“THAT’S cheating.” Napapitlag si Seth nang biglang may magsalita mula sa likuran niya. Nahulog niya ang singsing na akmang isusuot niya sa daliri ni Cathellya. “Damn you, Kuya,” he muttered while picking the ring up. “Sshh... She might hear you,” saway nito sa kanya. Nakangiting lumapit si Nigel sa kama ni Cathellya na hindi pa rin nagkakamalay, ngunit idineklara nang wala na sa panganib. Hindi pa rin siya lubusang napapanatag. Namumutla pa rin ito at tuwing nakikita niya ang nasunog na balat nito sa binti ay tila tinutupok siya ng matinding galit. Kung kaya lang niyang mahiwalay rito ay baka ginawan na niya ng paraan ang galit na iyon. “How is she?” tanong ni Kuya Nigel habang nakatingin kay Cathellya. Nabura ang ngiti at amusement sa mga mata nito. Alam na rin marahil nito ang tungk

