"SORRY, Acheaus, pero hindi na 'ko makakasama sa 'yo para sa isa pang date na hinihiling mo pasensiya na," sabi ni Nikole Kim sa binata nang ihinto nito sa parking area ang sasakyan. Galing sila sa birthday party ng pamangkin nito. Sa pamangkin nito ibinigay ang bracelet na binili nila sa jewelry store noong isang araw na hingin nito ang opinyon niya sa pagbili ng bracelet. Niyayaya uli siya nito ng isa pang date pero hindi na siya pumayag at dinaretsa na niya ito. "But why, may problem ba? Ayaw ba ni Calheb na makipag- date ka sa akin at ako ang kasama mo?" nakakunot-noong tanong ni Acheaus sa akin. "I thought you liked being with me. We were having so much fun. Kung si Calheb ang inaalala mo, kinausap ko na siya. I promised him your being with me won't interfere with your duties and-"

