“Taaaaasssssyyyyaaaa! Ano ba bilis bilisan nyo na ang mga kilos nyo! Aba anong oras na!” Hiyaw ni Aling Bebang na kanina pa di mag kanda kulili sa ginagawa. "Benjooooo....yong pinakukuloan ko don sa labas pakitingen nga muna" dugtong pa nito.
Mukha atang may selebrasyon sa mansion ng mga Ardiente. Pero ni isa sa amo ng mga ito ay wala pa sa mansion. Mag iisang lingo na ang mga itong wala sa mansion, ngayon lang ang mga ito na tumagal sa Manila. Tumawag lang naman ito kay Aling Bebang kagabi, inutos ng mga ito na ipa linis ang buong mansion at may mahalaga daw na mga bisita ang magsisidatingan. Kaya naman ay di na magka undagaga ang mga tauhan ng mansion na maglinis. Pati lahat ng silid ay pinapalinis na din. Mukang isang barangay ba ang darating? Kahit ganon pa man ay wala nang alma ang mga ito. Sige lang sa gawa, pati ang harden ay pina lagyan ng mga dekorasyon at mga mesa muka nga atang napakahalaga ng mga panauhin ng mga Ardiente at tila fiesta na sa paghahanda pa lang.
Dumating na din ang mga caterer at mga interior decorator na syang mag-aayos sa harden kung saan pag dadausan ng kainan at pagsasalohan ng mga bisita at ng mga iilang piling tao sa Isla Pueblo. Bukas pa magsidatingan ang mga bisita at ang mga Ardiente, pero ngayon palang ay aligaga na ang lahat sa pag aayos.
“Hoooyyyy….Anitaaaaa….yon bang mga kubre kama ng mga kwarto ay napalitan nyo nang lahat? Nalagyan nyo na ba din ba ng mga oil ang mga humidifier? Alam na alam nyo namang ayaw ng senorita na may mapupula sa mansion.” Dagdag paalala ni Aling Bebang sa mga kasama, habang inilalabas nito ang mga naka frozen na karne. Kailangan nang ibabad ang mga dapat ibabad lalo na ang mga e ba-barbecue.
“Naku Tyang,kanina pa tapos yon, tsaka pwede ba Tyang, wag ka na masyadong na tetention dyan, pati tuloy kami eh nadadali sa pagsisigaw mong bigla!” ani Tasya na napakamot sa ulo. Habang inilabas naman nya ang mga gulay na kakadeliver lang kanina, magbabalat na kasi sila ng mga patatas, carrots at iba pa para bukas ay derecho nang magamit ng mga caterer.
"Kooowwww Tasya wag mo akong umpisahan at ikaw malilintikan sa akin, alam mong di na ako magkandatuto dito" Ani Aling Bebang sa pamangkin.
Gusto kasi ni Don Alfonso na sa mansion mag luto, wala itong tiwala na sa labas ang pagkain lulutuin yong tipong dalhin eh luto na at ihahanda nalang sa mesa. Ayaw ng Don ng ganon, tila may trust issue ito. Ang caterer ang syang dadayo don upang magluto at ihanda lahat ng mga nirequest ng senyorita ng mansion. sasagot pa sana si Tasya ng may magsalita sa likuran nya. kaya tumahimik na lamang sya at bubulong-bulong.
“Mana Bebang, yong mga manok pala na e pa-fried chicken ai ilalabas ko na din ho!” si Caloy isa sa tauhan ng caterer na inarkila ng Don.
“Ay, sya sige na utoy! Kalinisan mo na maiigi ha? Tanggalan mo ng mga sipon-sipon at napakasilan ni Senyorita sa manok.” Ani Aling Bebang na tumango pa sa binata. Nag huhugas kasi ito ng mga karne sa lababo.
Agad namang tumalima ang binatilyo sabay yukod sa ipinagbilin ni Aling Bebang. Nasa ganon silang ayos ng marinig nila ang Malakas na busina ng sasakyan sa may gate. Nagkatinginan ang mga nandoon. Tila nag tatanong ang mga hitsura nila. Sino ang dumating? Eh pagkakaalam nila ay bukas pa ang amo nila kasabay ng mga bisita.
“Benjo, tigilan mo muna yang ginagawa mo. Sinuhin mo nga muna kung sino yong dumating!” utos ni Aling Bebang.
