Nagulat si Nickole Kim nang paglabas ni Calheb ng kuwarto nito iba na ang damit nito at nakabihis ito ng pang-alis. Wala siyang alam na lakad nila sa gabing iyon. Nag-iisip pa nga siya kung ano ang maaari niyang iluto para sa hapunan nila na masustansiya pero masarap. At saka sabi nito kanina at pagod ito bakiy ngaun ay nakabihis na bigla. "Oh, May biglaan kang Lakad ngayon?" tanong na lang niya rito. "Personal na lakad," sagot nito. "Ah, may date ka?" Tumango-tango siya, kunwari ay bale- wala iyon sa kanya kahit parang may kirot na kung ano sa dibdib niya. "Nagyayaya si Skyleigh na lumabas. I just wanted to-. sabi nito. pero itinaas niya ang kanyang kamay para tumigil na ito sa pagsasalita at naiinis na naman siya sa sinasabi nito. "Sige na, mag- date ka na. Kailangan mo pa bang mag

