"Ano ang ginagawa rito ng babaeng iyan, Duncan? Bakit siya muling nandito?" Palapit pa lamang sila Helena at Duncan ay sinalubong na agad sila ng galit na tinig ni Alendria. "Ibinabalik ko lamang ang aking luna," malamig na tugon ni Duncan kay Alendria na biglang nanlisik ang mga mata. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na ibabalik mo ang babaeng iyan dito, Duncan? Alam mo na maduming babae na siya at bawal sa batas natin na maging luna ang babaeng iyan?" galit na sita pa nito kay Duncan. Bigla na lamang siyang dinaluhong ni Alendria at akmang hahawakan na siya dahil nakakapaso ang.mga palad nito ngunit mabilis na nahawakan ni Duncan ang pulsuhan ni Alendria at inikot papunta sa likuran nito. "Hindi ko kailangan sabihin sa'yo ang mga desisyon ko. Ako ang alpha kaya ako ang batas. Kung h

