Rule of Three: Chapter 17

1818 Words
Keith's POV Pagbukasko palang ng mata ko ay liwanag mula sa bintanang bukas ang agad na bumati sa akin. Lalong sumakit ang masakit ko nang ulo dahil sa biglang tama ng liwanag sa mga mata ko. Umaga na, sa dating ng init ng araw na tumatama sa balat ko eh sa palagay ko ay tanghali na. Kinusot ko nang kaunti ang mga mata ko upang umayos ang paningin ko. Nang inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto ay Nagulat ako nang mapansin ko na hindi ko ito kwarto. Hindi pamilyar ang kwartong ito dahil ngayon lang ako nakapunta dito, obviously. Then a sudden rush of Dejavu flashed, I woke up on a different room too before and it was Paolo's. Pero sa tingin ko ay hindi ito ang kwarto niya. Iba. Sigurado ako. Tinignan ko ang sarili ko at napansin ko na short lang ang suot ko. Sinubukan ko ng tumayo at maglakad papalapit sa pantalon ko at nang mapadaan ako sa salamin ay nagulat ako. "Puta." Tangi kong nasabi ng makita ko ang sarili ko. May apat na pasa ako sa bandang leeg at isa sa dibdib. Honestly, di ko maalala ang mga nangyari kagabi. Naisuot ko na ang pantalon at T-shirt ko nang bumukas ang pinto. "O gising ka na pala. Dinalhan kita nang breakfast." "Cholo?" "Sabi ko na nga ba eh." Inilapag niya ang hawak niyang tray sa side table. "Wala ka naaalala ano?" Umiling ako. Bumuntong hininga naman siya. Nag-iba ang facial expression niya, parang tumamlay. "Kagabi tinawagan mo ako. Kasalukuyan kaming nasa Club nang pinapunta mo ako sa bahay niyo. Umiiyak ka. Kinabahan ako kaya kaagad kitang pinuntahan, nang malaman mo na nasa Club kami at umiinom ay nagpumilit kang sumama kaya sinama na kita dahil wala ka din kasama sa bahay niyo." Sinenyasan ko siya na tumigil. Naalala ko na yung part na yun. "Naaalala ko na. Pero pano ako napunta dito?" "Nalasing ka. Sobra. Sorry Keith pero sinubukan kitang pigilan pero nagalit ka, sinuntok mo pa nga ako sa tiyan eh." "s**t. Sorry Cholo. Di ko na alam ang ginagawa ko siguro nun." "Ayos lang. Pero bakit ka nga pala umiiyak kagabi?" Natahimik ako. Muli ko nanamang naalala ang nagyari kahapon. Di ko maiwasang hindi malungkot muli. Kahapon ang Birthday ni Paolo. Imbes niya siya ang masurpresa ay Ako ang sinurpresa niya. Matindi. Masakit. *Flashback* Friday. Wala kaming pasok ngayon dahil may meeting ang mga teachers. Tamang-tama naman dahil plano kong surpresahin si Paolo, Birthday kasi niya at the same time ay peace offering ko na din to. Di pa kasi kami magkaayos simula nung School Fest eh. Kahit alam ko naman na hindi ko kasalan ay ako na ang magpapakubaba. Ganun naman talaga dapat diba? Someone has to understand and lear to humble himself. Mahal ko si Paolo at hindi ko hahayaang magaway kami nang tuluyan nang dhail lang sa di namin naayos na gulo. Sa totoo lang wala pa kaming naging communication these past few days. As in wala, ni call wala kahit nga text man lang wala eh. Di ko din kasi siya masyadong nakikita nung school fest since busy ako. Tapos nagiiwasan naman kami this week. I'm just giving him his space. Kahit masakit sa akin na malamang Confused siya ay umintindi padin ako. Ayoko at hindi ko siya kayang mawala. Not now. He's the only one I've got right now and I can't afford to lose him just because of my damn Pride! No way. Naluto ko na ang paboritong recipe ng Home made Pizza ni Paolo. Nalamang ko ito nang minsang andito siya. Tinandaan ko iyon just incase na gusto niyang matikman ulit and hopefully this time makatulong ito na magbati kami. Nang matapos ko ang pagluto at pag-prepare sa mga dadalhin ko ay kaagad na akong nagayos ng sarili. Nagsuot ako sa mga bagong bili kong damit. Nagpabango at inayos ang bagong gupit ko na buhok. Naghanda talaga ako para sakanya, gusto ko kapag nakita niya ako ay muli niyang masasabi na mahal padin niya ako. 5pm nang pumunta ako sa bahay nila. Bumili din ako nang Cake na may "Happy Birthday and I Love You". Pagdating ko ay inayos ko muna ang sarili at siniguradong mabango padin, nagcommute lang kasi ako kahit na madami akong dala ako. "Manang si Paolo po?" Kaagad kong bungad ng pagbuksan ako ni Manang ng gate. "Ay sir eh, ah, kasi po may kasama si Sir Paolo." "May bisita po siya?" "Ah, eh, oo eh." Halatang kinakabahan si Manang kaya maging ako ay kinabahan na din. "Pakisabi naman ho na andito ako oh." Kahit na nag-aalangan ay sinunod padin ako ni Manang. Naghintay ako sa tapat ng gate nila, kahit na mainit ay tiniis ko muna para lang kay Paolo. Ilang minuto lang ay bumukas ulit ang gate. "Happy Birthday Paolo!" "K-Keith?!" Nagulat si Paolo. Nasurpresa siguro siya? "Surprise Babe. Nagluto ako ng Pizza, yung favorite mo!" "Ahm kasi, ah, Salamat ah Keith." "O tara pasok na tayo para maayos ko na ito-" Hindi ko na natapos pa yung balak kong sabihin nang maunahan ako. "Hon sino yan? Naayos ko na yung food sa room mo." Si Katherine. Parang lumabas lahat ang hangin sa baga ko nang makita ko siya mula sa likod ni Paolo. Maging siya ay gulat sa biglang paglabas ni Katherine. "K-Keith." Tanging nasabi niya. Nabitawan ko ang dala ko na pagkain at maging ang cake, na sa tingin ko ay nasira na. Nanalambot ako. Parang tumigil ang mundo ko. Parang lahat ng parte nang katawan ko ay tumigil. Masakit. "Hon tara na, ready na yung food." Ulit niya. Pareho kaming nakatulala ni Paolo sa isa't-isa. Sa sobrang gulat namin ay di na niyang makasagot at sumunod nalang nang hilain siya ni Katherine papasok sa bahay nila. Muli, naiwan ako. Luhaan at walang magawa. ... "Putangina naman pala niya eh?!" Ikinwento ko kay Cholo yung nangyari kahapon. Kahit na hirap ako ay pinilit ko na matapos ang kwento. Kahit na halos pagsabayin ko na ang paghabol sa hininga at pagsasalita ay pinilit ko na kayanin. Kakayanin ko. Kahit na galit na galit siya at halos sirain na yung pader sa sobrang asar ay niyakap padin niya ako. Hinagod ang likod at pilit na pinatahan. Kahit papano ay kumalma ako. I need him now. I need someone to atleast hear me out. Di ko kayang sarilin to kahit na sanay akong mapagisa, not now, mababaliw ako. "Stop. Di siya karapatdapat iyakan Keith." Kahit anong pigil ko ay di ko kaya. Masakit. Mas lalo pang sumasakit dahil kahit na isipin ko na ginago niya ako ay di maiwasang sumagi sa isip ko na Mahal ko padin siya, sobra! He's my first. He made me feel special. He showed me love and made sure I feel it, Believed it. I trusted him my heart. My heart is broken because of my past, tinulungan niya ako na mabuo iyon and by that I gave it to him! I trusted and loved him so much. "Lahat naman tayo nagkakamali ng mga pinipili Keith eh. Mas maaga mo lang nalaman na mali ang desisyon mo." Sabi ni Cholo. Siguro nga isa siyang pagkakamali. Siguro dapat naniwala ako kay Alex noon nang sabihin niyang chickboy siya, na di makuntento sa isa. Pero wala eh, minahal ko siya. I tried to compose myself. After few minutes of trying hard to stop, my eyes and feelings finally cooperated. "Uwi na ako Cholo." "Hatid na kita." After an hour nakauwi na ako. Medyo malayo kasi ang bahay nila Cholo sa bahay namin eh. Kailangan na din kasi niyang bumalik sa dorm nila dahil may pasok sila ng saturday. Naalala ko yung mga bugbog sa leeg at katawan ko kaya tinanong ko muna siya before going out of the car. "Cholo nakipag away ba ako kagabi?" "Hindi naman." "Sinaktan ko ba sarili ko?" "No. Bakit ba?" Shit. "Hmm. Bakit may mga pasa ako?" Tapos pinakita ko sakanya yung leeg ko. Napakamot siya ng batok at nangisi. "Sorry ah?" "Bakit?" Wag mo sabihing binugbog niya ako? or pinabugbog ko sarili ko sakanya? "Kiss mark ko yan." ... Pagpasok ko palang sa kwarto ko ay lungkot agad ang sumalubong sa akin. OA man isipin pero totoo nga pala yung madalas sabihin ng mga sawi, kahit saan ako lumingon ay siya ang naaalala ko. Lahat ng bagay sa loob ng kwarto ko ay siya ang ipinapaalala. Maging ang kama ko ay siya ang binubulong. Mahirap. Masakit. Ilang beses na ba ako naiwan? Pang-apat na to ah? Pero bakit gaun, ang sakit padin. Parang mas masakit yung ngayon kasi iniwan ako nang hindi ko alam ang mali ko. Andiyan siya, madalas kung makita kaya lalo akong nasasaktan. "Pao, ano ba to? Ano bang nagawa ko?" Ang hirap. Hindi ko nanaman alam kung saan ko uumpisahan. Hindi ko alam kung anung unang iisipin ko. Nahiirapan ako pero wala akong magawa. Siguro mahal na nga niya si Katherine. Siguro yung sa amin ay panandalian lang, pagkakamali. Siguro gusto lang niyang subukan... Maexperience ba. May kulang pa ba ako? Naging maayos naman akong syota ah? Pero bakit ganun, humanap siya nang iba. Sana.. sana man lang nakipagbreak muna siya. Hahayaan ko naman siya eh, basta kung doon siya masaya.. Ayos na ako.. Pero yung ginawa niya ay nagmukha akong tanga. Gusto ko humingi nang paliwanag mula sakanya pero.. pero nakita ko na ang sagot eh. Andiyan na. Alam ko mahal pa din niya ako pero hindi na siguro yung tulad nang dati. Bawas na. May lamat na. Gusto ko lang malaman kung bakit. Ilang ring lang ay sumagot na siya. "H-hello?" "Keith, I'm sorry." "Paolo.. gusto ko lang malaman.. b-bakit? Saan ako nagkulang Pao?" As weak as I sound I wasn't able to control my tears. "Keith sorry.. di ko sinasadya eh.. sorry talaga K-Keith." His last line was just like a whisper. He broke down after he said, it made me shatter. "K-Keith pinigilan ko naman eh.. Mahal kita, pero.." "Pero mas mahal mo na siya?" "Sorry." Umiiyak siya. Hindi na ako sumagot pa. Hindi ko nadin naman kaya pa. Ibinaba ko na ang phone at pinilit pumikit. Baka sakaling mapigilan ko yung mga iyak ko. Umiyak lang ako. Tahimik. Nakatingala lang ako sa kisame habang patuloy ang mga luha ko. "Paolo sobrang.. sobrang sakit ng ginawa mo.. Ang sakit sakit." By loving someone you are giving them the power to destroy you, to break every piece of your heart. But by loving someone you are also giving them your trust not to destroy you, won't hurt you and Loving you back. Siguro hindi lahat ng love tumatagal. May mga panandalian pero sulit. Masakit itong nangyari sakin. Lahat ng tiwala at pagmamahal ko ay nawala nang parang ganun-ganun na lamang. Binalewala. Tinapon. As I close my eyes, I said to myself that I won't cry tomorrow, the other tomorrow and until I become happy again. Alam ko may darating pa. May hihigit pa sakanya. Hindi ko sisirain ang naayos ko nang buhay at pananaw dito. Masaya na ako di tulad dati. Oo, nasaktan ako ngayon pero alam ko kaya ko ito. Hindi ko sisirain ang buhay nang dahil lang sakanya. Masaya na siya eh kaya dapat ako din. Kung babae parin talaga ang gusto niya ay hindi ko siya mapipigilan. Magiging masaya nalang siguro ako para sakanila. Pero isa lang tanging magbabago, hindi ko na siya kayang makausap pa tulad ng dati. "I will be happy and he will regret this." End of Chapter 17
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD