Walang aberya na nakapasok sa loob ng Floridablanca sina Aliah at Calyx. Para pa ngang ine-expect na ng nakatalagang gwardiya ang pagdating nila. Nagpapakilala pa lang siya ay mabilis pa sa alas-kwatrong binuksan ng hindi nakaunipormeng lalaki ang napakalaking gate na nagkakanlong sa isang napakalaking mansyon. “Wow...” Hindi niya napigilang mamangha habang bumababa sila ni Calyx sa kotse. Para siyang nakatayo sa harap ng isang lumang gusali sa Athens, Greece. “Wait until you see the other parts of this mansion. Based on my research, this place has more than fifty rooms, plus a very huge library,” pagkukwento ni Calyx habang naglalakad sila palapit sa isang napakagandang pinto na bahagya lang nakasara. Hindi na sila nag-abala pang kumatok dahil ang sabi ng lalaking sumalubong sa kanila

