3

1030 Words
“CRISOSTOMO, three points!!!” Kasabay ng pag-ugong ng buzzer na hudyat na tapos na ang laro ay naghiyawan ang maraming fans sa Cuneta Astrodome. Isang puntos ang lamang ng team nina Lemuel sa kalaban, ibig sabihin ay pasok na ang team nila sa finals. Siyempre, inaasahan na ng lahat iyon. Wala pang talo ang kanilang team at sila ang unang-unang nag-qualify para sa finals. Mayamaya pa, nakaabang na ang mga fans sa mga pauwing players. Aware doon si Lemuel kaya nagpahuli na siya sa pagsa-shower. Binagalan din niya ang kilos sa pag-asang maiinip ang mga fans at aalis na lang. Pero hanggang sa makapagbihis siya at lumabas ay mukhang hindi nabawasan ang mga nag-aabang sa kanya. “Criso, daig mo pa ang babae sa kabagalan. Mamamatay na sa excitement ang mga fans mo,” kantiyaw ng teammate niyang si Amir. Mula nang umikot ang buhay niya sa basketball ay naging pambahay na lang ang pangalan niya. Nanay na lang yata niya ang tumatawag sa kanya ng “Lemuel.” Kilala siya ng lahat bilang “Criso.” “Alam mo namang mahiyain ako, eh,” sagot niya. “Loko ka pala, eh. Alam mo bang ang iba, bukod sa laro, `yong glamour ng pagiging basketball star ang habol? Libre ang babae, pare. Sila pa ang magreregalo sa iyo, i-date mo lang sila.” “Mahirap na.” “Nasa inyong dalawa naman `yon kung gusto ninyong dumeretso sa kama. At hindi basta babae ang mga iyan, mga kolehiyala. Kung talagang sinusuwerte ka, makakadale ka ng virgin. Ako nga, nakakatatlong virgin na. Namputsa! Iba ang pakiramdam, pare! Pero parang nakakatakot din kasi baka maghabol. Pero `yon namang mga babae, parang boost sa ego nila na ang nakauna sa kanila, basketball player. Celebrity.” Ngumiti lang si Lemuel. Alam naman niya ang tungkol doon dahil ilang taon na rin siyang professional basketball player. Pero professional siya sa tunay na kahulugan ng salitang iyon—hindi niya sinasamantala ang mga pagkakataon na puwede siyang makapili ng mga makaka-date na babae. “Criso, pa-autograph!” tili ng mga fans nang makita siya. Matipid ang ngiting ipinukol ni Lemuel sa mga ito. Pinagbigyan niya ang fans at matagal-tagal ding nag-autograph at naki-picture taking. Bawat mag-abot sa kanya ng papel o notebook, kapag kinuha uli sa kanya ay may kung anu-anong isinusuksok sa kamay niya. Ang iba, mas mapangahas. Sa mismong bulsa niya pumapasok ang kamay. Mamaya pag-uwi niya, alam niyang kung anu-anong telephone number ang mababasa niya sa mga kapirasong papel na naroon. “Mauuna na ako sa inyo, Amir,” paalam niya sa mga teammate na halatang nag-e-enjoy pa sa pakikipag-flirt sa fans. Pumalatak si Amir. “Ibang klase ka talaga, Criso. Tumatanggi ka na naman sa palay!” pabulong na kantiyaw nito sa kanya. “Totoo yata ang sabi-sabi ng iba tungkol sa iyo. Bakla ka ba?” “Ulol!” naiiling na sabi niya, nagpipigil na mapikon. Binitbit na ni Lemuel ang dalang bag at lumabas na. Ang ibang fans ay sumunod pa hanggang sa sasakyan niya. Magalang naman siyang nagpaalam sa mga ito bago sumakay sa bagung-bagong pickup niya. Dinampot niya ang kanyang cell phone at nag-dial doon. “Hello, kumusta ang ipinapatrabaho ko sa iyo?” tanong niya sa sumagot sa kabilang linya. “Alam kong malaki ang California. Sa mga Filipino communities doon, wala kang napagtanungan man lang kung may nakakakilala sa kanya?” “ANO’NG problema ni Criso?” tanong ni Rusty kay Amir. Sila-silang players na lang ang naiwan doon at ang mga babaeng kasalukuyang apple of the eyes nila. “Ewan ko ba ro’n. Ilang buwan na siyang ganyan, eh. Hindi ko alam kung bakit biglang nabakla. `Buti nga hindi napikon nang tinanong ko, eh,” sagot ni Amir. “Excuse me,” sabad ng current date niya na si Irma. “Hindi bakla si Criso. Ex siya ng barkada ko, `no. At kiss and tell si Eunice. Sa mga kuwento niya, imposibleng bakla si Criso.” “Actually, hindi rin ako naniniwalang bakla si Criso. Malamang, brokenhearted `yon. Hindi ba, idinispatsa siya ni Denise?” aniya. “Aba, kung ako man, gugustuhin ko nang madispatsa ni Denise. Ibang klase ang babaeng iyon, kasal ang gusto. Aba, ang sarap ng buhay, bakit hahaluan ng ‘sakal’?” “Kaso, paano kung tinamaan nga si Criso kay Denise?” tanong ni Mickey. “Bakit hindi niya pinakasalan kung tinamaan nga siya, aber?” sabad ng partner nito na si Joy. “Baka ang kailangan lang ni Criso ngayon, ibang klaseng babae. Pumatol din naman siya sa mga kolehiyala, `di ba? Baka sawa na sa kolehiyala,” sabi naman ni Renzo. “Insulto sa amin `pag ganyan!” anang girlfriend nito. “Aba, hindi sa ganoon. Siyempre, iba-iba ang mga lalaki, iba-iba rin ang taste.” “At ano ang taste ni Criso?” “Great taste?” nakangising sabi ni Amir. “Oo nga pala, malapit na ang birthday ni Criso, `di ba? Sa palagay ninyo, ano ang ireregalo natin sa kanya? Sa Friday na iyon.” “Babae,” halos sabay-sabay na sagot ng mga ito. “Anong klaseng babae?” “Virgin?” nakatirik ang mga matang sabi ni Irma. “Ano si Criso, hari?” ani Rusty. “Suwerte naman niya. Ako nga, hindi pa nakatikim ng virgin kahit kailan.” “Virgin ako, ah,” sabi ng girlfriend nitong si Cindy. “Sa ilong saka sa tainga.” Tumawa ito pagkatapos. “Well, si Criso ang pinaka-good boy sa ating lahat. Tingnan n’yo naman, sineryoso sina Denise at Eunice. Iyon nga lang, hindi talaga nag-work ang relasyon niya sa mga iyon. I think he deserves a virgin,” sabi ni Rusty. “Para siyang santo, gano’n?” tanong ni Mickey. “Serious tayo, guys. Ano, babae ba talaga ang ireregalo natin kay Criso?” tanong ni Amir. “Why not? Siguradong hindi iyon tatanggi. Baka mabulag na siya kapag ganoon,” sagot ni Mickey. “Saka hindi naman KJ si Criso. Kung regalo sa kanya, hindi iyon tatanggi,” sabi ni Renzo. “So, anong klaseng babae?” tanong uli niya. “Virgin,” sabay-sabay na sagot ng mga babae, saka nagtawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD