Rule of Three: Chapter 3

1867 Words
Keith's POV Nagising ako sa liwanag, medyo nahirapan pa akong magbukas ng mga mata dahil nakatutok sa mukha ko ang liwanag na nanggagaling araw, ramdam ko ang init nito na tila ba unti-unti akong ginigising mula sa aking pagkakatulog . Ramdam na ramdam ko ang sakit ng Ulo ko at parang nasusuka ako. Nanunuyot din ang lalamunan ko. Kailangan ko anang isang pitsell nang tubig. Para namang nakipagwrestling ako dahil ang sakit ng katawan ko. Tinignan ko ang katawan ko at nakaramdam naman ako ng kontento nang makita kong naka boxers ako at suot padin ang t-shirt ko. Malamig ang kwarto. Nasaan ako? Hindi ko ito kwarto. Inilibot ko ang paningin ko sa loob nang kwarto. Lalaki ang may-ari. Medyo makalat at nakalabas pa ang Xbox at mga controllers. Pero asan ang may-ari? Ano ba nangyari kagabi? *Flashback* Lasing na lasing na ako. Hindi na nga ako makalakad nang maayos. Halos mahampas ako sa mga pader at kagdan nang samahan ko Si Paolo papunta sa kwarto niya. Hilong-hilo na talaga ako at pakiramdam ko ay kailangan kong sumuka. Kaya pagdating namin sa kwarto niya ay halos itulok ko na siya sa kama at tumakbo agad ako sa banyo niya. Pakiramdam ko ay isusuko ko maging ang kinain ko kahapon. Nang matapos ako ay nagmumog ako at naghilamos. Halos mapatalon naman ako nang narinig kong tinatawag ako ni Paolo. Pano to? Baka nasusuka yan?! Hindi at ayaw kong maglinis ng suka nang kahit na sino! "Ang tagal mo?!" "Nagsuka ako eh." Napansin ko na nakaboxers na lang siya at medyas. Nakakalat naman sa sahig ang nga damit niya. Sinenyasan naman niya ako na lumapit sa kama niya. Ayoko sana kaso bigla siyang nagbilang. Lumapit nalang ako at umupo sa tabi niya. Nailang ako siyempre. May lalaking nakahubad sa tabi ko. Mas lalo pa akong nailang nang hawakan niya ako sa bewang. "Bakit ang sungit mo sakin?" Gusto ko sana isagot na dahil ang yabang-yabang niya. Na naaasar ako sa pagmumukha niya. Kaso di ko kaya eh. Katabi ko lang siya at malaki ang posibilidad na masuntok ako kung di man niya magustuhan ang maririnig niya. "Tapos di pa kita nakausap nang maayos ni minsan. Ayaw mo ba ako?" "Hindi naman sa ayaw kita." Napilitan kong sumagot. "Edi gusto mo ako?" Bigla naman akong napabalikwas. Buti nalang dahil madilim at di niya mapapansin na medyo namumula ako. Sigurado yan. Gusto ko nga ba siya? "Kasi ako gusto kita.." Lasing pa at to? Pero maayos na siya magsalita kanina so nawawala na ang kalasingan niya. Oo, aaminin ko na medyo lasing ako pero alam ko tong nangyayari. "Tignan mo, ni hindi mo man nga ako kinakausap!" "Ano naman sasabihin ko?" "Haaay, wala. Nevermind." Pinilit niya ako humiga. Sabi ko baka makatulog ako. Kailangan ko pa man din umuwi dahil ang sabi ko kay nanay ay uuwi ako. Pero ipinalupot niya ang kanyang kamay sa bewang ko. Ibinaon pa niya ang kanyang mukha sa likod ko. Firts time na mangyari sa akin ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lalo na't lalaki pa ang gumagawa nito sakin. Ayokong bigyan ito nang kulay dahil alam ko epekto lamang ito nang alak sakanya. Nakaramdam ako nang pagbigat ng mga mata ko at pumikit ako. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. *End of flashback* Tumayo ako sa kama nang marealize kong kay Paolo pala kwarto ito. Kailangan ko nan umuwi. Baka hinahanap na ako ni Nanay. Bago pa ako makalabas ay biglang lumabas ng banyo si Paolo. Boxers at medyas padin ang suot. Napatingin ako sa katawan niya. Hindi naman siya payat, hindi din siya mataba. Sakto lang sa edad niya ang katawan niya. Pero maappeal ito. Ay, kinang yan, ano iniisip ko! "Good morning. Tara kain ka muna, tapos hatid kita." Naiilang ako sakanya. Naaalala ko padin ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung naaalala din niya pero sa akin ay malinaw ang lahat. Ang mga sinabi niya. Di ko