"Makinig ka naman sa akin minsan, Chester. Sana umuwi ka na lang agad. Paano kung hindi ako umuwi agad!" pahayag niya habang hinahanap ang susi sa kanyang bag. Nang makita iyon ay agad niyang sinuksok para mabuksan ang naka-lock na pinto. Nang bubuksan na niya ang pinto ay napatigil siya nang hawakan ni Chester ang kanyang kamay. Napatigil siya. "Pumasok muna tayo..." "Hindi na kailangan. Basa na ako at uuwi na rin naman..." paos na anas nito. Madilim ang mga matang nakatitig sa kanya. "Let's get it straight all at once!" Hinarap niya ito. Gabi na at tinatanglawan lamang sila ng ilaw na nagmumula sa daan. "Hindi pa ba sapat ang pag-uusap natin. We settled everything already. Ipinahiram ko sa iyo si Lexter gaya ng gusto mo..." "Bakit Annie?" Natigilan siya sa biglang panunumbat ni C