Tumango si Benjo at agad na tumalima sa pinag-uutos ng mayordoma. Sa labas ay isang magarang sasakyan ang andon, tila isang bigatin ang nag mamay-ari nito. Agad namang tinignan ni Benjo ang pag-bukas ng gate ng guardia. Nagkadahaba-haba ang leeg nito upang sinohin ang dumating. Ibinaba ng driver ang bintana ng sasakyan kaya naman Nakita ni Benjo ang nasa likuran nito.
“Aba, si senyorita Maureen!” bulong na saad ni Benjo. “Mukang may kasama ito, at di ata gamit ni senyorita ang sasakyan nito. Sino na naman kaya ang kasama ng senyorita!” dugtong usisa ng binata.
Ng makita na nitong naka parada na sa bungad ng mansion ay agad bumalik si Benjo sa kusina kung nasaan andon ang mga kasama. Humahangos pa nga ito at tinakbo agad ang kinaroroonan ng mga kasama upang maibalita ang Nakita.
“Nakuuuu…Aling Bebang, andito na ang Senyorita Maureen.” Hingal na balita ni Benjo.
Napahinto naman sa ginagawa nya si Tasya at napalingon sa kinaroroonan ni Benjo na tila hinihingal pa sa kakataakbo.
“Ha? Abay si Don Alfonso din ba’y andyan na?” Gulat na ika ni Aling Bebang. “buong akala ko ay bukas pa ang dating nila” tila nagulomihang saad uli nito.
Listo naman si Tasya sa isasagot ni Benjo.
“Hinde po, wala pa po ang Don, si Senyorita pa lang po ang andyan. Pero may kasamang lalaki po si Senyorita.” Balita ni Benjo na umupo na sa dating kinauupoan.
Naalarma naman si Tasya sa ibinalita ni Benjo na may kasama ang senyorita nila, sino kaya ang lalaking tinutukoy ni Benjo. Medyo kinabahan sya sa naiisip.
“Shiiit! Wag naman sanang si…..” bulong ni Tasya na napayuko.
“May sinasabe ka ba Tasya?” Ani Anita na kanina pa naka tingen kay Tasya.
“Ha? Ako? Ayyy… sabi ko yong sapatos ko at nasa may paanan n ani Belen. Kaya sabi ko abay naglalakad na ang sapatos ko” pagsisinungaling na sabi ni Tasya, sabay hagis ng sapatos sa may paanan ni Belen.
Tila nagulat ng bahagya si Belen ng maramdaman ang pagtama ng Sapatos ni Tasya sa paanan nya. napatingen sya sa gawi nito, kinindatan sya ng pasimple nito kaya tumango lamang ito.
Napasilip naman si Anita sa ilalim ng mesa, Nakita nga nya ang paghahaligap ng paa ni Tasya sa kabilang sapatos nito, binaling nya ang tingen sa medyo malayong pwesto na kinaroonan ng sapatos ni Tasya. Sinungkit nya ito at inihagis sa paanan ni Tasya.
“Aba’y sya nga, kagaling na maglakad nang tsenilas mo Tasya, mautosan kaya yan?” wala sa luob na saad ni Anita.
Tila naging matalas naman ang tingen nina Tasya at Belen sa winika ni Anita. Medyo kinabahan ang dalawa na baka may nalalaman o napapansin na ito sa kanila. Mapagmasid kasi itong si Anita kahit ganyan-ganyan yan ay iba ang talas din nito.
“Kowwww….ayan ka na naman Anita. Alam ko na iuutos mo dyan sa tsinelas ni Tasya kung nagkataong mauutosan yan.” Pambabasag na saad ni Benjo.
“Ohhh, eeehhh….ano aber?” sagot naman ni Anita na tumaas pa ang mga kilay.
“Tsinelas, pwede mo bang ihatid itong pera don kay Nestor baby ko?” animo babaing naiipit ang boses na ika ni Benjo at ginagawa pa ang aksyon ni Anita.
“Abaaaaa’aatt….siraulong to ah!” pikong saad naman ni Anita sabay bato nito ng balat ng patatas.
Tatawa-tawa naman si Benjo habang umiilag sa pambabato ni Anita. Napatawa naman din si Tasya at si Belen dahil na tumbok ng binata ay posibleng sabihen o ipag-utos ni Anita.
“Gagooo! Sira ulo ka talaga! Wala kanang ginawa kundi ang bweseten ako!” yamot na ika ni Anita na tudo na ang simangot sa lalaki.
