Kasabay ng sigaw ni Annie ay ang pagbagsak ni Kelvin at ang pagkakasalampak naman ni Chester paupo. Natumba rin ito pagkatapos niyang masuntok si Kelvin. "F*ck!" mura ni Kelvin at napahaplos sa tinamaang panga ng suntok. Hindi nakakilos si Annie. Tumayo si Kelvin habang si Chester ay natutumba kapag pinilit na tumayo. Akma niya itong pupuntahan para tulungan nang hawakan ni Kelvin ang kamay niya para pigilan. Siya rin namang paglabas ng babaeng kasama ni Chester--si Janet at patakbo itong pinuntahan ang lalaki. "Oh emgee! Okay ka lang mi loves?" tanong nitong sinuri ang mukha ni Chester. "Sinabi na kasing pahinga muna eh..." pahayag nito na tinulungan na makatayo si Chester. Ipinaakbay pa ang braso ng lalaki sa balikat nito. Saka humarap sa kanila. "Sorry ha, makulit kasing si pogi mi

