Keith's POV
Everyday things get better and better. Parang sumasang-ayon ang kapalaran sakin. Aba dapat lang ano? medyo meron din yung pinagdaanan ko. Tama lang siguro itong mga bagay na dumarating at darating pa sa akin. Hindi naman sa nagiging mayabang sa blessings pero alam ko kasi na may mga magagandang nakahanda para sa akin. Namg kung sino man.
Maga-outing kami ngayon dahil pasado ang lahat ng mga subjects namin this school year. Sobrang saya namin dahil akala namin eh gagaguhin kami nung isang prof namin. Galit na galit sa block namin yun eh, natuklasan kasi nang mga kaklase ko na inulit niya ang finals exam from last year's batch. Eh bawal na bawal yun. Kaya nirequire nang school na gumawa siya nang bago, ayun gumawa nga ang kaso naman Sobrang hirap! Solid! Multiple choice lahat pero ang punyeta hanggang F ang choices. Nakakalito at ang hirap dahil halos may relation ang choices. Dapat talaga ay nagreview ka nang maigi. Hindi lang notes kundi maging mga lectures. Grabe. Ang akala namin eh bibigyan niya kami ng bagsak na grade or mababa. Pero sinapian ata siya nang kung anong mabait na espirito at hindi siya nang bagsak.
"Keith dalian mo naman andito na sila!" sigaw ni Yosef galing sa ilalim.
"Yan na! Excited!"
Sinara ko na yung duffel bag ko at isinukbit sa balikat. Sinuot ko naman sa leeg ang camera. Itong camera lang kasi nirequest nila na dalhin ko. Mga maaarteng lalake kasi. Paglabas ko nang bahay ay pinagmadali na nila ako sumakay sa mini tour bus. Masyado kasi kaming marami oara mag-van lang. Kinuha ni Yosef yung bag ko at isinama sa mga bag sa likod. Kaagad namang hiniram ni Raffy yung Camera at nagumpisa na ang picture taking. Ang gulo promise. Nakisali ako sa ilang shots pero matapos nun ay umayos nako nang upo. Inaatok kasi ako. Mahaba pa yung biyahe. Dadaanan pa namin yung ibang kasama kaya matutulog nalang ako.
Isang oras din siguro tulog ko. Nagising ako kasi parang may mabigat. Gagong Cholo pala. Makaakbay kasi kala ko magaan yung braso. Halos gawin akong unan. Sarap ng tulog ng unggoy kaya dahan dahan ko inalis yung kamay niya. Medyo nagugutom na din ako kaya naghanap ako nang pwedeng kainin sa bandang likod. Andoon kasi ang mga bags at mga pagkain. Bawat daanan ko tulog, mga leche. Pasalamat sila di ako masamang tao kundi talagang kukuhanan ko sila ng pictures! Eh nakakanganga pa sina Alvin at Stefan eh?! Hahahaha!
Sa mga nakita ko. Na tulog isang pares lang ang talagang napatitig ako, sina Paolo at Katherine. Ofcourse they're here. Magkakaibigan na sila eh. Even Alex is here. Nakadantay yung ulo ni Katherine sa shoulder niya. They look so perfect, gwapo at maganda. Parang sinadya ang mga itsura nila para sa isa't-isa. Bagay na bagay. Whilst looking at them a small smile crept its way onto my lips. Di ako nakaramdam ng inggito selos, actually masaya ako sa nakikita ko for them, for him. Di ko man alam kung tunay siyang masaya pero para sa akin ay masaya ako kung saan siya tunay na masaya.
...
"Keith tara na naman! Kanina ka pa nakahilata diyan ah?!"
Ingay. Parang talangkang bumubula ang bibig itong si Yosef eh. Pinipilit ako maglaro ng kung anong laro kasama nila, eh ako lang naman lagi ang taya! Ayoko ngang maburo ulit.
"Eh sa gusto ko magpaaraw. Alis diyan natatakpam mo araw!"
"Bahala ka, manchi-chiks kami!"
