"Zen We're Here"nagising ako sa alog ng kung sino saakin,minulat ko ang mata ko,nakita kong nag sitayuan na ang iba kaya tinanggal ko na yung seatbelt ko at kinusot muna ang mata ko bago tumayo,kinuha ko yung dalawang maleta ko sa taas at bumaba na kami sa Eroplano, hinintay ko sila Valerie At Sandie kaya hinde muna ako nakikisabay na maglakad
"Zen" napatingin ako sa boses na tumawag saakin, napangiti ako ng makita ko si Klenie at sa likod nya si Damiel, lumapit saakin si Klenie
"Oh hi klenie"bati ko kay klenie ng makalapit sya saakin, nakita ko pang nakatingin saakin si Damiel pero hinde ko na pinansin yun kay klenie nalang ako tumingin ng nasa harap ko
"Pansin ko hinde na kayo nag papansinan ni Doc.Damiel"wika nya napakunot ang noo ko, pati ba naman yun napansin nya
"Ah wala busy lang" saad ko, napatingin naman ako sa likod nya ng makita ko na sila Sandie at Valerie kasam ni Nimzie, ngumiti silang lumapit saamin
"Tara na,baka maligaw patayo dito"saad ni Milo, kaya napatango kami, at sinalubong sila Valerie kaya sabay sabay na kaming lumakad at sumunod lang sa mga nasa harap namin
Lahat ng doctor at Nurse sa iba't-ibang bansa ay pinahihiwalay,bali katulad nalang ng U.S ang kasama namin at meron pang ibang nurse at doctor,magkahiwalay ang mga parehong bansa,meron lang isang kasama hinde ko kasama sila nimzie dahil sa ibang evacuation center sila na lagay at buti nalang may kasama ako na katrabaho ko pero si Damiel nga lang at meron pang mga doctor at nurse kami g kasama galing sa bansa namin
"Hello"lumapit saakin yung isang nurse napatingin ako sakanya habang inaayos ko yung gamit ko,ngumiti ako sakanya
"Hello din"bati ko rin sakanya
"Where are you from?"tanong nya,hinde nya siguro alam na taga pilipinas lang din ako,dahil siguro sa suot ko na naka civilian ako habang sya naka lang nurse
"Philippines and From Devilla Hospital,How about you?" Tanong ko nagulat naman sya at natawa
" Pinoy karin pala pinahirapan mo pakong mag english"natatawa nya ng wika natawa din ako sakanya
"Sorry,hinde ko naman alam na pagkakamalan mo akong taga ibang bansa"wika ko na tumatawa tumawa parin sya hanggang sa may naramdaman akong may pumulupot sa bewang ko na braso napatingin naman ako dun napakunot ang noo ko
"Why are you two talking?"tanong nya habang nasa bewang ko yung braso nya pinilit kong tinatanggal yung braso nya pero mas lalo nyang hinihigpitan
"Ah, Boyfriend mo?"bulong na tanong ng nurse na kausap ko
"Hinde"tumawa sya dahil sa bulong ko,magkalapit lang kami habang si Damiel naman ay nasa likod ko na medyo malayo kaya hinde nya naririnig yung pinag uusapam namin,kumunot naman ang noo ni Damiel dahil tumatawa kami ng nurse
"Btw, What's your name?" Tanong nya. "Nag ii-mprove na ata ang pag iingles ko"
Natawa ako sa sinabi nya,tinanggal ko naman yung braso ni Damiel sa bewang ko pero ayaw nyang tanggalin
"I'm Zenria,but you can call me Zenzen"wika ko,ngumiti naman sya at nakipag shake handa din saakin
"I'm Jaime,but you can call me love,Baby,Babe,Sweety Sweetheart,Honey"napatawa naman ako sa sinabi nya
"What the hell are you saying?"tanong ni damiel,umayos naman ako ng tayo kaya magkalapit na kami habang nasa bewang ko ang braso nya
"Hell?,Impyerno oh yun"inosenteng wika ni Jaime napatawa naman ako,mas lalong nangunot ang noo ni Damiel at umiigti na yung panga
"HAHAHA,wag mo ng pansinin yan Jaime" wika ko kay jaime tumango naman si jaime at nag paalam kaya kaming dalawa nalang ni Damiel ang natira
