HAPONG-HAPO na ibinagsak ni Cathellya ang sarili sa kama. Sadya niyang inabala ang sarili sa iba’t ibang gawain sa foundation upang hindi niya gaanong maisip si Seth. Nais niyang makatulog kaagad pag-uwi niya. Pumikit siya at malapit na siyang tangayin ng antok nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Napaungol siya. Hindi na sana niya papansinin dahil text lang naman iyon at maaari niyang basahin sa umaga, ngunit inilipad na ang antok niya. Inabot niya ang kanyang cell phone at binasa ang mensahe. He proposed!!! And I said yes!!! Sa loob ng ilang sandali, natulala lang siya. Pinakatitigan niya ang screen ng cell phone. Nang mamatay ang ilaw sa LCD ay pumindot siya ng isang buton upang muli iyong magliwanag. Nang sa wakas ay mag-sink in na sa utak niya ang mensahe ni Celine, dahan-

