Chapter Eighteen

1714 Words
April 13, 2010 It was Aliah’s fifteenth birthday. She was extra happy that day dahil nalaman niyang pupunta silang mag-anak sa Hong Kong para doon i-celebrate ang birthday niya. Pero kung kailan malapit na silang umalis ay saka naman dumating ang Tita Vivien niya na alam niyang kakagaling lang ng Paris. “Kuya, all I’m asking is a second chance. I promise, I will do better this time,” sabi ng tita niya sa kanyang ama. Dahil walang kaide-ideya sa pinagtatalunan ng mga ito ay napatitig na lang si Aliah sa dalawa at nagpatay-malisya. Binalingan siya ng daddy niya. “Aliah, pumunta ka na muna sa car. Doon mo na kami hintayin ng mommy mo.” Kaagad naman siyang tumalima sa sinabi nito. Bago pa siya makapasok sa kotse ay narinig pa niya na muling nagsalita ang daddy niya. “Ilang beses na kitang binigyan ng chance, Vivien. Ilang milyon na ang ipinahiram ko sa’yo, pero lagi ka na lang bumabalik sa akin para sabihin na nalulugi ang negosyo mo. At paanong hindi malulugi ang negosyo mo gayong lagi kang nasa ibang bansa para magliwaliw? This time ay hindi mo na ako madadala sa pagmamakaawa mo.” Isinara na niya ang pinto ng kotse kaya wala na siyang naririnig sa pinag-uusapan ng mga ito. Pero nakita niyang sinubukan pang hawakan ng Tita Vivien niya ang daddy niya, pero mabilis na iwinaksi iyon ng kanyang daddy. Pagkalipas ng ilang minuto ay sabay-sabay na lumabas ng bahay ang tatlo. Lumapit sa kanya ang tita niya at binati siya. “Happy birthday, Aliah. Enjoy your day with your mom and dad, okay?” Malungkot ang boses ng tita niya. Humalik siya sa pisngi nito at nagpasalamat. “I’m sorry for what you’ve heard earlier, hija. Alam kong close ka sa Tita Vivien mo, pero huwag sanang sasama ang loob mo kung narinig mo mang nasigawan ko siya kanina. We just have issues lately,” sabi ng daddy niya habang binabagtas nila ang daan palabas ng subdivision. “It’s okay, Dad,” maikling tugon ni Aliah. But deep inside her, it was not really okay. Ayaw niyang nag-aaway ang mga taong mahalaga sa kanya dahil nalulungkot siya. Itiningin niya ang mga mata sa labas ng bintana. Kahit papaano ay napayapa ang loob niya habang pinagmamasdan ang mga punong nadadaanan nila. Subalit halos hindi pa sila nakakalayo sa bahay nila nang marinig niyang nagsalita ulit ang daddy niya. “s**t! Hindi gumagana ang brake ng sasakyang ‘to. Fasten your—” Hindi na natuloy ang sasabihin ng daddy niya dahil nagsisigaw na ang kanyang mommy dahil makakasalubong na nila ang isang malaking dump truck na nangongolekta ng basura sa subdivision nila. Sinubukang iliko ng daddy niya ang kotse nila paiwas sa paparating na truck, pero sa ginawa nito ay bumangga naman sila sa pader ng isang abandonadong bahay. Narinig niya ang malakas na impact ng pagbangga ng kotse sa pader na iyon. Bagaman hirap na hirap ay sinubukan niyang dumilat para tingnan ang mga magulang niya na parehong nasa harapan ng sasakyan nila. Nakita niya ang daddy niya na nakayupyop sa manibela habang umaagos ang sariwang dugo sa noo nito. “D-Dad…” naiiyak na sambit niya. Nang lingunin niya ang mommy niya ay nakita niya itong nakasubsob na duguan sa dashboard. Igagalaw sana ni Aliah ang kanyang paa para tumayo nang maramdaman niyang tila may kung anong nakaipit doon. “Help! Help us!” umiiyak na sigaw niya bago siyang tinuluyang nawalan ng malay. Mahihinang katok sa bintana ng kotse ni Aliah ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa mga luhang hindi niya namalayan na kanina pa pala tumutulo habang nagbabalik-tanaw siya sa kung paano sabay na nawala sa kanya ang mga magulang niya sa mismong kaarawan niya. She’s still at the parking lot of BGC. Nang lingunin niya ang kumakatok ay nakita niya ang isang maliit na batang babae na humihingi ng limos. Naawa siya sa hitsura nito. At kahit na ang sabi ng mga magulang niya noon ay huwag siyang magbibigay ng pera sa mga pulubi at sa halip ay pagkain na lang daw, hindi niya naiwasang suwayin ang payo ng mga ito. Kumuha siya ng isandaang piso sa wallet niya at saka iyon iniabot sa batang babae na mabilis namang nagtatatakbo palayo nang makuha ang pera. Huminga siya ng malalim, saka kinuha ang phone niya at tinawagan ang malalapit niyang kaibigan na sina Marc at Allysa. Nag-conference call sila. “G-guys…” Garalgal ang boses niya nang sumagot ang mga ito sa tawag niya. “Aliah, are you okay?” nababahalang tanong ni Marc sa kabilang linya. “Oo nga, girl. You sound so sad,” sabi naman ni Alyssa. Huminga siya ng malalim bago sumagot. “My mom is alive. After four years of not hearing anything from her, we’ve finally found something that leads us to her.” “Are you sure about that, Aliah? Then, that’s good news,” sabi pa ni Marc. “Yeah.” “Nasaan na raw ang mommy