CHAPTER 16

1329 Words
"The baby is fine." Tila ako nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang mga sinabi ng OB-gyne na tumingin kay Gab. "You need to be extra careful Mr. Lopez. Hindi pwedeng stress lagi ang Mommy. It could affect the baby and worst baka makunan siya. Healthy foods and exercise lang, don't forget the vitamins. For now, bed rest muna siya for 1 week." bilin nito. "Thank you Doc." pasasalamat ko bago ito nagpaalam. Tinungo ko ang tulog na si Gab at umupo sa tabi nito. "Im so sorry Sweetie. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa inyo ni baby. Im really sorry." naiiyak na sabi ko habang hawak ko ang kamay nya. Marahang hinaplos ko ang mukha nya at inalala ang mga nangyari kanina. Pagdating sa bahay nila Lolo Edz ay mabilis akong sinalubong ng matanda. Sinabi nito ang kalagayan ni Nicole. Sinamahan nya ako sa ikalawang palapag at tinungo ang ikatlong pinto kung nasaan ang kwarto nito. Marahang kumatok ito. Pero wala kaming nakuhang sagot sa loob. "Nicole...apo...pakiusap buksan mo na ang pinto. Nandito si Tim." pakiusap ng matanda. Ilang minuto din kami sa labas bago bumukas ang pinto. Bumungad ang malungkot na mata ni Nicole at namumugtong mga mata nito. Tumango ang matanda at iniwan kaming dalawa. "Can we talk?" i asked her with a serious voice. "For what? Hindi ka na dapat nagpunta dito. Oo! Alam ko namang mali ako eh. Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Meron bang iba? May something ba sa inyo ni Therese?" sunod sunod na tanong nito na punong puno ng hinanakit. "Do you really think you're inlove with me? Nicole ilang buwan pa lang tayo magkakilala. How could you say that you already love me?" "Hindi basehan ang tagal ng pagkakakilala Tim. As soon as i laid my eyes on the first day Lolo introduce you, i knew it." "Im sorry pero malinaw ang sabi ko sa'yo wala akong maisusukli sa pagmamahal mo. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay." "Why? I promise to do whatever you want me to do. I'll be good to you. I'll be a perfect girlfriend." yumakap siya sa akin habang umiiyak. Marahan kong hinaplos ang likod nya at inalo siya. Nakakaramdam ako ng awa sa kanya, hindi nya dapat nararanasan ang ganito. "Listen Nicole. .." hinawakan ko siya sa balikat at tinitigan sa mga mata. Marahan kong pinahid ang mga luhang naglalandas sa pisngi nya."Thank you for your love but you don't deserve me." "No! Let's give it a try Tim. Shall we? Kapag wala talaga we can end it up. Please Tim!". "I can't ..." "Huh? Bakit? Inaalala mo ba si Therese? As far i know ...wala naman kayong relasyong dalawa. She is just like me." "You're wrong..." "W-what do you mean...?" naguguluhang tanong nito. "She is my wife. .." pag amin ko sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nya kasabay ang pagguhit ng sakit sa mga ito. Marahan siyang napaatras habang hawak ang ulo. Siguro ay hindi pa nagsisink in sa kanya ang lahat. "H-how? Are you kidding me??! P-paano mo magiging asawa yun? She don't deserve you.". naguguluhan pa ding sabi nito. "Im sorry Nicole pero yun ang totoo...tatlong taon na kaming kasal. Ayaw lang namin isapubliko ang relasyon namin. Balak namin na sa annual party iaannounce ang lahat." "Hindi pwede ..." "Alam kong mahirap at hindi kita masisisi kaya nandito ako para malaman mo ang totoo at hindi ka na umasa. Ayaw ko sana aminin sayo ang lahat pero hindi ko kaya ng dahil sa akin kaya ka nagkakaganyan." Matagal na hindi nakapagsalita si Nicole. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya at nagpapabalik balik ng lakad. Mayamaya ay tumigil siya at humarap sa akin bago huminga ng malalim at pinunasan ang luha. Ngumiti siya sa akin ng malungkot at yumakap. Gumanti ako ng yakap para iparamdam sa kanya na magiging okay din ang lahat. "Haaaayyysss! Ano ba yan nagsasayang lang pala ako ng oras sayo hahaha!!" tumatawang sabi nito pero bakas pa din ang lungkot sa boses. "Sorry talaga Nicole. ..." "Naah! Ok na! Ako pa ba??? Makikita mo malilimutan din kita at makakakita din ako ng mas pogi pa sayo." biro nito na ikinatawa ko. Kahit paano ay naibsan ang bigat ng nararamdaman ko. "Thank you Nicole..." "Anong thank you? Pagkatapos mo akong paiyakin? Let's drink?" aya nito. "Naku! Nagaantay sa akin si Gab sa bahay. Kailangan ko ding umuwi." hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko sa mga mata nya. Galit? Pero napalitan din agad yun ng lungkot kaya binalewala nya na. "Please Tim! Hindi tayo magtatagal ...konti lang..pa-farewell ko na sayo at move on celebration haha!" pilit nito. "Ok sige. Pero ilang shots lang and please Nicole wala muna sanang makakaalam ng totoong relasyon namin ni Gab." Tumango siya at ngumiti bago ako inakay pababa sa garden nila. Doon ay nagkwentuhan kami habang umiinom. Hanggang sa maramdaman kong tila umiikot ang paningin ko. Madiin akong napakapit sa upuan at pilit na inaaninag si Nicole na unti unting nanlalabo sa paningin ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita kong marahang tumayo si Nicole ng may ngiti sa mga labi. Doon ko napagtanto na naisahan ako. Nagising na lang ako na mabigat ang ulo ko at medyo nahihilo pa at ang labis na ikinagulat ay makita si Gab na nakatayo sa paanan ng kama at tulalang nakatingin sa akin. Nabigla ako ng makitang wala man lang akong saplot sa katawan. Matagal akong nakahuma hanggang sa tumatakbong lumabas ng silid si Gab. Mabilis na nagbihis ako at sumisigaw na hinabol siya. Pinigilan pa ako ni Nicole pero marahas kong tinabig ko ang kamay nya. "Pagbabayaran mo lahat ng ito Nicole. Hindi dapat ako nagtiwala sayo. Tandaan mo kapag may nangyaring masama sa magina ko. ..ihanda mo na ang sarili mo." galit at pagbabanta ko sa kanya. Nagaalalang hinabol ko si Gab. Pero wala na siya sa loob ng mansyon. Nagmamadaling sumakay ako ng kotse at galit na bumusina upang buksan ng guard ang gate. Hindi pa ako nakakalayo ng makita ko nakatigil ang kotse ni Gab. Kinakabahang bumaba ako ng sasakyan at lumapit dito. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang walang malay na nakasubsob si Gab sa manibela ng sasakyan. Buti na lang at hindi nakalock ang pinto ng kotse nya kaya mabilis na nabuksan ko iyo at binuhat siya palabas. Lalo pa ako kinabahan ng may mantsa ng dugo sa damit nya. Nagmamadaling isinakay ko siya sa sasakyan at dinala sa hospital. Matapos alalahanin ang mga nangyari ay agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si Leah. "Hello Leah...kindly make an appoinment to Atty. Reyes. After lunch today. Thank you." sabi ko kay Leah. Hindi na pwedeng palampasin ang mga ginawa ni Nicole. Nailalagay sa kapahamakan ang magina ko sa mga ginagawa nya. Tumayo muna para lumabas at asikasuhin ang bill. Pwede nanaman lumabas si Gab kapag nagising na at magpahinga na lang sa bahay. Naisipan ko munang bumili ng prutas, nahihilig siya ngayon sa mansanas at ubas. Pagkatapos bumili ay nagmamadaling bumalik na ako dahil paniguradong gising na siya. Napakunot noo ako ng makita ang Doctor at nurse sa labas ng kwarto ni Gab. Nagmamadaling lumapit ako. "Hi Doc? May problema po ba?" "Mr. Lopez. ..nawawala po ang pasyente." sagot ng nurse. "What???!" gulat na sabi ko at nagmamadaling pumasok sa loob. Nakita ko ang bakanteng kama. Wala na ang bag nya. Nakita ko ang phone nya na naiwan sa ibabaw ng side table. Napaupo ako at napasabunot sa buhok ko. Kinuha ko ang phone ko at tumawag sa bahay. Hindi pa naman daw umuuwi si Gab doon. Tumawag din ako kina Mama kung sakaling pumunta si Gab doon ay ipaalam sa akin. Gulong gulo ang isip ko. Pinacheck ko aang CCTV sa hospital at nakita mula doon ang paglabas ni Gab at pagsakay sa taxi. Nanlulumong umalis ako sa hospital at nagpasyang umuwi. Nasaan ka Gab?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD