"Baby, nauuhaw ako," ulit ko dahil parang hindi nya rinig ang una kong sinabi o talagang nagbibingibingihan lamang sya. Nakita ko ang panghihinayang sa kanyang mga mata kaakibat ng pagkasabik na kanina pa nya pinipigilan. Lihim akong nagbubunyi pero sa totoo lang malapit na akong bumigay. Sino ba naman ang makakatanggi sa lakas ng pang-akit ng lalaking ito. Baka kung ibang babae pa ang sa pwesto ko, sa kotse pa lang bumigay na. "Okay baby, sandali lang at kukuha ako ng tubig para sa iyo," mahinang usal nya saka mabilis ang kilos na lumabas ng kwarto. Huh! s**t!Ang init! Kakabukas lang ni Jim ng aircon pero malamig na ang kwarto. Iba ang init na nararamdaman ko. Inalis ko ang coat na suot. Sinimulan ko na ding kalasin ang boots na suot. Tamang-tamang pagkaalis ko sa isang pares ng boota