Tinanggal ko yung braso nya sa bewang ko at buti nalang tinanggal nya kaya kaya sinamaan ko sya ng tingin tinignan nya lang ako ng nakakunot ang noo
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko
"I'm here because I'm the one who volunteer for Myanmar" wika nya
"Alam ko,ibig kong sabihin bakit ka nandito bakit hinde ka tumolong dun"turo ko pa sa labas ng tent,nandito ako sa tent na binigay saamin ng mga soldiers,sa bawat tent ay dalawang tao ang mag kasama hinde ko kilala kung sino ang makakasama ko sa tent na to
Nasa labas kasi kami kanina,kaya pumasok ako para ilapag ang gamit ko tapos sya nasa labas lang habang nakatingin saakin na kakunot ang noo
"Why are you avoiding me?"tanong nya
"Hinde kita iniiwasan,sadyang busy lang talaga ako" wika ko sakanya lumabas naman ako ng tent at sinarado yun,humarap ako sakanya, lumapit naman sya saakin
"I felt you avoid me"he said while husky voice nagulat ako ng bigla nya kong hatakin para yakapin
"I can still understand if you get angry with me but that's what I don't understand if you avoid me" saad nya pa habang yakap ako
"And why do you have to leave Nimzie and niki, is it my fault that you have to leave?"tanong nya pa,huminga ako ng malalim
"Umalis ako sakanila dahil yun ang gusto ni mama gusto nila akong bumalik sa mansion"saad ko napatingin sya saakin habang nasa bewang ko parin ang dalawang braso nya na nakayakap
"Then, why are you ignored my presence?"tanong nya pa
"Busy nga ang kulit"wika ko,huminga sya ng malalim
"I'm sorry,if you're still mad at me"hingi nya ng tawad
"Ok"tipid kong wika, niyakap nya ko at siniksik sa leeg ko yung mukha nya,pareho sila ni Xeus laging ganyan kung hinde ko lang sila kilala baka napagkamalan ko pa silang manyak
"Tara na nga, baka hinahanap na nila tayo dun, ay sandali magpapalit lang ako ng uniform" saad ko umalis naman sya sa pagkakabaon ng mukha nya sa leeg ko at dumistansya saakin ng konti tumango sya saakin bago pakawalan ang bewang ko
"Ok... I will wait here" saad nya napatango ako at binuksan ulit yung tent, pumasok nako at sinarado ulit kumuha lang ako ng uniform ko sa luggage ko at nag palit din dito, pagtapos ko lumabas agad ako at sinaradk ulit ang tent
"Let's go?" Tanong ni Damiel tumango ako, hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na papuntang evacuation center, malapit lang naman kaya mabilis kaming nakarating pagpunta palang namin nakita ko na agad ang mga nurse at doctor na nakatayo sa tapat ng sasakyan ng pang soldiers
"Some nurses and doctors will come with us to rescue those in need and the others here will ride with the other soldiers and the others will be on the other side with the soldiers as well."saad nung isang Soldiers napatango naman kami,pinaghati-hati kaming mga nurse tatlong nurse kaming kasama sa Isang Sasakyan habang Isang doctor at yung iba naman sa kabila,kasama ko si Jaime at yung isang nurse na taga ibang bansa at isang doctor
Kumuha muna kami ng mga gamit at sumakay na kami sa sasakyan, inalalayan pa kami ng Mga soldiers,pagpasok namin, bumungad agad saamin yung mga sundalo na may malalaking hawak na baril, parang namutla naman ako dun,umayos ako ng upo katapat ko yung doctor habang katabi ko si Jaime at yung isang nurse
"Nakakatakot naman sila paranv feeling ko maiihi nako sa takot" bulong saakin ni Jaime, napatingin ako sakanya kaya natawa ako napalakas pala yung tawa ko dahil napatingin saamin yung mga sundalo kaya tinikom ko yung bibig kk at bumulong din kay jaime
"Huwag ka ng magsalita baka,magulat nalang tayo bigla tayong barilkn dito"bulong ko napahagikgik sya
"Why are you two laughing?"napatingin kami sa sundalo na nasa dulo, nilamig naman ako sa sinabe nya
"Wala po" wika namin ni Jaime, kahit na hinde kami maintindihan ng lalaking sundalo
"Pinoy din kayo?"nagulat kami na napatingin sa tapat naminna katabi ng doctor
"Ah oo" wika ni jaime at tumawa kaya napakunot ang noo ng doctor siguro hinde nya maintindihan yung mga sinasabi namin
"Kala ko may lahi ka" wika nung sundalo sabay turo saakin napatawa namin kaming tatlo
"Kala mo din ako din ei"wika din ni Jaime, kaya napatawa din kami napakunot ang noo nung iba saamin, dahil kala siguro nila pinagtatawanan namin sila
"Lahat ba sila, mga may lahi?"tanong ko, napatingin naman sya sa mga kapwa sundalo nya
"Alam mo nakakatakot kayo, kala ko maiihi ako sa takot lalo na yung sa dulo, makatingin saakin kala mo kakainin ako"humagikgik kami ni Jaime at nag apir pa, feeling close kami ei
"HAHAHA,hinde yung iba kapwa pinoy natin yung iba naman mga may lahi" natatawang wika ni kuyang sundalo
"Ei yung nasa dulo, ano sya?"tanong ni Jaime
"Tao"nagulag kami ni jaime ng sumagot yung lalaking nasa dulo habang malamig ang tingin saamin,pinalo ko naman si jaime na ngayon na nangangatog na hinde ko alam kung matutuwa ako o matatakot
"Pinoy karin?"tanong ni jaime,tumango naman yun kaya mas lalong nanlamig si Jaime
"Oh gosh, jaime dapat nagdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo" bulong ko sakanya umayos naman kami ng upo ni jaime natatawa naman saamin si kuyang sundalo
"Ah eh,sino ba sya?"tanong ni jaime kay kuyang sundalo
" Si captain"wika nya "ako naman si Ron"
"Ako naman si Jaime sya si Zenria or zenzen"pakilala ni Jaime kay ron
"Ang ganda ng name mo parang ikaw"singit nung isa napangiti lang ako ng pilit,nagulat kami ng biglang may nag putukan kaya nagpanic kami ni Jaime atang mga soldiers na kasama namin
"What's happening?"rinig kong tanong ng doctor na kasama namin,kinausap naman sya ng sundalo kaya napatango sya at kumalma ng konti
Nagdadasala ako habang nakikinig ng putukan sa labas,lumabas yung captain nila at nakilag palita din ng baril,umandar yung sinasakyan namin at niliko,tumakbo naman papalapit yung captain nila habang nakikipag barilan,napahawak ako sa tenga ko dahil natatakot ako ganon din yung katabi kong nurse at yung doctor at si jaime din ganon din
Tumigil na ang putukan kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa tenga habang hawak yung medical bag,sumakay nadin yung captain nila na hingal na hingal, naramdaman kolang na huminto na pala yung sinasakyan namin, napatingin naman ako sa labas nakita ko ang mga bahay na sira-sira na at nagkukulay itim pa
Bumaba ang mga soldiers kaya sumunod kami inalalayan pa ako ni Jaime na bumaba
"Tara na zen,meron daw court dun at nandun daw yung ibang sugatan"wika ni jaime sa tabi ko tumango ako sakanya at hinds parin inaalis yung kaba sa dibdib ko dahil sa nangyaring putukan kanina
Pumunta nga kami dun sa court na sinasabi ni Jaime,bigla naman nanghina yung tuhod ko ng makita ko ang mga bata at matatanda na umiiyak,dahil sa mga sugat nila at dahil din sa takot,lumapit agad kami dun lumapit ako sa batang iyak ng iyak
"narkyin sai"iyak ng bata paulit-ulit nyang sinasabi ang katagan nayun kahit hinde ko naiintindihan alam kong sinasabi nya na nasaksaktan sya dahil sa galos nya sa braso nya na nalapnos
Pinunasan ko muna yung luha ko at umupo sa harap nya nabas ko yung pwede kong gamitin para sa sugat nya
"Shhh,don't cry I will heal your wound" wika ko pero umiiyak lang sya, nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko napatingin ako dun yung captain,trinanslate nya yung sinabi ko sa bata kaya tumahan nayung bata, sinimulan kong gamutin yung sugat nya minsan napapa sigaw pa sya dahil sa pagdampi ko ng alcohol sakanya
Pagtapos ko lagyan ng benda yung sugat nya ay lumipat naman ako sa ibang patient na umiiyak din dahil sa sakit na nararamdaman, lumapit ako sa lalaking sumisigaw dahil sa binti nya na sa tingin ko ay tama ng baril, hinde ko sya pwedeng galawin dahil isa lang akong nurse at kulang ang anesthesia na dala namin at wala rin kaming gamit
Lumapit ako kay ron na nakatingin lang saamin, napatingin sya saakin ng kalabitin ko sya
"Pwede mo bang dalhin yun sa sasakyan, dahil may tama sya ng baril at kailangan ng matanggal ng bala sa binti nya" wika ko kay ron, napatingin naman sya sa tinuro kong lalaki na sigaw ng sigaw dahil sa sakit lumapit kami dun
"Just a moment and we'll take you to the Evacuation center, can you still?"tanong ko napatingin sya saakin,at sumisigaw ng kung ano-ano hinde ko maintindihan yung sinabi nya, umalis si Ron at hinde ko alam kung saan nag punta nagulat nalang ako ng nasa harap ko na yung captain at kinausap yung lalaking sumisigaw napatango naman yung lalaki at sumenyas yung captain kaya may lumapit na dalawang sundalo at inalalayan yung lalaki na tumayo at dalhin sa Sasakyan
"Captain,dalhin nyo na po sya sa Evacuation center dahil sa tingin ko hinde nya na kaya yun dahil baka kung mapano na sya"nag-aalala kong wika sa kay captain nila, tumayo sya at humarap saakin
"Ron will take him"tumango nalang ako, tinalikuran na sya lumapit naman ako sa matanda na humihingi ng tulong dahil yung apo nya siguro napatingin ako sa hawak nya sanggol kaya dali-dali akong lumapit sakanya, at lumuhod
"What happened?" Tanong ko sa matanda habang umiiyak sya at hawak yung sanggol na namumutla
"suumasai pyeehkae sany ny k ngo hkaesai . makyaarsayyme aahkyaneaahti suu m hpyaww hpyaww hpyitnaysai . suu m mihkain nhoet twin mihkain nhoet mashisaw kyawwng suu m nhoet ko sar sout hkaerasai . shoetsaw suu m a mi swarr ninehkaesai . nhoet ko myaypone swalmaal"umiiyak nyang wika,wala akong maintindihan sakanya kinuha ko sakanya yung bata at binigyan ng oxygen dahil namumutla na yung bata,nabuhayan ako ng biglang umiyak ulit yung bata
"Can you will wait me here,I just call to soldiers"paalam ko kahit wala syang maintindihan tumango sya,binigay ko sakanya yung baby at tumakbo papalapit sa isnag sundalo
"Can you help? the old woman with the baby and take them to soldiers car because the child is hungry and has no breast milk"wika ko sakanya,tumango naman sya
"Alright,I will take them"saad nya napatango nalang ako at tumakbo ulit sa matanda na kasama yung baby kinuha ko ulit yung baby sakanya at tinulungan syang tumayo,inaalalayan ko sya habang hawak ko yung baby na umiiyak dahil gutom na gutom na, napatingin naman saamin yung captain kaya lumapit sya saamin at tinulungan yung matanda
"Cap,yung baby kailangan nya ng breast milk,at kailangan din silang lahat ilagay sa Evacuation center"usal ko napatingin naman sya saakin at tumango,inalalayan nya yung matanda na sumakay,ngayon ko lang napansin na wala sila damiel dahil nakasunod sila kanina saamin,inabot ko sa matanda yung bata na umiiyak pilit naman nyang pinapatahan