DALAWANG linggo ang mabilis na lumipas, masisiraan na ata ako ng bait dahil hanggang ngayon ay wala pa din ako balita kay Gab.
Gusto ko ng kumuha ng private detective para hanapin ang asawa ko dahil sobra na akong nagaalala. Ang dami ng hindi magagandang bagay ang naiisip ko.
Katok sa pinto ng opisina ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Mula doon ay pumasok ang isang lalaki na ka edad ko.
"M-Mark??" tila naninigurado kong tanong.
"Tim!!! Pare!!!" masayang bati nito. Mabilis na lumapit ito sa kanya at mabilis siyang tumayo upang salubungin ito.
Nagyakapan sila at nagtapikan ng balikat. Huling pagkikita namin ay noong kasal pa namin ni Gab. Busy din ito sa negosyong itinayo sa U.S.
"Whoaaa? Nangyari sayo pare? Sa itsura mo ngayon mukhang ako na ang mas pagkakaguluhan ng girls kesa sayo." biro nito ng mapansin ang itsura nya.
Hindi na siya nakakapagahit kaya naman may ilang bigote na tumubo na at hindi na din nya magawang magayos man lang ng sarili.
"Malaki ang problema ko ngayon." nanghihinang sabi ko sa kanya bago bumalik sa upuan at napasabunot sa buhok.
"Naku! Malaking problema nga yan." matapos kong ikwento ang mga nangyari sa amin ni Gab.
"Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin and nagaalala ako dahil maselan ang pagbubuntis nya."
"Alam mo bro..hindi naman ipapahamak ni Gab ang dinadala nya. Huwag ka muna magalala ng todo dyan."
"Salamat bro. Bakit ka nga pala nandito sa Pilipinas?" usisa nya.
"Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan kakakinig sa mala-mapagkailanman mong kwento." inambahan ko siya ng kamao habang tumatawa siya.
Mula sa coat nya ay may kinuha siyang maliit na sobre at inaabot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko.
"Whoooaaa! Congrats bro!! Sa wakas magpapatali ka na din!" sinuntok ko siya sa braso ng mabasa ang wedding invivation na inabot nya.
"Ayaw ko na pakawalan si Cecil bro. Mula highschool tayo patay na patay na ako doon. Grabe din hirap ko dun bago ako sagutin kaya hindi ko na sasayangin."
"Drama mo naman bro! Magkaibigan nga tayo parehas tayo patay na patay sa magkaibigan. Nasaan nga pala si Cecil nga------------" natigilan ako ng may marealize ako.
"Hoy! Anong nangyari sayo?" untag ni Marky ng mapansing natigilan ako.
"Bro. ..ang tanga ko naman! Tara na dali!!" aya ko sa kaibigan ko na naguguluhan.
"T-teka ..teka! Saan tayo pupunta???"
"Edi kay Cecil!!!"
"Bro naman eh! Hindi nya pa alam na nandito na ako. Surprise nga itong paguwi ko eh." pigil nito sa akin.
"Bro sigurado ako nasa kanya si Gab. Kaya please samahan mo na ako." pakiusap ko.
"Nakakainis ka naman eh! Surprise nga eh!" reklamo pa din nito.
"Sige ganito na lang, sagot ko na honeymoon nyo kahit saan mo gusto." nakita kong nanlaki ang mga mata nya.
"Ito naman! Madali naman ako kausap di ba? Halika na ..bilisan mo ...naku naman! Kahit kailan talaga napakabagal mo." natatawa na lang ako habang hatak hatak nya palabas sa opisina ko.
Mabilis na tinungo namin ang sasakyan ni Marky. Malapit lang sa opisina ang tinitirhang condo ni Cecil kaya ilang minuto lamang ay nakarating na kami.
Nagmamadali na tinungo namin ang elevator at pinindot ni Marky ang 8th floor. Kinakabahang napapatingin ako sa bawat floor n nalalampasan namin.
Hanggang sa tumigil ito sa aming destinasyon. Lumabas kami sa elevator at tahimik na sumunod kay Marky.
Huminto siya sa unit 808 at nagdoorbell. Maya maya pa ay bumukas iyon at bumungad si Cecil. Halatang nagulat ito ng makita ang fiance.
"Babe?!!! Oh my!!! Kailan ka pa nakauwi???" tuwang tuwa yumakap ito at tila hindi ako pansin sa gilid ng kaibigan.
"Aheeemmmm..." tikhim ko na ikinalingon ni Cecil sa akin. Napatutop ito sa bibig at pasimpleng sumulyap sa pinto ng unit na bahagyang nakabukas.
"T-tim? Ah ..ehh..bakit n-nandito ka?" natatarantang tanong nito. Alam kong hindi ako nagkamali na nandito ang asawa ko.
"Susunduin ko lang yung dapat sunduin." at humakbang papasok pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay mabilis na nahatak ni Cecil ang damit ko.
Napatigil ako at nilingon ito, umiling ito at malungkot na ngumiti.
"Pls.lang Tim. Hayaan mo muna si Gab?" patanong na pakiusap nito.
"Hindi pwede Cecil nagaalala ako sa magina ko. Kailangan ko siyang makausap."
"Eh kasi ...baka magalit sa akin yun." nagaalangan pa din ito.
