ISANG BUWAN na ang lumipas matapos ang mga pangyayaring iyon. Masyado ng busy ang kompanya ngayon dahil ilang linggo na lang at gaganapin na ang annual meeting.
Busy din kami ni Gab sa pagaasikaso sa kasal ng mga bestfriend namin. Napagpasyahan naming sagutin na lang ang venue ng reception na gaganapin sa isa sa mga pagmamay ari naming hotel at honeymoon ng dalawa.
Tungkol naman kay Nicole, siya pa din ang VP ng kompanya. Matapos humingi ng sorry ng mag Lolo sa mga nagawa nila ay mabilis din naman silang napatawad ni Gab.
Tahimik lang din naman si Nicole sa mga nalalaman nya tungkol sa amin. Mabait naman siya nagkataon lang talagang hindi nya alam ang pinapasok nyang gulo dahil nga sa set up namin ni Gab.
Tumayo ako para kamustahin si Gab sa opisina nya. Hindi kasi maganda ang pakiramdam nya ngayon kaya nagaalala din ako. Simula pa kaninang umaga ay nahihilo at nagsusuka . Natural lang naman daw iyon sa mga buntis. Morning sickness.
Nasa hallway pa lang ako papunta sa opisina nya ay naririnig ko na ang mga usap usapan doon.
"Tingin mo?"
"Oo nuh? Ganyan din ako nung na preggy ako."
"Naku! Sigurado akong buntis yan si Maam Therese!"
"Sinasabi ko na nga ba eh! Si Sir Tim kaya ang ama?"
"Grabe naman nuh? Para naman atang hindi na nahiya si Maam Therese. Ok na sigurong may affair sila pero yung magpabuntis pa??"
"Oo nga."
"Baka naman kasi hindi naman talaga seryoso si Sir Tim sa kanya."
"Fling lang ganun? Tapos nabuntis? Para ano?"
"Tinatanong pa ba yan? Syempre mayaman si Sir Tim!! Kapag naanakan siya magiging tagapagmana."
"Ayy! Oo nga! Matalino talaga si Maam Therese nuh?"
"Sinabi mo pa."
Natahimik lang ang mga ito ng mapansing padaan ako pero sa lakas ba naman ng tsismisan ng mga ito malamang dinig na dinig ko. Tinapunan ko lang sila ng masamang tingin.
Kung ako lang masusunod matagal ng tanggal sa trabaho ang mga iyon. Gusto lang ni Gab unawain ang mga taong ganun dahil nga wala silang alam.
Pero kahit na wala silang alam hindi tama na basta na lang sila magsalita ng ganun sa ibang tao ng walang sapat na basehan.
Kapag talaga inanunsyo na namin ni Gab ang relasyon namin, bibigyan ko ng tambak na paperworks ang mga tsismosang ito.
Bahagyang nakaawang ang pinto ng opisina ni Gab. Tumango ako sa secretary nya na nasa labas bago pumasok.
Naabutan kong nakayuko si Gab sa table niya. Nagaalalang lumapit ako sa kanya at marahan siyang tinapik.
"Sweetie . .."
"Hmmmm..." sagot nya pero hindi inaangat ang ulo.
"Hey? Are you okay? Gusto mo bang umuwi muna para makapagpahinga?".
"Nahihilo pa din ako ...haaayys!"
"Come. ..wag ka yumuko lalo kang mahihilo." inakay ko siya para tumayo. Pagkatayo nya ay napatutop siya sa bibig at mabilis na lumabas sa opisina para magtungo sa katabing C.R.
Mabilis na sinundan ko siya at ganun din ang mga mata ng mga tsismosa sa opisina. Naabutan ko siya sa lababo na nagsusuka. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
Lumapit ako at marahang hinaplos ang likod nya. Awang awa ako sa kanya pero wala akong magawa. Ganito pala kahirap ang magbuntis at maglihi.
Tumagal din kami ng ilang minuto doon bago nanlalatang napakapit sa akin si Gab.
"Gusto mo bang magpunta tayo ngayon kay Doctora? Tatawag ako para mabigyan tayo schedule." nagaalalang sabi ko.
"No. Im fine. Mawawala din to. Besides madami pa ako need tapusin. Stress lang siguro si baby kaya nagiinarte." biro nito sa kabila ng panghihina.
"You can do it later. I'll ask Leah to finish some of your paperworks." kinuha na nya ang phone para tawagan si Leah.
"Ano ka ba? Di lalong may nasabi mga empleyado mo? Tim please? No special treatment okay?".
"Fine! But you have to rest. Tingnan mo nga sarili mo. Isipin mo naman baby natin kesa sa ibang tao." medyo naiinis na ako kasi matigas ang ulo nya.
"Okay! Okay! Huwag ka ng sumimangot dyan."
"Lika sa penthouse. Makakapahinga ka maayos dun."
Inakay ko siya palabas sa restroom at nagtungo kami sa elevator. Hindi ko na inabala ang mga naririnig ko dahil mukhang hindi din naman interesado si Gab sa kanila.
Pagakyat sa taas ay mabilis na inihiga ko si Gab sa kama. Inalis ko ang suot nyang sapatos at kinumutan siya.
"Much better." nakapikit na sabi nya.
"See? Need mo lang talaga ng pahinga. Huwag ka kaya muna pumasok sa opisina? Okay nanaman ang mga kailangan sa annual party." suhestiyon ko.
"No!" tutol agad nito. Dumilat ito ng bahagya. "Gusto ko masigurado every details. Ayoko mapahiya kay Lolo nuh?"
"Maiintindihan ni Lolo yun. Mapapagalitan ako nun kapag pinabayaan kitang ganyan."
"Nakakatawa ka Mr. Lopez. Natural lang po ito sa buntis nuh? Try mo kaya magbasa para may alam ka." pangaasar nito.
"Hmmp! Nagaalala lang naman ako sa inyo ni baby." umupo ako sa tabi nya at marahang ipinatong ang palad sa tyan nya.
"Anong ginagawa mo?"
"Baby....wag mo naman pahirapan si Mommy. Maawa ka naman kay Daddy-----"
"Hoy! Bakit sau maaawa-----"
"Shhhhhhh!" saway ko sa kanya. "Walang magawa si Daddy kapag ganito na si Mommy kundi magalala sa inyo. Kaya behave ka lang dyan okay?"
Nakangiting tumingin ako kay Gab na naluluha ng mga sandaling iyon.
"Para kang tanga!" sabi nito habang nagpupunas ng luha.
Umusod ako palapit sa kanya at dinampian siya halik sa labi.
"I love you Mrs. Lopez."
"I love you too Mr.Lopez." matamis na ngumiti ito at hinatak siya sa leeg para yumakap.
"Magpahinga ka na. May meeting ako ng 11am. See you at lunch. Text me when you wake up." paalam ko sa kanya at muling hinalikan sa noo bago umalis.
***********************
THIRD PERSON POV's
Masama ang tingin na pinukol ko sa dalawa habang papunta sa elevator. Halata naman na buntis na si Therese sa kinikilos at bahagyang umbok na puson nito sa suot na dress.
Hindi ko maiwasan na muling mainggit at mabuhay ang galit sa mga sandaling iyon. Nanghihinayang din ako dahil napaka ganda talaga nito.Lihim ko pa din siyang hinahangaan at inaasam na mapasakin. Napakinis nito at talaga naman bukod tangi ang ganda kahit walang make up natural ang ganda. Hindi tulad sa mga office girl na nandito na ang kakapal ng kolorete sa mukha.
Malas lang dahil she's the boss girl.Kahit hindi umamin ang dalawa, halata sa kilos ng mga ito na merong namamagitan sa kanilang dalawa. Magaling din pumili ang babaeng yun. Sino nga naman siya para magustuhan nito? Sabagay pwedeng pwede ko naman siyang palitan dahil madali lang ako magpaikot ng babae sa mga palad ko.
She's the first woman who resist my charm. Kaya naman naiinis ako at hindi ako makakapayag na basta na lang ganun. Wala pang tumanggi sa akin. Kahit mga babae dito sa opisina sa una lang pakipot pero kapag nakatikim na bumibigay din.
Wala naman sigurong masama, tutal nagpabuntis na din naman ito sa iba. Hindi din ito naiiba sa ibang babae na pumapatol sa may pera. Maganda at matalino talaga kaya iyon ang ginamit niya para makuha ang aming boss.
Mukhang hindi pa naman huli ang lahat. Kailangan ko kumilos para maibangon ang p*********i ko. Hindi ako papayag na hindi ko makuha si Therese. Tama na ang ilang buwan na pananahimik at lihim na pagmamasid.
"Sir Aries... magsisimula na po ang meeting by 11am." boses sa likod na ikinalingon ko.
Ngumiti lang ako at naglakad na pabalik sa opisina para ayusin ang mga kakailanganin sa meeting. Nasalubong ko si Nicole na masama ang tingin sa akin pero hindi ko na lang pinansin.
Sayang din ang babaeng ito at ang effort nya na makuha si Sir Tim. Hindi magaling dumiskarte, maganda siya pero hindi siya ang type ko. Sayang.
Matamis na ngiti lang pinakawalan ko sa harap nya.
"Good morning Maam Nicole."
"Walang maganda sa morning. Bring me the financial statements for the last two months. I need to check something." masungit na sabi nito.
Malayong malayo talaga sa personality ni Therese. Kahit na inis na inis na si Therese talaga namang mababakas mo ang pagpapasensya sa boses at pagiging mabait kaya siguro hindi ito nagustuhan ni Sir Tim.
"Yes Maam. I'll send it to you in 5 minutes." nakangiti pa din na sabi ko bago nagpatuloy sa paglakad.
"Don't do anything stupid Aries." sabi nya ng makalampas ako kaya napatigil ako at muling humarap sa kanya. Naka cross arm siya habang matalim ang tingin sa akin.
"What?" nagtatakang tanong ko.
"Wala lang. Just a gentle reminder, you might end up like me. I know what your thinking."
"Oh really? Whatever it is....you are wrong. I don't do stupid things like you Maam Nicole." bira ko sa kanya.
"Let's see. Mabait pa ako dahil binigyan kita babala." tila hindi natinag ito at nakangiting tinalikuran na siya.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya. Hanggang ngayon siguro ay broken hearted pa din siya kaya masungit sa lahat. Well, wala naman nabago masungit naman ito sa lahat pwera lang kay Sir Tim.
Mabilis na bumalik na ako sa opisina para kunin ang kailangan nito pati na din ang kakailanganin sa meeting.