mo?” ungkat ni Alyssa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Aliah nang mga sandaling iyon. Hindi pa rin siya makapaniwalang naroroon sa lugar na iyon ang mommy niya. “Sa Floridablanca.” “Floridablanca?” sabay na tanong nina Marc at Alyssa. Nag-aambang mag-unahan ang mga luha sa magkabilang mga mata niya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya noon ni Yuri. Kapag kailangan mo na itong shawl mo, puntahan mo lang ako sa Floridablanca. At ayon kay Atty. Chua, ang liham na natanggap nito kasama ang ilang pictures ng mommy niya ay nagmula sa isang Miguel Yuri Advincula. Maaaring nagkataon lang na magkapareho ang pangalan nina Yuri at Miguel Yuri na iyon. Pero parang masyado naman na yatang coincidence na sa iisang lugar din nakatira ang mga ito. “Aliah, are you still there?” narining niyang tanong ni Alyssa. “Yeah, I’m still here. Tatawagan ko na lang ulit kayo. I just need to do some things. Kailangan kong puntahan sa Floridablanca ang mommy ko.” “Kung nasaan man ang lugar na ‘yon, mag-iingat ka, girl. Kapag kailangan mo ng tulong, huwag kang mahihiyang tumawag sa amin ni Marc, okay?” “Okay.” Pagkatapos magpaalam sa mga ito ay binuhay na niya ang makina ng kanyang sasakyan. Nang makarating siya sa bahay nila ay mabilis na umibis siya ng sasakyan. Mag-aalas-onse na ng gabi kaya tahimik ang buong bahay. Tulog na marahil ang mga kasambahay niya. Aakyat na sana siya sa kanyang silid nang makita niya na bahagyang nakabukas ang pinto ng library na nasa kaliwang bahagi ng unang palapag ng bahay. Nakabukas ang ilaw noon. Parang may kung anong humihila sa kanya patungo roon. Iyon ang paboritong tambayan ng mga magulang niya noon. Pagsilip na pagsilip niya sa loob ng silid ay nakita niya ang Tita Vivien niya na pinupunasan ang portrait ng mommy at daddy niya na nakasabit sa dingding. Ang lalaking kasama nito kanina ay nakita naman niyang nakaupo sa pandalawahang sofa at may kung anong tinitignan sa cellphone nito. Agad namang napansin ng dalawa ang presensiya niya. “Aliah, hija, dumating ka na pala,” anang tita niya na lumapit sa kanya. “Have you been crying?” tanong nito. Marahang tumango siya. “Tita, buhay si Mommy.” Nakita niyang napalunok ito sa sinabi niya. Ang lalaki naman na kanina ay busy sa pagbutingting sa cellphone nito ay mabilis napabaling sa kanya. “Are you sure about that?” “Yeah. At alam ko na kung nasaan siya.” Humawak nang mariin sa braso niya ang kanyang Tita Vivien. Siguro kagaya niya ay shocked din ito sa nalaman. “Where is she? Where is your mom?” “Floridablanca. I don’t know that place tita, but I know someone who lives there.” Noon tumayo ang lalaki na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin alam ang pangalan. “I know where that place is.” Mabilis na nabaling sa lalaki ang atensyon niya. “Who are you, by the way?” “I’m Calyx. Friend ako ng Tita Vivien mo,” pakilala ng lalaki na unti-unting lumalapit sa kanya. He has a beautiful pair of eyes. “At totoong alam mo kung saan matatagpuan ang Floridablanca na tinutukoy ko?” “Yes. Katulad ng pagkakaalam ko kung sino ang ‘someone’ na tinutukoy mo na nakatira sa lugar na iyon. His name is Yuri, right?” Wala sa sariling napasinghap siya nang banggitin ng binata ang pangalan ni Yuri. Napatingin siya sa kanyang tita na seryoso pa rin ang mukha. This Calyx is telling the truth. At paano nito nalaman na kilala niya si Yuri? “Tita, pwede po bang magpasama ako kay Calyx sa Floridablanca bukas na bukas din?” Tumingin ang tiyahin niya sa lalaki. “It’s up to him kung papayag siya,” sagot ni Tita Vivien. Muling umupo sa sofa si Calyx at sinundan niya ito ng tingin. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na inis sa binata. Mukhang balak pa yata nitong magpaimportante. “Well, matagal na panahon na rin naman nang huli akong makatapak sa Floridablanca. So hindi naman sigurong masama ang ideyang samahan kita,” he said with a grin. Nainis siya pati sa pagngisi nito. But she has to admit na mas lalo itong nagiging gwapo kapag ngumingiti o ngumingisi ito. “What time should we go tomorrow? Will after lunch be fine?” tanong niya. “Nope. 8:00 P.M. I’ll fetch you here tomorrow at exactly eight. Mas maganda kung gabi tayo aalis para hindi tayo maabutan ng traffic.” “Okay.” Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Aliah at lumabas na sa library at dumiretso sa silid niya. Hindi kaagad siya nakatulog nang gabing iyon. Maraming tanong na naglalaro sa isip niya. Paano nangyari na napunta sa Floridablanca─kung saan naman nakatira si Yuri─ang mommy niya? At dapat pa ba niyang pagkatiwalaan si Yuri ngayong nagsisimula nang maging magulo ang takbo ng buhay niya? Malalaman din niya iyon sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD