-=Michael Ethan's Point of View=- Hindi ko na namalayan kung paano at anong oras na ako nakauwi, dahil patuloy na naglalaro sa isipan ko ang panunumbat sa mga mata ng anak ni Gerardo. Of all people, bakit siya pa ang anak nang taong hinahanap ko. Kahit hindi nito sinabi kanina ay ramdam na ramdam ko ang galit nito sa akin, at naiintindihan ko naman kung bakit ito nagagalit sa akin, dahil ako lang naman angnaging dahilan kung bakit naman ang Tatay nito. Kahit ako man ay galit na galit sa sarili ko nang mga oras na ito, kung puwede ko lang maibalik ang oras ay gagawin ko, gagawin ko ang lahat para bumalik sa oras kung saan ito humihingi ng tulong sa akin, para madala ang Tatay nito sa ospital. "Napakagago mo!" galit na galit kong bulyaw sa sarili ko, patuloy ako paghampas sa ulo ko, pero

