Tahimik na nakatayo kami nina Lenna sa bungad ng bayan ng Garnetia. Nais namin salubungin ang mga taga-Perdona upang makipagkatalastasan sa kanila at hilingin na rin na itigil ang balak na sakupin ang bayang ito. Pagkatapos ang halos isang oras na pag-aabang ay natanaw ko na rin ang buong delegasyon na nanggaling sa Perdona. Lahat sila ay nakasuot ng makakapal na baluting bakal upang ipakita ang kahandaan nila sa paglaban sa amin. Napansin ko ang panginginig ni Lenna habang nakatingin sa kanila. Kung sakaling hindi magiging matagumpay ang pakikipag-usap namin sa kanila ay kami ang unang mapapahamak sa lahat. Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay para pakalmahin siya at bigyan na rin ng lakas ng loob. Nais ko rin ipaalam sa kanya na naririto ako sa kanyang tabi para gabayan siya. Na