“Ayaw mo kasing pansinin si Benjo, kaya ganyan kalakas mang Alaska sayo yan iisa lang ang ibig sabihen nyan.” Tatawa tawang saad ni Tasya na inilagay na ang pinagbalatan sa malaking planggana.
“bakit ano ba yon?” taking tanong ni Anita.
“Eh ano pa, di may gusto sayo si Benjo pero puro ka kasi Nestor kaya di maka diga sayo yan. Kaya sa pang-aasar nya dinadaan at napapansin mo sya!” si Belen na nakangiwing naka tingen kay Benjo.
Namumula naman si Benjo ng binuko sya ni Belen. Binato naman nya ito ng balat ng patatas na ibinato sa kanya kanina. Mabilis namang nailagan ni Belen ang pagbato nito, tudo naman tawa ng ibang nakarinig na andon sa sinabe ni Belen. Chorus pa nga ang pagsabi ng mga ito ng “Oo nga” nakataas ang kilay na tiningna ni Anita si Benjo.
“Naku, kung si Benjo man lang din ay maiging maging dalagang ulay na lamang ako!” naka ingos na saad ni Anita.
“Hooyyy, Anita naniwala ka naman sa sinabe ni Belen? Sa tingen mo naman magugustohan ko yang katangahan mo?” bawing asar ni Benjo. “Wag na oi, baka magkaroon pa ako ng lahing tanga na baluga” dugtong asar nito.
Napailing naman si Tasya ng mauwi sa bangayan ang dalawa. Nang pumagitna na si Aling Bebang sa dalawa baka maya-maya na ay magsasabunotan ang mga ito. Nang isa sa mga katulong ang pumasok sa kusina at tinawag si Aling Bebang.
“Mana Bebang, pinapatawag po kayo ng Senyorita sa sala.” Aning batang katulong na dala-dala pa ang walis tambo nan aka sukbit sa may kili-kili nito.
“Ganon ba? Sige hamo’t susunod na ako!” baling sagot ni Aling Bebang. Habang pinupunasan ang mga kamay sa eprong suot.
Nagtagubilin pa ito kay Tasya na hugasan yong nagayat na nyang mga karne at ilagay sa isang tupper ware na naka handa na sa gilid ng lababo na nakataob upang matuyo. Tumango naman si Tasya sa bilin ng tyahin at humayo na din sa kinauupoan ng pumaroon na ang tyahin sa kinaroroonan ng senyorita nila.
Sa silid tanggapan kung saan naka upo paharap si Maureen sa may bungad. Sa harap naman nito ay naka upo ang isang matangkad na lalaki, mahinuha mo ang tangkad nito at lumalagpas ito sa normal na tangkad ng mga makakaupo sa sofa. Makitaan ang subrang pagngiti at pagpapacute ng Senyorita nila sa kaharap nito.
“Welcome home Senyorita Mau, andito na po pala kayo, buong akala ko po ay bukas pa ang dating nyo!” Salubong na bati ni Aling Bebang sa among babae.
Napataas naman ang tingen ni Maureen kung saan Nakita nito si Aling Bebang na naka ngiti. Napangiti na din ito sa matandang mayordoma ng tahanan nila. Mabait ito kay Aling Bebang at ito ang yaya nya noong hinde pa ito naging mayordoma. Kaya mahal nya ang matandang ito.
“Yaya Bebang, I would like you to meet my soon to be husband. Raziel, Raziel del Vijo Bernardo!” pakilala ni Maureen dito na tudo at kay tamis ng mga ngiti.
Napalingon naman si Aling Bebang sa lalaking itinuro ng kanyang senyorita. Napakagwapo naman nito, bumagay pati ang suot nitong red polo shirt na tinambalan ng fitted jeans at pampormang rubber shoes na white-gray ang kulay, matangos ang ilong nito, na may mabibilog na mata na binagayan ng malalagong maitim na kilay. Maputi din ito gaya ng kanyang senyorita, halatang galing din ito sa prominenting pamilya. yumukod naman si Aling Bebang bilang paggalang sa bisita ng among babae.
“Ikinagagalak po kitang makilala sir Raziel! Napaka gwapo naman po ng mapapangasawa nyo senyorita, tyak akong ang gwa-gwapo at gaganda ng magiging supling ninyo” naka ngiting sambit ng matanda sa binata.
