MABIGAT pa din ang pakiramdam ko ng magising ako. Pinilit ko tumayo pero naliliyo pa din ako. Kinuha ko amg phone ko at tiningnan ang oras, pasado alas dos na ng hapon.
May ilang missed call din si Tim sa akin. Marahil ay tapos na ang meeting nito. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya pinilit kong tumayo. Nagtext na din ako kay Tim. Nag antay ako na magreply siya pero walang sagot.
Nagpasya na akong bumaba dahil madami pa din akong kailangang tapusin. Saktong paglapag ng elevator sa floor kung nasaan ang opisina ay muli akong nakaramdam ng pagkahilo.
Nawalan ako ng lakas at akmang babagsak ng may mga matipunong braso ang mabilis na umalalay sa akin. Mabilis na pumulupot sa bewang ko ang mga kamay nito para alalayan ako.
"Hey? Are you okay?" tanong nito.
Pagangat ko ng tingin ay si Aries ang nakita ko. Nagaalala ang mukha nito.
"Y-yeah. Im fine." pinilit kong kumawala sa kanya pero muli akong nawalan ng lakas.
"I think you're not. Buti na lang pababa ako sa lobby kung hindi baka ano nangyari sayo." sabi nito habang nakaalalay pa din sa kanya.
"Thanks." sagot ko ng bahagya akong napaigtad dahil marahang humaplos sa likod ko ang isang kamay nyang nakaalalay sa akin.
Hindi ko alam pero tumaas ang balahibo ko sa ginawa nya. Parang may something sa klase ng pagkakahaplos nya. Iwinaksi ko na lang sa isip ko dahil hanggang ngayon ay naliliyo pa din ako.
"Ihahatid kita sa office mo." alok nito bago marahan siyang inalalayan sa paglakad. Mahigpit ang pagkakahapit nito sa beywang nya sanhi upang makaramdam siya ng pagkailang.
Narinig nya ang bulung-bulungan habang marahan silang lumalakad.
"Naku! Ito talagang si Maam Therese. Kanina si Sir Tim ngayon naman si Sir Aries?"
"Uy! Hinaan mo boses mo. Tsaka di ba dati naman na pinopormahan yan ni Sir Aries."
"Kaya nga pero mas mapera kasi si Sir Tim hihihi."
"Shhhh...tama na nga yan."
Mapait na napangiti na lang ako sa mga narinig. Gusto kong isampal sa mga pagmumukha ng mga tsismosang ito kung sino ako sa buhay ni Tim. Ilang linggo na lang naman at kakainin ng mga ito ang lahat ng sinasabi nila.
"Huwag mo na lang pansinin mga iyan. Siguro naiinggit." narinig kong sabi ni Aries.
Hindi na ako sumagot dahil pakiramdam ko lalo akong nanghihina.
"Hey?" napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Nicole.
"Maam Nicole, hi!" bati ni Aries.
"Ako na magaakay kay Therese. Pwede ka na bumalik sa office mo." masama ang tingin nito kay Aries na hindi ko maintindihan.
"Ako na Maam Nicole, medyo mabigat siya baka parehas pa kayo matumba." tanggi nito.
"No! Ako na or tatawagan ko na lang si Tim." tila nagbabanta ito.
"Okay. Ikaw na." binitawan siya ni Aries pero marahang humaplos ang kamay nito sa braso nya bago tuluyang lumayo.
Muli kahit nahihilo ay nakaramdam siya ng nakakakilabot na sensasyon.
"Tara na?" tanong ni Nicole ng hawakan siya nito. Tumango lang ako. Ilang hakbang na kami nakakalayo kay Aries ng magsalita ulit ito.
"Therese...mag ingat ka kay Aries."
"Huh?"
"I know it's sound funny. And i don't know kung makikinig ka sa akin sa kabila ng mga nagawa ko sa inyo. But believe me, iba ang kutob ko sa lalaking iyon." nakita nya seryoso ang mukha nito kahit hindi nakatingin sa kanya.
"Mabait si Aries and i think nilinaw ko na sa kanya ang lahat. Salamat sa advise." pagtatanggol ko. Hindi ko naman pwedeng pagisipan ng masama yung tao.
Besides, wala na itong ginawang pag flirt sa akin nung machismis na may relasyon kami ni Tim. Tumigil na ito at binaling ang atensyon sa ibang babae unlike Nicole na talagang gumawa pa ng mga bagay na hindi naman dapat.
So kanino ako dapat magtiwala?
"Okay. Well, nasa iyo yan kung magtitiwala ka sa mga sinabi ko. Alam ko kung gaano kaingat sa iyo si Tim at sa magiging anak nyo. Ayoko malagay sa alanganing sitwasyon ang buhay nyo."
"Pwede ba?" naiinis na sabi ko. Sino ba ito para makialam? "Kung meron mang gagawa ng hindi maganda dito...malamang ikaw yun. Kaya huwag ka na mandamay ng ibang tao."
Nakita kong bahagyang gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Nicole. Maybe im too harsh bigla tuloy ako naguilty.
"Y-yeah. You're right. Pinagsisihan ko na iyon. Alam ko naman hindi ganon kadali magpatawad at makalimot."
"Look ..im sorry. Pinatawad na kita. It's just that huwag tayong magbigay ng ibang kahulugan sa mabuting ginagawa ng isang tao."
"Therese. ..behind those kindness is an evil plans."
"Whatever. .." at inirapan ko siya. I hate how this girl talk about being kind and evilness.
Narating namin ang opisina ko. Inalalayan nya akong umupo bago nagpaalam umalis. Tinawagan ko si Leah sa intercom.
"Hi Leah? Nandiyan ba si Tim?"
"May biglaang meeting sila sa labas. Okay na ba ang pakiramdam mo?"
"Ah. Okay. Actually hindi pa, gusto ko na sana umuwi. I think i need more rest."
"Sabi nya by 4pm babalik nanaman siya dito. Kaya mo ba siyang hintayin?"
Napatingin ako sa wall clock. Alas tres na din naman, isang oras na lang ang hihintayin ko.
"Yeah. Magtetext na lang din ako sa kanya. Thank you. Bye."
Matapos i-end ang tawag ay kinuha ko ang phone at nagtext kay Tim. Marahan akong tumayo at umupo sa sofa na pinalagay ni Tim sa opisina ko.
Hindi na ako tumanggi ng maisipan nya ipalagay iyo dahil medyo maselan ang pagbubuntis ko at ayaw ko naman magstay lang sa bahay mas mabuti na daw na meron akong komportableng pwedeng mapagpahingahan. Hanggang sa hilahin ako ng antok.
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong marahang humahaplos sa pisngi ko. Bahagya lang ako napangiti pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sa nararamdamang antok.
Hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang pagdampi ng labi nito sa akin. Hanggang sa bahagyang dumiin ang halik nito na ikinakunot ng noo ko. Parang may kakaiba sa halik nito.
Bahagya kong ipinilig ang ulo ko ng maramdaman kong humiwalay ito. Mayamaya ay marahang haplos sa buhok ang muling humatak sa akin para makatulog.
TIM's POV
Dumeretso agad ako sa opisina ni Gab pagbalik ko. Naabutan kong palabas si Aries mula doon. Masamang tingin ang ibinigay ko dito.
"Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ko.
"May hihingiin sana ako kay Therese Sir, kaya lang mukhang masama pa din ang pakiramdam at nahihimbing ng tulog." matamis na ngiti ang ginanti nito sa akin
Hindi na ako muling nagtanong at tumango na lang bago pumasok sa loob. Naabutan kong nakasandal lang siya sa sofa na natutulog. Napasimangot ako dahil bahagya pang nakalilis ang suot nitong dress sa kalagitnaan ng hita nito.
Naisip ko nanaman si Aries kanina, sigurado akong nakita niya si Gab sa ganitong ayos. Parang gustong kumulo ng dugo ko. Isinara ko ang blinds sa opisina ni Gab bago ko marahang binuhat siya para ayusin sana ng higa.
Naramdaman kong pumulupot sa leeg ko ang mga kamay nya at hinatak ako palapit sa kanya. Muntik na akong mawalan ng balanse at madaganan siya.
"Gab naman eh! Madadaganan kita!" naiinis na sabi ko sa kanya habang alalay ang bigat ko.
"Kiss me again." sabi nito na bahagya lamang minulat ang mga mata.
Again? Ano bang sinasabi nito? Nananaginip ba ito?
Marahan nyang tinapik ang pisngi nito para tuluyang magising.
"Hmmmm...kanina ka pa?" tanong nito ng tuluyang imulat ang mga mata. Inalis nito ang mga kamay sa leeg ko at marahang kinusot ang mga mata.
"Kararating ko lang. Bakit naman ganyan ka natulog?" galit galitan kong sabi sa kanya ng umayos ito ng upo.
"Hmmmp! Hindi ko namalayang nakatulog ako. Bakit ba nagagalit ka kaagad?" naiiyak na sabi nito.
"Haaayyss! Oo na ..sorry na. Nakita ko lang kasi mukhang hindi ka kumportable." pagpapakumbaba ko. Preggy mood swings.
"Kararating mo lang?" tila naniniguradong tanong nito.
"Oo nga. Bakit ba?"
"Ah ..w-wala..." tila may gusto itong sabihin pero hindi na nito itinuloy.
"Umuwi na tayo. Masyado madaming arte yung kameeting ko kaya medyo natagalan. Para makapahinga na kayo maayos ni baby." aya ko sa kanya.
Napatingin ito sa wall clock na ngayon ay alas singko na ng hapon.
"Hala! Tagal ko pala nakatulog. Naku! Ang dami ko pa hindi nagagawa." natatarantang sabi nito at mabilis na tumayo.
"Hey!" hinatak ko siya ng marahan at pinaupo sa lap ko." You can do that tomorrow okay? Besides lahat naman okay na? We are just waiting for the event." malambing na sabi ko sa kanya at yumakap sa bewang nya at sumandal sa dibdib nya.
"Hmmmp! Kahit na nuh? May mga kailangan pa din na asikasuhin bukod dun...yung wedding ng mga bff natin!"
"Matagal pa naman iyon. Kailangan mo ng pahinga at ni baby." hinaplos ko ang bahagyang umbok sa tiyan nya.
Naramdaman kong hinalikan ni Gab ang ulo ko at marahang hinaplos. Tumingala ako para halikan siya sa labi. Yumuko siya upang magtagpo ang aming mga labi. Mabilis na lumalim ang paghahalikan namin ng bahagya ko siyang itinulak.
"Why?" reklamo nya.
"We better get home sweetie...lalo tayong machichismis sa ginagawa natin." pangaasar ko.
Marahan nya akong kinurot sa ilong bago tumayo at kinuha ang mga gamit. Hawak kamay kaming lumabas sa building na iyon.