Jessie's POV "Yes! I'm f*****g jelous Jessie. And I can't control it. My god! Parang sasabog ang puso ko lalo na noong pinagsisigawan ng mga tao ang pangalan nyo na pinag-isa. Gustong-gusto na kitang hilahin mula sa stage at ilayo sa kanya." Naihilamos nito ang dalawang kamay sa mukha. Nabigla man sa reaksiyon nya ay pinilit kong lapitan sya at yakapin. "Sorry baby," mahina kong usal habang yakap sya pero bigla syang kumawala sa yakap ko at biglang tumalikod. "At isa pa! Kapag kaharap ang ibang tao, ni hindi mo magawang tawagin akong baby sa harap nila!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Gusto nya palang marinig ng iba ang malambing na tawagan namin. Hindi ko talaga iyon naipaparinig dahil hindi pa ako sanay. Medyo nahihiya pa sa kanya lalo na kapag narinig ng ibang tao. I don't know h

