TAHIMIK lang si Cathellya habang pauwi na sila ni Seth. Habang magkasama sila kanina ay hindi niya ipinahalata ang pag-iiba ng mood niya. Nang makabuo siya ng desisyon ay sinikap niyang ngumiti nang matamis at maging masigla. Sinamantala na niya ang huling pagkakataon na makakasama niya nang ganito si Seth. “You’ve been quiet,” puna nito pagkaparada sa harap ng apartment niya. “Let’s break up,” sabi niya bago pa man siya mawalan ng lakas ng loob. Alam niyang tama ang gagawin niya. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito. “What are you saying?” Natawa siya. Hindi niya alam kung bakit. “Parang tunay na tunay naman akong girlfriend kung makahirit ako, ano? Ang ibig kong sabihin, tama na. Kalimutan na lang natin ang napag-usapan nating setup noon. Sa palagay ko ay hindi na uubra ngayon. M