“Maraming salamat po aling Bebang!” ani Raziel na napilitang ngumiti. Ngunit matalim naman ang tinging ipinukol nito kay Maureen.
Tila nasisiyahan naman ang dalaga sa sinabe ng mayordoma at sa reaksyon ni Raziel. Kaya humayo sya at pakinding kinding pang lumipat sa kinauupuan ni Raziel, single sofa lang ang inipuan nito, kaya ang ginawa nito ay kumalong ito sa nakaupong binata. Ipinulopot pa nito ang mga bisig sa leegan ng binata.
“Nakuuu yaya…ako pa ba? Alam mo naman ang mga taste ko noon pa man di ba? And I was truly lucky for this man, alam mo kung bakit yaya? He truly loves me and gagawin nitong lahat ang gusto ko, right Honey?” ani Maureen na nakakaluko ang ngiting ipinukol kay Raziel. Alam kasi ni Maureen ang dahilan ng pagsama ng binata at ang pagsunod nito sa mga gusto nya. kumbaga hawak ni Maureen ang alas ngayon. At sisiguradohin nyang walang kawala dito si Raziel.
Napatiim bagang si Raziel habang nakatingen sa dalaga, naka patong pa din sa magkabilang armrest ang mga bisig nito at tinitipa ang mga dalire na tila pa dito kumukuha ng lakas para di mapatulan si Maureen. Plastic na ngiti lang ang itinugon ng binata dito.
“Ohhh… sya nga pala yaya, makipaakyat mo nga kay Tasya ang mga gamit naming ni Raziel.” Malanding saad ni Maureen na tuwang tuwa sa di pag alma ni Raziel sa mga ginagawa nya.
“Aayyy… oo sige…gusto nyo ba ng makakain o maiinom sir Raziel?” baling ng tanong ni Aling Bebang sa lalaki.
“No thank you Aling Bebang, I’m fine” anito sa matanda na ngumiti.
“psssttt…. Lena, pakitawag nga muna si Tasya, sabihen mong pinapapunta ki dito sa sala!” tawag ni Aling Bebang sa batang si Lena na nag pupunas ng railings ng hagdan. “Pamadaliin mo kamo hane? At nang maka pagmahinga na ang senyorita.” dugtong pa nito.
Agad namang tumalima ang initusan. Mga ilang sandali lang din ay ayan na si Tasya na nag mamadali. Nag pupunas pa ito ng kamay sa eprong suot. Napalingon naman si Aling Bebang nang makitang andyan na ang pamangkin.
“Kamusta na Tasya?” bati ni Maureen dito. “Maayos ba ang kwarto ko? Di mo ba napapabayaang linisin ito?” dugtong na tanong nito.
Napalingon naman si Tasya sa kinaroroonan ng boses ng among babae naka ngiti pa sya ng una pero napawi agad ito ng mapagsino ang lalaking inuupoan ng napaka sweet ng kanyang senyorita. Napalunok sya ng malagkit, tira gusong umurong ang kanyang dila at nais nyang magpatabon ng lupa sa pagkakataong iyon. Ngunit mabilis syang naka rekober ng maalalang di nga pala sya makilala ng lalaki at napakalaki ng pagkakaiba ng hitsura nya ngayon. Kaya bahagya syang tumikhim at pilit ang ngiti ang ginawad nya sa among babae. At pinasigla ang boses na animo naipit.
“Ayyyy….ang Magandang senyorita Maureen pala! Welkam howm senyorita!” ani Tasya na ngumiti ng pagka lapad na ngiti na pati galagid nya ay lumabas na.
Napatawa naman si Maureen sa itsura ni Tasya.
“Haaayyyy….Tasya…ilang araw lang naman akong Nawala sa mansion pero yang salubong mo sa akin ay tila pang dalawang taon.” Ani Maureen na inilapit pa ang mukha sa mukha ni Raziel.
Napatingen naman si Raziel sa babaing galing sa likuran nya nang gagaling. Malaking tshirt ang suot na pinarisan ng makulay na legging na may mahabang de kulay din na medyas at naka sapatos pa nga ito. Ang buhok na animo hahabulin na ng taga saloon dahil sa kulot at pagkapuyod nito. Matigyawat ang mukang namumula pa nga, medyo napangiwi ang binata sa parting iyon, ito yong tipong sarap hilahin pag naka daan sa derma saloon. Makapal pa ang kilay nito na tila di pa ata naka ranas ng pag papaayos. Pero nahinto sya sa pagsusuri nito ng matitigan nya ang mga mata nito. Parang pamilyar sa kanya ang ganong titig at tila malungkot ang mga nangungusap nitong mata. Parang nakikita na nya ang ganong mata somewhere. Naka kunot ang nuo na tinitigan nya ito ng mariin.
