“TAMA na. Huwag ka nang umiyak. Baka lalo kang mahirapang huminga kapag patuloy kang iiyak,” alo ni Richard kay Isabella habang masuyong pinupunasan nito ang kanyang mga mata. Inagaw ni Isabella ang panyong hawak ni Richard. Siya na mismo ang nagpunas ng sarili niyang luha. Nahiya siya sa binata. Ngayon lang niya ito nakita tapos umiyak pa siya sa balikat nito. Nakakahiya lang. Baka kung anong isipin nito sa kanya. Ang malala pa baka may girlfriend na ito. Mamaya mag-away pa ang mga ito dahil sa kanya. Pinunasan din niya ang kanyang sipon gamit ang panyo. Kaya tuloy lalong nabasa ang panyong hawak niya. Nakangiwing ibinaba niya ito. “Okay ka na?” usisa ni Richard nang ibaba niya ang hawak na panyo. Pinakiramdaman ni Isabella ang kanyang sarili. Kahit paano gumaan na ang kanyang pakir

