Nang makita ko ang marka sa braso ni Lenna ay naghinala na ako na sinasaktan siya ni Don Roy. Iyon nga lang ay hindi ko malubos isipin na magagawa niyang saktan ang isa sa kanyang mga pinag-iingatan na mga anak. Lumaki ako na nasaksihan kung gaano niya pinagbibigyan ang mga ito sa lahat ng kanilang kagustuhan. Lahat ng kanilang mga luho ay ibinibigay ni Don Roy. Kaya napakalaki pagtataka na humantong siya sa p*******t kay Lenna. Ayon pa sa kwento ni Mang Hubert ay tanging si Lenna lang ang nakakaranas ng pagmamaltrato sa mga anak ni Tito Roy. "Anong balak mo, Prima?" Pagtatanong sa akin ni Dervis. "Pupunta ba tayo sa manor ni Mayor Faustino?" Mula sa naging reaksyon ni Lenna kanina ay tila pilit niya ako pinipigilan na magtungo sa manor. Kaya ayaw niya na makialam ako sa nangyayari sa