Tila na conscious naman si Tasya sa mariing pagtingen ng binata sa kanya. Kinabahan syang baka nakilala sya nito. Tsinetsik nya sa isip nya ang ayos nya. tama naman lahat, nailagay naman nya lahat ng pambabalatkayo nya. pero bat ganon pa din maka titig ang lalaking ito sa kanya. Kaya naman tudo ang ngiting ipinakita nya sa among babae at binago ang tinig.
“Nakuuuu…senyorita na miss po naming kayo ng subra kasi po nawala na ang Magandang mukha na lagi naming nakikita sa umaga, na uumay na po kasi kami sa mukha ni Tyang Bebang na lagi nalang naka sigaw na animo mega phone!” pagbibiro pa nito na ibinaling patalikod sa senyorita nya at sa lalaki ang sarile para maiwasan ang mapanuring tingen nito. “At syempre naman senyorita, ako pa ba? Abay Ayuko nga mapagalitan at magtampo sa akin ang senyorita kong mahal!” pambobola niyang dugtong.
Napalingon naman si Aling Bebang at inuumpisahan na naman syang biruin ng pamangkin. Akma nya itong kukurotin ng marinig nila ang tawa ni Maureen, na noon lang nila nakikitang sumaya ng ganon ito.
Pero sa totoo lang ay naalibadbaran sya sa tawang iyon ng kanyang among babae, alam nyang pilit at pinalandi lang nito ang tawa dahil nakakalong ito kay Raziel. Lalong humigpit pa ang lambitin nito sa leeg ng binata nang maalalang ipapakila ito kay Tasya.
“Oh, bago ko pala makalimutan, Tasya ito ang sir Raziel mo, fiancé ko!” pagmamalaking saad pa nito.
Kunyaring nagulat pa si Tasya at may patakip-takip pa sa bunganga nya at kunyaring natutuwa ng subra, pero sa mga mata nya ay nagpupuyos ang kaluoban at ngani-ngani na nyang sabunotan ito. Kung di lang nya nakitaang tila nangunot ang nuo ni Raziel na nakakatitig pa din sa kanya ay di nya babagohin ang pagaabot ng tuwa sa mata nya.
“Ayyy…kongratulesyon senyorita! Ampogi ni sir Raziel!” ngiting hanggang galagid ang usal na sambit ni Tasya. Sabay pa na pumapalpak sa tuwa. Nilapitan pa ito ni Tasya at kinamayan. Upang mabaling ang tingen ng binata.
Lalong naging mapanuri ang mga tingen ng binata ng mahawakan ang kamay nito, may kung anong init itong idinulot sa kanya. Init na tila pamilyar na pamilyar sa kanya. Kaya naman di nya hinawi ang tingen sa mga mata ng babaing kumuha sa kamay nya.
“Hmmm….Tasya, off limits ka dyan…..wag ka nang mangarap na magkaroon ka nang gantong mapapngasawa mo! Wag ambesyosa ha?” ani Maureen na tumaas pa ang kilay at tinabig ang kamay na humawak kay Raziel.
Tila gustong mag taas din ng kilay si Tasya sa narinig.
“Ayyy…taray ha? Kung alam mo lang sa akin nag kandarapa yang fiancé na sinasabi mong mapapangasawa mo, baka pag ako Nakita nyan eh itapon ka sa kangkungan tsura nito!” bulong na saad ni Tasya.
“May sinasabe ka Tasya?” nakataas ang kilay na saad ni Maureen sa katulong.
“Ha?..naku senyorita wala akong sinasabe, sabi ko lang na madadagdagan na naman ng gwapo at magaganda ang mansion pag nagka anak kayo ni sir Raziel!” ani Tasya na tinuro pa ang lalaki.
Tumango-tango naman si Maureen sa sinabe ng katulong. At binaling ang mukha sa mukha na pansin nyang titig na titig ito sa katulong nila. Tumaas naman ang kilay nya pagkabahagya.
“Don’t tell me Raziel honey, na nagkagusto ka sa katulong naming si Tasya?” Pagbibirong saad niya dito na may mapangkutyang ngiti.
Napatingen sa kanya si Raziel at matiim na tumitig kay Maureen. “Why not? Kung mas desirable at finding so exciting and so mysterious naman ang sinasabe mo?” ani Raziel na sinulyapan ng mariin si Tasya.
“Raziiieeel!” animo horrified si Maureen sa narinig. Hinampas pa nya ito ng bahagya “kakainis ka talaga honey! Lakas mo talaga akong asarin” anitong itinago ang pagka asar, dahil ayaw nyang mapahiya sa mga andon lalo na kung sa katulong lang din naman.
Animo sinilihan naman si Tasya sa narinig. Alam nyang may laman ang sinasabe nito. Lalo syang kinabahan. Nakahalata kaya ito? Nakilala ba nya ako? Pero paano? Ang layo naman ng hitsura ko kahit sinong makakita sa akin ay imposibleng makikilala pa ako.
“Dammmnnn! Mabubulilyaso pa ata ang plano ko!” Bulong ni Tasya sa isip. "Not now Raziel, not now!" dugtong nyang sabi sa sarile.
“Oh, sya sige na Tasya, dalhin mo na yang mga gamit nila sa room ni Senyorita mo at ng makapagpahinga muna sila, at mahaba ang binyahe ng mga yan” pambabasag ni Aling Bebang sa usapan na naka ngiti. Buong akala nito ay parte lang ng paglalambingan ang ginawa ng dalawa, lingid sa kaalaman ng matanda ay may mga laman na ang mga sinasabe ng mga ito.
Dali-dali namang kinuha na ni Tasya ang mga bagahe, nais na nyang lumayo sa mapanuring mata ng binata. Ng magsalita ito. Kumakabog na ang dibdib nya sa kaba. Ng nakayuko at nakatalikod na kuhanin ang mga bagahe.
“Sandali!” barituno ang boses na pumipigil sa ginagawang pagbubuhat ni Tasya sa gamit ng mga ito. “Iwan mo yang gamit ko! Or else dalhin mo nalang sa guest room”dugtong saad nito.
Napabuntong hininga ng marahan si Tasya, akala nya kung ano na ang sasabihen nito.
“Honey, bat sa guest room? Pwede namang sa room ko nalang tayo!” malanding lambing ni Maureen.
Mariin ang tingen na ipinukol ni Raziel dito. Napalunok naman ng bahagya si Maureen ng makita ang nag uumpisang nag aalab na mga mata ng binata na animo napipika na sa kaartehan nya. kaya napatikhim sya agad at:
“Ok! Napaka old style mo talaga! Akala mo naman eh wala pang nangyayare sa atin.” ani Maureen na malanding tumawa, paraan lang nito iyon para di mapahiya ang sa mga kaharap.
“Hij, maka sabay sa usapan nyo ng fiance mo, may punto naman ang fiancé mo, baka gusto lang nyang makasal na muna kayo bago….alam mo na!” ani Aling Bebang na nakangiti sa dalawa.
“Naku, yaya siansabe mo pa! may pagka old fashion talaga yan!” ani Maureen na mahahalata na ang piking tawa nito.
Napatawa naman ng lihim si Tasya, kinagat pa nya ang labi upang di umalpas ang tunog ng tawa nya.
“Ah.ha.ha…napala mong feelingera ka! Akala mo ha! napaka mo kasi, buti nga!” luob-luob na ani Tasya. Napatingin syang bigla sa kinaroonan ng dalawa, huling-huli nya ang mariing tingen ng lalaki sa kanya. Animo tumatagos ang mga tingen nito sa kanya. Kaya kinakabog na naman ang puso nya sa nerbyos.
“Sige na Tasya, yang kay senyorita nalang muna ang e akyat mo. At si Benjo nalang ang pagdalhin ko ng bagahe ni sir Raziel.” Nakangiting ani Aling Bebang
Tumalima naman agad si Tasya na walang lingon likod. Dali-dali na nyang binuhat ang bagahe ng among babae at nais nyang iwasan ang mga malalim na tingen ng lalaking tila sinusuri na sya ng mariin.
Napamura ng lihim si Tasya. Kailangang nyang makahanap ng paraan kung paano mailayo ang mga mapanuring tingen ng lalaki, ayaw nyang mabulilyaso ang plano nya. o di kaya’y kailangan nang madaliin ang mission nila sa mansion na ito ng makalayo na sa binata. Napailing at napabuntonghininga sya ng wala sa oras.