Laurence Paolo's POV
Unang araw pa lang nang pasukan ay badtrip na talaga ako. Kung kailan naman 3rd year college na ako doon pa ako nilipat ng university. Ayos na buhay ko dun sa dati eh. Nilipat ako hindi dahil nay bagsak ako o dahil nabarkada ako (though may bakada naman talaga ako pero nababalance ko ang barkada at pag-aaral.) Nilipat ako dahil lumipat kami nang punyetang bahay. Malayo ito sa dati kong school, 2 hours away to be exact. Ang sabi ko naman ay magdorm ako o apartment pero ayaw ni Mommy. Kung sabagay ay kami lang magkasama dito sa bahay. Kailangan kasing magtrabaho ni Daddy sa Korea for us to survive and for me to study in known college and have a better abd brighter future - yan madalas ang paliwanag nang Mommy ko noong bata pa ako. Well that's life.
Buti nalang at may kakilala ako sa Univ. na ito, si Alex. Kaibigan ko siya noong highschool. Nakakatawa nga eh, dati karibal ko yan sa ex ko. Halos magsuntukan nga kami nung isang beses eh. Pero nang malaman ko na niloko din siya nung babae eh nakahanap ako nang kakampi. Basta ang ending naging magbarkada kami. Mas lalo kami naging close nang malaman kong sumali siya sa Frat namin.
Madaldal ako. Pero sa mga kaibigan at kakilala ko lang. Oo aaminin ko medyo mayabang ako. Normal lang naman sa mga lalaki yun ah. Basta may maipagmamayabang. May pagka-bossy din ako. Panganay kasi ako eh at bata pa ang kapatid ko. Gusto ko lagi akong superior.
Noong first day, nabwisit talaga ako kay Keith. Aba, sungitan ba naman ako. Sinubukan ko naman siya kausapin eh. Pero bawat mangyari yun tanging tungo at piling lang nakukuha kong sagot. Umabot nang isang buwan eh ganoon siya sakin. Wala naman ako magawa, alangan namang pilitin ko na magsalita yun. Eh mukhang kahit mapanis laway nun eh hindi niya ako kakausapin. Pero pagdating kay Alex ay nagsasalita naman siya. konti nga lang. Isang tanong isang sagot, ganoon siya.
Di ko alam pano natiis ni Alex na pakisamahan si Keith magtatatlong taon na. Ni hindi siya masyado kumikibo at nagsasalita. Di ko pa siya narinig tumawa. Kung magsmile man ay napaka tipid lang. As in konti lang.
Sa nakikita ko kay Keith ay parang wala siya pakealam sa mundo. Hindi niya iniisip ang iba. Pero hindi naman yung nakakasakit na ah. Kung sa isang kwarto ay di mo mapapansin na andoon siya. He's a strong person. Parang hindi madaling patiklupin. Walang takot.
Nakakagulat lang eh napapasunod siya ni Alex. Nakakatawa nga eh, astig siya kung titignan pero hindi siya marunong umayaw kapag niyaya. Kung aayaw man ay madling mapilit. Parang instead na kulitin siya ay o-Oo nalang siya. Bait na bata.
Bisexual ako. Alam ng parents ko iyon. Supportive mga yun eh. Kaya nang maramdaman ko na Gusto ko si Keith ay hindi na ako nagulat. Gusto lang naman eh, parang crush. Astig niya eh. Simpleng tao pero naaastigan talaga ako sakanya. Minsan nga pag di sinasadyang matabi siya sa akin eh gusto ko siyang akabayan bilang mas matangkad naman ako sakanya. Kaso baka tanggalin niya at ma-awkward siya.
Noong saturday ay nagpa-party ako. Bumisita kasi sa korea ang mommy ko. Hindi ito first time na gagawin ko. Kapag ako lang talaga naiiwan eh kinokontsaba ako ang mga kasama namin sa bahay. Pinagbibigyan naman nila ako dahil mabait akong bata! Hahaha!
Pinilit ko na isama ni Alex si Keith. Alam ko kasing siya lang makakapagpasama dito. Alam kong hindi niya ito tatangihan. Grabe, si Keith pala ay hindi palaparty na tao. Akala ko pa naman eh sa School lang siya tahimik pero sa lahat ng aspeto pala!
Nawalan na ako ng pag-asa na makakasama siya. Ewan ko. Parang nawalan ako gana. Kaya pinilit ko talaga si Alex na pasamahin siya. Pinadial niya noon yung number ni Keith upang matawagan ko. Sakto naman na napapaihi siya kaya ako ang nakausap.
Sinindak ko siya nun! Hahaha! Parang isang malaking pagpilit ang ginawa ko. Kunwari ay naaartehan ako sakanya. Kaya ayun, pumayag. Wala na siya nagawa hanggang sa sunduin na namin siya sa bahay niya.
Naputol ang pagalala ko sa mga nangyari nang marinig kong tumonog ang cellphone ko.
"Honey tuloy ba tayo sa date natin mamaya? I love you."
May Girlfriend ako. 4 months na kami at ngayon ay monthsary namin. Mahal ko siya pero hindi na katindi ng pagmamahal ko sakanya dati. Ewan ko, basta parang hindi na ako masaya.
Mahal ko ang Girlfriend ko at gusto ko si Keith. Gusto palang naman eh. Kaya hindi padin masasabi na niloloko ko ang Girlfriend ko. Sinabi ko na gusto ko si Keith dahil nadulas nalang ako nun, Wala talaga ako balak na sabihin pero ayun na eh. Nasabi ko na lang bigla. Alangan namang bawiin ko baka isipin nung tao ay pinagtitripan ko siya. Ayaw ko naman na masaktan siya diba.
Naguguluhan talaga ako sa totoo lang. Kahit naman siguro sa sitwasyon ko ay maguguluhan din. May girlfriend ako pero bigla ako nagkagusto kay Keith. Mahirap talaga intindihin.
Sa ngayon tuon muna ang atensyon ko sa Girlfriend ko. Yung nararamdaman ko kay Keith ay mawawala din siguro. At saka wala naman ata pakealam sa sinabi ko si Keith. Umamin ako na gusto ko siya pero parang wala lang. Napaka neutral niya. Wala siyang reaksyon. Akala ko nga eh susuntukin ako o magagalit siya dahil Kalalaki kong tao sinabihan ko siya na Gusto ko siya. Hay, makakalimutan din niya yun.
...
Keith's POV
Bakit nga ba ang hilig ng mga teenagers ngayon na magpicture sa mga mukha nila. Lagi na nilang ginagawa yun pero parang hindi sila nagsasawa. Parang walang araw na hindi nila nakunan ang mukha nila. Sabagay, kanya-kanyang trip naman yan eh.
Nasa bagong foodcourt kami ngayon. Sa labas ng Univ. ang daming tao ngayon at nakakarindi ang ingay. Kung hindi lang talaga mapilit iton si Alex ay umalis na ako. Hindi ko masyadong gusto sa lugar na ito. Masyadong maingay at magulo. Si Alex at Paolo din ay walang tigil sa kakakwetuhan. Parang silang dalawa nga lang ang magkasama.
"Pasok nako." Sabi ko at tumayo na. Palakad na sana ako nang biglang nagsalita si Alex.
"Hindi mo na ba kami mahihintay?"
Tinignan ko siya at si Paolo.
"Hindi."
Naglakad na ako papasok nang school. Nang makarating ako sa tapat ng classroom namin na nasa 4th floor ay wala pang tao. May 2 hours vacant kasi kami bago itong subject na ito.
Ang tahimik sa floor na ito. Palibhasa ay mga Nursing student lang ang gumagamit sa floor dahil medyo madami kami kay ginagamit na namin ang sa floor na ito. Nakatitig lang ako sa malawak na feild ng school. Tanging hangin at mgaunting kaluskos ng mga dahon sa puno ang naririnig ko.
4pm na. Hindi na gaano kainitan. May nagpapractise sa Feild. Runners at ang Soccer team ng school. Sa tatlong taon ko sa University ay si Alex lang ang naging kaibigan kong maituturing. May mga sumubok na kausapin ako at pakisamahan pero naiinip sila at iniiwan ako. Nasanay na ako na ginaganon ako.
Nang minsang tanungin ko si Alex kung bakit pinagtsatiyagaan niya ako ang tanging sagot niya
"Sigurado kasi akong totoong kaibigan ka."
Kaya noon kahit ayaw kong sumasama siya akin ay pinilit kong masanay. Totoong kaibigan naman siya sa akin eh. Alam niyang hindi ako palakausap sa mga tao at wala akong kakilala sa blocck namin. Kaya kapag may announcements na sa text lang ikinalat ay siya ang nagpapasa sa akin. Kapag may mga groupings naman ay kaagad niya akong sinasamahan. Minsan nakikipagpalit siya para makagroup ako.
Napakabait ni Alex sa akin. Kahit wala kong kwenta ay sinasamahan niya padin ako. Kung minsan nga eh. Gusto ko sabihin sakanya na kung naiinip siya ay iwan na niya ako. Sanay na ako doon eh at di na akoabibigla. Sino ba namang makakatiis na pakisamahan ang isang weird na tulad ko.
Dati may nililigawan si Alex, lagi niya akong kinekwentuhan tungkol sa babae na yun. Nakakatuwa nga siya tignan eh, talagang tinamaan ang gago. Naging sila naman nung babae, kaya noon ay lagi silang magkasama. Lagi nanaman akong mapag-isa noon. Pero wala nang bago sa akin yun. Kung magkasama kami ni Alex ay madalang lang. Kapag hindi lang niya kasama ang Girlfriend niya. Halos ilang buwan din sila bago maghiwalay. Lagi nanaman ako ang kinukulit niya. Lagi siyang nagpapasama uminom. Pinagpapaalam niya pa ako kay Nanay pero sa cellphone lang. Tatawagan lang niya ito.
Siguro ngayong andiyan na ang kaibigan niya ay di na niya ako sasamahan pa. Ayoko namang ipilit ang sarili ko. Sigurado inip na inip na iyon sa akin.
Isang buwan na din nang sanihin sakin ni Paolo na may gusto siya sakin. Parang wala nga lang iyon eh. siguro dahil sa kalasingan lang niya kaya niya iyon nasabi. Walang nagbago sa turingan namin na magkaklase lang. Parang walang nangyari. Ayoko naman kasing umasa na may kasunod pa yung pag-amin niyang iyon.
Nang malaman ko na may girlfriend si Paolo ay parang may naramdaman akong konting kurot sa puso ko. Pakiramdam ko kasi ay napagtripan ako. Bakit nkya sinabi na mau gusto siya sa akin eh may girlfriend naman pala siya.
Aaminin ko, nagkakagusto na ako sakanya. Siguro dahil maappeal siya. Matangkad at kahit papano may hitsura. Pero bukod pa dun ay may concern siya sa akin. Pero medyo nasaktan talaga ako nang malaman ko na may Girlfriend siya.
Doon ko narealize na totoo na hindi lahat ng bagay na naririnig at nakikita ay totoo. Hindi naman ako nagkakagusto sa kung sino-sino dati. Pero iba si Paolo. Masabi ko na crush ko nga siya.
Simple at maayos ang buhay ko noon. Hindi ko binibigyan nang pansin ang kahit na ano at sino. Pero ngayon ay nguguluhan ako, simula nang sabihin sakin ni Paolo na gusto niya ako ay nagulo na ako at mas lalo akong nagulo nang malaman kong May girlfriend siya.
Wala nang chance sa maging kami. Oo, gusto ko na maging kami. Masama ba na pangarapin yun?
Sana maibalik ko ang dati na para akong isang tuod. Manhid. Walang nararamdaman. Hindi marunong magkagusto sa iba.
Ayoko itong nararamdaman ko na nasasaktan ako. Di naman ako ito. Di ako ganito. Pero dahil sakanya heto ako at nasasaktan. Naguguluhan.
Sakit.
End of Chapter 4