"You can come with us, Annie. Matagal na rin tayong hindi namasyal na tatlo," anyaya ni Kelvin sa kanya. Nagbibihis muna si Lexter sa kuwarto nito at hinihintay ng lalaki. Nasa sala sila ngayon. Tatanggi sana siya nang mula sa likod niya ay magsalita ang anak. "Oo nga, Ma. Miss ko na po mag-park kasama ninyo," sabi nito. Lumapit sa Dada niya. Parehong naghihintay ng kanyang sagot. Hindi naman siya makasagot agad. Nakatingin lamang siya kay Kelvin. Pagkatapos ay sa anak. "It's Sunday..." dagdag ni Kelvin at pilit siyang kinukumbinsi. "Family time dapat..." Lalo siyang hindi nakaimik sa huling sinabi nito. "Please, ma," pakiusap naman ng anak.Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tumango na lamang siya sa anak. Ngayon nga ay lulan na sila ng sasakyan ni Kelvin. Imbes na park ay na

