Chapter Nineteen

1337 Words
Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang ilibing si Lolo Felix pero ngayon lang naisipang umuwi ni Yuri sa Floridablanca. For the past three days ay nanatili siya sa isang hindi kilalang motel sa Marilao, Bulacan. Halos kalahating oras na lang ang layo ng nasabing motel sa Floridablanca. Nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo na nabili niya sa 7-Eleven nang nakaraang gabi. Hindi naman talaga siya naninigarilyo, pero kapag ganoong nate-tense siya ay kumakalma siya dahil sa sigarilyo. Habang humihithit siya ay hindi niya maiwasang balikan kung paano siya naging parte ng buhay ni Aliah. Kung paanong hindi pa man sila nagkakakilala ay tila magkarugtong na ang mga buhay nila. It was April of the year 2010 when he first met Aliah personally. Nasa ospital ito nang mga panahong iyon. “Lola Yngrid, bakit po tayo nandito sa ospital?” nagtatakang tanong niya sa matandang umaruga sa kanya mula nang mamatay ang mga magulang niya noong labintatlong taong gulang pa lamang siya. “Nakikita mo ang batang babaeng ‘yon?” Mabilis na napatingin si Yuri sa itinurong direksiyon ni Lola Yngrid. And there he saw a girl who was lying on a hospital bed at mahimbing na natutulog. Kahit na nakapikit ang batang babae ay mabilis niya itong nakilala. It was the same girl in the picture na ipinakita sa kanya ng Lola Yngrid niya may dalawang taon na ang nakakaraan. “Her name is Aliah. At baling araw ay matutulungan ka niya.” “What do you mean, Lola?” Tinapik-tapik ni Lola Yngrid ang balikat niya. “Malalaman mo rin ang bagay na tinutukoy ko pagdating ng tamang panahon.” At noong nakaraang taon nga ay nalaman niya ang ‘tulong’ na maibibigay ni Aliah sa kanya. Papunta sana siya sa napakalaking library ng Floridablanca nang aksidenteng marinig niya na pinag-uusapan siya. Kaagad niyang nakilala ang nagmamay-ari ng boses. It was Lola Yngrid. “Yuri is going to die. He was cursed bago pa man siya maipanganak dito sa mundo. Pagsapit ng ikadalawampu’t isa niyang kaarawan ay mamamatay siya.” “Sino ang may gawa ng sumpa?” Nakilala rin niya ang kausap ni Lola Yngrid. It was Luna, one of her childhood friends. Matanda lang siya rito nang ilang buwan. At kagaya niya ay ulilang lubos din ito na inampon ni Lola Yngrid. “Hindi na mahalaga kung sino ang may gawa ng sumpa. Ang kailangan nating isipin ay kung paano natin siya maililigtas sa kanyang tiyak na kamatayan.” Nanindig yata ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang marinig ang sinabing iyon ng lola niya. He’s going to die? At mahigit isang taon na lang ang itatagal niya sa mundo? “Paano po mapuputol ang sumpa?” muling tanong ni Luna. Nanatili siya sa pinagkukubliang pinto habang patuloy na nanunubok. “There’s this girl named Aliah. She has healing powers. Namana niya iyon sa mommy niya. Sa kapangyarihang taglay ni Aliah, kaya niyang pagalingin si Yuri. Siya lang ang may kakayahang pumutol sa sumpa,” paliwanag ni Lola Yngrid. “Kung ganoon ay kukumbinsihin ko ang Aliah na iyon na pagalingin si Yuri.” “But that won’t be easy, Luna. Because for her to be able to break the curse, she has to sacrifice her own life.” Para siyang itinulos na kandila sa kinatatayuan niya. For a moment ay hindi kaagad niya naigalaw ang kanyang mga paa. Pero pagkalipas ng isang minuto ay nagawa rin niyang lumayo sa lugar na iyon. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at mabilis na nag-impake ng mga mahahalagang gamit. Pagsapit ng gabi ay lulan na siya ng kanyang second-hand Terrano na nabili niya mula sa perang nakuha niya mula sa trust fund na iniwan ng kanyang mga magulang. Nang mga panahong iyon, ang gusto lang niyang gawin ay lumayo. Habang nagda-drive siya ay wala siyang tiyak na destinasyon na maaaring puntahan. Nang gabing iyon, nagmaneho lang siya nang nagmaneho. Iyon pala ang epekto sa isang tao kapag nalaman niyang mahigit isang taon na lang ang kanyang ilalagi sa mundo. Nakakagawa siya ng mga bagay na wala sa kanyang karakter. Hindi naman ganoong klaseng tao si Yuri na bigla na lang nawawala. Hindi siya pabigla-bigla. But that night, he just wanted to get lost so he could find himself again. Sa mahigit dalawang araw na pagda-drive ay hindi niya namalayang nakarating na pala siya ng Tacloban City. He was literally shocked when he saw that huge arch saying, “Welcome to Eastern Leyte.” Nag-stopover siya sa isang kilalang fastfood restaurant at bumili ng makakain. Malapit na namang kumagat ang dilim. Mahabang oras na rin siyang nagda-drive. Pabalik na sana siya sa kotse niya nang mapansin niya ang isang matandang lalaki na nakatayo sa tabi ng highway. Naisip niyang marahil ay nag-aabang ito ng masasakyang bus. Lalampasan na sana niya ito nang mapansin niya ang hawak-hawak nitong kahon. Sa gilid ng kahon ay nakaukit ang isang pangalan na siyang dahilan kung bakit naisipan niyang lumayo muna sa Floridablanca. “Aliah,” sambit niya sa pangalang nakaukit sa kahon ng matandang lalaki. Bago pa siya magbago ng isip ay nilapitan na niya ang matanda. “Lolo, saan po ang uwi niyo?” Ngumiti sa kanya ang matanda. “Sa Javier. Ang hirap palang sumakay dito sa Palo. Mahigit dalawang oras na akong nakatayo rito pero hindi pa rin ako nakakasakay. Laging puno ang mga bus.” Bigla siyang nakaramdam ng awa sa matanda. Hindi biro ang tumayo sa gilid ng kalsada sa loob ng dalawang oras, lalo na at medyo tirik pa rin ang araw kahit malapit nang mag-alas-singko ng hapon. At mas lalo na sa edad nito. “Kung gusto po ninyo ay ihahatid ko na kayo sa pupuntahan ninyo,” alok niya sa matanda. “Hindi ba nakakahiya sa iyo, apo?” Parang may kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso niya nang marinig ang salitang ‘apo.’ “Huwag po kayong mag-alala, okay lang po sa akin.” Pumayag rin sa wakas ang matanda na ihatid niya ito sa bayan ng Javier. Nang kunin niya ang kahon mula rito ay doon lang niya natantong mabigat pala iyon. Para sa edad nito ay lalo na sigurong mabigat dalhin iyon. “Parang ang bigat po yata ng kahon na bitbit niyo, ‘Lo? Ano po ba ang trabaho niyo?” kaswal na tanong niya habang nag-uumpisa na silang bumiyahe at itinuro na sa kanya ng matanda ang daan. Dire-diretso lang daw sa national road ang dadanan nila. “Pagkakarpintero ang kabuhayan ko. Ako nga pala si Felix. Pwede mo akong tawaging Lolo kung gusto mo.” “Lolo Felix,” ulit niya sa pangalan ng matanda. And the rest was history. Dahil papagabi na nang marating nila ang bayan ng Javier kung saan nakatira si Lolo Felix, hindi na ito pumayag na bumiyahe pa siya. At dahil wala naman talaga siyang tiyak na destinasyon at magaan ang loob niya sa matanda, pumayag siyang doon na muna magpalipas ng gabi. Pero kinabukasan ay hindi rin siya nakaalis agad dahil sa pagsusungit ng panahon. At sa loob ng isang linggong pananatili sa bahay nina Lolo Felix ay natuklasan niya ang kaugnayan ni Aliah kina Lolo Felix at Lola Lucia. They are her grandparents. Parang pinagtitiyap talaga ng tadhana ang mga landas nila. Dahil doon ay naisipan niyang huwag nang umalis tutal ay nag-e-enjoy naman siya sa Javier. Tumutulong siya sa matandang mag-asawa sa kahit na anong gawain. Kaya nga nang halos magkasunod na pumanaw ang mga ito ay labis din siyang nalungkot. Katok sa pinto ng maliit na kwartong iyon ang nagpabalik kay Yuri sa kasalukuyan. Check-out time. Dinampot niya ang kanyang travelling bag at lumabas sa silid na iyon. Pagkatapos mag-check-out ay dumiretso na siya sa sasakyan niya. Pagkatapos ng mahigit isang taong paglayo ay ngayon lang ulit siya makakatapak ng Floridablanca. At sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang madaratnan niya roon. Kung welcome pa ba siya roon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD