Chapter Seventeen

1450 Words
University of Makati Makati City Kaharap ni Aliah sa isang pabilog na mesa ang dati niyang propesora na si Gng. Lucia Dela Cruz o mas kilala bilang Ma’am Lot. As usual ay masayahin pa rin ito at tila hindi mauubusan ng chika. Noon pa mang nag-aaral siya ay malapit na talaga siya rito. “Ano ba talaga ang sadya mo at talagang dumayo ka pa rito sa UMak, Aliah? By the way, thank you sa coffee na dala mo kanina.” Ngayon ay serysoso na ang mukha ni Ma’am Lot. “May itatanong lang po sana ako. Is it possible na nag-e-exist po sa totoong buhay ang ability na makita ang hinaharap? Something na related sa pagiging psychic.” “Nangyari ba ito sa’yo personally?” Tumango-tango siya at saka nagkuwento ng ilang detalye tungkol sa panaginip niya. “Lately po kasi ay napanaginipan ko na namatay ‘yong dalawa kong pinsan. Isang babae at isang lalaki. Pero parang representation lang po sila. Kasi eleven days pagkatapos kong managinip ng ganoon, Ma’am Lot, namatay ang lola ko. Nalunod siya sa balon kung saan siya naglalaba. And just recently, namatay naman po ang lolo ko. Inatake siya habang may inaayos na kung ano sa puntod ng lola ko.” “Baka nagkataon lang ang nangyari sa lola mo, dear. And maybe kaya inatake ang lolo mo ay dahil sa heat stroke. Or maybe because of depression,” paliwanag ni Ma’am Lot. “Pero totoo nga kayang may mga tao na may kakayahang makita ang pwedeng mangyari sa hinaharap? Kasi pakiramdam ko po, nagkakatotoo talaga ang mga panaginip ko.” “Well, I’m not really adept with such phenomenon so I suggest that you read some writings of Dr. Jaime Licauco. He is a parapsychologist. Columnist siya dati sa isang broadsheet, but I think you can get his write-ups on the internet. Kasi, honestly, hindi agad natin mabibigyan ng kasagutan ‘yang mga tanong mo. That kind of matter should be investigated. Pwede kasi na during those times na nananaginip ka ay kasalukuyan naming may nangyayaring masama sa mga taong close sa iyo. At pwede ring iniisip ka nila prior to the incident and you were able to received their thoughts. Napansin mo naman siguro na puro relatives mo ang involved. Try to read articles about premonition and precognition.” Marami pa silang napag-usapan ni Ma’am Lot hinggil sa usaping bumabagabag sa kanya. Pero hanggang sa magpaalam na siya ay wala pa rin siyang nakuhang matibay na sagot sa mga nangyayari sa kanya. Pagkauwi niya sa bahay ay kaagad niyang hinarap ang mga articles na isinulat ni Dr. Licauco. Pero katulad kanina ay bigo rin siyang makahanap ng tiyak na eksplanasyon. Kaya sa halip na pasakitin niya ang ulo dahil sa magkakaibang artikulong binasa niya sa internet na sinulat ng iba’t-ibang tao ay nagpasya siyang ipahinga na muna ang katawan niya, pati na ang kanyang isip. Simula nang umalis siya sa Javier noong nakaraang araw ay wala pa siyang matinong tulog. Naghubad siya at nagtungo sa bathroom na nasa loob ng kanyang kwarto. Tinimpla niya ang tubig sa bathtub at saka sumampa roon. Nakaka-relax sa pakiramdam ang mainit-init na tubig ng bathtub kaya hinayaan niyang ipikit muna kahit saglit lang ang kanyang mga mata. Habang nakapikit siya ay parang may imaheng nabuo sa isip niya—it was her lolo and lola. Magkahawak-kamay ang mga ito habang nakangiting kumakaway sa kanya. Para bang ipinapaalam ng mga ito sa kanya na masaya na ang mga ito. Nang lamunin ng liwanag ang imahe ay pumalit naman ang mukha ni Yuri na nakangiti rin sa kanya. Naalala tuloy niya ang huli nilang pag-uusap bago siya umalis ng Javier. “Hindi na kita masasamahan sa pagbalik mo sa Maynila. Ngayong wala na si Lolo Felix, kailangan ko na ring bumalik sa Floridablanca. Kaya sana ay lagi kang mag-iingat dahil wala ako sa tabi mo para protektahan ka.” “Thank you. Mag-iingat ka rin palagi. At lagi mong tatandaan na masaya ako na nakilala kita. What we had is something that I will cherish forever.” Wala siyang ibang maisip na pwedeng ibigay sa binata kundi ang alampay na nasa balikat niya. Isinabit niya iyon sa leeg nito. “You keep that. Dahil babawiin