"Watch your words if you don't want to be the first to fall into the pit than that Cervantes!" He shouted angrily—full of authority. Tulala ang lahat dahil sa isang iglap lang nasa sahig na si Willow, bagsak at duguan. Pero kahit ganoon man—pinilit ni Willow ang kanyang sarili upang makatayo. Sa kanyang pagtayo—aminado siyang nahihilo pa siya ng kaunti dahil sa lakas ng kamao ni Atticus na dumapo sa kanyang mukha ngunit matapang parin niya itong hinarap. "Then kill me! Come on' kill me! Show them all how cruel you are! Hindi ako natatakot na mamatay! Sige, hinahamon kita, patayin mo ako ngayon din!" Sigaw niya kay Atticus. Sa ilang segundo lamang' nagulat silang lahat ng makita nilang nakatutok na sa ulo ni Willow ang hawak nitong 500 smith and wesson magnum na baril. Si Teddy na kaa

