling tanong ni Belen.
Umiiling-iling lang si Tasya. Lalo-lalong na mroblema si Belen sa narinig.
“You’re losing your focus this time Aniah! You must pull yourself back!” matiim na saad ni Belen. “Or else papalpakan ang mission mo at natin!” ani uli nito.
Tumango si Tasya sa sinabe ni Belen.
“Sige na mauna ka na sa labas, mag gagawin lang ako dito sa kwarto ng kapatid mo para mamonitor natin ang kaligtasan ng mga ito.” Utos na saad ni Belen.
Tumango na lamang si Tasya, alam nyang tama ang sinabe ng kasama, maaring ikakapahamak nilang lahat pag di pa sya mag fucos. Kailangang mahamig nya ang sarile at magawan ng paraan ang tungkol kay Raziel at maging kay Danielle at baka maekwento ito ni Raziel o di kaya maging Kagaya nitong magin mapanuri Narin. Malakas din ang pang-amoy ni Danielle, may mga gawi pa naman syang pwedeng ikakilanlan nito sa kanya.
Kahit nga hilik nya ay kilalang-kilala na ng kapatid nya. mas lalong nanakit ang ulo ni Tasya ngayon, dahil di lang si Raziel ang poproblemahin nya ngayon pati na din si Danielle. Lalo na ang kaligtasan ng kapatid. Napatiim bagang syang lumabas sa kwarto.
Di napansin ni Tasya ang pares ng mga matang kanina pa sumusubaybay sa kanya. Bawat kilos nito at galaw ay binabantayan at minaman-manan nito.
“Boss, Confirmed na! kapatid nga niya ang babaing si Danielle.” Pagbabalita nito sa kausap.
“Kung ganon, mas kailangan mong bantayan ang mga kilos nila, mga binabalak na gawin at plano. Kailangang maunahan natin ang mga ito!” aning kabilang linya. “Siguradohin mo ang kaligtasan ng amo natin, nagkakaintindihan ba tayo?” Dugtong utos nito.
“Copy boss!” anito sabay baba ng tawag at kunyaring nag babasa ng magazine. Isa ito sa tauhan na naroon, taga bantay at isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Don Alfonso.
Mukang malalagay sa alangangin si Tasya at mga kasama nya. ano na kaya ang gagawin ng panig nila, ngayong may nagtitik-tik at nagmaman-man din sa kanila. Matutuloy pa kaya ang mga balak at plano ni Aniah?