"Akong bahala. Don't worry kailangan lang namin magusap." ngumiti ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Pagpasok sa loob ng unit ay hinanap agad ng mga mata ko si Gab. Wala siya sa sala at kusina.
"Beessss! Pasuyo naman ng towel ohh!" narinig kong sigaw nito mula sa banyo.
Mabilis na tinungo ko ang banyo at kinuha ang towel na nasa malapit sa pintuan at pumasok sa banyo.
Bahagyang nakaawang sliding door ng shower room kung saan nakaabang ang kamay ni Gab. Inabot ko ang towel ng hindi umiimik.
"Bes gusto ko kumaen ng strawberry saka apple. Grabe talaga! Tapos yung chicharon sa tabi tabi? Naalala mo nung highschool tayo?" tuloy tuloy na salita nito habang nagpupunas sa loob.
Nangingiting pinapakinggan ko lang siya sa labas habang nakasandal sa dingding.
"Uyy! Nandyan ka pa ba? Sino pala yung dumating?" nagtatakang tanong nito.
Nakayukong lumabas ito habang inaayos ang buhol ng twalya sa dibdib. Pag angat ng tingin nito ay napaatras ito ng makita ako.
Mabilis na nahatak ko siya sa beywang ng mawalan ito ng balanse.
"Tsk! Ano ba yan? Mag ingat ka nga!" bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa pagaalalang bumagsak ito.
Nakatingin lang ito sa akin habang nakapulupot ang mga kamay sa leeg ko. Maya maya at tinulak nya ako at inayos ang sarili.
"Excuse me??! Bakit ka ba nandyan?! Natural magugulat ako bigla kang sumusulpot!" bulyaw nito.
"Umuwi na tayo." seryosong sabi ko sa kanya.
"At sinong may sabing uuwi ako?" nakataas ang kilay na sabi nito. "Tabi nga dyan." tabig nito sa kanya at lumabas na.
Sinundan nya ito hanggang sa kwarto umupo siya sa kama habang pinagmamasdan itong naghahanap ng maisusuot.
Wala na ata magkasyang damit sa kanya. Bahagya na din kasi siyang tumaba.
"Tara at ipapamili kita ng mga bagong damit. Baka mamaya maipit pa si baby dyan sa mga maliliit mong damit."
"No need. Mamimili din kami ni Cecil bukas." anito na hindi tumitingin sa kanya.
"Uuwi na tayo ngayon kaya hindi na kailangan si Cecil ang kasama mo." pagmamatigas ko.
"Hindi ako uuwi." madiing pagkakasabi nito.
Hindi ako papayag na hindi ko kasama si Gab pauwi. Pero mukhang matigas ito baka kapag nagpumilit ako mauwi pa sa away ulit at sumbatan.
"Haaayyss. ..okay." pagpapaubaya ko sa gusto nya. Atleast alam ko na kung nasaan siya.
"Ganun na lang yun? Papayag ka na lang?" humarap ito sa kanya at namewang.
"Eh anong gusto mo? Sabi mo ayaw mong umuwi?" naiinis na sagot ko. Ano bang gusto ng babaeng ito?
"Kasalanan ko pa ngayon bakit ayaw kong umuwi? Ako ba may nagawang mali huh?!"
"Gab naman eh...alam ko naman na may mali ako pero wala naman talaga nangyari sa amin ni Nicole. Palabas lang nya ang lahat."
"Pinagpapaliwanag ba kita? Anong akala mo sa akin? Walang tiwala sayo?"
"Ang gulo mo naman eh! May tiwala ka naman pala eh bakit mo ako nilayasan?! Hindi mo ba alam kung gaano ako nagalala sayo at sa baby natin?!!"
Kumunot ang noo ko ng lumapit sa akin si Gab ng nakangiti. Yumuko siya para magpantay ang aming mga mukha. Tinitigan nya ako sa mata ng ilang segundo bago nagsalita.
"Wala lang." maikling sagot nya bago mabilis na tumalikod.
Sa inis ko ay tumayo ako at hinatak siya pabalik sa akin. Sumubsob siya sa dibdib ko at napa aray bago ako pinagsusuntok.
"Araaayy! Masakit yun ahh! Gusto mo bang masaktan baby natin." sinasabi nya yun habang humihikbi.
Marahan ko siyang hinatak at niyakap ng mahigpit bago paulit ulit na hinalikan sa ulo at hinahaplos ang likod habang umiiyak. She pretended to be strong and cool. Alam kong kahit sabihin nya na okay lang ang lahat deep inside nasasaktan pa din siya. Dahil alam nya sa sarili nya na ito ang consequences sa mga desisyon nya.
"Ssshhh...it's okay sweetie. Im sorry. Im really so sorry." wala akong ginawa kundi ang magsorry habang nakatayo at magkayakap kami.
Maaaring may pagkakamali siya sa mga desisyon nya. Maraming bagay ang hindi nya maipaliwanag sa iba kung bakit nya ginagawa. Kaya naman bilang asawa nya i want to support her till she reach her dreams.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto kung saan magkatabing nakatanaw sa amin sina Mark at Cecil. Naluluhang nakangiti sila sa amin at hinayaan muna kaming dalawa.