CHAPTER 2

816 Words
— BELLE POV —  I’m Belle, 23 years old, a graduating student currently taking Business Administration. I’m also attending modeling classes once a week. Sabi ng iba, masama raw ang ugali ko. And yes, I admit it—medyo totoo. I don’t really know why, pero ayoko lang talagang makipagkaibigan. I have trust issues. Minsan na akong nadismaya sa mga tao, at ayoko nang maulit pa. Kaya mas pinipili kong mag-isa. Ayokong masanay. Ayokong umasa. There is only one person I trust, and that is Jayden. He never leaves us. Even though he has dreams of moving forward with his own life, he always chooses to stay and take care of Mommy and me. Because of Mom, he became successful and well-known in the country, yet he never used that success to take advantage of others or to gain more than what he has now. Mas kilala siya bilang anak ni Mommy, habang ako ay nananatiling hindi naisapubliko. And honestly, I don’t really care about that. Pero minsan, napapaisip pa rin ako kung bakit ganito ang setup ng buhay namin. The truth is, I wear a face mask every time we go out kapag kasama ko si Jayden. Sikat siya, at ayokong mapagkamalan akong girlfriend niya. Even inside the company, hindi rin ako kilala. Sa ibang modeling agency ako nagta-train—something na hindi alam nina Mommy at Jayden. Ayaw ni Mommy na maging model ako, tulad nila ni Jayden. I don’t really understand why. Lagi niyang sinasabi na ako ang magmamana ng company, at tutulungan ako ni Jayden na patakbuhin ito. Gusto niyang dito ako mag-focus, dahil wala nang ibang maiiwan para mag-manage nito. May parte sa akin na naiintindihan siya. If I pursue my dream, baka mapabayaan ko ang company. Pero alam ko rin na kayang-kaya ni Jayden na i-handle lahat kahit wala ako. Pero sabi ni Jayden, he doesn’t want to take over the company. And I know his reason. Darating din ang araw na iiwan niya ako. May Eve na siya—ang taong makakasama niya habang buhay. At ako? Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag wala na siya. Pero… paano na lang kung mawala rin si Mommy? It’s hard to accept that mommy will only spend a short time with us. Maraming doktor na ang tumingin sa kanya, maraming tests ang ginawa, pero pare-pareho lang ang sinasabi ng lahat. The results are all the same. Unti-unti, parang gumuho ang mundo ko. Saan na ako pupunta ngayon? Ang hirap pala ng ganito. Hindi pa talaga ako handang mawala si mommy. I’m not really ready to lose her yet. Kaya araw-araw, tahimik lang akong nagdarasal—na sana magkaroon ng himala, na sana she will recover. Kasalukuyan akong nag-aantay ng bus pauwi. Nakaupo ako sa isang bench, tahimik, pagod. Hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko. “What will I do?” Mahigpit kong niyakap ang bag ko, pilit itinatago ang pag-iyak. Hindi ko napansin na lumampas na pala ang bus. “Tsk! Kainis,” inis kong sabi. “Maghihintay na naman ako ng ilang minuto.” Biglang bumuhos ang malakas na ulan. I would have called home, but my phone was already shut down. Wala akong magawa kundi maghintay. Biglang pumasok sa isip ko ang panaginip ko kagabi. I hope it comes true… I hope not. I don’t know. Ang taong nasa panaginip ko ay ang taong unang nagpatibok ng puso ko. But I have to hide how I feel because he loves someone else. What if I confess how I feel to him? Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang susunod na bus. Tahimik akong sumakay at tuluyang umuwi. Habang papasok ako ng bahay, napansin ko agad ang sasakyan ni Jayden na naka-park sa gilid ng gate. Bakit siya nandito? Biglang bumigat ang dibdib ko. Dali-dali akong pumasok ng bahay. “Mommy! I’m home!” Pero walang pumansin. Tahimik ang paligid. Mabigat ang hangin. Napansin ko ang babaeng nakaupo sa sala, kaharap ni mommy at katabi ni Jayden. Nang tumingin siya sa akin, alam ko na agad. She was probably Eve. Agad na tumayo si mommy. Halatang wala siya sa magandang mood. Ano kaya ang gustong mangyari ni mommy? Unang approach pa lang niya kay Eve, ramdam ko na agad ang lamig. Hindi maganda. Naawa ako kay Jayden. Kahit alam niyang ayaw ni mommy kay Eve, pinakilala pa rin niya. Siguro dahil mahal niya talaga. Agad ko namang sinundan si mommy paakyat ng kwarto. Bawal pa naman sa kanya ang ma-stress. Pagpasok ko sa kwarto niya, hindi niya pa rin ako pinansin. Tahimik lang siya, nakatalikod sa akin. Wala akong magawa kundi maghintay—hanggang sa tuluyan siyang makatulog. Mom, I know you want what’s best for us. But you can’t force Jayden to marry someone he doesn’t love. I want Jayden happy too, mom… but let him be happy with the person he loves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD