Sa bahagyang pagtagilid ni Vivien ay nakita niya ang maamong mukha ni Calyx na nakahiga sa tabi niya. Katulad niya ay wala rin itong kahit na anong saplot sa katawan dahil katatapos lang nilang magtalik. They were both insatiable. Pagdating sa s*x ay magkasundong magkasundo sila ni Calyx kahit mas bata ito sa kanya nang pitong taon sa edad niyang trenta. Kahit na nakapikit ang binata ay alam niyang hindi ito natutulog. Umisod siya palapit dito at saka sinamyo ang natural na amoy na humalo sa pabangong gamit nito. His scent is driving her crazy. “Calyx?” Umungol lang ang binata pero hindi dumilat. “Huwag ka nang sumama kay Aliah na pumunta ng Floridablanca. Dito ka na lang sa tabi ko. If you want, we can go to Hawaii. Just don’t go with her.” Aaminin niyang may kaba siyang nararamdam