ko pa ‘yan pagdating ng panahon.” “I will. Kapag kailangan mo na ‘tong shawl mo, puntahan mo lang ako sa Floridablanca.” Kasabay ng pag-ring ng cellphone niya ay ang pagmulat kanyang mga mata. Where the hell is Floridablanca? usal niya sa sarili. Bago pa man mainis sa kabilang linya ang caller niya ay tumayo na siya para sagutin ang tawag. Ang nakarehistrong caller niya ay ang family lawyer nila na naninilbihan na sa kanila noon pa mang nabubuhay ang daddy niya at hindi pa nawawala ang kanyang mommy. “Yes, Atty. Chua?” bungad niya sa abogado. “I have some matters to discuss with you. Can you meet me tonight at the Pasta Roni in BGC?” Napatingin siya sa clock na nasa loob ng banyo niya. It’s almost four in the afternoon. Marami pa siyang oras para maghanda ng sarili. “Sure. I’ll be there at seven on the dot.” Then they both hung up. Nagtaka siya kung ano ang importanteng bagay na nais i-discuss sa kanya ng lawyer nila. It must be something serious dahil hindi naman nito ugaling tawagan siya para lang istorbohin sa walang katuturang bagay. Tinapos na niya ang paliligo at naghanda na ng sarili. Quarter to six ay palabas na siya ng bahay. Pero bago pa niya tuluyang mailabas ang kotseng minamaneho niya ay nakita niyang paparating naman ang sasakyan ng Tita Vivien niya. Isang lalaking sa tantiya niya ay nasa early twenties ang nakita niyang nasa harap ng manibela ng sasakyan ng tiyahin. Nagtaka pa siya dahil ayaw na ayaw ng tita niya na ipinagmamaneho ito. Ang katwiran nito ay hindi naman daw ito lumpo para ipag-drive ng iba. Hindi na siya bumaba pa ng sasakyan at sa halip ay kumaway na lang siya sa mga ito bago pinasibat ang sasakyan palabas ng subdivision. Nauna siyang dumating sa tagpuan nila ni Atty. Chua kaya minabuti niyang mag-retouch na muna sa pinakamalapit na comfort room. Nag-a-apply siya ng lipstick nang mapansin niyang hindi pala niya naisuot muli ang dream catcher na bigay sa kanya ni Yuri. Hinubad kasi niya iyon kanina bago siya magbabad sa bathtub. Naalala niya na simula nang ibigay ni Yuri ang naturang dream catcher ay hindi pa ulit siya nagkakaroon ng masamang panaginip. Effective nga siguro itong dream catcher na ito, naisip niya. Pagbalik niya sa Pasta Roni ay naroroon na si Atty. Chua at naka-order na rin ito ng pagkain nila, bagay na hindi agad niya naisipang gawin kanina. “Ano po ang importanteng bagay na sasabihin niyo sa akin, Attorney?” “I just want to ask you kung may nalalaman ka sa bagong business ng Tita Vivien mo? Kahapon ay nag-request daw ulit siya ng isang milyon para diumano sa expansion ng money transfer business niyo.” “Hindi pa po kami nagkakausap ni Tita, pero naalala kong may nabanggit nga siya something about expansion thingy. Hindi ko lang po masyadong pinakinggan dahil hindi ko naman po talaga forte ang business.” It’s true. Hindi siya magaling mag-manage ng business nila kaya nga iniasa na niya ang lahat ng mahahalagang transactions sa Tita Vivien niya. Pumupunta lang siya sa dating opisina ng mga magulang niya kapag may kailangan siyang pirmahang mga papeles. Muling nagsalita ang abogado na isa sa pinakamalapit na mga kaibigan ng daddy niya noon. “I just think this expansion is not feasible, especially now na malaking pera ang nawawala sa kompanya niyo, Aliah. I don’t know what’s happening at kung gaano kalaki ang nawawala sa kompanya mo, but I’m looking into that. I’m asking you to take a look at this matter. And maybe your Tita Vivien can postpone the said expansion until such time na makabawi na ang kompanya.” Tumango-tango siya sa abogado. “Maraming salamat po sa concern. Huwag po kayong mag-alala at kakausapin ko po si Tita Vivien mamaya at personal din po akong makikialam tungkol sa bagay na ‘to.” Ngumiti ang abogado sa kanya. “That’s good to know. Ngayon dumako naman tayo sa good news.” Good news? Ang akala niya ay isang bagay lang ang pag-uusapan nila. May good news pa pala. “Aliah, your mom is alive.” Para iyong bomba na sumabog sa mismong harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD