"Bakla nakita ko kasama ka sa mga Volunteer ng nurse ah para sa Myanmar"Milo said nandito kami sa Canteen kasabay nanamin si Nimzie kumain dahil kakatapos lang din ng Operation nila kanina
"Oo nga ei,kasama tayong lima sa Volunteer na nurse sa Myanmar" usal naman ni Sandie sabay inom ng tubig,kumain naman ako habang nag k-kwentuhan sila
"Nakausap mo na ba si Damiel?"bulong ni Nimzie saakin napatingin ako sakanya
" Bakit ko naman sya kakausapin?"tanong ko din
"Gaga,sya ang nag sabi saakin na makakasama tayo sa nga volunteer, alam mo ba sabi nya hinde ka daw dapat kasama pero sinabi ng daddy nya which is Doc.Devilla,na kailangan ng mga nurse na desidido na tumulong at hinde pumayag si damiel dahil daw baka kung mapano ka"bulong nya pa napatango nalang ako
"Buti nga napili akong ivolunteer para sa mga Myanmar" usal ko
"Masaya ako ng natatakot dahil hinde natin alam kung anong aabutan natin dun, at hinde natin alam kung sino ang mga kalaban ng Myanmar"saad nya
"Hinde naman ako natatakot para sa sarile ko natatakot ako para sa mga biktima ng pagpatay sa mga inosente"usal ko
"Ang alam ko bukas leave ng mga Nurse at doctor na Volunteer sa Myanmar dahil para daw magpaalam at maghanda dahil Kinabukasan ay lahat daw ng mga volunteer sa iba't-ibang hospital ay pupunta na sa Myanmar"usal ni Valerie, napatingin naman kami sakanya
"Sure ka ba dyan bakla?" Tanong ni Milo sakanya, napatango naman sya
"Uuwi ako mamaya sa bulacan para mag paalam kina inay at itay, baka kasi alam mo na kung anong mangyari sa atin dun sa Myanmar ay walang kasiguraduhan"usal ni Sandie
"Ako din mamaya pagtapos ng duty ko gora agad ako saaming tahanan"usal din ni milo
"Ikaw nim,hinde kaba magpapaalam kina tita?"tanong ko kay nimzie, napahinga naman sya ng malalim
"Hinde ko alam wala nakong pamilya at wala nading pakialam saakin sila tita kanino pako magpapaalam?"tanong nya
"kahit na bakla"singit ni Milo
" Oo dzaii kahit wala syang pake sayo mag paalam kaparin noe"wika naman ni valerie
Pagtapos namin kumain,bumalik na kami sa mga post namin habang nag lalakad ako sa hallway ng hospital nakita ko sa dikalayuan si Wayne na may kausap na Doctor na babae
"Yeah,They're volunteer in Myanmar" rinig kong wika ng doctor na babae hinde ko sya kilala pero parang isa syang Psychiatrist dahil base sa gwom nyang pang doctor na kulay Pink
At mukhang bata pa yung Doctor baka naman Girlfriend nya or Asawa,hinde ko na sila pinansin at tuloy tuloy lang mag lakad dahil may ichecheck pakong patient pinauna nako ni Doc.Ramirez dahil may kukunin lang daw sya
Naghintay lang ako sa labas ng
ER.ayaw kong pumasok habang wala si doc.Ramirez,habang hinihintay ko si Doc.Ramirez pinaglalaruan ko lang yung Records na hawak ko, habang nakayuko nagulat ako ng may nagtapik saakin napatingin ako sa harap ko, dalawang black shoes, inangat ko yung mukha ko, nagulat pako ng medyo malapit sya saakin
"I'm sorry may kinuha lang ako"saad ni Doc.Ramirez,medyo malakas yung boses nya kaya napatingin saamin sila Wayne at yung doctor
"Ok lang po doc, atsaka ayaw ko pa po pumasok habang wala ka"saad ko ngumiti naman sya sa saakin at pumasok na sa ER,ang daming patient dahil yung ibang na food poisoning kahapon na student ay nandito parin, sumunod lang ako kay doc.Ramirez dahil ako lang ang assistant nya na mag r-record kung anong sasabihin nya
Pagtapos namin icheck ni Doc.Ramirez ang mga patient sa ER lumabas na kami at bumalik ako sa Nurse Station para ilagay yung Records ng mga patient,nakasalubong ko pa si Nimzie na kasama yung ibang nurse na ka assign kasi si Nimzie ngayon sa Dental
Pagtapos ng duty ko, pumunta nako sa locker ko at kinuha yung gamit ko nag palit narin ako ng damit at tinupi ko yung uniform ko nag alcohol muna ako ini-sprayan ko din yung Uniform ko,tinanggal ko narin yung pagkakapusod ng buhok ko,sinuklay ko muna yung buhok ko na hanggang ibaba ng dibdib na medyo may pagka curly
Lumabas na ko sa Locker room habang hawak ko ang bag ko,nag off nako,at pinatawag muna ang mga napili na Ivolunteer sa Myanmar, pumunta muna ako sa Board Room,nakasabay ko pa sila Valerie at Milo sa pagpunta sa Board Room
"Good Evening Everyone"bati saamin ng Daddy ni Damiel which is Doc.Devilla,umupo kami sa mga upuan dun at si Doc.Devilla naman ay nasa gitna, yumuko kami para sa pagbigay galang
"I call all of you that I have chosen for the people of Myanmar, maybe some of you are scared because of what happened in Myanmar, I know you also know what is happening in Myanmar today, we are the Chairman of each hospital for Myanmar , we want to help Myanmar because we know many wounded and killed in Myanmar their country can no longer afford to treat the wounded because they have few supplies, we also want to send doctors and Nurses to Myanmar because we want help them" pasimula ni Doc.Devilla,napahinga naman ako ng malalim
"There are also many Volunteer Hospitals in different countries and I am happy there because many want to help the people of Myanmar, I hope you all will help the wounded Civilian"napatango naman ako kahit hinde nya nakikita
" I know there is no certainty what will happen to you in Myanmar, don't worry because you are with the Soldiers of our country, I know our country is with good hearts, so we must prove to them that the Filipino blood have a good heart especially to those in need"napangiti naman ako,dahil totoo nga kung totoo kang purong dugo na pilipino kahit gaano pakasama ng ugali ng iyong sarile ay Hinde parin mawawala ang kabutihan ng mga pilipino,namana natin ang ating kabutihang asal at kabusilak ng puso sa ating mga ninuno
"Tomorrow I will allow you all to leave,because you have the right to say goodbye to your families and because we are not sure if it will be good or bad for you to go to Myanmar, I also want to bless you all and we will pray for your safety."saad pa ni Doc.devilla,nagsimula na kaming mag dasal at pinapangunahan yun ni Nimzie dahil nag volunteer sya na sya ang mag dasal para sa kaligtasan naming lahat
Pagkalabas namin ng Board Room nakasabay ko pa si Damiel, kasama din pala syang na Volunteer para sa Myanmar, hinde ko na sya pinansin at naglakad nalang nagulat ako ng may humawak sa braso ko pagtingin ko si Nimzie lang pala kasunod nya si Milo, sandie at Valerie ngumiti ako sakanila, nakita ko pa sa dulo si Damiel na kausap ang kapwa doctor nya na babae
"Uuwi kana?"tanong ni Nimzie napatango ako
"Hinde ba obvious... Teh" pambabara ni Milo inirapan lang sya ni Nimzie
"Oo uuwi nako, kailangan ko pang mag paalam kila mama at daddy ei, atsaka ikaw uuwi kaba kila tita mo?"tanong ko sakanya at humarap na ng tuluyan
"Baka,mamaya uuwi ako baka madaling araw narin ako makauwi kasi anong oras nadin" saad nya pa napatingin ako kila Sandie
"Kayo uuwi narin kayo mamaya sa pamilya nyo?"tanong ko sakanila
"Syempre teh, saan ako uuwi sa kalsada?, Alam mo namang nakatira pako sa bahay ng parents ko"usal ni milo natawa naman ako
"Oo,baka madaling araw narin ako makauwi kasi may duty pako" usal naman ni Sandie
"Ako din, baka sabay na kaming dalawa ni Sandie dahil magkapit Bahay lang naman kami"natawa pa si Valerie sa sinabi nya kaya tumawa din kami
"Oh sge mag iingat kayo ah, kita nalang Tayo sa Airport sa next day"usal ko napatango naman sila at umalis nako, lumabas nako ng hospital at dumiretso sa Parking lot,Nag alcohol muna ako at nag spray ng alcohol sa buong katawan ko, pagpasok ko ng kotse nag spray din ako ng alcohol at binuksan yung Bintana
Nag drive nako pauwi sa mansion,isang oras lang nakauwi na agad ako pagpasok ko pinark ko agad yung Kotse ko sa Garage,humihikab nako kaya pumasok nako sa loob ng mansion,wala akong naabutan kaya panigurado mga tulog nasila dahil 11 pm na, pumunta muna ako dining at uminom ng tubig
pagtapos umakyat sa kwarto ko pagbukas ko naabutan ko na tulog si kerry sa kama ko nilapagko yung gamit ko at kumuha ng towel at pumasok sa Bathroom,pagtapos ko nagusot lang ako ng spaghetti na pantulog at naka short lang din ako ng pantulog,humiga agad ako sa kabilang side ng kama ko dahil tulog si kerry sa kabila,inayos ko muna yung comforter at nag pray at hinalikan si kerry sa ulo nya,at natulog na ko
"Dad,Gusto ko lang pong magpaalam"basag ko sa katahimikan sa dining
"What's for?"nakakunot ang noo nya
"I'm Volunteer Nurse for Myanmar"saad ko napatigil naman sa pagkain si mama at sila zeal at zerine ganon din si dad
"Myanmar?",You mean tutulong ka sa mga taga Myanmar?"tanong ni mama tumango naman ako sa sinabi nya
"Opo,napili po ako sa mga volunteer nurse para sa Myanmar,at gusto ko din pong tumulong dun"
"I understand Anak,pero alam kong alam mong delikado sa bansang yun"saad pa ni mama
"I know ma,but they're need doctors and nurses dahil nakulangan na sila ng supplies and doctors,kaya nga nag tulong-tulong ang lahat ng mga hospital sa pilipinas para tumulong sa bansang yun,Ma,alam kong nag aalala kayo pero isang buhay lang po ako,at sila marami gusto naming tumulong ma,kahit buhay pa namin ang itaya dito"desidido kong wika napahinga naman silang dalawa ni daddy
"Isang buhay kalang pero mahalaga ka saamin,Zen"wika ni daddy,kaya napatingin ako sakanya
"oo nga po mahalaga ako dad,pero mahalaga din sila"wika ko pa
" At meron naman po kaming kasamang mga soldiers wag na po kayong mag-alala"
"But We still worried"sabat naman ni mama.
"Don't worry about me Ma,I can manage myself"nakangiti kong wika ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko
"Kailan ba ang alis mo ate?"tanong ni Zeal
"Tommorow our flight in Myanmar"saad ko,napatango naman sya
"Alagaan mo yung sarile mo dun ah,wag kang mag papagutom"saad ni mama,tumango naman ako sakanya
"Is this all you will bring?"tanong ni mama,nag prisinta sya na sya na daw ang mag-aayos ng gamit ko na dadalhin
"Opo,nasa kabilang luggage ko po yung mga uniform ko at sa isa naman po yung pang civilian"saad ko tumango naman sya at inayos ang mga gamit ko,gabi na pero gusto parin ni mama na sya ang mag ayos ng gamit ko na dadalhin
"Anak,mag iingat kadun ah?,wala ako/kami dun para pagalitan ka kapag hinde ka kumakain,bsta lagi kang kakain sa tamang oras,at lagi kang magd-dasal ah?"tumango ako kay mama,yumakap sya saakin naiyak naman ako
"Ma,lagi naman akong mag-iingat dun,ikaw din ah baka kung ano man ang mangyari saakin dun,lagi mong aalagaan ang sarile mo lagi kang uminom ng gamot mo"saad ko at nagsibagsakan na ang mga luha ko,naramdaman ko din na nabasa ang banda sa balikat ko kung saan nandun ang mukha ni mama
"Shhh,Don't say that, you will return safely and we will be with you at the Airport at the same time and also go home at the same time and eat at the same time and laugh at the same time, so always be careful and don't let yourself down, always pray and be safe,mama always loves you"she cried like baby,I nodded at her,umiyak din ako na Parang bata na pagtapos mawala ay makikita ako ng mama ko at iiyak ako sakanya dahil nawala ako
"Ma,babalik ako,at kung hinde man ako bumalik lagi nyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo" saad ko,humarap naman sya saakin at pinunasan ang mga luha ko sa aking pisnge
"Iloveyou anak,ikaw ang unang nagparamdam saakin kung paano maging Isang ina,at sana wag mong iparamdam saakin na ikaw din ang unang maglalaho"naiyak ako sa sinabi ni mama
"Basta ma,lagi mong tatandaan lahat ng sinabe ko,dahil wala akong kasiguraduhan kung makakabalik pa ba ako"saad ko
"always take care ate"naiiyak na wika ni Zerine ng ihatid nila ako sa labas ng airport, yumakap ako sakanya
"Oo lagi akong mag-iingat,ingatan mo si mama ah,tawagan mo ko kung mag away ulit si dad at si kuya zeal mo"saad ko tumango naman sya at lumandas na ang mga luha na kanina nya pa pinipigilan
"Dad,wag nakayong mag aaway ni zeal ah,baka atakihin nanaamn si mama sainyo,lagi mong iingatan si mama at mga kapatid ko dad,babalik ako at kung hinde ako makabalik,lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita ikaa ang best daddy sa buhay ko"saad ko habang tumutulo pa yung luha ko niyakap naman ako ni dad na kahit hinde umiiyak alam kong nalulungkot din sya
"I always protect our family, don't worry about us, always take care love,daddy loves you no matter what happens"saad ni dad tumango ako sakanya at lumapit naman ako kay mama na umiiyak na habang kalong-kalong ni zeal
" Ma,tandaan mo lahat ng bilin ko ah,wag mong papabayaan ang sarile mo"saad ko,yumakap naman sya saakin at hinalikan ang pisnge ko
"Mahal na mahal kita..anak"saad ni mama yumakap din ako pabalik
"Zeal,wag mo ng sasawayi. Yung utos ni dad para hinde na kayo mag away at wag mong papabayaan sila mama at dad at mga kapatid natin,lagi kayong mag iingat mahal na mahal ko kayo"yumakap din ako sakanya yumakap din sya saakin,katulad ni dad hinde din sya umiiyak pero bakas ang lungkot sa mata nya
" Zed and zee,wag kayong papasaway kila mama at papa ah,lagi nyong aalagaan si kerry,coco,at Oreo"saad ko sa kambal tumango naman sila at yumakap saakin katulad namin nila mama at Zerine umiiyak din sila
"Baka mahuli pa po ako sa flight,at naghihintay na po yung mga katrabaho ko dun sa loob" paalam ko sakanila nagyakapan muna kami bago ako tumalikod sakanila,pinunasan ko muna yung pisnge ko
Narinig ko pa yung hagulgul ni mama pero kung haharap ako mas lalo ko lang papahirapan ang sarile ko,tumuloy lang ako sa paglakad papasok sa airport,pagpasok ko nakita ko na agad sila Nimzie, Sandie,,Valerie,Milo at yung ibang nurse,lumapit ako sakanila habang hila-hila yung dalawang maleta ko
"Ang tagal mo teh"pagbibirong bungad ni Milo, ningitian ko lang sya
"Kanina pa ba kayo?" Tanong ko
"Hinde naman,kakadating lang din namin,konti nalang hinihintay at sasakay na tayo sa Eroplano na pagmamay-ari ng Hospital"wika ni Nimzie napatango naman ako
"Nagpaalam kana ba sa tita mo?" Tanong ko sakanya
"Oo,pero wala silang pake saakin kaga umalis agad ako kaninang madaling araw" wika nya napatango naman ako
Naghintay lang kami ng ilang minuto at kumpleto ang lahat,nasa loob na kami ng Eroplano,katabi ko si Nimzie nasa Bintana ako kaya kitang-kita ko ang mga ulap sa himpapawid,katabi ko si Nimzie at katabi naman nya si Milo,at sa space Kila Valerie at Sandie naman,may katabi din silang isang nurse na si Klenie
3 hours and 56 minutes from Philippines to Myanmar,kaya natulog muna ako dahil wala din naman akong gagawin sa loob ng tatlong oras at naka power off ang phone ko,dahil wala namang signal sa himpapawid noe