CHAPTER 4

1246 Words
— BELLE POV — Will I ever forget the man in my dreams? How is that even possible when I see him every single day? Palagi ko siyang napapanaginipan, at araw-araw ko pa siyang nakikita. I admit, I get jealous whenever I see him with another woman. But I have no right to feel that way. May mga nanliligaw naman sa akin, pero hindi sila nagtatagal. Siguro dahil sa ugali ko. O baka dahil wala naman talaga akong nagugustuhan sa kanila. Baka kasi may laman na ang puso ko… kahit ayokong aminin. Thursday ngayon, five o’clock ng hapon. Tinawagan ko si Jayden para sunduin ako sa labas ng school gate dahil alam ko namang pupunta siya sa bahay. Ilang sandali lang, dumating na siya—kasama si Eve. I didn’t expect that. Not even a little. “Hi!” masiglang bati ni Eve habang nasa loob ng sasakyan at nakabukas ang window. Ngumiti lang ako bilang sagot. I know I should be nice to her. She’s Jayden’s girlfriend, after all. But there’s something about her that makes me uneasy. Maganda si Eve. Mayaman din ang pamilya niya, base sa mga naririnig ko. Sabi nila, gusto lang daw niyang maging independent kaya bumukod siya. Lumabas si Jayden ng sasakyan at nilapitan ako. “Belle, kakain kami ni Eve. Gusto mo bang sumama bago kita ihatid sa bahay?” Gutom na ako. Pero wala talaga ako sa mood na makasama sila. “No,” sagot ko. “Baka naghihintay na sa’kin si Mommy.” “Yes, you’re right,” sabi niya. “Ihahatid na lang muna kita pauwi.” Tumango lang ako at dumeretso sa sasakyan. My favorite spot is the front seat—but Eve was already there. “Okay lang ba na sa passenger seat ka muna?” tanong ni Jayden dahil alam niyang hate kong sumakay sa passenger seat. Tumango lang ulit ako at pumasok sa sasakyan. Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Si Jayden ay mabilis pang bumaba para pagbuksan ako ng pinto, pero nauna na akong lumabas. Napahinto siya sandali, then he gave me a wide smile. “Next time, I’ll treat you sa favorite café mo. Actually—wait. Nag-leave pala ako for two days this weekend. Sumama ka sa akin. Be prepared, okay?” He hugged me and lightly tapped my head. “We’ll go. Please take care of Mommy. Babalik din ako pagkatapos. Bye.” That’s how Jayden is. He always knows how to make things easier kapag alam niyang wala ako sa mood. Bago ako pumasok, napansin ko si Eve—sobrang nakatitig sa akin. I ignored it and walked inside. Pagpasok ko, nakita ko si Mommy paakyat ng hagdan papunta sa kwarto niya. Sinubukan kong kausapin siya, pero hindi siya sumagot. She didn’t even notice me. Did she see Eve with Jayden? Kaya siguro bad mood naman siya. Hindi ako sanay na ganito siya—tahimik, malamig, at parang galit. I had never seen her sulk this way before. Will Mommy ever change Jayden’s mind? Jayden loves Eve. At alam ko, mas pipiliin niya ito. Hindi ko na tinanong si Mommy tungkol sa babaeng gusto niyang ipakasal kay Jayden. Pero kahit ako, I won’t let her dictate who's Jayden should love. Hindi ako umalis sa tabi ni Mommy hanggang sa makatulog siya. Habang pinagmamasdan ko siya, tuluyang pumatak ang mga luha ko. Ang payat na niya. Nanghihina na ang katawan. Gamot na lang ang dahilan kung bakit siya nabubuhay. But for how long? What will happen to me without Mommy? Kinabukasan, habang nasa school ay nakatanggap ako ng message. Hindi ko inaasahan na inimbita ako ni Eve para mag-lunch. Honestly, I didn’t want to go. If it weren’t for Jayden, I wouldn’t have shown up at all. Pagkaharap namin, halata ang pilit niyang ngiti. Fake. And I have no intention of pretending either. Siguro ramdam niya na ayaw ko siya para kay Jayden. “Thanks for coming,” sabi niya, may halong pang-iinsulto. “Kahit alam kong napilitan ka lang.” “At least you know,” sagot ko. “Nakikisama lang ako sa’yo dahil kay Jayden. So tell me—ano bang kailangan mo?” “Hindi ko gusto ang nakikita ko sa inyo ni Jayden,” diretso niyang sabi. “Can you please stay away from him? Hindi naman kayo tunay na magkapatid. Hindi kaaya-ayang tingnan na may kayakap ang boyfriend ko na ibang babae.” “What did you say?” Sa sobrang galit, napabagsak ko ang kamay ko sa mesa. “Hindi mo ba narinig? O nagbibingibingihan ka lang?” I tried to calm myself. Alam kong kapag hindi ako kumalma, may masama akong magagawa. “Kaya siguro ayaw rin sa’yo ni Mommy—dahil may tinatago ka palang baho!” Tumawa siya ng malakas. “Hahaha! Malapit nang mawala ang Mommy mo. Kaya wala akong ikinababahala. Hindi magtatagal ang ina mong sagabal sa’min. At malapit nang mag-propose sa’kin si Jayden.” That was it. Tumayo ako at inihampas sa mukha niya ang plato ng cake, tapos binuhusan ko pa siya ng juice. “Nagkamali ka ng kinalaban! Buti ’yan lang ang inabot mo, bruha ka!” “Sh*t!” mura niya. “Demonyeta!” “Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin—huwag mo lang idamay ang Mommy ko!” Sinubukan niyang sampalin ako, pero nahawakan ko ang kamay niya. “Makakarating kay Jayden ang ginawa mo!” “Go ahead!” sigaw ko. “I’m not afraid!” Umalis ako bago tuluyang mawala sa sarili. Yes, I’m like this. I only fight when I know I’m right—especially when the people I love are being dragged into the mess. Sometimes I go too far, but I refuse to be stepped on. Jayden is kind. Protective sa amin ni Mommy. Never niya kami pinabayaan. Kaya sobrang sakit makita siyang napunta sa babaeng kagaya ni Eve. Gabi na ako nang naka-uwi. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako hanggang sa makarating ako sa pinto ng bahay. Jayden was there, waiting. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit—kita sa mukha niya ang worry. “Belle? What happened? Hindi mo sinasagot ang tawag ko, 8 pm na! Bakit ngayon ka lang?” Hindi na ako nakapagsalita. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit. “Belle, magsalita ka naman. Kinakabahan na ako. Ano ba ang nangyari?” Hindi pa rin ako bumibitaw. “Paano kung wala ka?” mahina kong tanong. “Makakaya ko ba ang lahat?” “Ano? Teka—may problema ba?” I wanted to tell him I wished he never had a girlfriend. That I wished it wasn’t Eve. That I didn’t want him with her. But I had no right. “Hindi kita pipilitin,” sabi niya nang marahan. “Pero please, don't make me worry.” He hugged me again. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. May sarili nang condominium si Jayden at doon na siya nakatira mga dalawang taon na dahil malapit sa work niya. Medyo malayo kasi ang company sa bahay namin at nahihirapan siya sa pagbiyahe. Every weekend lang kami nagkakasama dahil pinapasyal namin si mommy. Pero ngayon, gusto niyang makasundo ulit si Mommy—kaya dito muna siya mananatili. He is truly like a real brother to me, and he treats Mommy as if she were his own mother. He fulfills his responsibilities as a true son, and that is something I am deeply grateful for.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD