"BIBISITA ako ulit next time. O kaya kahit makalabas na si Tito Johan," nakangiting ani Cee habang naglalakad silang dalawa ni Yohann sa labas ng hospital building. Instead of going home, she asked him to take a walk with her. Pakiramdam niya kasi, ang dami niyang dapat ipagpasalamat kay Yohann. Hindi lamang nito alam subalit ang dami nitong tulong na nagawa para sa kanya. "That's good. He will love it," mahinang anito. Huminto sila sa tapat ng isang mataas na building. Hinarap niya si Yohann at nginitian ito ng sobrang tamis. Ngayong fully charged na siya, pakiramdam niya ay magagawa niya ang lahat. Kahit ang ipaglaban si Rake. "Thank you, Yohann. Kagaya nga ng sabi mo no'n, kahit na-drain ako, mafu-fully charge rin ako. I'm now okay. Ready na ako sa laban." Umiiling-iling na ginulo

