— JADEN POV —
I am so grateful to mommy Elsa. I never thought she would entrust the company to me. I know I don’t deserve it. But she had no choice—Belle was still too young, and someone had to take responsibility.
Mommy gave me everything. Opportunities. Trust. A future.
Except for one thing.
She already arranged the woman she wants me to marry. It was never an easy decision for me, but I know it would make her happy. And because she’s sick, I don’t want to be the reason for her stress.
Pero naguguluhan ako. Paano na si Eve? I really love her.
Unang pagkikita pa lang ni mommy at Eve, hindi na maganda ang nangyari. Kita ko sa mukha ni Eve ang hiya at sakit. At doon, ako ang mas nahirapan.
I took Eve home and apologized for what happened.
“Eve, I’m very sorry. Mommy is sick, so I can’t argue with her.”
“No, it’s okay,” sagot niya, pilit na ngumiti. “I understand. Yun nga lang, parang hindi niya lang talaga ako gusto para sa’yo.”
Kita ko ang disappointment sa mga mata niya.
“Don’t say that. Don’t worry, kakausapin ko si mommy. Sorry talaga.”
Pag-uwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ni mommy. Sakto namang palabas si Belle.
“Jaden? Bumalik ka?” tanong niya. “Tulog na si mommy.”
Sinilip ko si mommy. Mahimbing na ang tulog niya.
“I’ll just talk to her tomorrow.”
“Sorry,” sabi ni Belle. “Hindi dapat ganun ang ginawa ni mommy. Sino naman kasi ang bwesit na babaeng gustong ipakasal sa’yo?”
Napabuntong-hininga ako.
What will happen to her if mommy leaves us? What will I do then?
Hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan na lang si Belle.
“Jaden! Okay ka lang? Bakit natulala ka?”
“Wala,” sagot ko sabay pilit na ngiti. “I just noticed you’ve become a woman already. You should find a boyfriend.”
Bigla siyang sumimangot.
“Loko ka! Ayoko, noh!”
“Why? You haven’t fallen in love yet?”
“Ewan ko,” sagot niya. “Siguro na nga. I don’t know if I really like him or not yet.”
Biglang naging seryoso ang tono niya. Hindi na biro.
“Talaga? Sino ang first love mo?”
Mas mabuti siguro kung may lalaking magmamahal sa kanya ng buo—katulad ng pagmamahal na kaya kong ibigay bilang kuya.
“The man I dreamed of last night.”
Napatawa ako. "Ano? Sa panaginip mo?"
“Bakit? Anong nakakatawa?” inis niyang tanong.
“Wala,” sabi ko, sabay pigil ng tawa. Nang makita kong seryoso siya, agad akong nagbago ng tono.
“A nightmare doesn’t come true. Humanap ka ng taong talagang nag-e-exist. Yung taong magmamahal sa’yo buong buhay.”
“Tama ka,” mahina niyang sagot. “But that person really exists.”
Napaisip ako. “Really? If that guy really exists…” tumigil ako sandali. “Do I know him?”
“I don’t know,” sagot niya. “But he already has a girlfriend.”
Nagulat ako. Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend, pero naranasan na niyang masaktan.
“Naku,” sabi ko sabay himas sa ulo niya. “Huwag mo munang isipin ‘yan. Ibig sabihin, hindi kayo meant to be. Marami ka pang makikilala. Pero huwag kang magmamadali, ha? Ayokong masaktan ka.”
“Ayokong masaktan,” sagot niya, “pero feeling ko nasasaktan na ako.”
Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Lumapit ako at niyakap siya.
“Forget that person. Find a man who truly deserves your love.”
Mahal na mahal ko si mommy at si Belle. Utang ko ang buhay ko kay mommy. At gusto kong bumawi—kahit man lang kay Belle.
Pero hindi ko alam kung paano.
Hindi pa sapat ang tulong na naibigay ko sa pamamagitan ng kumpanya. Sa totoo lang, mas malaki pa rin ang naitulong ni mommy sa akin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko mararating ang mga achievements ko ngayon.
And now, I’m afraid… that no matter what I choose, someone I love will still get hurt.
“More than anything, I don’t want Belle to get hurt.”
Kilala ko siya—kilala ko siya deeply. Alam ko ang ugali niya, ang mga gusto at ayaw niya. Madalas kaming mag-away because of her pagiging suplada. Kung hindi mo siya kilala, she can be really hard to deal with. Pero nasanay na ako. And even though she’s suplada, she’s actually very sweet.
Siguro ganito ako ka-protective kay Belle dahil matagal na siyang bahagi ng buhay ko. Three years old pa lang siya noon nang pumasok ako sa pamilya nila, at mula noon, ako na ang naging kuya niya. Napakabibo niya noong bata pa siya, at nasubaybayan ko ang bawat yugto ng paglaki niya—hanggang sa ngayon, isa na siyang ganap na babae. Napakaganda ni Belle. She inherited Mommy Elsa’s beauty, and her sharp nose clearly came from Daddy Ronald.
Namatay ang mga magulang ko sa isang plane crash. They were close friends of Mommy Elsa and Daddy Ronald. Fifteen years old pa lang ako noon, and I had nowhere else to go. Without hesitation, they took me in. Inalagaan nila ako at pinaaral, loving me as if I were their own child. Dahil sa kanila, hindi ko masyadong naramdaman ang pangungulila sa mga magulang ko.
But sadly, when I was 25 years old, Daddy Ronald died in a car crash. Eight years old pa lang si Belle noon. Losing a father again broke something inside me. Masakit—sobrang sakit—na mawalan ulit ng isang ama.
Doon nagsimulang lumabas ang sakit ni Mommy. Until now, she’s suffering from a brain tumor. May taning na ang buhay niya, at alam na namin ni Belle that anytime, she could be gone too.
It hurts so much. Parang dinudurog ang puso ko sa sobrang lungkot at takot.
Because nothing hurts more than knowing you might lose the people you love—one by one.