"The hell I care."
Pakealam ko ba kahit landiin nila lahat ng babae dito sa beach basta ako hihilata sa ilalim ng puno ng Buko dito sa beach recliner. Sarap ng huhay ko dito. Bahala silang magkanda-ugaga sa mga babae at kung ano pa. Napagod sa pagluto kanina ah?! Turn naman nila magtrabaho sa ibang gawain at bahala sila sa mga buhay nila. All I want to do is lay and chill.
After few minutes ng lubayan ako ni Yosef napansin ko na may humiga sa left side na recliner. Pagitan kasi ng mga recliners ay maliit na table kaya nung kunin ko yung juice ko doon ko lang napansin kung sino yung humiga.
"Hi." Bati niya. She smiled at me which I answered with a nod.
"Ang sarap humiga dito no, presko."
"Oo nga, di na nga ako maitayo dito nila Yosef eh."
Tumawa siya kaya napalingon ako. Naka-upo siya at nakatingin sa mga kasama naming mga unggoy na naglalaro ng volleyball.
"Sorry, nakakatawa sila tignan ano. So childish pero ang cute nila." lumingon siya sa akin. "You and Paolo were used to be lovers right?"
Nginitian ko siya. Sinuot ang Sunglasses ko at uminom ng juice.
"Yes, but then you came and he fell for you." I don't want to sound rude and bitter kaya I laughed a little. "Mas bagay kayo."
"Alam mo Keith naiinggit ako sayo."
"Bakit naman?"
"I wished he'll look at me the same way you he looks at you."
I don't how to answer. I can't find the right words to say, I was just staring at her confused until she let out a short laugh.
"Ayoko masira ang pagrerelax mo dahil sa kadramahan ko. Tutulong na muna ako sa pagluto." She stood up and about to walk away but paused and looked over her shoulder.
"You still have his heart Keith."
...
"Ang daya mo naman eh!" Reklamo ni Alvin.
"Anong madaya dun?!" Sagot naman ni Stefan.
"Ni hindi mo nga naubos yung shot oh."
"Oy oy ituloy niyo na ikot ng shot, andami pa kadaldalan eh." Awat naman sakanila ni Mikel.
"Sino nagsabing magsando at maikling board shorts ka?" Bulong ni Cholo sakin.
"Wala, mainit kaya sakto lang tong shorts ko. Ano gusto mo magpantalon ako sa beach?." Pabulong ko namang sagot.
"Nagiinit nga din ako sayo eh kaya Mag-ingat k- aray! " Binatukan ko nga. Ang bastos ng lalaking to. Mamaya may makarinig pa sa pinagsasabi niya eh.
Ang gulo talaga kapag kumpleto sina Alvin, Stefan, Mikel at Raffy talagang walang boring na minuto. Isama mo pa sina Yosef, Alex at Cholo! Sasakit ang ulo mo. Nasa may buhanginan kami ngayon at may bonfire habang umiinom ng beer. Chill lang, ito naman pinunta namin dito eh. Ang magrelax at magsaya. Walang tigil ang kwentuhan at asaran, maging ako nga di nakakalampas sa asar at pangungulit nila. May mga banat kasi nga yan na talagang ikakagulat mo minsan. Baka ikataas pa ng BP mo.
"Paolo sayo oh!" Sabay abot ni Alvin ng shot glass kay Pao.
Kanina pa sila tahimik ni Katherine, nakikinig lang sa kulitan ng grupo. Minsan babanat si Paolo. Nakakapanibago at nakakailang. Di naman ganyan dati eh.
"Sali na ako sa shot ah." Anunsiyo ni Katherine kaya naman naghiyawan ang mga gago.
Things now might be different pero alam ko na this time wala nang wall of feelings na sagabal. I can talk to him normally like as if nothing happened. It's hard to hide my emotions but it will only make things harder if I let them overcome me.
Nang maubos namin ang pangalawang bote ng tequila ay nagpaalam nang matutulog si Katherine, medyo hilo na daw siya eh kaya naman sinamahan na siya ni Paolo.
Finally I can move freely, he's been eyeing me every now and then. Medyo touchy na kasi si Cholo eh. Ang kulit kasi medyo nakainom na at ang daming binubulong na kung ano - anong kabaliwan. Nakakailang kurot, batok at mahinang suntok sakanya pero di maitigil yung malibog niyang bibig. Pero sa dami nang mga binulong niya sakin isa lang ang di ko matuguanan, yung 'I love you' niya. I don't know what to say yet.
"Bibili kami ng beer saglit." Paalam ni Yosef. "Cholo samahan mo muna ako, may sasabihin din ako sayo."
Napangisi ako nang maramdaman ko na napapisil si Cholo sa balikat ko na inaakbayan niya. Nagulat sa sabi ni Yosef eh kaya napa-Oo na lang. Nagkukulitan yung apat kaya naman ako na nagkusang kumuha nang yelo at mga baso. Nakakahiya namang istorbohin kulitan nila kung uutusan ko pa.
Pagpasok ko sa villa namin ay kaagad ko na inayos yung mga kailangan ko. Wala akong planong magtagal masyado.
"Oh tapos na kayo?" Napatigil ako nang marinig ko siyang magsalita.
"Ah hindi pa eh. Bumili pa sila ng beer. Nabitin pa sa tequila."
"Sali ako ulit. Nabitin din ako eh."
"P-pano si Katherine? Wala siya kasama."
"Tulog na siya, pwede ko naman ilock ang pinto. Nakikita ko naman yung villa kung san tayo nakapwesto kaya safe."
"Ikaw bahala."
"Tulungan na kita diyan sa dala mo."
Ang awkward ng paglakad namin mula sa Villa hanggang sa pwesto namin. Lalo pang naging awkward nang magpaalam yung apat na maghahanap daw sila ng pulutan. Nyetang mga iyon. Pinilit ko maiwan si Stefan pero ayaw naman. Tae talaga.
Ilang minutong awkward silence din bago nagsalita si Paolo.
"Kayo na ba ni Cholo?" Nakatitig siya sa bonfire kaya maayos ko siyang nakikita kahit medyo madilim.
"Hindi."
"Pero naililigaw siya?"
"Oo."
Lumingon siya sakin and nagsmile.
"Kung maging kayo man sana wag ka na kiya pakawalan. Mahalin ka niya at alagaan. Bigyan nang oras at panahon." Tumawa siya nang mahina. "Gago kasi ako eh, di kita pinahalagahan."
"Paolo tapos na iyon. Kalimutan nalang natin."
"Ganun ba kadali kalimutan iyon pra sayo Keith? Am I that easy to let go?"
"Pao naririnig mo sarili mo? Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Bakit parang ang dali mo akong pinagpalit? Parang ang bilis para sayo na makalutan lahat ng meron satin. Ang dali mong binali lahat ng pangako mo? Bakit Pao?!"
"Kaya nga nagsisisi ako eh! Ngayon ko nalaman kung ano ang tunay mong halaga, kung ano ka sa puso ko. Kung ano ang meron ako na pinakawalan ko! Ang tanga ko Keith para palawalan ang isang tulad mo."
Umiiyak ako at umiiyak din siya. Nakaingin lang ako sa bonfire habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko.
"May chance pa ba na ibalik natin ang dati?"
Tinignan ko siya at pumiling ako.
"Di ko na ba ako mahal?"
Tinignan ko muli yung bonfire. Alam ko kung ano ang sagot sa tanong niya.
"I loved you so much. Kaya nung iniwan mo ako sobra din akong nasaktan. Nalungkot ako, Oo, pero dahil akala ko may mali sakin, Akala ko nagkulang ako, na hindi ako sapat para sayo. Pero pagod na ang puso ko na maghintay, magtanong at magalit. Ang pagmamahal na meron ako para sayo ngayon ay hindi na tulad nang dati na walang bahid ng kahit anong sakit. I want us to back to friends again."
"No! Impossible yan Keith. Kahit gaano pa kaliit yang matitirang pagmamahal mo para sakin sana hayaan mo na maibalik natin yung dati."
"Ganyan ka ba selfish Paolo? Hindi mo man lang inisip sina Katherine at Cholo."
"Keith please, let me be your man again." Umiiyak niyang sabi.
"Hindi ko alam. Sa ngayon hindi ko pa kayang makipagbalikan sayo at hindi ko masabi kung makakaya ko pa ba, kunv gusto ko pa ba."
"You love him don't you?"
"Masyadong malalim ang salitang love para manggaling sayo Paolo."
"Tandaan mo Keith na ikaw pa din ang tanging laman ng puso ko. Nagkamali man ako nang iwan kuta at pinagsisihan ko iyon. Kung dumating man ang panahon na muling maging tayo sisiguraduhin ko na hinding hindi ka na muling iiyak dahil sakin."
"Sa ngayon ito na muna ang ituring nating ending ng kung ano man meron tayo. Closure kumbaga. At kung manyari man ang sinasabi mo ay ang tadahana na lang ang may alam."
Yumuko lang siya at natahimik.
"And if ever man mangyari iyon Sisiguraduhin ko na di na ako ang talo sa huli."
...
Nakahilata ulit ako malapit sa dagat. Sinusulit ko itong koting oras na makakapagrelax ako nang todo dahil mamaya e plano nilang mag-Island hopping. Sigurado lahat ng kinain ko kaninang lunch (pang kargador na rice at ulam) eh matutunaw. Andami nilang planong activities may itinerary pa ang mga jologs kaya dapat ko sulitin itong nalalabi ko na not-so-alone-time, yea di ako nag-iisa.
Ayun si Cholo at nakikipaglaro sa dalawang bata, gumagawa kuno nang samd castle.
I didn't know that Cholo likes kids, not in a pedophile way ah? Ang galing kiyang makisama sa mga bata. Dalian niyang naka-close yung mga bata na nadatnan lang namin kanina. Di kasi ako pumayag na gumawa nung sand catsle. Parang bata. First time niya sa beach kaya gusto niyang subukan ang gumawa nun di naman sa KJ ako ah, talagang tinatamad lang ako eh. I find it attractive tho, yung pagkahilig niya sa mga bata. Halatang nageenjoy siya kasama ang mga ito habang nagkukulitan sila. He'll be a good baby maker, dejoke, if ever magka-anak siya sigurado he'll be a good one if not the best.
"Kuya pinapibigay po ng Boyfriend niyo." Sabay abot nung batang lalaki nang Shell. Yung kapag itinutok mo sa tenga eh maririnig mo daw yung alon ng dagat.
"Sino?"
"Si Kuya Cholo po." Turo sa master nila. Sasagutin ko sana yung bata kaso biglang tumakbo.
Gagong iyon. Kung ano-anong pinagsasabi sa mga bata ah. Nilapitan ko nga at pinikot ang tenga.
"Para san yun?!" Asik nito. Naghagikgikan naman yung dalawang bata na parang kinikilig. Ang babata pa nang mga to ah.
"Halika nga dito 'Boyfriend' magusap tayo."
"Rob, Trish alis na muna ako ah? Maguusap kami ng Kuya niyo." Tapos ay inakbayan ako at hinalikan sa pisngi kaya lalong napahagikgik yung mga bata.
Nagbye ako sa mga bata at hinila na si Cholo.
"Kung ano ano tinuturo mo sa mga iyon. Bata yun baka nakakalimutan mo."
"Ayos lang yun, di nga sila nagtanong kung bakit magsyota tayo kahit parehong lalaki."
Aba, mukhang may nagpalaki nang tama sa mga batang iyon ah? Saludo po ako!
"Kahit na, di naman tayo magBoyfriend eh?!"
"Hindi PA pero malapit na! Hahaha" Siniko ko nalang. Wala ako masagot eh.
Bumalik na kami sa Villa para sana magready sa sinasabi nilang activity ang kaso eh di daw natuloy (yes!) ipagpapabukas nalang daw nila iyon dahil high tide, di daw kami masyadong mageenjoy. Last day na namin bukas kaya itotodo nila bukas. Mga mabisyo kasi mga kasama namin eh.
Di naman sa malisyoso ako ah, I finde Alvin and Stefan a cute couple (if ever) grabe kasi sila magkulitan at magharutan. Siguro para sakanila ay kulitang barkada lang iyon pero binibigyan ko nang kulay Hahaha! Trip ko lang ba't ba?!
Matapos namin magdinner which was late, nagenjoy pa kasi sila sa pagnonood ng City of Bones. Nagstay muna kami sa rooftop ng villa. Sky and ocean ang view namin, samahan mo pa nang malamig na hangin. Talagang ang sarap magchill. Malaki yung rooftop kaya malaya kaming nakapag sari-sariling pwesto. I'm with Cholo, talking about random things. Sinasakyan ko yung pagiging matanong niya, he's actually being sweet and hard again. Wait, it does sound green. What I mean, umiiiral nanaman yung makulit niyang pagiging sweet and yung medyo 'bastos' niya. You know, sinasamahan niya nang konting kapilyohan yung usapan namin.
"May namimiss ako." Out-topic niyang sabi. We talking about the kids earlier.
"Yung sand castle?" Sagot ko. Nagpout siya. Tss. Kala mo nakakasarapyung pagpout niya.
"Yan oh, yung labi mo. Namimiss ko yung halikan natin dati." Lumingon ako sa paligid para tignan kung may nakarinig, walang nakatingin kaya wala naman siguro.
"Bastus ka bastus. Tigilan mo nga ako Cholo."
"Keith naman, please? Mamaya pag tulog na lahat? Okaya naman unahan na natin sila sa room."
"Gutom ka pa ba?"
"Gutom sa labi mo." He said in a husky voice. s**t. That kind of voice really tells me I'm gay, coz I swear it gives me tingles!
"Bahala ka nga." Tapos tumayo ako para iwan sana kaso maliksisiya at hinila ako paupo ulit sabay pasimpleng hawak sa kamay ko.
I settled with a sigh. Dinantay ko yung ulo ko sa balikat niya. I gazed to the vast ocean and endless starry sky. I felt comfort and warm, ito ba yung contentment? Just by sitting beside him makes me feel it.
"Nakausap mo na ba siya?"
Tinignan ko siya nang nagtataka.
"Si Paolo Laurence." Tuloy niya. Halos full name ah?
"Yea. Di ko alam kung naintindihan niya yung sinasabi ko na closure samin. Sana lang."
"Is he Okay?"
Lumingon ako sa direksyon ni Paolo at Katherine, they're with the other guys.
"I think."
"Good. Nang araw na iwan ka niya ay ang huling araw na hawak ka niya. Hindi ko man matapatan yung love na meron siya sayo pero sisiguraduhin ko na kapag naging tayo araw-araw kitang mamahalin at..."
"At?"
"Roromansahin." Tumawa siya nang malakas sa sinabi niya while I was left hanged, akala ko naman seryoso?!
"Biro lang yung romansa part pero pwede ko seryosohin?" Bawi niya.
"Ewan ko sayo."
Bumalik nalang ako sa pagtitig sa mga bituin. Sarap pasabugan ng kwitis tong kasama ko. Kapal pa nang mukha para hawakan kamay ko matapos ng malaswa niyang pinagsasabi. Aba, may bracelet pa ang gago. Kala mo galing Saudi.
"Bigay nang Dad ko yan." Sabi niya sabay pakita sakin ng malapitan na kala mo ngayon lang ako nakakita ng bracelet na may nakasulat na name-
Bigla niyang binawi yung kamay niya na may bracelet. Nagulat ako, di lang sa biglang bawi niya kundi sa pangalan na makasulat doon. Tinignan ko siya at mukhang gulat din.
"Nicollo?"
End of Chapter 19