tuloy siya matignan ng diretso. "Kailangan ko na umuwi." Sabi ko nalang habang nakayuko padin. "We need to talk." Sabi niya. Kinabahan ako. Sakanya lang ako nakakaramdam nang kaba at pagkailang. Sa ibang tao hindi. Wala nga ako pakealam sakanila eh. "Tungkol saan?" "Kain muna tayo. Wala ng tao sa baba. Si Alex tumawag kanina upang kumustahin ka. Nakuwi na siya. Tawagan ka na lang daw niya mamaya." Nagpaalam muna ako na CR muna ako upang maghilamos at magmumog man lang. Nakakalasa padin kasi akong suka sa aking bibig. Paglabas ko ay inabutan niya ako ng damit pang palit. Parehong maluwang short at t-shirt niya. Napansin ko namang namula pisngi niya nang makita niyang suot ko ang damit niya. Bumaba na kami. Walang bakas ng nangyari kagabi ang buong bahay. Maayos ito at napakalinis. Wala na din ang amoy ng usok. Maganda pala ang bahay nila pag maayos. Kagabi kasi hindi ko nakita ang ganda nito dahil sa pangyayari. Nang makarating kami sa dinning area ay may dalawang kasambahay na naghihintay. Pinaupo niya ako at umupo na din siya sa tapat ko. Sinabihan naman niya ang mga kasambahay nila na iwan muna kami. Muli, nakaramdam ako ng kaba at pagkailang. Iba kasi ang titig niya sa akin ngayon. Dati ang titig niya ay naasar sakin dahil sa sinusungitan ko siya. Pero iba ang ngayon. Parang...ewan! "Kain!" Natauhan naman ako sa bigla niyang pagsalita. Matapos niya kumuha ay kumuha na din ako ng pagkain. Kanin at iba't ibang ulam ang nakahain. Nagulat naman siya nang ulam lang at tinapay ang kunin ko. "Hindi ako kumakain ng kanin eh." "Kaya naman pala payat ka at ang liit mo."  Tinignan ko nalang siya nang masama. Pero parang wala lang sakanya. Patuloy lang siya sa pagsubo ng pagkain. Ganun na din ang ginawa ko. Baka isipin pa niya nageenjoy ako kakatitig sakanya. Nang maalala ko na may sasabihin nga pala siya mamaya ay bigla nanaman akong kinabahan. Pakiramdam ko tungkol ito sa nangyari kagabi. May masama ba akong nagawa? "Kape gusto mo?" Umiling ako. "Oh ano gusto mo? Ba't di kaya magsalita." "Tubig nalang." "Manang padalhan nga ng juice at tubig dito. Salamat." Mabuti naman at magalang siya sa mga matatanda. Mahal ko kasi ang mga nakakatanda eh, lalo na si Nanay. Malaki ang pag-galang at respeto ko sakanila. Gusto ko sana sabihin na sabihin na niya ang gusto niya nang mapakali na ako. Kaso di ko magawa.  Nakakaasar tong lalaking to. "Paolo.." Bigla nanaman siyang natigilan sa pagkain ng sabihin ko yung pangalan niya. "Paabot naman ng ketchup." Iniabit niya ito pero di siya makatingin sa akin. Baliw na ata ito. Naalala ko sinabi niya kagabi na ako lang daw tumatawag sa pangalan niyang yun, mahaba naman kaya masyado yung Laurence. Nakakatamad. Matapos namin kumain ay ponahanda na niya ang kotse niya at hahatid na daw ako. Di na ako tumanggi dahil mukhang walang sakayan ng jeep sa subdivision nila. Pagsakay namin nh kotse niya ay tahimik lang kami. Ako hinihintay siyang magsalita, hindi ko alam kung ganun din siya sa akin dahil kaya kong hindi magsalita hanggang makarating samin. "Seatbelt." Biglang sabi niya. "Ako na." Nang subukan niyang abutin ang seatbelt at siya na sana ang maglalagay. Nang nakalayo nakaming kaunti sa subdivision at palabas na ito ay itinabi niya ang kotse sa isang kanto na walang bahay o mga tao. Ilang sandali din kaming nakatigil doon at tahimik lang nang bigla siyang magsalita. "Alam ko na natatandaan mo mga sinabi ko sayo kagabi. Sagot." "Oo." Tahimik muli. "Ano sa tingin mo?" "Hindi kita magets." Napahawak naman siya sa uli niya na para bang sumasakit ito. Ba't ba, eh sa di ki siya magets eh. "Didiretsuhin na kita. Kung ano mga narinig mo totoo yun. Lahat. Sagot!" "Pati yung.." "Yung alin?!" "Yung gusto mo ko. Ano ibig mo sabihin dun?" Napahawak muli siya sa ulo niya at huminga nang malalim "Gusto kita. Basta yun yun! Hindi ko alam bakit basta yun na yun!" Dapat ba akong ma-awkward? "Ahh. Sige." "Ano?! Yan lang ba sasagot mo?! Hindi ka man lang ba magagalit o magtatanong?!" Tinignan ko lang siya. Kalma lang ako. "Bakit naman ako magagalit?" "Kasi lalaki ka at lalaki ako, tapos sinabi ko na gusto kita. Wala ka man lang reaksyon!?" "Wala eh. Di ko alam ano dapat ireact." Sabi ko habangn nagkakamit ng ulo. Siguro iniisip niya na bobo ako. "Bahala ka nga." Pinaandar niya muli ang kotse at tumuloy na sa paghatid sakin. Wala akong idea kung ano ang isasagot ko. Lahat nang ito ay bago sa akin. Hindi ko alam pano ko ito dapat harapin. Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko. Simula pa lamang bata ako ay ganito na ako. Parang isang papel na tanging laman ay pangalan ko at wala nang iba. Hindi ako palasalita o palasama sa ibang tao. Siguro kaya ganito na ako hanggang sa umabot ako nang college ay hindi ko alam kung paano ko haharaping ang mga tao at bagay. Wala akong alam sa pakikipagrelasyon, sa pakikipagkaibigan nga wala dun pa kaya. "Number mo." Sabay abot niya nang phone niya. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin. Dahil hindi ko memorize ang number ko ay kinailangan ko pa tignan ito sa phone ko. "Salamat sa paghatid?" Bubuksan ko na sana ang pinto para bumaba kaso nakalock ito. Tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa harap. "Uyy, yung pinto." "May pangalan ako." Arte. "P-paolo nakalock yung pinto. Pabukas naman." "Kaya mo naman pala mmagsalita ng buong sentence eh." Binuksan ko muli ang pinto pero nakalock padin ito. Tinignan ko uli siya. "Teka may sasabihin pako. Kung pwede lang sana wag ka mailang dahil sa sinabi ko at sana naman kausapin mo din ako tulad nung kay Alex. Sa isang liggo dalawang beses lang ata kita narinig na kausapin ako." "Oo na. Pwede na ba ako bumaba?" Inunlock niya ang pinto. "Salamat, Laurence." "Oi oi teka, bakit di na Paolo?!" "Kasi Laurence tawag nila sayo." "Di pwede. Paolo itawag mo sakin. Wag mo sila gayahin. Iba ka sakanila." Hanggang sa pagpunta ko sa kwarto ko ay patuloy kong naririnig ang mga huling sinabi ni Paolo. "Iba ka sakanila." Parang ang sarap marinig ng mga katagang yun. Ngayon ko lang naramdaman ito. Parang ang boses niya patuloy ko naririnig at gusto ito ng aking isip. Sabi niya gusto daw niya ako. Ibig sabihin ba nun ay may nararamdaman siya sa akin? O masyado lang ako nag-iisip at binibigyan ko nang ibang kahulugan ang nga sinasabi niya. Hindi naman kasi niya nilinaw kung ano ba talaga ibig sabihin nang gusto niya ako "O juice ko! Nakangiti si Keith!" Biglang sigaw ni Nanay with matching hawak kamay pa na parang nagdarasal Teka, nakangiti ako? Panong hindi ko naramdaman? Saka ngumingiti naman ako dati ah? Ata. Di ko din sure. Di ko nalang pinansin si Nanay at kumuha nalang ako nang tubig. Nakita kong tulig si Bacon kaya inalog ko ang hinihigaan niya kaya nagising ito.  Wala lang gusto ko lang. Naguguluhan talaga ako. Hindi ko alam kung gusto ba niya ako bilang kaibigan o Gusto niya ako as in syota? Syota agad?! Teka muna. Keith ayusin mo muna ang sarili mo bago mo isipin ang posibilidad na yun. Dapat ko din ba siyang magustuhan o ano? Kung magkagustohan ko man siya edi bakla ako nun? Wait, is he even gay? Di ko naman kasi naisip agad dahil nga hindi agad nagsink-in sa isip ko ang mga sinabi niya. Saka pwede ko ba itanong iyon. Masyadi atang pribado iyon para itanong ko, baka sapakin pa ako nun. May tao din palang nagkakagusto sa tulad ko. Weird, tahimik at madalas mapag-isa. Hindi ko nga alam na kapansin-pansin pala ako sa mga tao. So hindi pala successful ang plano kong maging invisible. Napansin ako ni Paolo eh. "Gusto kita." "Iba ka sakanila" Siraulong Paolo yan! Tinamaan na ata ako ng lintik! End of Chapter 3.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD